logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 6

Halos malaglag ang aking panga nang makita ko si Alejandro na nakapatong sa isang babae. Nakahiga ang babae sa lamesa nito habang nakapatong si Alejandro sa kaniya.
Inis naman akong tinignan ng babae habang si Alejandro ay nanatiling walang expression sa mukha. Tinignan ko saglit ang babae na may damit pa naman. Nakahawak lang ito sa balikat ni Alejandro, habang si Alejandro nama'y nakatukod ang mga kamay sa sulok ng mesa.
Pinadala niya itong mga reports dito sa office niya, at hindi ko akalain na ganitong eksena ang dadatnan ko?
"Ah! Sir labas po muna ako!" Tumakbo ako palapit sa pintuan ng kaniyang office.
Habol ko ang aking hininga at inilapag ang portfolio na hawak-hawak ko kanina sa aking mesa.
Why do I seem affected and so distracted by what I've seen lately? No! This is my job, at dapat mawalan ako ng pake sa nakita ko kanina. Then, it's normal. Mas mabuti pa at huwag ko ng isipin pa iyon?
Personal issues and private life of my boss is not included in my work here at his company. At kahit naman na makilala niya ang totoong ako ay wala din dapat akong pakialam.
Pumikit ako saglit at tinutok na lang ang mata sa laptop.
Narinig ko na may lumabas sa office ni Alejandro, ngunit hindi ko na muna iyon tinapunan ng tingin. Sa halip, ay ipinagpatuloy ko na lang ang aking tinatrabaho ngayon.
Come on Charzleigh, trabaho lang. Walang personalan. Wala kang pakialam at 'wag ka na din magpa-distract sa nakita mo kanina!
Tinignan ko ang oras sa wall clock. Nahagip ko ang bintana ng office ni Alejandro na ngayo'y nakatingin sa direksyon ng aking office table. Pumikit ako saglit, at sa isang malaking iglap pa ay naka blurred na ang glass window nito.
Hindi kaya nagalit siya dahil sa pagpasok ko kanina?!
Oh no!
Kumakalam na ang aking sikmura. I'm so hungry, kailangan ko ng kumain.
Tumayo na ako at kinuha ang aking bag. Naglakad ako palabas sa aking mini office. Patuloy lang akong naglalakad sa hallway hanggang sa makarating ako sa elevator.
Isang oras naman ang break time ko kaya okay lang na kumain ako kahit sa pinakamalapit lang na restaurant? Wala naman makakakita e?
Nag commute lang ako. Halos pitong kanto lang ang kayo mula sa gusali ni Alejandro at nakarating na ako sa isang Italian restaurant.
Nang makapasok ako sa loob at tumambad sa akin ang mabangong amoy, Kaya mas lalo pang kumalam ang aking sikmura. Mabuti na lang at hindi matao ngayon?
Kinuha ng waitress ang aking order. Tinignan pa ako nito mula ulo hanggang paa. Mukhang natatawa pa ito sa aking itsura?
Mabilis ang service nila dito. Maigi na din at umayon pa sa oras ng break time ko. After ten minutes at nai-served na sa table ko. Hindi naman marami ang inorder ko, iyong tama lang sa akin.
Nagsimula na akong kumain. Hindi pa ako nakaka-tatlong subo nang namataan ko si Alejandro sa bungad nitong restaurant. Nahagip ng mata niya kung saan ako nakaupo ngayon. Kaagad 'kong inalis ang mata ko sa kaniya at itinuon sa aking pagkain.
Oh no!
Hindi kaya magtaka siya at dito pa ako kumain? Bakit? Mayaman lang ba ang kayang mag afford ng mga menu dito?
Kahit na! Dapat hindi niya pa din ako nakita dito! Oo gamit ko ang tunay na pangalan ko sa resume na pinasa ko. Pero Iniba ko ang ibang detalye. I'm sure na hindi niya naman pagkaka-abalahan na suriin iyon ng mabuti dahil sa itsura ko pa lang ay hindi na siya gaganahan na halukayin pa ang pagkatao ko?
Halos 'di na makagalaw ang aking kamay dahil sa tension na nararamdaman. Lalo pa't nakaupo siya ngayon dito sa gilid ko, kabilang table lang.
Isusubo ko na sana ang na sa kutsara nang mapatingin ako kay Alejandro.
Sana pala 'di na ako lumingon!
Natagpuan ng aking mata na nakatingin ito sa akin ngayon.
Ngumiti ako ng hilaw kay Alejandro at tumango ng pilit.
"Ah! You ano? Uhm eat?" Pagkatapos 'kong sabihin 'yon ay hilaw akong tumawa.
Gusto ko ng sapukin ang sarili ko dahil sa nakaka-gagong sinabi ko sa lalaking ito!
Kumunot lang ang noo nito sa akin.
"The heck! Nerd!" Pabulong 'man ay narinig ko kung ano ang sinabi niya tungkol sa akin.
Sa halip na mainis ako o mainsulto, ay natuwa pa ako. Ngumiti ako sa kawalan. Sa wakas ay naranasan ko din ang may mag sabi sa akin about sa itsura ko.
Ganito pala ang pakiramdam? Medyo nakakalungkot, pero okay lang sa akin. Medyo bago sa aking pandinig.
I'm done with my food. While he was just starting to eat. Dahan-dahan 'kong inabot ang aking bag.
"Hi!" Tinawag ko ang waitress na nagbigay ng serbisyo sa akin kanina. Lumapit ito sa akin.
"Yes ma'am?" Nahiwagaan ako mataray nitong boses, ngunit hindi ko na 'yon pinansin pa.
Kumuha ako sa aking pouch ng pera. Mabuti at may cash ako? Inilapag ko sa mesa ang aking bayad. Tumingin ako saglit sa waiter habang kumukuha ng one thousand sa aking pouch. Inabot ko iyon sa kaniya at maging siya ay nagulat dahil sa laki ng tip na binigay ko sa kaniya.
"Tip ko 'yan sa iyo. Sana sa susunod, 'wag mo ng ibase ang magandang serbisyo sa mga taong may kaaya-aya lang na itsura." Nagulat ito sa akin sinabi.
"Hopefully, you will show and demonstrate a good manners as you provide service to your customers." Ngumiti ako sa kaniya.
Pagkatapos ko iyong sabihin ay nilisan ko na ang restaurant na iyon.
Mayroon pa naman akong natitirang oras para sa break time ko. Malapit lang din naman ang gusali kung saan ako nagtatrabaho? Dumaan muna ako sa isang convenience store dito sa BGC. Kahit na mahal ang mga paninda ay nagawa ko parin bumili ng mga kailangan ko sa aking office.
Bumili ako ng instant noodles and coffee, para hindi na ako lumabas o bumaba ng cafeteria para mag break time.
Binili ko lahat ng kailangan ko, bago ko mapag-desiyunang bumalik na sa trabaho.

Komentar Buku (29)

  • avatar
    Cassandra Jane Busano Alicante

    I really love your high quality application for me

    16/07

      0
  • avatar
    Jacqueline Morgado Mondiguing

    nice

    03/04

      0
  • avatar
    Montero Lalunio

    This is so beautiful story

    21/12

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru