logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter five

XYLINE'S P.O.V.
“And I think, it’s better if your section is blood moon, not High Noon. " Diing saad nito habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sakin. Napa lunok ako dahil sa takot.
Hindi ko maintindihan pero parang galit na galit ito sa'kin. Wala akong maisip na dapat niyang ikagalit sa'kin dahil wala akong ginagawa sa kanya at isa pa noong Friday ko palang siya na kikilala. Kung dahil sa pagsugat ko sa pisngi niya ang ikinagagalit niya sa tingin ko napakababaw lang yun at hindi naman ganyan katindi ang galit niya nung bumalik siya sa room, sakatunayan nga ay parang wala lang sa kanya ang ginawa kong pagsugat sa pisngi niya.  
Kung ganon, ano ang ikinagagalit niya sa'kin? Dahil ba sa section nato ako na punta? Kasalanan ko ba yun?
"Huminahon ka Tyler, walang alam ang bagong mag aaral na to sa nangyari noon. At kung galit ka sa mga BM sa tingin ko hindi dapat siya ang pagbuntungan mo ng galit." Mahinahong paki-usap ni Guro dahil parang hindi magdadalawang isip si Tyler na paslangin ako dito sa loob ng room dahil sa mga tingin niya sa'kin. "She is innocent." Diing dagdag pa ng guro.
Kung ayaw niya akong maging kaklase, ayaw ko rin naman siya maging kaklase. Hindi naman ako ang namili ng Section.
Matalim na nakipagtitigan  si Tyler sa teacher habang ang teacher ay binigyan lang ng walang emotions. "Siguraduhin niya lang na wala siyang connection sa mga BM, alam mo ang mangyayari Gurong Aldrich sa pwedeng mangyari sa babaeng yan," Binaling niya ang tingin sakin. "Dahil sa oras na malaman ko, impiyerno ang kalalagyan ng buhay niya dito." Nang gagalaiting saad nito habang nasa akin ang mga tingin.
Hindi ko naman alam ang mararamdaman ko sa mga matatalim niyang tingin, naiinis ako pero sa mga  tingin niya, nangingibabaw na ang takot sa akin, ang pagkakatanda ko si Mama palang ang nag patibok ng matindi sa puso ko dahil lang sa titig.
Ano ba yung BM? At bakit nadamay ako sa BM.
Ibinaling niya sa iba ang tingin kaya nakahinga ako ng maluwag kahit papano. Unti unti siyang naglakad palayo sa'kin hanggang sa makapunta siya sa dulo at doon umupo.
"Pag pasensiyahan mo na si Sol, matindi lang ang pinagdadaanan ng section na to sa kamay ng mga makasariling BM." Bigla akong napatingin kay Guro dahil sa sinabi niya.
Ilang beses ko ng naririnig ang BM at wala man lang nag sasabi sakin kung ano iyon... Section rin ba yun?
Ngumiti naman ako. "Okay lang po, iitindihin ko na lang at ipinapangako rin na wala akong alam sa mga BM." Saad ko habang naka taas ang kanang kamay. Sana kaya kong intindihin si Tyler, dahil hindi ko ugaling mag pigil ng galit.
Tumango naman siya habang nakangiti sakin. "Mag hanap kana ng mauupuan mo." Saad nito habang iginayak ang mga palad na kahulugan na pwede na akong maghanap ng mauupuan.
Humarap naman ako sa mga kaklase ko para makita kung may bakante pa. Habang naghahanap ay hindi ko mapigilan na tignan isa isa ang mga kaklase ko, Merong mga ibang nakangiti sa'kin pero mas maraming naka taas ang mga kilay at karamihan doon ay puro babae. Hindi rin maipagkakaila na may mga angking kagandahan at kagwapuhan ang mga mukha nilang lahat sa room na to. Pansin ko rin na lahat sila ay may ibat-ibang lahi,  Miski ang guro ay may lahi.
Sa kakahanap ko ng upuan ay napansin ko na parang nasa bente ang mga kaklase ko dahil kokonti lang sila at ganun din ang upuan, Four line ang bawat upuan pero magkakahiwalay na parang isang metro ang layo.
Nakakita na ako ng isang bakanteng upuan pero pero napangiwi naman ako na malapit pa kay Tyler iyon. Minamalas ka nga naman.
