logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter Three

It's been days, medyo maayos na si Aurea. Nakakapaglakad na siya ngunit kailangan niya pa ring maging maingat  dahil may sugat pa siya.
Nakaupo lang ako sa gilid ng pool habang nakalubog ang dalawang paa ko sa tubig.
"Mildred, can you do me a favor?" tanong ni Margaux habang inaayos ang isang mesa sa gilid ng pool.
Hindi ko namalayan na andito pala siya. Kung ordinaryong tao siguro baka kanina ko pa nalaman na may tao sa likod ko dahil maririnig ko iyon sa yabag ng paa nila ngunit iba kapag ang La Equipé member ang pinag uusapan. Hindi mo halos mararamdaman na nasa paligid sila.
Anong meron? Nilalabas lang naman nila 'yong mesa na 'yon sa tuwing may party or salo-salo kami.
"Sure, sige. Ano ba 'yon?" sagot ko habang hindi pa rin inaalis ang paa na nasa tubig at nilingon s'ya.
"Punta ka sa PureGold bilhin mo 'yong mga nasa listahan... wait kunin ko lang kay Boss D." Pag alis niya ay tumayo na rin ako at sumunod papasok sa loob.
Nagulat pa ako dahil halos lahat sila may ginagawa maliban kay Aurea na na naka upo sa sofa.
Anong meron? Bakit wala ata akong alam? Late lang naman ako nagising, ah.
Lumapit ako kay Aurea na hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip dahil wala itong emosyon habang may sigarilyo sa bibig.
"Anong meron? Bakit maraming pagkain? Tapos kanina nakita ko si Margaux nag aayos ng mesa roon sa pool."
"May celebration daw sabi ni Boss D. Reward daw ni Aleli dahil mission accomplised," sagot niya.
Ah...
Bakit hindi sinabi sa 'kin?
"Hindi ba sinabi sa 'yo? Sa 'kin din, e. Kaya na raw nila 'yon," dagdag niya pa.
Tiningnan ko ang kamay niya na nakalagay sa gilid ng tiyan niya kung saan siya nabaril.
Nilalamon na naman ako ng konsensya ko. Kung hindi dahil sa 'kin hindi naman siya mababaril.
"I'm sorry..."
Agad naman siyang napalingon sa 'kin at kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko.
"Don't be, it was not your fault. I would do the same if it was Margaux or Millicent."
Tinapik niya ang balikat ko at tinuro si Margaux na papalapit na sa 'min. Hindi ko na siya hinintay pa na tuluyang makalapit dahil tumayo na ako at sinalubong siya.
"Here," lahad niya ng papel kaya tinanggap ko naman iyon. "Use my jeep wrangler or Aurea's car." Binigay niya naman sa 'kin ang cash kaya tinanggap ko 'yon.
Marunong akong mag-drive ngunit ayoko lang makigamit ng hindi sa 'kin. Wala akong sasakyan dahil ayokong bumili ng sasakyan kahit may pera naman ako. Lahat ng pera ko ay naka-stuck lang sa bangko. Alam ko kasi balang araw magagamit ko 'yong pera na 'yon sa mga bagay na gusto at dapat kong gawin.
Perks of growing up with no gold spoon in my mouth. I grew up from poor family and I thank God for that. I learned to be humble and appreciate everything.
Imbes na gamitin ang sasakyan nila ay naglakad ako palabas ng mansyon hanggang sa main road at naghintay ng jeep.
Para sa 'kin mas okay pa rin sumakay ng jeep.
Hindi naman ako naghintay ng matagal dahil maya maya lang ay may jeep na akong nakita.
"Ilan dito sa isang daan?" tanong ni manong.
"Isa lang po, diyan lang sa tapat ng PureGold. Keep the change po kung walang barya."
Tuwing sumasakay ako ng jeep ay laging walang barya. Barya barya lang daw sa umaga, e, wala akong barya.
Minsan ang sama nang tingin sa 'kin ng mga tao sa loob ng jeep, siguro iniisip nila na ang yabang ko. E, sa wala talaga akong barya, e.
Agad akong bumaba nang tumigil ito sa tapat ng PureGold.
Tiningnan ko ang listahan na binigay sa 'kin ni Margaux. Ang dami!
Napakamot na lang ako sa batok ko habang binabasa isa isa ang mga nakasulat doon.
"Aray! Potang—"
Dahil hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko ay may nabunggo ako at naapakan ko pa ang paa niya.
Dahil sa hiya ay napayuko na lang ako.
"Pasensya na, hindi ko sinasadya, sorry talaga."
Banggit ko habang nakayuko pa rin. Inaasahan ko na sisigawan niya ako ngunit hindi sa halip ay nanatili itong nakatayo sa harap ko na ikinataka ko. Inangat ko ang paningin ko sa kaniya at ganoon na lang ang gulat ko nang makita ang nakangiting lalaki sa harap ko.
"Mika, long time no see! Aba, umaasenso ka na talaga, ah. Branded ang mga damit. Ikaw ha," sabi nito na sobrang saya.
Kung si Aurea, Margaux, o si Millicent siguro ang kaharap ko ay madali lang sa kanilang mabasa ang reaksyon ko. Ngunit iba sa lalaking kaharap ko dahil alam kong walang kahit anong emosyon ang makikita niya sa mukha ko.
Tinitigan ko pa siyang mabuti, mas lalong gumanda ang hugis ng katawan niya. Ang gwapo niya na lalo at halata rin ang karangyaan niya sa buhay kung manamit.
Iba na siya sa dating Rhys na kilala ko.
"Hoy! Na-starstruck ka ata sa ka-gwapuhan ko. Ano bang bibilhin mo, tulungan na kita."
Handa na akong tumanggi ngunit hinawakan niya agad ang pulsuhan ko at hinila papasok. Kinuha niya rin ang listahan na nasa kamay ko at siya na mismo ang kumuha kung ano man ang nakalagay sa listahan. Siya na rin ang nagtulak sa cart hanggang sa matapos.
"Ahm... salamat ha, pasensya ka na talaga sa nangyari kanina."
Ngumiti naman siya at nilahad ang kamay niya kung saan may nakalagay na cellphone. Nagtatakang tiningnan ko naman siya.
"Give me your number para wala ka ng atraso sa 'kin," sabi nito.
Hindi na ako nagdalawang isip na ibigay sa kaniya ang number ko. Bihira lang naman ako mag-cellphone kaya ayos lang na ibigay ko sa kaniya.
"Anong sinakyan mo papunta rito? Hatid na kita, mahihirapan kang bitbitin lahat 'yan."
Parang may bumara sa lalamunan ko dahil sa sinabi niya. Naiisip ko pa lang na magkasama kami sa iisang kotse ay halos pumutok na ang puso ko sa sobrang kaba.
Bwesit!
Hanggang ngayon ba naman hindi pa rin nawawala 'yong trauma na 'yon.
"Hindi na, salamat na lang. Kaya ko na 'to, ahm... baka ano, baka sunduin din ako kaya ayos lang talaga."
Hindi dahil sa ayaw ko kundi dahil 'yong takot sa dibdib ko na gusto kong mawala ay bumabalik. Ayoko nang bumalik sa umpisa, ayoko nang bumalik lahat ng kinatatakutan ko.
At isa pa, hindi ko naman pwedeng ibigay ang address ng mansyon ni Aleli. Isa iyon sa bawal naming gawin.
"I insist, ihahatid na kita. Hintayin lang natin ang kaibigan ko — oh, ayan na pala siya." Nilingon ko rin kung saan siya nakatingin, isang lalaki ang papalapit sa 'min.
Habang papalapit ito ay mas lalo siyang nagiging malinaw sa paningin ko.
Hindi nalalayo ang body built nila ni Rhys, sa tangkad niya ay nasisiguro kong six footer siya, at 'yung mata niya, kulay blue. Hindi ko alam kung 'yan ba ang tunay na kulay ng mata niya o katulad ko ay may contact lens din siguro ito. 'Yung aura niya, napakaseryoso ng aura niya.
"I'm sorry, I'm late. Who is she?" tanong niya kay Rhys.
Kung kanina ay halos hindi ko maalis ang paningin ko sa kaniya, ngayon naman ay halos hindi ako tumingin dahil naiilang ako sapagkat ako naman ngayon ang tinititigan niya.
Gusto ko nalang biglang umalis upang maiwasan ang mga mata niya, ang asul niyang mga mata na sobrang lamig kung makatitig.
Hindi ko gusto ang mga ganiyang titig!
"Mika, this is Connor, my friend. Connor, this is Mika, my bestfriend." pagpapakilala nito.
Nagulat ako dahil nilahad nito ang kamay niya sa 'kin. Dahil sa gulat ay hindi ako nakakilos agad. Nakatingin lang ako sa kamay niyang nakalahad at minsan ay lumilipat ang paningin ko sa kaniya ganoon na rin kay Rhys.
Wala akong balak na tanggapin iyon!
Nahalata niya sigurong wala akong balak na tanggapin kaya binaba niya ito, nakita ko pang nilagay niya ang dila niya sa kaliwang pisngi niya. Napalunok na lang ako dahil doon.
"So, ano, Mika? Hatid ka na namin? Mahihirapan ka nito," turo niya sa mga pinamili ko.
Agad naman akong umiling.
"H-hindi na, ano... susunduin ako. Mauna na lang kayo," sagot ko at pekeng ngumiti.
Walang susundo sa 'kin ngunit kailangan kong magsinungaling. Ayokong may makasabay na lalaki sa loob ng isang sasakyan!
"Huh? Anong susunduin? Sino susundo sa 'yo? Baka matagalan 'yon kaya ihahatid ka na namin. Mabait naman itong si Connor huwag kang mag alala," pamimilit niya pa.
Hindi ako umimik at iniwas na lang ang paningin ko. Paano ba ako makakatakas sa kaniya. Kilala ko si Rhys, hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya. Makulit siya!
Samantalang ang kasama niya ay nakatayo lang sa gilid niya at pinagmamasdan siyang kumbinsihin ako.
"Hindi na talaga, kaya ko—"
"If she doesn't want to, don't force her, let's go?" putol niya sa sasabihin ko at hinarap si Rhys.
Si Rhys naman ay napangiwi na lang dahil sa sinabi ng kaibigan niya. Ako naman ay napalunok dahil sobrang seryoso ng mukha niya.
"Sure ka? Concern lang ako, ang dami nito—"
"Mildred!"
Halos magpasalamat na ako sa lahat ng santo ng mga demonyo na kilala ko dahil isang demonyo ang binigay niya upang maligtas ako sa sitwasyon na 'to.
Si Rhys at si Connor ay napalingon na rin sa babaeng sumigaw. Bakas sa mukha ni Rhys ang pagtataka. Samantalang si Margaux ay naglakad na papunta sa 'min.
"Ikaw ba ang tinawag niya?" tanong ni Rhys.
Tumango naman ako at napalunok din dahil alam kong narinig niyang hindi Mika ang tawag sa 'kin ni Margaux.
"I told you to use my car or Aurea's car. Natagalan ka tuloy," sabi ni Margaux pagkalapit niya sa 'min.
Hindi ko alam kung hindi niya napansin ang dalawang lalaki sa harap ko o hindi niya lang talaga pinansin.
"Did you just call her Mildred?" Dahil sa tanong ni Rhys ay napalingon sa kaniya si Margaux na nakataas ang kilay. Hinarap nito ng tuluyan si Rhys at pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib.
"Yes, and why? Any problem with that?" mataray na sagot nito.
"Why call her Mildred? It's not her name, she's Mika, Michaela." sagot naman ni Rhys.
"Do I need to explain to you why I want to call her Mildred? If I should, then, can you explain to me also why you wanna call her Mika, Michaela, or whatever you wanna call her."
Hindi naman nakasagot si Rhys dahil sa sinabi ni Margaux kaya inirapan siya nito at bumaling ulit sa 'kin.
"Let's go?" tanong niya sa 'kin at tumango naman ako. Bumaling ulit siya kay Rhys. "Are we done? Can we go? If you have a question don't hesitate to ask me," sabi nito at ngumiti pa na nang aasar.
Kinuha na ni Margaux ang mga pinamili ko at dinala ang mga ito sa kotse niya. Si Rhys naman ay hindi makapaniwalang napatahimik siya ng isang babae. Ang kasama niya naman ay seryosong nakatingin sa 'kin na para bang may napakalaki akong ginawang kasalanan sa kaniya.
"Mauna na kami, Rhys. Ingat kayo pauwi," pagpapaalam ko.
Masyado atang nasaktan ang ego niya dahil sa pagpapatahimik ni Margaux sa kaniya. Nakatingin lang ito kay Margaux na nasa sasakyan nito. Hindi na ako naghintay sa sagot niya at binitbit na ang natirang mga pinamili ko at nilagay sa loob ng sasakyan ni Margaux.
Pag alis namin ay hindi pa rin nakaka alis si Rhys at si Connor sa pwesto nila.
Napabuntong hininga na lang ako dahil sa nangyari.
"Thank you," baling ko kay Margaux na nagmamaneho.
"For saving your ass from them?" tanong niya at tumango naman ako. "That was nothing. I enjoyed saving your ass anyway," sagot nito na may ngiti sa labi.
Naguguluhan naman ako dahil sa sinabi niya ngunit ng maalala ang nangyari sa kanila ni Rhys kanina ay hindi na ako nagtanong.
Si Rhys siguro ang kauna-unahang sumagot kay Margaux na napatahimik niya. Kung si Millicent kasi ay hindi niya mapapatahimik 'yon. Baka sa halip na tumahimik ay lalo pang lumala ang sitwasyon.
"Gusto mo siya?" tanong ko dahilan upang mapalingon siya sa 'kin.
"Ofcourse not, he's not my type and will never be. Mas bagay kayo," sagot niya.
Ako naman ngayon ang napalingon sa kaniya. Kami? Bagay kami? Malabo naman ata 'yon.
"Malabo 'yang sinasabi mo. Malabong maging kami dahil kaibigan ko siya," mahinahon na sagot ko.
Mas lalo akong nagtaka noong tumawa siya.
"Sabi ko bagay kayo, but I never said na magiging kayo. Why so defensive? You like him?"
Hindi ako nakaimik at binaling na lang ang atensyon sa bintana. Ramdam ko ang pag init ng pisngi ko at siguradong namumula na ngayon dahil sa hiya na ikinatawa niya pa lalo.

Komentar Buku (24)

  • avatar
    Montaner Jr Roger

    🤭🤭

    24/07

      0
  • avatar
    Jamyca Pagaduan

    jkk😏

    04/07

      0
  • avatar
    Heart Abaja

    this is so wild

    03/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru