logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 03

Kabanata 03
The King
"ZAIN? Ok ka lang ba? Bakit natulala ka na d'yan?" Hindi ko masagot ang tanong ni Leo.
Dahil sa totoo lang? Hindi ko talaga alam kung ok lang ba talaga ako pagkatapos malaman ang lahat ng ito — Na si Taglagas na kinababaliwan ng lahat... at si Autumn na ka-room mate kong suplado...
Iisa!
Ni hindi ko nga alam na dito rin nag-aaral 'yang si Autumn tapos ganito pa?! What the heck??
Pero sa bagay... Taglagas...? Autumn? Hindi ba pareho lang naman iyon ng kahulugan?
Argh! Mababaliw na ako dito! Bakit kasi may naiisip pa itong si Leo na tagalog name!
At ito namang si Autumn...! Bakit hindi niya man lang sinabi sa akin na sa A University rin pala siya nag-aaral?!
At bakit niya naman sa 'yo sasabihin Zain? Ano ka ba niya? Kaibigan ka ba niya? Close ba kayo?
Shit. Nababaliw na nga ako! Legit. Bahala na nga. Basta si Autumn at si Taglagas ay iisa!
"Hoy Zain! Matutunaw na si Taglagas tantanan mo na ng titig yung tao!" panunuya ni Leo bago sapakin ang balikat ko.
Tinitigan ko siya ng masama. "H-Hindi naman ako nakatitig sa kanya, ah! Do'n ako sa isa nakatitig!" Depensa ko sa sarili. Kahit na ang totoo ay kay Autumn talaga nakatuon ang dalawang mata ko kanina pa.
Binigyan ako ni Leo nang mapangasar na ngiti. Ang singkit niyang mga mata ay lalo pang sumingkit. Sunod no'n, sinundot sundot niya na ang tagilirin ko dahilan para mas lalo akong mairita!
"Yiee, na love at first sight na kay Taglagas! Ikaw, huh!"
Laglag ang panga ko siyang tinitigan. "Leo, ano ba sa tingin mo ang sinasabi mo! Kilabutan ka nga! Hinding hindi ako magkakagusto d'yan, noh!"
"Saka... tinitigan ko lang siya ng matagal kasi yang si Taglagas na tinutukoy mo! Ka-room mate ko 'yan!" Marahas kong paliwanag dito sa bwisit na ito, na gulat sa narinig sa akin.
Tinuro niya ang puwesto ni Autumn. "R-room mate mo si Taglagas!?"
"Oo! Ano ok ka na!?" Irap ko sa kanya sabay tingin ulit sa court dahil magsisimula na ata ang laban na kanina pa nang lahat iniintay.
Hindi ko narinig si Leo umusap. Bagkos, iniwanan na lang ako nito ng matagal na titig bago humarap na rin sa court.
THIRD PERSON POV
Pumwesto na ang dalawang team sa gitna nang court. Lima bawat isa at ang bawat captain ng dalawang team ay naka-puwesto sa pinaka-gitna para sa first ball.
Dumagundong ang buong gymnasium sa tilian ng mga manonood.
Ang Captain naman ng dalawang team na si Autumn at Jake. Nagpapalitan ng seryosong tingin sa isa't-isa habang parehong nakatungo at naghahanda para sa pagtalon.
Gumitna na ang Referee na may hawak ng bola at may subong pito sa bibig. Mas lalong sumeryoso ang bawat manlalaro.
Nang pumito na ang referee at hinagis na nito ang bola sa ere, sabay na tumalon si Autumn at Jake ng sobrang taas na para bang may spring sila sa kanilang mga sapatos.
Bumagal ang oras. Lahat ng mata ay nakatingin sa dalawang binatang captain at naghihintay kung kaninong kamay ang aabot sa bolang nasa ere.
Bumilis ulit ang oras at sa isang iglap. Nasa kanang kamay na ni Autumn ang bola. Nagtilian ang mga fans niya na halos ikapintig na ng tainga ni Zain na nanonood sa pinaka dulo ng bench. Yung iba pa sa kanila, napatayo pa sa kanilang kinauupuan at nag-wawala.
Mga patay na patay sa binata!
Nang makababa na sa ere si Autumn. Binend niya ang katawan niya at ginilid ang bola. Pinasa niya ang bola sa vice captain niya na si Denzel.
Nasalo ito nang gwapong binata at agad itong din-ribble. May pumunta sa kanyang mga kalaban na agad niya namang nalihisan ng daan sa swabeng paraan.
"OWWW," Tugon nang mga manonood dahil napaka-astig talaga ng ginawa nang binata na pag-iwas sa mga kalaban.
Tumatakbo si Denzel sa ring nang kalaban nang may ngisi sa kanyang labi kasama ang bolang drini-dribble pa rin niya.
Pag may kalaban na nagtatangkang umagaw sa kanya ng bola, pinaglalaruan niya ang mga ito at nag fri-freestyle pa kaya halos hindi na masundan ng kalaban kung nasaan talaga ang bola, at iyon rin ang sanhi kung bakit walang makapigil sa kanya sa pag-abante palapit sa ring.
Ang kaso, nang pumasok na siya sa guhit ng ring ng kalaban. Si Jake, ang captain ng kabilang team na ang humarap sa kanya na may seryosong tingin.
Alam ni Denzel na hindi niya kaya paglaruan ang katulad ni Jake dahil iba ito sa mga ka-team mates nito. Kaya ang ginawa niya, mabilis niyang hinagis ang bola sa gilid ni Jake papunta sa gawi kung nasaan ang ring.
"Sino bang pinasahan mo ng bola? Multo?" Insulto ni Jake kay Denzel.
Nginitian lang naman siya ni Denzel ng matamis. "Hindi mo sure,"
Hindi na nagkaroon ng tamang oras si Jake para mag-isip sa sinabi ni Denzel dahil kusang lumingon patalikod ang kanyang mukha kung saan binato ni Denzel ang bola na sa pagkaka-alam niya, wala ni-isang tao!
Pero mali siya. Dahil nang pagkatingin niya sa eksaktong baba ng ring... nandoon na si Autumn! Hawak ang bola at nasa ere na rin.
Bumagal ang lahat para kay Jake. Hindi niya lubos maisip kung paano biglang nandoon na lang si Autumn at nakuha ang ipinasang bola ni Denzel.
Gusto niyang pigilan si Autumn. Pero ayaw na mismo gumalaw ng kanyang mga paa. Siguro alam na ng mga ito na huli na at wala nang paraan pa para pigilan si Autumn.
Na siyang tunay, dahil ilang segundo lang ng bumalik na si Jake sa reyalidad. Nadakdak na ni Autumn ang bola sa ring at hindi lang iyon! Nakalambitin pa siya sa ring gamit ang isa niyang kamay habang nagpapakawala ng madiing sigaw.
-----
HALOS MABINGI na ako sa sobrang lakas ng sigawan ng mga tao sa buong gym nang mag-pakitang gilas agad si Autumn at yung isa niya pang ka team. Hindi na magkamayaw ang mga schoolmates namin sa sobrang kagalakan ng dumakdak si Autumn sa ring at nag-lambitin pa ang lalaki doon!
Maging si Leo ay napasigaw at napatayo na rin ng oras na iyon sa sobrang tuwa. Napasuntok suntok pa nga siya ere na parang timang.
Nagsunod-sunod pa ang pag-score ng basketball team namin pagkatapos ng ginawa ni Autumn. Nilaro laro na lang nila ang practice match at yung mga kalaban naman nila, tinamad na at nawalan na ng gana maglaro dahil kay Autumn at doon kay... Victoris. Yung lalaking mahilig mag-freestyle at paglaruan yung bola.
Sa huli, natapos ang 4th quarter na sobrang laki ng lamang ng team namin sa kalaban. 53-126 ang nasa dash-board na score.
Tumayo na kami ni Leo at lumabas na ng gym ng magkamayan na yung captain ng kabilang team at si Autumn. Napabuntong hininga na lang ako sa daan ng umaarte si Leo na nagshu-shoot ng bola sa ere at nagdri-dribble pa.
Minsan, kapag may napapatingin sa aming mga estudyante lumalayo ako kay Leo ng bahagya sa kahihiyan na binibigay ng bwisit na ito!
"Leo, puwede ba? Maglakad ka lang ng maayos at tumigil ka sa kabaliwang ginagawa mo!?" Sita ko na sa kanya kalaunan sa inis ng hindi pa rin siya tumititigil sa pagmi-mic ng mga galaw sa basketball.
Tumawa siya at inakbayan ako. "Ito naman...! walang support sa 'kin! Hindi mo ba kita yung mga da-moves ko kanina? Pang NBA kaya 'yon Zain!" Maangas niyang sambit na ikinatawa ko ng sarkastiko.
Tinanggal ko ang braso niya sa balikat ko bago siya hinarap. "NBA? Hindi ba pang bangko?"
Ngumuso siya. "Ito...! Napaka sama mong kaibigan! Wag mo nga akong kausapin!"
"Sige." Binilisan ko ang lakad ko.
Humabol siya at inakbayan ulit ako. Pinaliitan ko siya ng mata. "Ang pangit mo ka bonding Zain, masyado kang seryoso! Magbago ka na nga!"
Natawa ako. "Sinusunod ko lang naman inutos mo, ah?"
"Sus, epal ka talaga no? Pasalamat ka nga may gwapo kang kaibigan. Paano na lang kapag wala na ako? Edi malungkot ka na? Wala nang magbibigay ng suwerte sa 'yo, kasi wala nang Leo Emmanuel G. Weton sa buhay mo? Hay nako, Zain...! Sinasabi ko na sa 'yo ngayon pa lang. Malaki akong kawalan sa buhay mo, kaya dapat ingatan mo 'ko!" Pangungunsensya pa ng ulopong habang naglalakad kami sa ground, as if naman gagana iyon sa akin.
Umiling na lang ako at hindi na siya sinagot. Huminto kami sa parking lot kung saan rin kami naghiwalay kahapon. Akala ko katulad kahapon maghihiway na agad kami pero hindi pa pala dahil nagtanong si Leo.
"Oo nga pala Zain, totoo ba yung sinabi mo sa 'kin kanina, na... ka-room mate mo si Taglagas? Yung tinutukoy mo kahapon na kasama mo sa condo mo?"
Tinunguan ko siya bago sumandal sa pintuan ng kotse ko. Nakatagilid akong nakatingin sa kanya.
Matagal niya akong tinitigan. Inosente ko namang nilabanan ang titig niya, dahil hindi ko maunawan kung bakit parang sa mga titig niya sinisisid niya ang pagkatao ko.
"B-bakit mo pala natanong?" Usisa ko nang tinititigan niya pa rin ako ilang minuto na ang lumipas.
Bumuntong hininga siya. "Wala naman," Nginitian niya ako. "Natanong ko lang ngayon kasi 'di ko natanong kanina. Iyon lang naman."
"Ahh," tungo-tungo ko. Kahit para sa'kin iba ang rason niya kung bakit tinanong niya iyon.
Nginitian niya ulit ako bago tumalikod na at nag-paalam. Nagpa-alam na rin ako sa kanya. Kinuha ko ang susi sa bulsa ng jeans na suot ko at pinatulog ang kotse ko na katabi ko lang.
Nang pasakanay na ako. Nilingon ako ni Leo at may sinabi siya na hindi ko maintindihan kung para saan.
"Straight siya Zain!" Sigaw nito dahil medyo malayo na siya sa akin. Napakunot ang noo ko.
"Sino!?" Agap ko, pero ang sinukli niya na lang sa akin ay ngiti at kaway bago lumakad na paalis.
"Sinong straight?" taka kong tanong sa sarili bago tuluyang pumasok sa kotse at pinaandar ito.
Sa byahe, halos malutang ako dahil iniisip ko kung ano ang gustong sabihin ni Leo na straight at sino ang tinutukoy niya.
Kalaunan, ako na rin ang sumuko sa pag-piga sa utak ko nang sagot dahil wala naman akong maisip na kasagutan sa misteryong iniwan sa akin ni Leo.
Nang makarating na ako sa condo, nagbihis na agad ako ng maroon sando shirt at chino brown short. Ginawa ko ang mga dapat kong gawin sa school sa kuwarto ko bago lumabas.
Sakto namang paglabas ko ng kuwarto ay ang sakto ring pagpasok ni Autumn sa pintuan ng condo.
Naka pang-basketball set pa siya katulad ng suot niya kanina sa game habang sa tagilirin niya, nandoon nakasukbit ang sports bag niya.
Nagkatitigan kami at parehong nahinto ang mga paa. Nawala rin ang tingin ko sa mga mata niya nang kusa na lang lumipad ang paningin ko sa nakasiwalat niyang mga muscle sa braso at ma-ugat niyang mga kamay.
Napalunok ako bago titigan ulit ang mga mata niya na takang nakatingin sa akin. Tila, kanina niya pa sinusundan ang mga ito kung saan ito dadako.
Awkward ko siyang nginitian. "C-Congrats pala kanina sa laban n'yo. G-grabe, ang galing mo pala mag-basketball?"
"Salamat," maikli niyang untag gamit ang malalim at malamig niyang boses.
Napangiwi ako at napalunok pa ng mga oras na iyon, dahil feeling ko binigyan ako ni Autumn ng dead-end na daan.
"S-Sige, hehe." Sagot ko bago una nang lumakad papunta sa sofa para manood ng TV. Si Autumn naman, pumasok na ng kuwarto niya.
Napabuntong hininga na lang ako sa kahihiyan kanina. Feeling ko gusto ko na lang magpakain sa lupa ngayon. Nakaka-frustrate!
Bakit gano'n ang lalaking iyon? Gano'n ba talaga siya kalamig kung makitungo sa lahat? Pero kanina naman sa Gym sumisigaw pa nga siya habang naka-sabit, eh? Pero bakit pag sa akin ang lamig niya?
Saka, hindi man lang siya nagulat na same kami ng University na pinapasukan? Seryoso? Ang normal na tao matutuwa at magugulat kapag gano'n, pero pag siya...
"Ayaw niya kaya sa 'kin?"
Hindi ko na natuloy ang pagfo-formulate ng sagot sa utak ko habang nanonood ng drama sa TV ng marinig kong bumukas ang pintuan ng kuwarto ni Autumn.
Agad ako napalinga sa gawi niya at nakita ko siyang naka white t-shirt na at blue boxer short. Deretso siyang lumakad papuntang kusina at hinarap agad ang ref.
"Anong gusto mong kainin?" mas malamig pa sa ref niyang tanong sa kung sino na hindi ko sinagot dahil baka ibang tao ang tinatanong niya kahit na ang totoo ay dalawa lang naman kami dito sa condo.
Ginawa ko iyon dahil baka mamaya nag-a-assume lang ako at mapahiya sa huli!
Isipin pa niya madaldal na nga ako tapos assume-mero pa. Mas lalo niya akong aayawan.
Sinarado niya ang ref at kunot noong bumaling sa akin. "Ayaw mo bang maghapunan?"
Napalunok ako sa takot dahil mas dumidilim pala ang mukha nitong si Autumn pag-iritado.
Tinuro ko ang sarili ko para makasigurado muna. "A-ako ba tinatanong mo A-Autumn?"
Napapikit siya ng mariin. "Obviously Zain?" sarkastiko niyang sabi ng mamulat niya na ang mata niya.
Napakurap kurap ako, dahil hindi ko maintindihan dito sa mata ko kung bakit nakikita ko si Autumn na mas lalong guma-guwapo kapag galit.
"Zain. Ano na?"
"H-Huh? Anong ano?"
Napahilamos siya sa mukha niya. "Your fucking want for dinner, Zain! What is it! Spill it out so I can cook that dish, whatever is that! What the hell! Ano bang nangyayari sa 'yo!?" galit na galit niyang sambit at halos magdikit na ang makakapal niyang kilay.
Sinagot ko na lang siya agad dahil sa takot na baka walk-out-tan niya ako at hindi na magluto ng hapunan namin. Gutom pa naman na ako!
"S-Steak Autumn, steak ang gusto ko..."
Huminga siya ng malalim at tumungo. "Fine, then steak is our dinner."
Itutuloy...

Komentar Buku (53)

  • avatar
    NatocEmily

    kkhsjsksjsjsjssjsjdjdjsusiwihssiusbsowjsnsksjkfkkykyjyfiyffikykyggkysgksfkuosjykdkfecdnvkjnbnjivfvnbjnjnonughuvfodouguoobebgtbthnthmymyjyjymytntjjtthjytnthjttjtjtmtjmtmthhttjmhhn kmk k. k vnj vnmvf kvfvfvfmkovmkmkfff rrgfrirgr ekgrniewnotnrenfbebfhgngmmjtmjmhmhrnngbgbgohvfnivfnjvfhjfenjbfnjbfohbfohebhubenjbghjbgvfgebnjbnjjjnjjihuvduovfjovfnjfvnjvfnjvfnjfejovnjvfovfnjfevvvfuieoowowisliiosiaaaaaaaakkakakakkakakskskskkskskskskkskkskskakakakakfenknjvwvwvnjdofdhjjijijijojijkjjjijiiojiiofdjjsalamat sa

    22/07

      0
  • avatar
    MendozaJoelito

    1000

    25/06

      0
  • avatar
    RH EA PE RO

    very nice story

    21/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru