KABANATA 5 ACE POV. SABAY-SABAY na nagsitunguan ang aking mga tauhan ng makapasok ako sa aming area dito sa Arena. Iniikot ko ang aking paningin sa buong kwarto. Lumapit ako doon sa mga kaibigan kong nagsisiyahan, kunot ang noo ko silang pinagmasdan at doon ko lang napansin na hindi sila naghahanda para sa Riot na magaganap mamaya kundi naglalaro lang sila ng mobile legends isa-isa. Hindi nila ako napansin sapagkat busy silang lahat sa paglalaro. Apat silang naglalaro, si Blake Yuston na pinakabata sa amin lahat, si Ice Sebastian, William Parker, at si Jashton Ward. Ang galing naman talaga ng mga kumag na 'to! "Uhy, Mythic na ako, choii! Last game pa." ani ni Jashton kay William. "Kanina pa 'yang last game mo, mamaya dumating si King tingnan natin kung saan aabutin last game mo!" ani naman ng huli. "Ang gwapo-gwapo ko talaga!" rinig kong sabi ni Blake na mas malapit sa akin. Naglalaro siya kasabay si Ice. "Double kill!" "SAVAGE!!!!!!!" sabay na sabi ni Ice at Blake. Naghiyawan sila at nagkaguluhan ng makita ko sa kanilang mga cellphone na. . . "VICTORY!" sigaw muli nila. Hanggang ngayon hindi pa rin nila ako nakikita. "ISA PANG GAME!" sigaw ni Blake Yuston. Hanga rin ako sa kawalan ng kaniyang pakiramdam sapagkat nasa likod na nga niya ako hindi pa rin ako nakikita. "Hoy Yelo, isang game pa!" sigaw uli niya. Tiningnan ko ang iba na ngayon palang siguro ko nakita dahil sabay-sabay na nilang naitago ang kani-kanilang mga cellphone at napapalunok akong tiningnan. Tiningnan ko lang sila ng masama. "Hoy Yelo, dalian mo na!" sigaw ni Blake sa kaniyang kaibigan na si Ice Sebastian pero hindi siya nito pinansin bagkus ay nakatingin lamang sa akin na may takot na expression. "WALA ANG HIHINA NIYO, ANG PA-PANGET NIYO KASI MANA KAYO KAY BOSS AC-" "Sinong panget, Blake Yuston?" halos mahulog si Blake sa kaniyang kinauupuan ng bumulong ako sa kaniya. Ang kaninang seryosong mga kaibigan ko ay nagtatawanan na habang dinuduro si Blake. "Epic!" sigawan nila Ice. "Na picturan mo ba, Wil?" "Oo, gandang kuha nga e, papakalat ko 'to sa buong arena!" "B-boss a-ano—" utal na sabi ni Blake ng makabawi na sa pagkagulat. "Boss ano," Paggagaya ko sa kaniyang sinabi habang tinataasan siya ng kilay. "I will kill you Blake kung hindi mo pa rin sasabihin kung sino ang tinutukoy mo." Pagbabanta ko pa. "K-kasi boss si-si Yelo talaga iyon! Oo si Ice Sebastian 'yon, King!" nauutal pa rin siya ngayon habang tinuturo si Ice na parang walang alam sa nangyayari. "Uy anong ako?! Nandadamay ka na naman Blake!" rinig kong bulong ni Ice kay blake. "Pero sa pagkakaalam ko Boss ang sinasabi mo at hindi iyon magtutugma kay Ice kasi hindi naman boss si Ice." Sabi ko at pinaningkitan siya ng mata. Napalunok siya. "K-kasi si ano talaga 'yon e... si ano," muli ay sunod-sunod pa rin siyang lumunok, pilit hinahanap ang tamang lengguwahe na magtutugma sa kaniyang sinabi kani-kanina lang. "Kasi si boss Diamond talaga iyon!" malakas niyang sabi habang nakapikit. Nakita ko kung paanong naghintuan sa paggalaw ang mga tauhan ko at mga kasama. Lahat ng iyon ay nakatinggin lang kay Blake yuston at sa akin pero alam kong hindi ako ang tinitingnan nila, kundi ang taong nasa likod ko. "Acho que ouvi meu nome aqui na sua área." I think i heard my name here in your area... Hindi ko na nilingon pa kung sino ang nagsalita basta't kontento na akong makita anong magiging reaksyon ng aking kaibigan dahil sa narinig. Lihim kaming natawa dahil sa pagkaputla ng kaniyang mukha habang unti-unting lumilingon sa nagsalita. "Our friend here is too complacent to reveal to all of us that you are ugly." Dere-deretso kong sabi. "A-ace." Parang iiyak na si Blake habang nakatingin sa akin. "I did nothing." Inosente kong sabi at namulsa. "You betrayed me, King! I'm your friend." Nagkunwaring nasaktan siya at sinapo pa ang kaniyang dibdib. Nagkibit-balikat lang ako. "Blake Yuston." Tawag pansin ni Diamond Montes kay Blake, automatiko naman itong napatigil sa ginagawa at tumindig ng matuwid. "Boss!" sabi niya sa seryosong boses pero ang kaniyang ekspresyon ay iba ang sinasabi. "Ako ba ang sinasabi mong panget?" pinagmasdan namin lahat kung paanong sa simpleng paghakbang lang ni Diamond ay kinaatras na agad ni Blake. Tunay ngang anak ng dating reyna si Diamond, talagang nakakatakot ang kanilang simpleng galaw. Naglakad si Diamond hanggang sa makaabot siya sa mga upuan at nilabas ang kaniyang baril. Napatakbo naman si Blake papunta sa akin at nagtago sa aking likuran. Ramdam ko ang takot niya habang nakakapit sa akin, napailing nalang ako. "Magsi-upo na kayo." Malamig na sabi ni diamond. Tinabig ko si blake pabitaw sa akin at umupo na sa katabing upuan ni Diamond. Nagsi-upuan na kaming lahat pero si Blake ay nanataili pa rin na nakatayo doon sa pwesto ko kanina. "Yuston." Tawag ulit ni diamond kay Blake. "B-boss D-diamond." Takot na ani ni Blake. "Halika dito," malamig na sabi ni Diamond. "P-po," "Halika lumapit ka sa akin." "A-ayoko," sunod-sunod na umiling si Blake at sumimangot. "Bakit?" kunot-noong tanong nito. "Kasi bad ka, papatayin mo 'ko." parang batang sabi ni Blake. "Who knows..." hinawakan ni Diamond ang kaniyang baril bago ito itinutok kay Blake. "Now if you didn't seat, i'll kill you. I'm not joking, Yuston." Naglalakihan ang mga mata ni Blake habang napapalunok na nakatingin kay Diamond bago dali-daling lumapit at umupo sa katabing upuan ni Ice. 'Blake is always be Blake.' Bumuntong-hininga ako. "So, ano na?" tanong ko. "12:12—" Hindi niya natapos ang sasabihin ng biglang sumingit ng sabay sila Blake at Ice. "Shopee?" tanong ni Blake. "Lazada?" tanong ni Ice. Nagkatinginan silang dalawa na naglalakihan ang mga mata. "UM'ORDER KARIN?!" Tumili silang dalawa. Napatampal nalang ako sa aking noo. "Sa shopee-pee-pppp, sa shopee-pee-ppp!!" kumanta pa sila ng sabay. Wala sa sarili akong napatingin sa iba kong kaibigan. Lahat sila palihim na kinukuhanan ang dalawa at palihim pa na tumatawa. Nagulat nalang ako ng biglang kumalabog at makarinig ng mga putok ng baril, pagtingin ko sa harap ko wala na ang dalawang kumag at nandoon na sa likod ng dingding habang ang katabi ko'y nakatutok pa rin ang baril sa kanila. "So as I'm saying—" naputol ulit ang sasabihin ni Diamond ng sumabat ulit si Blake. "B-boss Diamon—" "What!" galit na sigaw ni Diamond. "Pwede na kaming umupo?" inosenteng sabi ni blake. "No! Diyan lang kayo, huwag na huwag kayong aalis diyan hanggang hindi pa tapos ang meeting!" inis na sabi ni Diamond. "So—" sinamaan ni Diamond ng tingin si Blake ng akma na naman itong magsasalita. "Exactly 12:12 AM ang simula ng Riot kaya kung ako sa inyo limitahan niyo munang magasaran at maglaro. Gusto ko mas focus niyo ang pag'eensayo," Tumingin siya sa akin. "King, hindi birong tao ang makakalaban mo. Hindi porket babae ang reyna ay babaliwalain mo na 'to. Maaaring isa lang ang makauwi sa inyo pagdating ng dulo, sa riot na ito. Tandaan mo Ace, ibang-iba ang Riot dito sa Arena kaysa sa Riot sa Jeopardy Island. Hindi biro ang mga patibong na inihanda ng mga Elders para sa inyo. Kaya please, sa maaari lang iligtas niyo ang isa't-isa at sana walang mapahamak sa inyo kahit sino sa grupo niyo o sa kabila man. Hindi simpleng laban lang ito, kung saan pinapakita niyo kung sino ang mas malakas sa inyong dalawang grupo...ang labanan niyo ay ang mga patibong na inihanda, hindi ang bawat isa. Makakaasa ba ako, Ace Monford?" mahaba't malamig niyang sabi. "Boss Diamond, hindi ba pwedeng dito nalang ganapin ang riot? Mas natatakot pa ako sa Isla ng mga Elders kaysa sa kamatayan ko." Ani ni Quinn Nilsson na kakarating lang. Siya si Quinn Nilsson ang nag-iisang babae saamin. Malumanay kung iyong titingnan pero kapag nakasama mo siya sa laban hindi ka makakapaniwalang kaya niyang pumatay ng isang daang kalaban. "Dapat mo ngang katakutan ang Islang iyon sapagkat ni isa sa atin ay hindi malaman kung anong panganib ang pwedeng maranasan niyo kapag nakapasok na kayo." Tumayo siya at sinenyasan ang kaniyang isang tauhan. Lumapit naman ito at may ibinigay na maliit na box kay Diamond. Binuksan ito ni Diamond at bumungad sa amin ang isang pamilyar ngunit hindi simpleng ballpen. "Para saan iyan?" tanong ko. "Gagamitin niyo ito para protektahan ang sarili niyo." Kinuha nya ito at sinulatan ang kaniyang kamay. Isang minuto na kaming nakatingin dito pero wala talagang nangyari. "Pinagloloko mo ba kami, Montes." Malamig kong sabi sa kaniya. "Easy Bud!" natatawa niyang sabi. "Sulatan niyo rin mga kamay niyo." Binigay niya sa akin ang ballpen. Inirapan ko lang siya at sinulatan din ang aking kamay. Ganun din naman ang iba. Nabigla nalang kami ng mamatay lahat ng ilaw at ang aming kamay ay biglang umilaw—glow in the dark. "Woah! Cool!" Sabay-sabay na ani ng aking mga kaibigan. "Paano naman 'to makakatulong?" kunot-noong sabi ko. 'Arte naman may paganito pa!' "Walang ilaw sa isla—" Hindi pa natatapos magsalita si Diamond ng sumingit na ang mga kumag. "WHAT?!!" silang lahat. "Paano kami makakalaban at paano namin sila makikita kung walang ilaw sa Isla?" nagtataka kong tanong. "Bud, hindi tayo magiging opisyal na rango sa Gangster World kung hindi natin gagamitin ang ating pakiramdam lalo na sa pakikipaglaban." napatango-tango ako. "Gamit ang ballpen na iyan ang makakapagturo sa inyo kung nasaan ang iba mong kasama. Tandaan niyo ang kulay niyo dahil hindi lang kayo ang binigyan ko ng ganiyan, maliwanang?" Sabay-sabay kaming tumango. "MALIWANAG." "Last one..." lumapit siya sa amin at binulong ang isang pangungusap na babago sa aming pananaw. "Hindi sila ang totoo niyong kalaban... You are all the members and leader of black core and I swear to god, Nightmare isn't your true enemy in this Riot... hindi sila." Ngumisi siya ng nakakaloko at tumayo na. Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa elevator. Pumasok kami doon. "Bakit?" Tanong ko. "Hmm." "Bakit mo kami tinutulungan? Bakit kung makapagsalita ka tungkol sa Islang iyon ay parang nakapasok kana? Bakit sa pagkakasabi mo kanina pakiramdam ko'y kilala mo ang bagong reyna. Ang Queenhell. Bakit diamond, may tinatago ka pa ba sa akin? Nagsisinungaling ka pa rin ba sa akin katulad ng pagsisinungaling mo sa tunay mong estado sa buhay. Inaapi ka lang dati noong elementarya palang tayo pero ngayon kinakatakutan kana ng lahat. Ano pa Diamond? Bukod sa pagiging anak ng dating reyna at boss ng Asya, sino kaba talaga?!" At walang ano-anong kwinelyuhan siya. Tiningnan niya ako sa mga mata. Nandoon ang pangungulila at guilt. Alam kung sising-sisi siya sa lahat ng nagawa niya. Alam kong hindi niya ginustong magsinungaling sa akin pero hindi ko talaga mapigilang magalit. "Hindi mo na kailangan malaman ang ganun bagay monford. Oo kaibigan kita at alam kung galit ka pero alam naman natin na hindi lang ikaw ang galit dito, Monford! Hindi lang ikaw! Wala kang alam kung ano ang mga napagdaanan ko kaya huwag mo sa akin ibuhos lahat ng galit mo! Dahil kapag ako napikon monford..." tinabig niya ako palayo. "... ako mismo ang papatay sayo. Tandaan mo, ama mo ang pumatay sa ina ko." Napatanga ako sa kaniyang sinabi. Saktong bumukas ang elevator. Bago siya lumabas ay inayos muna niya ang damit na suot at tiningnan ako. "Sa susunod na gawin mo ulit iyon, hindi na ang kaibigan mong si Diamond ang makakausap mo kundi si Blythe na siguradong hindi mo magugustuhan." Malamig niyang ani pagakatapos ay tinalikuran na ako't lumabas na ng elevator. Napabuntong-hininga nalang ako at pinindot na ang elevator pataas ulit. Sa aming lahat, hindi lang ako ang may pangalawang anyo, Siya rin. "ATTENTION BLACK CORE! PLEASE PROCEED TO THE MAIN ARENA!" Napahinto kami sa paghahanda ng biglang mag-ingay ang aming speaker at grupo namin ang tinatawag. Napatingin ako sa mga kaibigan ko. "Dalhin niyo lahat ng gamit niyo. Huwag kayong mag-iiwan ng kahit na anong bagay na pwede natin magamit sa Riot!" Pasigaw kong sabi. Nagsikilusan na sila. Bitbit ang mga bat at kutsilyo'y lumabas kami sa aming area at bumaba patungong main arena. "Let's welcome, the new King of Gangster World and the Blackcore!" sigaw ng emcee. Nagsipalakpakan ang buong Gangster ng makita kaming pumasok. Maya-maya pa'y pumasok din ang grupong hindi pamilyado sa amin. Pinangungunahan ito ng isang babaeng may maskara sa kaniyang mukha nagpapahiwatig na siya ang Queenhell. Walang makakatalo sa kaniya. "AND NOW LET'S WELCOME,THE NIGHTMARE AND THE NEW QUEENHELL!" Nagkagulo ang lahat ng ihagis ng bagong reyna ang kaniyang hawak na dagger pataas at nang makababa ito'y nasalo niya ito gamit ang kaniyang dalawang daliri. Napairap ako sa kawalan ng tingnan niya ako at kindatan matapos niya itong gawin. 'Galing makakuha ng atensyon si Atey! Excuse me kaya ko rin 'yan nuh!' "At sa pagkakataon na ito, masasaksihan natin lahat ang pagsisimula ng panibagong riot sa pagitan ng ating bagong Hari at bagong Reyna." Nabigla nalang kami ng isa-isa kaming nilapitan ng mga naglalakihan na lalaki at may pasimpleng tinurok sa amin. "Hoy, anong ginagawa mo!" Sigaw ko at sinikuhan siya ngunit para na akong nalalantay na gulay at bigla nalang akong napaupo sa sobrang hilo. Ganun din ang aking mga kaibigan at ang aming mga kalaban. Nakita ko pang lumalaban ang Reyna pero pati siya'y nawalan nalang bigla ng lakas at natumba. Hanggang sa unti-unti na rin nagdilim ang aking paningin. 'Yeah right...Riot is a bad idea'
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
Biaya 50 berlian
Keseimbangan: 0 Berlian ∣ 0 Poin
Komentar Buku (30)
Marian Cornales
ang Ganda ng kwento nakakabitin , anung next po nito?
ang Ganda ng kwento nakakabitin , anung next po nito?
20/03/2024
0seand to ml piot
25/01/2024
0ang ganda ano name Ng next nito
01/11/2023
0Lihat Semua