logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

SIX

PAYNE'S POV
NAKALAHAD ang kamay ko at sinasalubong ang bawat patak ng ulan. Napangiti ako ng mapait. Sa tuwing nakikita ko ang makulimlim na ulap at mga malalaking patak ng tubig galing sa kalangitan ay naaapektuhan ako. Hindi ko alam pero nalulungkot ako sa ganitong senaryo.
"Why are you still here, Miss Helvanes? It's getting late." Napalingon ako sa pinaggalingan ng baritonong boses. Bumungad sa akin ang nakasimangot na gwapong mukha ni Sir Gabriel habang nakahalukipkip na tinitingnan ako. Para siyang modelo kahit sa anong anggulo at ayos.
Ibinaba ko ang kamay ko at luminga sa paligid. Mukhang ako nalang ang natitira. Ang malas, wala kasi akong payong kaya hindi pa ako nakakauwi. Malakas pa naman ang buhos ng ulan.
"Malakas po ang ang ulan, Sir, Wala akong payong." Umigting ang panga niya ng marinig ang sinabi ko. Nagagalit ba siya dahil wala akong dalang payong? Ano namang pake niya? Balak ba niyang makisilong sana sakin? Galit kaya siya dahil mababasa din siya ng ulan pagnagkataon? Kapal naman ng Apog ni Sir.
"Kayo sir, bakit pa kayo nandito?" Nagtatakang tanong ko. Kanina pa kasi tapos ang klase. Umiwas siya ng tingin kaya kitang-kita ko ang pagbaba-taas ng kaniyang adams apple.
"I was watching you—I mean, I'm busy with my papers for my transfer here as your professor." Napatango ako sa sinabi niya. Napahinga ako ng maluwag. Akala ko para sa akin. Pinilig ko ang ulo dahil sa naisip. Baka kasi hinahanap niya ako dahil sa ginawa ko sa kaniya sa bar.
"Ayyy shutangina!" Napahawak ako sa bibig ng bigla na lamang akong napamura ng malakas. Sinamaan ako ng tingin ni Sir.
"Mauna na po ako, Sir, nag-iisa lang pala si Snow sa bahay." Tarantang wika ko at sinulong ang malakas na ulan. Kahit pa tinatawag niya ako ay hindi na ako nag-abalang lumingon.
Shit. shit. shit. Sinapo ko ang ulo ko dahil sa katangahan ko.
Nakalimutan mo bang mag-isa lang si Snow, Payne? Baka nilalamig na iyon at nabasa dahil paniguradong bumaha na sa apartment dahil sa mga butas ng bubong! Ang malas!
Agad akong sumakay sa scooter ko at pinaandar ito.
Maingat akong nagmamaneho sa madulas na ulan. Nanlalabo narin ang salamin ng suot kong helmet.
Nang nag-red light ay itinigil ko ang  scooter ko.
"Fuck, Helvanes! What do you think you're doing?! Stop that cheap scooter of yours and ride in my car! Balak mobang magkasakit?" Parang dagundong na boses ang biglang sumigaw sa gilid ko. Bumungad sa akin si Sir na nakasakay sa kaniyang mamahaling sasakyan habang masama ang tinging pinukol sa akin.
Hindi ko siya pinansin, bagkos ay pinaandar ko ulit ito ng mag-green light na, senyales na go.
Nang makarating na ako'y dali-dali akong pumasok sa Apartment ko. Tama nga ang hinala ko, binaha na ang nasa loob. Shit! Nasan si Snow?
"Snow?! Snow?! Kitty... kittyy." Kahit na naginginig na ako sa lamig ay si Snow parin ang iniisip ko. Baka kung ano nang nangyari sa kaniya!
"Snow! N-nasan ka please?" Kumibot ang labi ko dahil sa panginginig. Nagngingitngit narin ang aking ngipin dahil sa lamig. Napayakap ako sa sarili.
Sinuong ko ang bumaha kong apartment at agad na hinanap si Snow.
"Meow." Para akong nabuhayan ng marinig ang tinig ni Snow. Agad akong napatakbo sa kwarto ko. At naroon nga, nadatnan ko si Snow na nakasiksik sa unan ko.
"Snow!" Agad akong tumakbo papunta sa gawi ni Snow at agad siyang niyakap.
"Sorry, Snow, hindi na naman kita maiuuwi sa Amo mo ngayon." Wika ko at hinaplos-haplos ang kaniyang balahibo.
"Meow." Wika niya nang nakatingin sa akin. Medyo basa narin siya kaya agad kong kinuha ang kumot at binalot iyon sa kaniya.
"Sandali lang, Snow, magbibihis ako." Wika ko at pumunta sa drawer para kumuha ng maisusuot. Buti nalang at di gaanong mataas ang Tubig. Dipa iyon abot sa kama ko.
Agad akong tumabi kay Snow na balot na balot ng kumot ko. Mabuti nalang at walang butas ang bubong sa may kwarto ko kaya hindi kami nababasang dalawa.
Hinila ko ang kumot at kinumutan ang sarili ko. Niyakap ko rin si Snow dahil sa lamig.
Biglang kumulo ang sikmura ko. Hindi pa ako nakakakain. At wala rin akong makakain dahil di ako nakabili. Napapikit ako bago hinila ng antok.
NAGISING ako nang may kumatok sa pinto. Hindi ko masyadong maimulat ang mga mata ko. Nanginginig ako sa lamig at nahihilo rin ako. Mukhang magkakasakit pa ata ako.
Bumangon ako sa tulugan ko. Kahit na umiikot ang paningin ko ay pumunta ako sa pintuan. Mabuti nalang at tumigil na ang ulan.
Akmang bubuksan ko ang pintuan ng matauhan ako. Hating-gabi na, sino naman ang pupunta dito?
Napaatras ako ng ilang hakbang. Shit! Baka may magnanakaw! Malas! Wala akong lakas ngayon. Shit talaga.
Bigla ulit na may kumatok kaya nanginig ako sa takot.
"S-sino yan?!" Natatakot na sigaw ko. Gusto kong batukan ang sarili sa pagtanong. Dapat hinayaan ko nalang! Tanga ka talaga, Payne!
Napahawak ako sa ulo ko ng mas lumala ang pagkahilo ko. Napadaing ako dahil sa sakit. Parang tinutusok ang ulo ko. Napapikit nalang ako.
"Open this door, Payne Helvanes! Now!" Naimulat ko ang mga mata ko dahil sa narinig. Imposible. Kilala ko ang boses na iyon pero imposibleng siya iyan.
"Payne! open the door or I'll going to Break it!" Maawtoridad na wika nito sa labas.
Shit! Totoo ba ito?
Marahan akong pumunta sa pintuan. Ini-unlock ko ito kaya agad itong nabuksan. Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Sir Ferrer.
"S-sir bakit-" Hindi ko natapos ang sasabihin ng muntik na akong matumba. Mabuti nalang at maagap siya, kaya nasalo niya ako kaagad.
"Fuck, you're hot!" Kung hindi lang masakit ang ulo ko ay baka sinapak ko na siya. Napatitig ako sa kaniya ng masama. Nakita ko ang pamamawis nito at ang pag-iwas ng kaniyang tingin.
At ngayon ko lang naalala na nakasuot lang ako ng manipis na tshirt kaya paniguradong bakat yung dapat mabakat.
"B-bastos." Kahit na sa pasigaw na paraan ko iyon dapat sabihin ay nagmistula iyong ungol dahil sa panghihina ko.
"I mean, you're literary hot, woman. You have a fever." Madiin na wika nito at kinarga ako na parang bagong kasal. Imagine pa, Payne! Napailing ako.
Naramdaman ko ang paglapag nito sa akin sa kama. Napayakap ako sa sarili ko habang nanginginig.
"Fuck! Oh Shit! What should I do? Do you have any medicine here?" Tarantang wika niya.
"S-sa banyo." Mahinang bulong ko at ipinikit ang mata.
"Here, drink this. Did you ate already?" Umiling ako kaya mahina siyang napamura.
Wala na akong narinig galing sa kaniya. Baka umuwi na si Sir. Bigla akong nadisappoint sa naisip. Ewan koba.

Komentar Buku (212)

  • avatar
    MagnusCarolus

    The story was fantastic and I really appreciate it.😍😍

    26/03/2022

      0
  • avatar
    Ellicul Bregente

    ang ganda po

    11d

      0
  • avatar
    Harvee Watzup

    yehey

    21d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru