logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 2: The Salcedo's history

"Pst! Ikaw ba ang anak ng bagong lipat sa bahay na iyon?" ani sa akin ng isang grupo ng mga babae at ilang lalaki.
"Kagabi lang kayo nakalipat?"
"Alam n'yo na ba ang history ng bahay na iyan?"
"Yes, bakit?" I nodded. They stared at me- ridiculously.
"Mag-iingat ka ang ganda mo pa naman," sinserong sabi ng isang lalaki sa bandang likuran ng babaeng nagtanong sa akin.
"What do you mean?" hindi ko na naiwasan pang maguluhan sa sinasabi nila.
"By the way, I'm Ria. They are my friends slash partner in crime to all of our teachers since elementary, Jamaica, Trixie, Jasmine, Alex, Joshua and Markey. It's nice meeting you?"
"Aileen. Aileen Delos Reyes. And it is my pleasure to meet all of you guys!"
"Are you high school student?"
"I'm already graduate,"
"Oh, nice! So, dito ka-"
"Siguro?"
"Nga pala, kung may kailangan ka don't hesitate to ask us. We are willing to help you, Aileen. So, mauna na kami ingat kayo ng family mo," ani Jasmine sa makahulugan tinig nito. Tumingin pa sa akin si Joshua bago ako talikuran.
Pabalik ako ng bahay nang makita ko ang magkakaibigan na iyon. Taga-rito siguro sila kaya alam ang tungkol sa bahay kung saan kami ngayon nakatira. Impiyernes, guwapo 'yung tatlo pero maganda naman ang babaeng iyon.
"Aileen!" sigaw ng isang babae mula sa likuran ko.
"Bakit kayo napabalik?" aniko sa mga naghahabol-hiningang magkakaibigan.
"Nakalimutan naming itanong kung ano ang name mo sa social media. If you don't mind, can we be mutual?" ani Jamaica.
"Sure. Aileen DR ang name ko sa facebook,"
"Paki-accept na lang kami mamaya if nakapag-online ka na. From now on, we're friends already. Kaya huwag kang mag-alala, narito kami," nakangiting sabi ni Ria.
Narito ako ngayon sa kwarto ko- scroll up and down ang pinagkakaabalahan. Bago pa man din ako maka-akyat rito, narinig na naman ng dalawa kong mga tainga ang pag-aaway nina Mama at Papa. Lumayo ako sa kanila para hindi mapag-initan ng ulo ng reyna ng bongangera. Ayoko pa naman sa talak ng talak, ang ingay kaya kasi nila 'no?
"Ria Mendiolla added you to the group."
"Welcome sis Aileen!"
"Welcome."
"Welcome Aileen!" sunod sunod nilang chat. Galit pa yata si Joshua sa pagwelkam niya sa akin. Period talaga? Wow!
"Thanks!" tipid kong reply sa mga ito. Nag-off ako dahil tinatawag ako ni Papa at tsaka ayoko makausap sila sa totoo lang.
"Kapagod magligpit ng kalat ng iba ah." Pagre-reklamo ko kay Papa.
"May karapatan ka pang magreklamo riyan. Kung ako kasi sa'yo, tumahimik ka at gawin ng walang ingay ang ginagawa mo. Magta-tanghali na hindi pa nakakapagluto ng pagkain." Ani Mama nang mapansin akong nakakunot noo.
"Ako na ang bahala magluto," ani Papa.
Halos alas-onse na kasi kaya nag-iingay na naman si Mama. Agad na nagpunta si Papa sa kusina para magsimulang magluto ng pananghalian namin. Usual, kasama ko na naman si Mama dito sa sala.
"Puntahan mo nga kung sino ang kumakatok." Ani Mama nang marinig niyang may tao sa pintuan.
"Magandang umaga. Anak ka ba ng lumipat?" anito habang nakangiti.
"Opo, sino po sila?"
"Ako pala si konsehala Emiliana isa sa mga konsehal sa lugar na 'to. Pwede bang pumasok?" she said. I noticed na may mali sa tingin ng mga kasama niya but I still ignored it wala naman kasi sigurong kwenta ang mangi-elam sa buhay ng iba.
"Mama, si konsehala Emiliana," itinuloy ko ang ginagawa ko kanina. Umupo sila sa sofa at nag-usap. Hindi ko naririnig kung ano at saan patungkol ang kanilang topic dahil masyado akong malayo sa kanila.
"Aileen. Aileen, kumuha ka nga ng maiinom sa kusina. Buksan mo na rin ang tinapay na binili ko kanina," pag-uutos ni Mama. Impiyernes, ang hinahon ni Mama magsalita sa harapan ni konsehala ah. Parang gusto ko na lang tuloy na palagi siyang nandito para walang ingay sa bahay na 'to.
"Tinapay po kayo muna," aniko as I putted down the tray of juice and bread on the table.
"Salamat hija," ani konsehala. Nakatayo ako sa tabi ni Mama para makinig sa usapan.
"Nakuwento na ba sa inyo ni Mang Pedro kung sino ang dating may-ari ng bahay na ito?" hindi naman sa praning ako pero nahalata ko nang biglang magtinginan ang mga kasama ni konsehala Emiliana.
"Si Madam Esther," napa buntong-hininga si konsehala bago nagsalita.
"Si Esther. Naging kaibigan at kumare ko siya noong naririto pa ang mag-anak na iyon. Halos sampong taon na rin na mabakante ang bahay nilang ito. Naalala ko pa tuloy kung paano sinumulan ang pagpapagawa rito at kung ano ang disenyo nito. Mabait at mapagbigay si Esther sa iba kaya siguro nagustuhan siya ng mga taga-rito para ipanlaban bilang konsehal. Siguro hija ka-edad mo ang lalaking anak ni Esther?" agad itong napalingon sa kinatatayuan ko habang sinasabi ang huling sinabi niya.
"Eighteen pa lang po ako," aniko at napalingon na lang ako sa gawing pintuan dahil may kung ano akong nakita roon pero dahil wala akong paki-elam, hindi ko na nilapitan at nakipag-tsismisan na lang ako kay konsehala.
"Matanda pala sa'yo ang batang 'yon. Si Alice at John, kay-babait na bata," pagpupuri niya sa dalawang magkapatid. Ngumiti ang mga ito pero saglit lang.
"Pero unti-unting nagbago si John nang mamatay ang Papa niya. Ang dating ganda at aliwalas ng bahay na ito, nawala nang mamatay si Erick. Naging independent na bata si Alice. Halos dalawang linggo lang ang nakakaraan, biglang nawala at walang sinoman ang nakakita kay Esther. Ang sabi sabi, naglayas raw at tinakasan ang mga tsismis tungkol sa kung paano namatay si Erick. Ang iba naman, nabaliw at nagpakamatay pero walang bangkay ang nakita. Ang batang si Alice, sumama sa Lolo at Lola niya sa America habang si John bigla na lang ding naglaho, 'ni hindi nga rin alam ni Alice kung nasaan ngayon ang kapatid kung bahay pa ba ito o hindi na. 'Ni kahit ang mga kaibigan niya hindi nila alam kung nasaan si John. Kaya nang wala ng balita sa mag-ina, nagkaroon na ng iba't ibang kwento at tinawag ang bahay na ito na the haunted at the abandoned house dahil sa nakakapanindig balahibong sigawan sa loob ng bahay. Sa tuwing sasapit daw ang gabi, may nakikita raw silang anino ng isang tao pero kapag pinasok ito sa umaga walang kahit isang tao ang nakikita. Si Mang Pedro, hindi naniniwalang may kababalaghan sa bahay na 'to. May nagsasabi pa nga na, may naririnig daw silang sigaw ng isang babae- nanghihingi ng tulong pa raw pero dahil sa hindi naniniwala ang iba, hindi na lang nila pinansin pero iniwasan lang nila ang mapadaan sa loteng ito. Imposible namang si John ang anino na nakikita nila, dahil walang pagtataguan ang bata na iyon sa bahay na ito sa loob ng sampong taon dahil araw araw itong nililibot ng mga tanod. May permiso ang barangay kay Alice na parati itong iche-check ng tanod para walang mawala. Kaso habang tumatagal, napapabayaan na rin ni Mang Pedro dahil may pamilya siyang dapat buhayin buntis pa naman ang asawa niya," napaisip na lang ako sa sinabi ni konsehala tungkol aa buntis ang asawa ni Mang Pedro. Ang sabi ng matanda...ay ewan parang may mali sa kwento nitong konsehala na ito.
"Hindi naman sa tinatakot namin kayo pero, lakasan n'yo na lang ang mga loob n'yo habang narito kayo sa bahay na 'to. Ako bilang konsehala at kaibigan ni Esther, sasabihin ko na sa inyo bago kayo makarinig mula sa iba. Maniwala kayong walang namatay sa bahay na ito. Huwag n'yong paniniwalaan ang kwento-kwentong bayan tungkol sa bahay na ito," napadakot na lang ito nang sabihin ang mga iyon.
"Nakasabit pa pala ang litratong iyon?" pagtuturo nito sa litratong nakasabit sa pader papuntang second floor.
"Kasama ako sa dinaluhan ni Esther sa okasyong ito. Binigyan siya ng sertipiko bilang isang napakabuting tao dahil isa siya sa mga tumutulong kapag binabagyo ang lugar na 'to. Walang makakapantay sa kabutihan niyang loob kaya hindi na rin maiwasang magkagusto sa kaniya ang ilang kalalakihan rito kahit alam nilang may asawa siya. Sa totoo nga lang, kung lalaki lang rin ako, siguradong magkakagusto ako sa kaniya," pabiro pa nitong sabi bago umupo uli sa sofa.
"Tatanggalin n'yo ba lahat ang mga gamit dito?" seryosong pagtatanong ni konsehala kay Mama pero napatawa na lang ito sa narinig.
"Oo eh. Hindi kasi kami mahilig sa mga sabit sabit sa pader lalo na kapag sementado ang bahay. Kaya hanggang ngayon hindi pa kami tapos magligpit," ani Mama rito.

Komentar Buku (350)

  • avatar
    Mary Grace Panaligan II

    Galing! worth it to read

    22/04/2022

      4
  • avatar
    Jecard Pamoso

    nice movie broo

    30/03

      0
  • avatar
    Ramcir Ragual

    so sweet

    26/03

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru