Aileen's POV I was busy doing my homeworks in my room. I locked the door, I do play my favorite music. In just two months, makaaalis na ako sa senior high journey ko. This year was the most tiring days in my whole life. Masyadong stress ang dala ng paga-aral pero dahil kailangan kong makapagtapos, I ignored everything- love life, hang-out with my friends and mostly, I ignored the presence of my parents. Hindi gano'n kalapit ang loob ko kina Mama at Papa, dahil siguro sa mapangcontrol nilang ugali. They controlled my life. Palagi nila akong pinipigilan sa mga bagay na gusto kong gawin. I want to be a professional doctor pero hindi sila pumayag. Ginusto kong maging abogado pero hindi namin kaya ang gastos. Ginusto ko na rin na maging isang news reporter pero wala silang tiwala sa kakayahan ko. Ang tanging gusto nila, hindi ako mag-aral ng college. Like what the hell! They want me to continue their legacy and goals in life. Ang akala ko, lahat ng parents gusto nilang makita na makapagtapos at may marating ang mga anak nila but Mama and Papa, they are different from them. Dahil sa kapos kami sa buhay, ilang beses na kaming naglilipat lipat ng bahay. Dinaig pa namin ang mga NPA, no permanent address. Simula noong nagka-isip ako, madalas ko silang nakikita at naririnig na naga-away dahil sa estado ng buhay namin. Ako ang bunso sa tatlo nilang mga anak. Si kuya Joseph at si ate Lucy, parehas na silang mayroong sari-sariling pamilya. Madalas na lang kami magkausap at magkasama. Kahit sa social media accounts namin ay hindi kami nagpapansinan. Bata pa lamang kasi ako ay wala talaga akong amor sa kanila pero aaminin kong nasasaktan rin ako sa tuwing pinapagalitan sila ni Mama. Halos alas-otso na ako lumabas ng kwarto ko at nagtungo sa kusina. Rinig kong nagsisigawan sina Mama at Papa habang naggagayak ng dinner. Kung babasagin ang mga plato, tiyak na basag na ito sa lakas ng pwersang gamit ni Mama. Daig pa niya si Stronger Bong Soon isa sa K-drama na pinanood ko. Pero sa palabas na iyon, ang parents ni Boong Soon super super mahal siya ng mga ito hindi katulad ko. "Kahit man lang sana si Aileen pag-aralin natin ng college," "Para saan? Maga-asawa rin naman iyan kapag nasa college na." Hindi ko man sabihin pero halata namang nasaktan ako sa sinabi ni Mama na iyon. Asawa agad? Hindi ba pwedeng jowa muna? "Bakit ba kasi hindi mo ako pinapakinggan kahit minsan? Victorina, hindi na nakapagtapos ng college ang dalawa nating anak. 'Ni hindi nila naranasan na magkaroon ng magandang buhay dahil pinigilan mo sila. Sumang-ayon ako sa gusto mo para kina Joseph at Lucy pero, huwag mo naman sanang ipagkait kay Aileen ang magandang buhay na naghihintay sa kaniya. Matalino ang anak nating 'yon, pag-isipan mo sana," ani Papa sa sinsero nitong boses. Hindi ko mapigilan ang maluha sa narinig ko mula kay Papa. "Hindi mo kasi ako naiintindihan, Troy. Sa tingin mo ba, ginusto ko ang ganitong buhay para sa mga anak natin? Hindi ko ginusto na mangyari sa atin ang ganitong masaklap na buhay. Kung hindi dahil sa'yo, hindi tayo darating sa ganitong punto. Makakapag-aral sana sina Joseph at Lucy ng kolehiyo kung hindi ka nagpakatanga noon. Kung hindi mo pinairal ang ugali mo at inuna ang bisyo mo, eh 'di maganda na sana ang buhay natin. Pareho tayong nag-ipon para sa kinabukasan nila pero ano ang ginawa mo? Nilustay mo sa bisyo mo. Hindi ako nakatungtong ng college dahil ranas ko ang ganitong buhay pero 'ni minsan hindi ko inasahan na ganito rin ang mararanasan ng mga anak natin." "Baka marinig ka ni Aileen," ani Papa sa mahinang boses niya. "Bakit? Natatakot ka na malaman niya na dahil sa'yo kung bakit hindi nila mararanasan na makapasok sa college? Troy, huwag na huwag mo akong sisisihin sa katangahang ginawa mo at huwag na huwag mo akong sisisihin kung bakit hindi sila nakapag-aral ng college." Napa buntong-hininga na lang si Papa sa sinabi ni Mama. "Tawagin mo na ang anak mo at kumain na tayo." Hindi pa man din binibitawan ni Papa ang baso sa lamesa ay lumabas na ako mula sa kinatatayuan ko. "Tapos mo na ba ang mga assignments mo? Tigilan mo muna ang mag-social media at tapusin mo ang lahat ng schoolworks mo. Siguraduhin mong walang problema sa araw ng graduation mo, dahil ayokong mag-stay pa tayo rito sa bahay na 'to." Natigilan ako sa sinabi ni Mama. Nilingon ko ito at tiningnan niya lang ako ng masama. "Lilipat na naman tayo ng bahay?" "Talagang nagulat ka pa sa sinabi ko? Ganyan ba ang sinasabi mong matalino? Istupida! Kumain na." Tumayo si Papa at umalis sa kusina. Tiningnan ako ng matalim ni Mama nang inihinto ko ang pagkain. "Letse." Ani Mama nang marinig niyang may kumalabog sa sala. Naiwan ako na nagi-isa sa mesa at hindi ko na napigilan pang maluha sa nangyayari. Bumalik ako sa kwarto nang matapos kong hugasan ang mga pinggan. Muli kong ginawa ang mga schoolworks at nagkulong sa kwarto na nilalamon ng malakas na tugtog. Mula sa labas ng aking kwarto, hindi maririnig ang ingay sa loob ng aking kwarto kaya ganito ang palagi kong ginagawa kapag may assignments na dapat kong tapusin o kahit nagso-social media lang ako. "Hey, Aileen! For sure, may celebration after ng graduation na ito? You're consistent number one in our batch. So, may drinks ba mamayang gabi?" ani Nikki nang magkita kami sa room. "Oo nga, Aileen," pagsang-ayong tugon naman ni Jelai rito. "Calling the attention of all students. Our graduation ceremony will start soon. Prepare yourselves for this special event of your life as a student and graduating," ani Mrs. Flores. Ngayon ang araw ng aming graduation. Lahat ay masayang masaya dahil halos lahat ng batch mates ko ay honor students. Pero para sa akin, isa itong bagong bangungot sa buhay ko. Hindi ko alam kung bakit kailangan naming lumipat kung buwan buwan naman kaming nakakapagbayad ng renta ng bahay. Sapat naman sa araw araw naming gastos ang kinikita nina Mama at Papa. "Aalis kami bukas sabi ni Mama," aniko at tumahimik na lang ang mga ito. Walang nais magsalita sa kanilang dalawa. Hindi rin sila umalis papalayo sa kinatatayuan namin. "Pero magkaibigan pa rin naman tayo, hindi ba? Lalayo ka man, may social media para magkaroon tayo ng communication sa isa't isa. We will miss you, Aileen," sinserong sabi ni Nikki. "Group hug? I will miss you, Aileen," "Mami-miss ko rin kayo mga bestie," "Basta, walang magbabago sa pagka-kaibigan natin ah? Ikaw, Aileen. Magkaroon ka man ng bagong kaibigan sa lilipatan n'yo, sana huwag mo kami kalimutan," ani Jelai sa mangiyak-ngiyak nitong boses. "May I call here our valedictorian this school year, Ms. Aileen Delos Reyes!" nagpalakpakan ang lahat- magulang, kapwa-estudyante ko at ang mga magulang na naririto. "To all teachers, students and to our parents. Isang mapagpalang araw po sa inyong lahat. Ngayon ang araw ng aming pagtatapos sa pagiging senior high student sa paaralang ito. Lubos akong nagpapasalamat sa halos apat na taong ginugol ng aking naging mga guro sa paga-aral ko rito. Isa akong patunay na hindi porket estudyante ka na matalino raw, ay hindi na kailangan pang magsipag sa pagre-review, magpuyat para aralin ang mga lessons na tinuro ng aking guro..........................." "Congratulations Aileen! You're the best student slash best friend that I had ever met. Mami-miss talaga kita bestie. Ingat kayo sa biyahe. Chat ka sa group chat kapag nakarating na kayo sa bagong bahay n'yo," ani Nikki habang yakap yakap ako ni Jelai. "Magi-ingat po kayo Tita, Tito," ani Jelai kina Mama at Papa pero hindi siya pinansin ni Mama. "So, mauna na kami? Goodluck sa college journey n'yo!" para hindi humagulgol sa iyak sina Jelai at Nikki ay pinilit kong huwag patuluin ang mga luha sa aking mga mata.
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
Galing! worth it to read
22/04/2022
4nice movie broo
30/03
0so sweet
26/03
0Lihat Semua