Gusto ko sana sabihin sa Guro na kung pwede bang kumuha ng ibang upuan dahil ayaw kong makatabi si Tyler. Pero masyado ng abuso kaya unti unti kong hinakbang ang mga paa ko palapit sa upuan at bawat hakbang ko feeling ko palapit ako sa kamatayan. Wala na rin namang choice at kung meron man hindi na ako tatabi sa kanya.
Nang makalapit ako sa upuan ay napatingin ako sa mga kaklase ko dahil hindi umalis ang mga tingin nila sa'kin hanggang sa makalapit sa upuan.
Pigil hininga akong umupo sa bangko pinakiramdaman ko rin ang katabi ko kung magagalit ba ito pero nagpapasalamat ako dahil wala man lang siyang imik sa'kin. Mas lalo pang guminhawa ang paghinga ko ng magsimula na si Guro.
Bago mag simula ay pinaalala niya muna sa'kin na six to Ten am ang oras ng pagtuturo niya Monday at Saturday ang araw na may klase siya. Para rin daw hindi ako malito sa oras ng mga iba pang teacher ay ibibigay niya sa akin ang mga araw at oras ng ibang subject.
Tungkol sa baril na nangangalang PSG1 ang itinuturo niya, napapangiwi pa ako dahil parang lahat ng sulok ng baril na to ay may pangalan miski sa loob ng baril ay merong pangalan na mahirap intindihin o mahirap tandaan. Ano ba to? Sumasakit ulo ko.
Napatingin ako sa mga kaklase ko kung katulad ko rin ba silang na hihirapan pero parang wala lang sa kanila ang bawat tinuturo ng guro dahil parang alam na alam na nila ang mga ito.
Bandang 8 na nang bigla kaming papilahin sa labas ng room at dahil bago palang ako ay pinili kong mahuli.
"Okay Xyline dito ka sa unahan masyado kang maliit." Bigla akong napangiwi ng sabihin yun ni sir.
Ouch!•́  ‿ ,•̀
Tumingin ako sa mga kasamahan kong babae, at napa pokerface na lang ako na lahat sila matatangkat, meron namang naka heels na sa tingin ko kasing tangkad ko lang, pero ang unfair. Flat shoes lang ang suot ko.
Napakamot ako sa batok ko ng wala sa oras. Ang daya naman oh...
Pangalawa ako sa unahan dahil may kaparehas din ako na hindi naka heels. Medyo na weirdo -han pa nga ako sa babaeng nasa unahan ko dahil lagpas na sa mata yung bangs niya, hindi niya manlang to hinahawi dahil pinanatili niyang nakaharang sa mata ang bangs, sobrang haba rin ng buhok nito na hanggang bewang at nakalugay lang at hawak hawak niya rin ang kulay itim na notebook.
Mukha siyang…. Ano bang tawag don? Sa mga taong nakakakita ng multo at kumakausap sa multo. Hindi ako pamilyar sa ganun dahil wala naman akong interesado sa multo. Pero takot ako sa multo. Kamuntikan na ako matawa ng maalala ko ang Cartoon na pinapanood ko nung isang linggo lang lumabas, Para siya yung babae sa cartoon na The cloud House. Mas lalo pa siyang nagiging weirdo dahil sa Uniform ng School nito, full Black ang Blazer niya at kulay grey ang pangalawa niyang uniform na dapat puti. Mas weirdo pa sya kay Estella.
Nang mai-lock ni Gurong Aldrich yung pinto ay sinabihan kami nitong sumunod sa kanya.
****
          Habang naglalakad ay pansin ko na palayo kami sa building ng room namin. Ilang metro ang nilakad namin bago kami makapunta sa malaking gusali. Pumasok kami doon at bawat lakad ko ay nakikita ang mga naka sulat sa punto. Training Room.
Sa hulihang room ay doon kami pumunta at pagpasok ko ay doon ko lang na kita kung anong room yun. Shooting range room.
"I know all of you know how to shoot properly. But because you have a New Classmate, she also needs to learn how to shoot correctly. " Panimula ni Gurong Aldrich ng makapasok kaming lahat. Sinarado niya ang pinto. "Ang leader ang magtuturo sayo." Mahinang saad nito ng madaanan ako itatanong ko sana kung sino yun pero nag lakad na siya playo sa'kin. "Kung gusto niyo ring mag-ensayo, libre nyong magagamit yan." Sambit  niya pa habang nag lalakad at nakatingin sa mga kaklase ko.
Kahit may lahi si Sir ang linis niya mag tagalog.
Yung ibang babae ay napairap habang lumalapit sa upuan at doon tumambay, nakita ko pa na may mga laruang baril doon sa tabi nila at ayun nalang ang pinagtuunan ng pansin. Ang iba namang mga lalaki ay kumuha ng kanya kanya nilang totoong baril at walang pasintabing nagpaputok kaya napatalon pa ako dahil sa gulat at nakaramdam din ako ng takot kaya napatakip ako ng tenga habang nakapikit. Damnit! ayoko ng tunog ng kahit anong baril.
Bigla akong napamulat nang mata ng may maramdaman akong naglagay ng kung ano sa tenga ko napatingin ako kung sino ang nag lagay at nakita ko si Tyler na seryosong nakatingin sa'kin at dahil sa nilagay niya sa tenga ko ay hindi ko na masyadong marinig ang mga putok ng baril.
Bigla siyang nag Sign language at halos bumaliko ang ulo ko sa pag pupumilit na iniintindi ang pag sa-sign language niya.
Bakit hindi kaya siya mag salita? Hindi ako expert sa pag sa-sign language dahil wala naman nag turo nun sa'kin.
Pinisil niya ang pointed nose nito pagkatapos ay nagpamewang. Napa-kamot ako ng ulo dahil parang na babadtrip na naman ito sa'kin. Pero anong magagawa ko hindi ko naman maintindihan pinaggagawa niya?
Lumapit si Gurong Aldrich na may dalang band paper at pentel pen marker binigay niya yun kay Tyler na agad din niyang tinanggap.
Nang matapos mag sulat ay pinakita niya ito sakin. "We can't hear each other because of  what you're wearing and the sound of the gun." basa ko sa nakasulat. Napatungo naman ako dahil sa sinabi niya.
"E’ paano mo ako matuturuan?" Takang tanong ko. Pwede naman yata na wag muna bumaril yung mga kaklase ko para naman may oras si Tyler na turuan ako. Wait, si Tyler mag tuturo sa'kin? At siya ang sinasabi ni Guro na leader?
Lumapit siya sa Shooting Range at tumingin naman siya sa'kin at sumenyas na lumapit ako. Agad naman akong lumapit at paglapit ko ay agad niya akong pwenesto. Nasa likuran ko siya at hawak niya ang dalawang balikat ko.
Kahit na may takip ang tenga ko ay dinig ko ang ingay ng baril kaya napatingin ako doon. At yung President ng Section ang nakita kong bumabaril at isang metro lang ang layo namin sa isa't isa. Base sa galaw niya at ng mga kasamahan niya ay para silang naglalaro dahil nagpapalakpakan at may hiyawan. Para sa'kin okay din na may takip ang mga tenga ko dahil nawawala ako sa concentrate dahil sa tunog ng baril, dahil ang tunog na yun ang nagpapabalik sa nakaraan ko buti nga at naisipan ni Tyler na lagyan ng pangtakip ang tenga ko dahil nung nakaraang linggo ay wala manlang siyang pinangtakip.
Nagulat ako ng biglang hawakan ni Tyler ang kanang kamay ko at may nilagay na baril. Inayos niya ang pustura ng dalawa kong kamay, naka labas sa gatilyo ang hintuturo kong daliri sa kanang kamay, nang maayos niya na ay hindi niya muna ako pinakalabit ng gatilyo dahil Inayos niya rin ang dapat na pagtayo ko.
Pagkatapos ay pinakita niya sa'kin ang Bandpaper na may naka sulat na "Go" kaya sunod sunod kong pinagbabaril ang nasa harapan kong target at nang maubos ang bala ay napangiti ako ng tumama ang iilang bala, kahit na malayo ang tama ng bala sa dapat na target na nasiyahan parin ako.
Walang pahinga na tinuruan ako ni Tyler at kahit papano naman ay nagagawa ko ng tama ang tinuturo niya pero hindi pa rin pasok sa standard niya ang mga natatamaan ng baril ko. Gusto niya kasi ay sa ulo mismo ko patamaan pero palaging malayo.
Nang mag 9:41 ay doon lang kami tumigil miski ang mga kasamahan ko rin na naglalaro ay tumigil na rin sa pagbaril at mas pinili nalang na mag kwentuhan sa isang tabi. Si Tyler naman ay kausap si President na Gian pala ang pangalan dahil tinawag ito ni Gurong Aldrich sa pangalan na yun. Si Gurong Aldrich naman ay umalis muna saglit dahil may kukuwain lang daw siya.
Ako naman ay naka upo lang sa isang bangko habang nakayuko. Medyo inaantok ako ngayon kahit na mahaba ang tulog ko kagabi, siguro dahil sa pagod kahit na hindi naman ako tumakbo kakabaril pero dahil ilang oras akong nakatayo feeling ko kailangan kong matulog.
Pabagsak na ang talukap ko ng may maramdaman akong palapit sa'kin. Ito ang pinakaayaw ko sa katawan ko, malakas masyado ang pakiramdam ko  kahit na unting kahina-hinalang kilos lang nang tao ay mapa-paranoid na ang katawan ko. Nag simula ito noong bata pa ako at ito yung araw na kamuntikan na talaga akong mamatay na walang kahit sinong may alam sa nangyari, miski sila Mom. Mabuti nalang at may batang lalaking nagligtas sa'kin.
Napaayos ako ng upo dahil sa lumapit at napataas nang bahagya ang mga kilay ko dahil nakita ko ang tatlong babae sa harapan ko. Meron ding limang babae sa unahan nito na may hawak na mga laruang baril.
"Umh? May kailangan ba kayo?" Nagtatakang tanong ko. Kumunot naman ang noo ko ng biglang tumawa ang tatlong babae nasa unahan. He?
Sa itsura niya mukha syang may lahit Hapón at Italian.
"You have a funny face, Xyline." Saad nito habang naka turo sa mukha ko at halos maduling ako dahil sa pagtingin sa daliri niyang nakaturo sa'kin. "You make me laugh." Dugtong niya pa habang may mga takas na tawa. The hell! Ilang saglit lang ay sumeryoso ang mukha nito. "Ahm, By the way, I want to be friends with you. Can I?" Taas kilay na tanong niya.
Napakunot pa nang kaunti ang noo ko dahil sa pustura ng pagkakasabi niya. Para siyang nangiinis, pero bigla ko rin na isip na baka ganun lang talaga sya makipagkaibigan pwede ring hindi at gusto niya lang akong inisin.
Ngumiti ako ng bahagya at pinang walang bahala ang tono ng pananalita nya. "Sure!" Masayang sabi ko at inilahad ang kanang kamay. Nakita ko naman na lumukot ang noo niya habang naka tingin sa kamay ko.
"Oh! I'm sorry, hindi ako nakikipag shake hands sa madaming kamay." Mabagal na saad niya habang hinampas ng kaunti ang kamay ko, medyo na kakainis pa ang paghampas niya dahil parang isang basura ang kamay ko. "I think you need to wash first." Nakangiwing saad niya.
Yumuko ako para hindi niya makita ang pagkainis ng mukha ko. Sa tingin niya yata isa akong babaeng walang alam at kinakaya kaya niya lang. Pero imbis na batuhin ko rin siya ng maaanghang na salita ay tinignan ko siya sa mga mata at ngumiti.
Pasimple akong huminga ng malalim at ngumiti. "Okay sure." Tumayo ako at lumakad palapit sa pinto.
Hindi ako ganun kadali magpatalo sa kaaway lalo na kung nagpi feeling malakas at magaling na sa tingin niya ay walang kayang tumalo sa kanya. Sabihin na natin na basagulera rin ako noon at iba't ibang grupo na rin na nagpiping gangster ang napatumba ko pero ngayon mukhang hahayaan ko munang magpatalo dahil ibang level na ang kinakaharap ko, wala sa kalingkingan ko ang kakayahan nila. Baka mamatay agay ako ng maaga.
