logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

FIVE

PAYNE'S POV
HINDI ako makapaniwala na nangyayari ang mga bagay na ito sa akin. Shit. Ito ba yung paraan niya para pahirapan ako sa pagpapahiya ko sa kaniya sa bar? Wala na bang imamalas itong buhay ko?
Sorry sa 'Shit' ko. Sanay na kasi akong magmura. Pero iyon lang naman na mura. Tiyak na sasakalin ako ng mga madre kapag nagmura ako, ano?
Napatakip ako ng mukha at gumulong-gulong sa kama. Kainis! Ba't ba ang palpak ko? Oh ano Payne, akala ko matapang ka? Ba't tumiklop ka sa lalaking iyon?!
Nga naman, ba't ba ako nagpapaapekto? I am Payne Helvanes. Walang inuurugan, walang inaatrasan, serbisyong totoo lamang. Charot.
Napailing ako at umayos ng pagkakahiga sa kama. Napatitig ako sa kisame na may mga sapot ng gagamba. Buti pa yung mga gagamba, walang pinoproblema, tulog lang ang ginagawa at naghihintay lang nang pagkain kung makahuli na ang sapot niya. Napahinga ako ng malalim at pinikit ang mata.
Pero napamulat ako ng may marinig akong kalabog. Napabalikwas ako ng bangon. Anak ng pating! May magnanakaw ba?! Mukha bang may makukuha siya sa apartment kong parang kulungan ng aso?
Agad akong bumangon at maingat na bumaba sa kama. Dumampot ako ng bagay na pwedeng panlaban. Hindi ko na tiningnan kung ano ito dahil basta ko nalang kinuha.
Napasilip ako sa pinto. Nanginginig akong lumabas ng kwarto at hindi na ini-on ang ilaw.
Namawis ako ng malamig. Pilit kong inaninag kung may tao bang nakapasok.
"Sino yan?! Magnanakaw kaba? Wala kang makukuha dito, sorry ka. Tatawag ako ng pulis ngayon din!" Matapang na wika ko kahit na nanginginig. Shutangina ka. Hindi ko dala yung cellphone kong de-keypad at wala akong load!
Lalabanan ko nalang siguro yung magnanakaw, may alam naman akong self defense.
Napalunok ako ng laway.
"Meow. meow." Naibaba ko ang hawak kong pamalo sana. Hanger pala yung nadala ko, hindi ko namalayan. Hayyst. Ganyan katanga ang isang Payne Helvanes. Medyo tanga lang, huh.
Naglakad ako papunta sa Switch ng ilaw at binuksan ito.
"Miming, ikaw lang pala. Paano ka nakapasok dito?" Wika ko at kinuha ang pusa. Namangha ako habang nakatingin sa pusang kulay puti at may abong mata. Ang tabang pusa naman nito at mabalahibo. May collar pa! Sosyal! Naligaw siguro ito, kapit-bahay ko siguro ang nagmamay-ari ng pusang ito.
Binasa ko ang pangalan ng pusa sa kaniyang collar.
"Snow... bell." Basa ko. Snowbell? Pansosyal na pangalan. Dipa naging Snowbear ah.
"Hi snowbell, ako si Payne. Saan ka nakatira? Sa kabila ba? Dito ka muna sa akin, ihahatid nalang kita bukas ng umaga." Wika ko na kinakausap ang pusa.
"Meow." Wika nito na parang kinakausap din ako. Napangiti ako.
Naglakad ako pabalik sa kwarto. Pinahiga ko siya sa kama ko at nahiga narin sa kaniyang tabi.
"Haysss, sana may pusa din ako para may makasama naman ako dito. Alam mo ba, Snowbell, gusto ko talagang may makasama at makausap. Pakiramdam ko ang lungkot-lungkot ko kasi parang wala akong masabihan palagi ng mga problema ko at ng mga masasayang nangyari sa buhay ko, busy din naman kasi minsan si Alice." Pagkukwento ko sa pusa habang hinihimas ang kaniyang balahibo. Nakatingin lang sa akin ang pusa na parang nakikinig.
"Kung wala sanang nagmamay-ari saiyo, aampunin sana kita." Kausap ko dito bago ko ipinikit ang mata ko oara matulog.
NAGISING ako ng may dumidila sa mukha ko. Agad kong naimulat ang mata.
"Snowbell, ang dugyot mo." Wika ko at bumangon. Napatingin ako sa lumang orasan na nakasabit sa dingding. Napalaki ang mata ko nang makita ang oras. Anak ng pitongput pitong puting pating! Alas otso na!
Dali-dali akong pumasok sa banyo at naligo.
Hindi ko alam kung ilang minuto o segundo akong naligo, lumabas kaagad ako at nagsuot ng uniform.
"Snowbell, mamayang hapon nalang kita ihahatid sa amo mo ah, late na ako. Salamat pala sa paggising sa akin." Wika ko at kinuha ang susi ng scooter ko.
"Babalikan kita mamayang tanghalian para pakainin, Snow!" Sigaw ko bago ilock ang pinto. Dali-dali akong umangkas ng scooter at pinatakbo ito papuntang eskwelahan.
Nang makarating ako ay para akong nagmarathon sa pagtakbo papunta sa education building. Nang nasa pinto na ako ay inayos ko ang magulo kong buhok at nalukot na uniform.
"Good morning Sir, sorry I'm late." Hinihingal na wika ko. Napabaling sa akin ang lahat pati narin ang guro na madilim ang tingin sakin. Unti-unting kumalma ang kaniyang awra nang makita ako. Di ako assuming mga te.
Napangiwi ako ng hindi ito sumagot bagkos ay pinasadahan ako nito ng tingin.
"Get inside, Miss Helvanes. Next time, I won't accept any excuses and reasons kapag nalate kapa." Baritonong wika nito. Tumango ako at agad na pumunta sa upuan ko.
"Ba't ka nalate?" Napalingon ako kay Marc nang bigla itong nagtanong.
"Nalate ako ng gising." Wika ko at binalik ang tingin sa harap. Sumalubong sa akin ang nakaigting na panga ng guro at masamang tingin kay Marc. Samin ni Marc o sakin lang. Ano na namang problema niya kay Marc?
"Alam mo bang hinihintay ka ni Sir? Sumama ang mood niya kanina nang napatingin siya sa upuan mo. At hindi pa siya nag-umpisa sa paglelecture, panay ang tingin niya sa orasan." Naagaw ang pansin ko sa sinabi ni Marc.
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya.
"Miss Helvanes, answer this equation." Nanginginig akong tumayo. Seriously, Sir? Bobo po ako sa math!
Parang jelly ace ang tuhod ko at pakiramdam ko ay hihimatayin ako papunta sa white board. Parang may bumara sa lalamunan ko.
Nanginginig kong inabot kay Sir ang pentlepen na pansulat. Nakataas ang kilay nitong nakatingin sa akin kaya kaagad ko siyang inirapan. Bakit ba ako kaagad ang sasagot?! Ni hindi pa nga siya naglelecture.
Para akong naduling nang makita ko ang equation. Nahilo ako sa mga number at symbols.
"Pwede po bang ipatindi niyo muna sa akin kung papaano ito sagutan,sir?" Wika ko at napakamot ng noo. Humalukipkip siya at mas lalong itinaas ang kilay. Pshh. Parang bakla.
"Because you're not listening while i'm explaining, Miss Helvanes. You were busy talking with your seatmate." Madiin na wika nito. Naglecture pala siya? Masyado bang tutok ang atensyon ko sa sinabi ni Marc kaya wala akong narinig ni ha or ho?
"Sorry po sir, hindi na po mauulit." Wika ko at napayuko.
"You need a tutor in my subject, Miss Helvanes. I saw your grades in Algebra." Namula ako sa kahihiyan dahil sa sinabi niya. Shit. Algebra ang kahinaan ko sa lahat.
"We'll talk about it in my office after my class. I'll excuse you to your next subject." Wika niya na parang tinatapos na ang usapan. Marahan akong tumango at bumalik sa aking upuan.
Nginitian ako ni Marc nang makaupo ako.
"Sorry, nadistract ata kita kanina." Hingi niya ng paumanhin. Umiling ako at ngumiti.
"Kahit na makinig ako, wala rin naman akong maisasagot. Lutang ako pagdating sa subject na ito eh." Wika ko at humagikhik. He smiled at me brightly.
Binalik ko ang tingin sa naglelesson naming guro. Napangiwi ako ng makitang panay ang sulyap nito sa gawi ko at sinasamaan ako ng tingin. Anong na namang problema nito sakin? Dami mong alam, Sir Gabriel.

Komentar Buku (212)

  • avatar
    MagnusCarolus

    The story was fantastic and I really appreciate it.😍😍

    26/03/2022

      0
  • avatar
    Ellicul Bregente

    ang ganda po

    11d

      0
  • avatar
    Harvee Watzup

    yehey

    21d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru