logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 06

Kabanata 06
A New Friend
"AHM, ANO..." Hindi ako makatingin sa mismong mukha ni Denzel ngayon dahil sa hiya.
Paano ba naman kasi! Si Manang, dito ako pina-puwesto sa harap mismo ni Denzel no'ng nalaman na kakilala ko siya. At ngayon, ito na! Nilalamon na kami ng awkwardness ni Denzel at hindi magkatinginan. Kapag binabalak namin tumingin sa isa't-isa, para kaming napapaso kaya pareho kaming napapa-iwas ng tingin.
Kasalan ito ni Manang!
Ang lamig na tuloy ng miki namin pareho! Nagugutom na ako. Gusto ko na kumain, pero hindi ko iyon magawa dahil kaharap ko si Denzel. Nakakahiya kung makikita niya akong lumamon!
"Z-Zain, kain ka na. Malamig na yung miki mo, oh." ani Denzel at matabang akong binigyan ng ngiti.
Pilit ko rin siyang sinuklian ng ngiti. Nag-bend pa ako sa table namin para mausog sa kanya palapit yung mangkok niyang punong-puno ng miki. "H-hindi na, Denzel. Ikaw na muna ang unang sumubo. Total, senior kita."
Malawak akong nginitian ni Denzel ng sarkastiko. Ginaya niya ang ginawa ko. Nag-bend rin siya sa table para maurong sa akin ang mangkok ko palapit sa akin. "That's the given Zain. I'm your senior, so you should have the first bite as a show of respect for me."
Huh? Kumunot ang noo ng espirito ko sa sinasabi niya dahil naiinis na ako. Alam ko ang ginagawa ni Denzel. Gusto niyang mauna ako para hindi ko siya ma-asar sa estilo ng pagkain niya! Hindi ito maari... siya dapat ang mauunang lalamon! Gagawin ko ang lahat para roon!
"Senior Denzel..." malambing kong sambit at nag-bend rin ako sa table katulad ng kanina kong ginawa. "Ikaw na kasi ang maunang kumain, kanina ka pa dito at alam kong gutom na gutom ka n-"
Hindi ko na natapos ang sinasabi ng pagmulat ko ng mata ko - ang bilugang mata ni Denzel na unting metro na lang sa mata ko ang layo ang tumambad sa akin.
Nagkatitigan kami. Matagal. At parang nangungusap sa isa't-isa ang singkit kong mga mata at chokolateng bilugan niyang mga mata. Bumaba ang tingin ko sa matangos niyang ilong papunta sa pula niyang mga labi.
Napatitig ako do'n ng matagal nang dilaan niya ang ibabang parte ng labi niya. Namangha ako ng kumintab ito na parang isang candy na masarap tikman.
Napalunok ako nang mariin ng makaramdam ng kung ano sa tyan ko. Sunod no'n, ako na mismo ang kusang lumayo at unang umupo sa upuan ko.
Umiwas ako ng tingin kay Denzel na ngayon ay nakatitig pa rin sa akin ng seryoso na may matinding intesidad.
Napa-inom ako ng tubig nang wala sa oras. Si Denzel naman, nakita kong bumuntong hininga muna bago umupo sa upuan niya.
Binalingan ko siya ng tingin at hindi na ako nagtaka nang mahuli ko siyang nakatititg pa rin sa akin dahil kanina ko pa naman ramdam iyon.
Nginisian niya ako. "How, about... sabay na lang tayo sumubo? Ano? Payag ka na ba ro'n?" Tinguan ko agad siya bilang pag-payag.
Ngumisi siya lalo. Ako naman, hindi ko magawang ngumiti sa oras na iyon sa kanya dahil nahihiya pa rin ako sa nangyari sa amin kanina.
Sabay namin kinuha ang kutsara. "Ready Zain, huh? Sabay tayo, ok?"
"O-Oo,"
"Pagkabilang ko ng tatlo." Tinunguan ko siya at nag-focus na lang ako sa miki ko.
"1..." Maliit lang kayang rasyon ng miki ang isubo ko para hindi gaanong nakakahiya ngumuya?
"2..." Shit, bahala na nga!
"3!" ito na!
Pagkasabi na pagkasabi niya ng tatlo. Agad kong sinubo ang kutsara ko na may miki. Napalingon ako sa kanya ng marinig ko siyang humagalpak ng tawa.
Nag-tiim bagang ako. "Ang duya mo Denzel! Akala ko ba sabay!?" Inis kong utas dahil niloko niya lang pala ako! Ako lang pala yung sumubo sa amin!
Humagalpak siya ulit. "Sorry Zain, but that's life." Sabi pa ng manloloko kaya inirapan ko na lang siya at kumain na lang.
Ginaya na rin naman ako ni Denzel at kumain na rin. Pagkatapos no'n, wala na kahit isa samin ang nagsalita dahil okupado ang parehas naming bunganga ng masarap na miki ni Manang.
"SALAMAT po sa pagkain Manang!"
"Salamat po sa pagkain Manang!"
Sabay naming utas ni Denzel nang makapagbayad na kami kay Manang ng kinain namin.
"O, siya! Sige na. Umuwi na kayong dalawa at baka may naghahanap na sa inyo! Alas-nuwebe na, oh! Balik kayo ulit dito, huh!" Pagtutulakan ni Manang sa amin ni Denzel na ikinatawa na lang namin parehas.
"Oo nga pala Zain. Kumakain ka pala sa mga ganitong kainan?" Kuryosong tanong ni Denzel nang nasa daan na kami papuntang kalsada.
Nilingat ko siya.
"Actually, kahapon ko lang nasimulan kumain sa ganito. And balak kong ituloy-tuloy. Sarap ng miki ni Manang, eh." Ngiti ko pa sa kanya.
"I should join you then." baritonong usal niya. Na siyang ikinagulat ko kaya napatagal ang titig ko sa mukha niyang maaliwalas at kumikinang sa gabi.
Nginisian niya ako nang mapansin ang pukol kong tingin sa kanya.
"I mean, nasarapan rin ako sa miki, eh. So why not, sabay na lang tayo everyday dito maghapunan, right?" Masayang sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.
"S-Sige, sabi mo 'yan, eh." Tungo ko.
Ngumiti siya ng matamis at tumigil sa paglalakad. Huminto rin naman ako at taka siyang binigyan ng tingin. "Good. So paano ba 'yan? Bukas na lang Zain. Same place ulit. Dito sa park. Sa mikihan ni Manang."
"Oo, hindi ako makakalimutin. Gigilid ka na ba ng daan?"
"Oo, eh. Doon ko kasi sa kabilang kalsada na park 'yong kotse ko." Pakawala niya nang baritonong halakhak habang nagkakamot batok.
Umiling-iling na lang ako at tinunguan siya. "Oh, sige. Mauuna pala ako sa 'yo. Ingat ka Denzel, ah! Bukas na lang ulit!"
"Oo, Zain! Bukas na lang. Goodnight!" agap niya bago ako talikuran at pumihit ng ibang daan.
Hinayaan ko muna ang sarili ko panoorin siya mawala sa paningin ko bago tahakin ang daan kung nasaan ang kotse ko.
Pagpasok ko nang condo. Nakita ko si Autumn kumakain mag-isa sa long glass table namin.
"Ginabi ka na naman," Madiin niyang bungad. Na hindi ko pinagtuunan ng pansin dahil nahagip ng mata ko ang isang plato sa gilid niya na nakahanda para sa isang tao.
Para sa akin ba iyon?
Napansin ni Autumn ang matagal kong titig sa platong nasa gilid niya kaya tinignan niya rin iyon. "Para sa 'yo 'yan. Kumain ka na dito. Sabayan mo 'ko." pangmamando niya na siyang ikinabalik ng mata ko sa mukha niyang lukot at galit na.
"H-Hindi na Autumn, kumain na ako sa labas-" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang bigla niyang hinampas ang table ng isa niyang kamay. Umalingawngaw ang lakas no'n sa buong condo.
Hinilot niya ang nose bridge niya bago itaas sa akin ang nakakamatay niyang mga titig. "Ano? Sa mikihan ka na naman naghapunan kaya ka na naman ginabi?"
"O-Oo, at doon na ako lagi maghahapunan kaya hindi mo na kailangan magluto pa ng para sa dalawa-"
"No, you will having your dinner here with me. Al. wa. ys. Last mo na 'yan doon." putol niya sa sinasabi ko habang hinihilot pa rin matangos niyang nose bridge.
Nagtiim bagang ako at kunot noo ko siyang tinitigan. "Wala kang karapatan para magdesisyon sa bagay na 'yan, kung saan ko gustong maghapunan Autumn." Pagkasabing pagkasabi ko no'n agad akong binalingan ni Autumn ng malamig niyang titig.
"I have always have the right, Zain. Wag mo 'kong subukan." Nilabanan ko ang titig niya dahil ngayon. Galit na galit na ako sa inaasta niya!
Lumapit ako sa dulong table para matapatan ko siya ng maayos. "Hindi kita magulang para sa pagbawalan ako sa kahit anong bagay na gusto ko!"
"I'm your room mate-"
"Room mate lang kita! At iyon lang 'yon!" Histerikal kong sigaw na mas lalong nagpa-alab ng galit niya.
"What did you say?" Malalim niyang kwestyon na parang binunot niya pa sa kailaliman ng impyerno. Napatayo na rin siya sa kinauupuan niya.
Taas noo ko siyang nilabanan ng tindig. "Room mate lang kita, Autumn. Kaya tumigil ka na. Hindi ko alam kung bakit ganito ka maka-react. At wala na akong balak alamin pa 'yon, kaya sana. Hayaan mo na lang ako sa gusto kong gawin," malamig kong untag bago siya talikuran.
May sasabihin pa sana siya pero hindi na ako nagdalawang isip na tumakbo papunta sa kuwarto ko para doon magbuhos ng galit patungo sa lalaking 'yon!
Bwisit siya! Sino ba siya para mandohan ako? Magulang ko ba siya? Hindi naman, ah! At saan naman siya kumukuha ng galit niya patungo sa akin? Dahil kahit anong isip ko ngayon, hindi ko alam kung bakit gano'n na lang ang galit niya na sa labas na ako kumakain.
Nakakainis talaga 'yung bwisit na lalaking 'yon! Napaka unreasonable. Ngayon alam ko na ang tunay niyang kulay. Arogante at gusto laging nasusunod! Bahala siya d'yan. Basta ako, hindi ko susundin ang gusto niyang mangyari!
Nang gabing iyon. Nakatulog na lang ako ng pinapatay sa isip ko si Autumn. Kinabukasan, gano'n pa rin ang ganap. Wala akong naabutang Autumn Joseph kaya nakapasok ako sa University ng medyo ayos ang mood.
I'm wearing white solid T-shirt with black quarter zip sweater on top. Light blue jeans on my bottomless partnered with black adidas falcon sneakers. Dinala ko rin ang raketa at duffel bag ko na ang laman ay sports attire ko para mamaya sa try out ng badminton club.
Mabilis natapos ang pang-umagang klase. Katulad ng nakagawian, sabay na naman kami ni Leo mag-lunch break at katulad ng dati. Marami na namang baong kwento si Leo patungkol sa mga kumakalat na chismis sa buong Unibersidad.
"Ehh? Buntis? Sino 'daw ama?" Gulantang kong tanong kay Leo dahil kinu-kuwento niya sa akin ngayon na may buntis 'daw sa Department of Arts.
Ngumuya-nguya si Leo saka nagkibit balikat. "Ewan, eh. Basta ang sabi sa mga chismis IT student 'raw yung ama."
"Grabe naman... edi hihinto 'yung babae?" malungkot kong kwestyon habang pinaglalaruan ang pagkaing nasa tray ko.
"Siguro gano'n nga ang mangyayari kapag sobrang laki ng tyan n'ya." sagot naman ni Leo.
Bumuntong hininga ako dahil naawa talaga ako doon sa babae. "Bayan, sayang. 4th-year na yung babae 'di ba?" tanong ko pa habang patuloy kong pinaglalaruan ang pagkain ko.
Napakunot ang noo ko ng hindi na sumagot si Leo. Lumalamon pa siguro. Isip-isip ko na lang at nagtanong pa ako nang hindi siya tinitignan.
"Sino yung pillar ng Department of Arts Leo?"
"S-Si Lycanthrope..." nabubulol niyang sagot.
"Eh, sa Department of Technology? Sino ang pillar?" Biglang tumahimik ang paligid namin. Nakakapagtataka. Kanina naman maingay sila, bakit kaya biglang tumahimik ang mga tao?
"S-Si Jhin, Zain..." natatakot ni Leo-ng usap. Napabuntong hinga ako.
"Alam mo Leo? Sa palagay ko. Dapat palitan na yung dalawang Pillars na 'yon, kasi para namang wala silang ginagawa. Akala ko ba sila ang puso ng mga department nila? Eh, bakit hinahayaan nila may mangyaring ganito? Dapat sila yung nagtuturo ng mga importanteng bagay sa mga ka-department nila para hindi nangyayari ang ganitong mga bagay. Sayang kaya yung babae. Isang taon na lang, oh. Graduate na."
"Z-Zain, ano..."
"Iyong si Autumn? 'di ba siya yung pillar ng medical field? Bakit hindi siya mag-conduct ng campaign na nagtuturo sa pag-use ng pills or condoms... o 'di kaya— safe sex! Sa lahat ng department, hindi yung puro basketball ang inaatupag ng bwisit na 'yon." Inis kong sambit dahil naalala ko na naman ang pag-aaway namin kagabi ng lalaking 'yon.
Argh! Bwisit! Sana siya itong ham na tinutusok tusok ko! Pero wait? Bakit ang tahimik talaga? Hay ewan.
"Leo alam mo rin ba? Yung bwisit na Autumn na 'yon, minandohan akong wag 'daw ako kumain sa labas! Ha! Sino ba siya sa akala niya. Boss ko ba siya? Magulang? Kuya?" sa pang gagalaiti ko halos mawasak na ang ham ko sa dami ko nang tusok dito.
Ipagpapatuloy ko na sana ang pangba-backstab sa bwisit na ka room mate ko ng mapansin kong mas lalong tumahimik ang buong canteen.
Tinaasan ko ng tingin sa mukha ni Leo. Napakunot ang noo ko ng makita ang takot sa mukha niya habang nakatuon ang tingin sa likuran ko.
Binaling ko ang ulo sa likuran ko para tignan kung sino ba ang tinitignan ni Leo sa likuran ko. Pagkalingon ko, halos mawala na sa katawan ko ang kaluluwa ko nang makita ang apat na pillars na nakatayo mismo sa likod ko at nakadungaw sa akin ngayon!
Napalunok ako ng mariin ng magkatitigan kami ni Autumn na galit na galit na ngayon.
"Bwisit pala, huh?" sarkastikong ani niya at mas lalong nagdilim ang mukha.
Narinig ko naman ang pagpapatunog ng daliri ng kamay nong dalawang lalaking nasa gild niya. Na kung tama ang pagkakatanda ko, si Lycanthrope at Jhin 'yon! Ang dalawang lalaki na kanina ko pa bina backstab!
"Palitan? Eh, kung bumili na lang tayo ng panibagong room mate ni Autumn." Nanggagalaiting ani ni Lycanthrope at masama na talaga ang tingin sa akin.
"Oo, pre. Mukhang magandang idea. What if, ngayon na natin tiklupin 'to?" si Jhin.
Napalunok ako ng mariin sa takot dahil ang lalaki pala ng apat na ito. Wala si Denzel sa kanila pati na rin yung Carla. Kaya hindi ko alam kung paano ko matatakasan ito!
"Tsk, move." galit paring sambit ni Autumn na siyang nagpawala sa iniisip ko. Taka ko siyang tiningala.
Inirapan niya naman ako at siya na ang kusang nag-urong sa akin sa sulok para magkatabi kami sa upuan. Yung mga kasama niya naman, tumabi kay Leo sa harap namin at yung isa pang tahimik lang na lalaki sa gilid umupo.
"Wala nang bakanteng table kaya dito kami makiki-upo." sambit ni Autumn at nagsimula nang kumain na para bang walang tao sa paligid niya.
Sinimulan rin naman ng mga kasamahan niyang kumain. Pero yung si Jhin at Lycanthrope minsan tinatapunan ako ng masamang tingin.
Siniko ako ni Autumn. Dahilan para kunot noo ko siyang balingan. Nakatitig rin siya ng masama sa akin.
"Wag kang tumitig sa kanila, kumain ka na." Malamig niyang untag. Na ikinaigting ng panga ko dahil ito na naman siya sa pang mamando niya!
"Puwede ba? Wag mo ako utusan! Kakain ako!"
"Simulan mo na, ang daldal mo pa." agap niya na siyang ikinausok ng dalawa kong tainga sa galit!
Sasagutin ko pa sana si Autumn kaso napansin kong maraming mata ang nakatingin sa amin. Kaya wag na lang! Ayaw kong maging laman ng chismis dito sa University!
Kinain ko na lang ng mabilis ang pagkain ko para nang sagayon ay maka-alis na kami ni Leo dito at makabalik na sa department namin!
Kainis! Bakit ba kasi nandito 'tong si Autumn at mga kaibigan niya!
Itutuloy...

Komentar Buku (53)

  • avatar
    NatocEmily

    kkhsjsksjsjsjssjsjdjdjsusiwihssiusbsowjsnsksjkfkkykyjyfiyffikykyggkysgksfkuosjykdkfecdnvkjnbnjivfvnbjnjnonughuvfodouguoobebgtbthnthmymyjyjymytntjjtthjytnthjttjtjtmtjmtmthhttjmhhn kmk k. k vnj vnmvf kvfvfvfmkovmkmkfff rrgfrirgr ekgrniewnotnrenfbebfhgngmmjtmjmhmhrnngbgbgohvfnivfnjvfhjfenjbfnjbfohbfohebhubenjbghjbgvfgebnjbnjjjnjjihuvduovfjovfnjfvnjvfnjvfnjfejovnjvfovfnjfevvvfuieoowowisliiosiaaaaaaaakkakakakkakakskskskkskskskskkskkskskakakakakfenknjvwvwvnjdofdhjjijijijojijkjjjijiiojiiofdjjsalamat sa

    22/07

      0
  • avatar
    MendozaJoelito

    1000

    25/06

      0
  • avatar
    RH EA PE RO

    very nice story

    21/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru