"Seryoso ba kayo? Titira tayo sa haunted house?" Narito kami sa harapan ng bahay na lilipatan namin. Ang pinaka scary na bahay na nakita ko sa buong buhay ko. Walang ilaw sa loob at tanging sa poste ng gate lang ito may liwanag. "Victorina, seryoso ka ba sa desisyon mong ito? Dito mo ililipat at ikukulong ang anak natin? Nasisiraan ka na ba ng ulo?" "Usual, kailan ba naging seryoso si Mama sa mga desisyon siya?" I opened my cellphone to check my messenger but damn, walang kasi-kasignal sa lugar na ito. "Tumahimik nga kayo riyan. Maganda ang loob ng bahay, mura ang renta at konting ayos lang sa mga pader at sahig, magmu-mukhang bago na ulit siya. Huwag nga kayong mag-inarte riyan." "Oh nariyan na pala ang caretaker ng bahay," pagtuturo nito sa isang lalaking 'di gano'n katanda na papalapit sa amin. "Sumunod kayo sa akin," anito. Tumindig ang mga balahibo ko nang makapasok kami sa loob ng bahay. Hindi gano'n kalakas ang ilaw, hindi nito sakop ang kusina. Ang sabi ng matanda, palitin ang ilaw sa bandang kusina at banyo sa first floor nitong bahay pero maayos ang mga ilaw ng tatlong kwarto. Sa totoo lang, kung hindi mukhang haunted house itong bahay, magugustuhan ko siya dahil sa maluwang at kakaiba ang mga painting sa pader, 'yon nga lang medyo sira sira na ang pintura. "Kanina pa ako naghihintay sa inyo dahil ang sabi n'yo mga alas-kwatro ay narito na kayo," "Medyo traffic po kasi kaya ginabi na," "Pinaayos ko ang isang kwarto rito sa baba kung sakaling hindi na kayo makapag-ayos pa. Ipagpabukas n'yo na lang ang paglilinis ng bahay. Tulad ng sabi ko, may dalawang kwarto sa itaas, may sari-sariling banyo rin ang mga iyon. Sa bandang kusina, may isang banyo rin doon at sa kwarto dito sa baba ay may banyong sarili. Ang dating may-ari kasi nito ay maalaga sa mga gamit ng pamilya niya. Kahit minsan hindi sila nagkaroon ng problema sa paga-asikaso sa mga gamit. Noong matapos nga it9ng ipagawa, maraming kapitbahay ang lumilibot para tingnan at bisitahin ang mga disenyo ng bahay. Naging malapit ang loob ni Madam sa mga kapitbahay niya, hindi sila nawawala kapag may okasyon sa bahay na ito. Naging amigas niya ang mga konsehala at mayora rito. Sa sobrang bait ni Madam sa tagarito, inimbitahan na siyang tumakbo bilang konsehala kaso si Madam na ang mismong umayaw dahil hindi daw para sa kaniya ang politika," napatango na lang si Mama sa pagku-kuwento ng matanda habang si Papa ay nililibot ang mata sa itsura ng bahay. "Nasaan na po ang dating may-ari ng bahay?" ani Mama habang nakatingin sa isang litratong nakakabit sa pader sa harapan namin. "Walang nakakaalam kung nasaan na ngayon si Madam. Siya nga pala si Madam Esther, si señorita Alice at si señorito John. Noong una, palagay naman ang loob ng dalawa niyang anak sa lugar na 'to hanggang sa dumating ang hindi inaasahan ng lahat. Walong taong gulang si señorito John nang mamatay ang kanyang Ama. At nang mangyari iyon, tila isang bangungot para sa señorito ang magising sa umaga. Isa akong hardinero sa bahay na 'to kaya sa akin binilin ang pag-aalaga sa bahay pero dahil sa tumatanda na ako at may pamilya akong binubuhay, kailangan kong maghanap ng trabaho. Dalawang beses sa isang buwan ko na lang ito nalilinisan," "Sino po ang gumagastos pang-bayad kuryente kung hindi n'yo alam kung nasaan na ang dating may-ari na si Madam Esther?" deretsahang pagtatanong ni Mama. "Si señorita Alice," tipid nitong sagot. "Mang Pedro, tanong ko lang po. Ilang taon na ganito ang bahay? I mean, ilang taon ng walang nakatira rito?" ani Mama sa matanda. Umiling-iling ito bago sumagot kay Mama. "Halos sampong taon na rin. Sa sobrang tagal na walang tumitira rito, ang ilang taga-rito ay tinawag na itong abandonadong bahay. May sabi sabi pa nga na, haunted house ito," "So, it means may multo po rito?" matawa tawa kong tanong sa kaniya. "Pati ba naman ikaw hija, naniniwala sa mga gano'ng kwento? May nakakapagsabi na haunted house ito pero wala 'ni isa ang nakapagpatunay na may kababalaghan sa bahay na 'to," sinserong pagpapaliwanag nito. "Ilan taon na po si señorita Alice?" pagsingit ni Papa. "Kung hindi ako nagkakamali, nasa twenty-seven si señorita Alice at si señorito John naman ay twenty-two," sagot ni Mang Pedro. "Oh siya, iwan ko kayo at maaga pa ang trabaho ko bukas," anito. Napansin kong nanginginig ang mga paa niya nang marinig ang isang mahinang sigaw mula sa isang parte ng bahay. I ignored Mang Pedro at ang sigaw na narinig ko. Hindi na kami nag-ayos ng mga gamit dahil masyado nang gabi. Tamad pa naman ako kapag gabi lalo na walang gaanong malakas na ilaw. Tulad ng sabi ni Mang Pedro, malinis ang kwarto rito sa baba. Maluwang naman ang kama pero mas pinili ko na lang matulog sa sofa sa sala. Ayokong katabi sina Mama at Papa hindi dahil dalaga na ako, kung 'di ayoko lang talaga. Nang makahiga ako sa sofa, sunod sunod na mga sigaw ang aking narinig. Isang boses ng babae na tila katabi ko lang siya. I took my earphone and I play music with high sound not just because I'm scared but music is my sleeping pills anyway. Halos alas-nueve na ako nagising. Kung hindi pa nahulog at kumalabog ang kahon na bitbit ni Papa, hindi ako magigising. "Pasensya na anak, masyado kasing mabigat itong kahon," ani Papa nang makita akong nagi-inat. "Ayos lang Pa. Si Mama?" "Namalengke," anito sa kakaibang tinig. Dumeretso ako sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush. Paalis na ako nang may mabasa akong nakasulat sa salamin gamit ang pulang lipstick yata iyon, "You're destined to be with me forever, Binibini!" Hindi ko pinansin ang bawat salitang naroroon. Bumalik ako sa sala para tulungan si Papa na mag-ayos ng mga gamit. Imbes na dumali ang pagliligpit at pag-aayos sa mga gamit, ang reyna ng ingay ay mangenge-alam at walang iba kung 'di ang bongangera kong Ina ang tinutukoy ko. "Mga pesteng tinderang 'yan. Kaymamahal ng mga tinitinda. Ang lalaki bg pinapatong sa gulay, isda at karne. Ikayayaman ba nila ang pagiging swapang? Letse." Nagkalingunan na lang kami ni Papa at nagtaasan ng mga kilay. Kunot-noong nagtama ang mga tingin namin ni Mama. "Ikaw bata ka. Ang dalaga mong tao, tinatanghali sa higaan. Hindi mo talaga nakuha ang sipag at liksi ng katawan ng ate Lucy mo. Puro kasi social media ang inaatupag eh, hindi naman yayaman sa scroll up scroll down na iyan. Tapos, gusto mong mag-aral ng college? Dagdag gastos lang ang college na iyan. Hindi naman sigurado na makapagtatapos. Baka nga lumalandi lang ang babae sa school-" "Victorina. Ina ka ba talaga sa mga sinasabi mong iyan? Kung makapagsalita ka, parang ang tino-tino mo noong panahon na dalaga ka. Huwag mong pagsasalitaan ng ganiyan ang anak ko kung ayaw mong mapahiya ang sarili mo." "Konsintihin mo lang ang batang iyan at makikita mo ang tunay niyang ugali. Hindi na ako magtataka, na sa'yo nagmana si Aileen. Parehas kayong walang kwenta." "Lahat naman sa inyo walang kwenta. Ano naman kung hindi ko nakuha ang kasipagan at kaliksihan ng katawan ni ate? Bakit? May nakuhanan ba ako ng talino sa inyo, 'di ba wala? Kaya huwag kayong magsasalita ng ganiyan lalo na kung wala naman talaga kayong ipagmamalaki sa akin. Oo, kayo ang Mama ko pero hindi ibig sabihin no'n, pwede n'yo ako pigilan sa lahat ng gagagwin ko. Mag-aaral ako sa ayaw at sa gusto n'yo." "Huwag kang magsasalita ng ganiyan sa akin. Nanay mo ako, anak lang kita." "Tama kayo, anak n'yo lang ako. Kung hindi n'yo ako kayang suportahan sa pagpasok ko sa college, ako na ang bahala." Hindi ko na hinayaang makapagsalita si Mama at umakyat ako sa magiging kwarto ko. I took all of my things sa isang kwarto dito sa secong floor. Pinili ko ang medyo malapit sa mga puno dahil mahilig ako sa mga ito. Bata pa lang ako, pagtatanim na ng nga halaman at puno ang kinaabalahan ko. I was about arranging my pictures on my table as I heard some whispers, "Pst! Pst! Pst! Pst!" Noong una hindi ko iyon pinansin pero habang tumatagal na nag-iisa ako sa kwarto ko, kinakabahan at natatakot na ako sa sunod sunod nitong pagtawag sa akin.
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
Galing! worth it to read
22/04/2022
4nice movie broo
30/03
0so sweet
26/03
0Lihat Semua