Ayy... Wait.. bawal nga pala pumatay nang basta basta, magiging safe ako. Hehe~~
Aktong bunuksan ko na ang pinto ng may sunod-sunod na maliliit na bola ang tumama sa akin. Nang tignan ko kung ano yun ay ang mga bala ng laruan na hawak ng babae ang nakita ko. Nagtatawanan pa ito habang binabaril ako ng laruan na yun habang ako ay napapadaing sa sakit. Pellet gun ang hawak nila at kahit na sabihin na laruan lang yun ay masakit sa balat kahit na may long sleeved tong suot ko.
"Ano bang ginagawa ninyo! Itigil niyo nga yan!" Inis na sigaw ko habang sinasalag ang mga bala gamit ang dalawa kong braso, pero parang walang mga naririnig ito dahil patuloy lang sila sa pagbaril habang tumatawa.
"Akalain mong may mapag gagamitan pala ang laruan nato." Natatawang sabi ng boses lalaki.
"Ge! Barilin ninyo pa!"
Mas lalo pa akong napadaing na mas dumami ang naki baril kaya mabilis kong binuksan ang pinto para lumabas at mabilis na tumakbo dahil hindi sila tumitigil kahit na nasa labas na ako.
Malayo na ako sa kanila ng tumigil ako sa pagtakbo. "Ano bang mga problema ng mga yun sa'kin?" Banas na tanong ko sa sarili. "Grabe ang sakit!" Mangiyak ngiyak na sabi ko. Inalis ko ang blazer ko para tignan kung ang mga pantal sa katawan ko. Aishh! Kainis!
Ipinagpatuloy ko ang paglalakad at nakakailang hakbang palang ako ng may tumawag sa pangalan ko.
"Xyline!" Napatingin ako sa tumawag sa'kin at napa taas ang kilay ko ng makita si Gurong Aldrich na tumatakbo palapit sa'kin. "Ho! Buti na abutan kita." Nakangiting sabi nito ng makalapit. May inabot siyang papel sakin. "Here, ito yung nga schedule ng oras ng mga magiging Guro mo. And nalaman ko rin yung mga ginawa ng nga kaklase mo, are you okay?" Nag-aalalang tanong nito habang sinusuri ang kabuuhan ng katawan ko miski ang mukha ko.
Binigyan ko siya ng maikling ngiti. "Yes sir, okay lang ako. Thank you ho dito." Sabi ko habang pinakita ang papel na binigay niya.
"Puntahan mo na lang ako sa office ko kung may kailangan ka pa, break time na ngayon kaya pwede ka nang pumunta sa Canteen." Sabi niya at saktong tumunog ang bell hudyat na tapos na ang klase. "Sige maiwan na kita." Paalam niya at tanging ngiti at tungo nalang ang nagawa ko.
Habang naglalakad ay tinignan ko ang papel na binigay sa'kin ni Sir at naka taas ang mga kilay ko sa nabasa ko.
MONDAY
• 6 TO 10 AM
(Gurong Aldrich) Teaching how to use a gun.
And
• 2 to 6 PM
(Gurong Samuel) Training for any martial arts.
TUESDAY
• 6 to 10 AM
Gurong Samuel) Training for any martial arts.
And
• 2 to 6 PM
(Gurong wang chi) Practice using katana.
WEDNESDAY
• 6 to 10 AM
(Gurong wang chi) Practice using katana.
And
• 2 to 6 PM
(Gurong Kenji) Practicing using a bow.
THURSDAY
• 6 to 10 AM
(Gurong Kenji) Practicing using a bow.
And
• 2 to 6 pm
(Gurong Takachi) Practice using kunai.
FRIDAY
• 6 to 10 AM
(Gurong Takachi) Practice using kunai.
And
• 2 to 6 PM
(Gurong Vanessa) Learn Five language, Japanese, Italian, Russian, Filipino, English.
SATURDAY. 
• 6 to 10 AM
(Gurong Vanessa) Learn five language, Japanese, Italian, Russian, Filipino, English.
And
•2 TO 6 AM
(Gurong Aldrich) Teaching how to use a gun.
What?!
Anong klaseng schedule to? Limang oras kada gagawin ang pag eensayo?
Tapos meron pang mga language na ituturo at hindi lang isa kundi lima?! Magagamit ko ba ang mga salitang yan kung pwede naman English na lang, dahil English ang salita na pwedeng gamitin pag nasa ibang bansa ka Nakakapang kulo naman to ng dugo.
Banas na nilagay ko sa bulsa ng Uniform ko ang papel at naglakad papunta sa room, balak kong kuwain muna ang bag ko ron dahil baka bag ko naman pag diskitahan nila.
3rd Person Point Of View
A few minutes ago....
Puno ng tawanan sa loob ng room ng iwan ito ni Xyline, meron ding iilang nainis sa ginawa ng ibang Section E.
"Pst! Para kayong mga bata." Natigil ang tawanan ng magsalita ang isang babae na naka upo lang sa isang tabi.
Humarap sa kanya ang babaeng kumausao kay Xyline. "Oh come on, Janine! Gusto ko lang makipag laro sa kanya, masama ba yun?" Nakangiting saan nito.
"Masyadong panget ng laro mo Charlene, tama bang pagkaisahan ninyo si Xyline na walang laban? Sa tingin ko hindi ka rin na iiba sa mga talunan." Bakas sa boses ni Janine ang inis. Kanina ay gusto niyang tulungan si Xyline pero pinigilan siya ng kuya niyang si Klent dahil alam nito na madadamay ang kapatid niya sa gulo. Pero ngayon ay hindi niya mapigilang ilabas ang pagkainis sa mga kaklase.
"Tinawag mo kong talunan?--"
"Oh, tama na, Wag kanang pumatol Charlene." Awat ng isang lalaki na si Bryan.
Sarcastic naman na tumawa si Charlene. "What the H*ll! Masyado kang maangas! Palibhasa nandito ang kuya! Sino kaya sating dalawa ang talunan? Yung ikaw na nagtatago sa likod ni Klent o ako na pinagkaisahan lang si Xyline? " Banas na sabi nito Kay Janine.
"Parehas lang kayong talunan."  Bulong ni Russell sa isang tabi, at dahil sa tensyon ay walang nakarinig sa kanya.
May tumayong babae para pigilan si Charlene. "Ano ba Charlene, tumigil kana." Awat ng kaibigan nitong si Liza.
"Why liza? Nung una pinagbibigyan ko siya pero ngayon mukhang hindi na!"
"Pagbigyan mo ulit, okay?" Mahinanong saad nito. Napairap naman si Charlene at matalim na tinignan si Janine na inaawat din ng ibang kaklase.
Natigil ang ingay ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Gurong Aldrich sa loob. "Where's Xyline?" Takang tanong nito sa mga estudyante niya pero walang sumagot. Biglang napatingin si Gurong Aldrich dahil sa mga na aapakan niyang bala sa sahig. "Bakit may bala ng pellet gun dito?"
"Kakagawan ni Charlene." Biglang saad ni Janine habang may pang asar na tingin kay Charlene.
"Excuse me? Hindi ako kasali sa bumaril ng pellet gun na yan kay Xyline." Ngiwing saad nito habang naka cross arms.
Napahawak naman ng noo ang mga kaklae nito dahil sa sinabi ni Charlene. "WHAT? Binaril ninyo ng pellet gun si Xyline?!"
Biglang na realize ni Charlene ang sinabi kaya napa takip ito bigla ng labi. "A-ah k-kasi sir--"
"No buts, ikaw na mismo ang nag sabi at dahil sa ginawa ninyo. Walang mag re- recess." Iritang sabi nito.
"Sir naman--"
"Tatambay ako sa canteen at sa oras na makita ko kayo ron miski ang anino ninyo hindi pwede ron at àlam naman ninyo ang mangyayari sa oras na hindi sumunod!" Huling saad nito bago lumabas.
"This is your fault Charlene!"
"Bakit ako? E totoo naman na kayo ang bumaril kay Xyline?"
"Nakibaril ka rin!"
"Tama! Tapos ikaw rin nag-isip na barilin si Xyline!"
"Sumali naman kayo sa naisip ko."
"Hindi na naman tayo makakain..."
"Bawal din tayo pumunta sa Dorm natin, dahil sure na nandon ulit yung mga tauhan ni Sir."
"Maki buraot na lang tayo!"
"Mag isa ka!"
XYLINE'S Point of view
Current time...
NASA harapan na ako ngayon ng locker ko at unang bukas ko palang ay tumambad na agad ang papel na maliit at isang picture. Bumaba ang balikat ko dahil sa dahilan kung bakit may papel at isang picture sa locker ko.
Parang hindi ko kayang pumatay.
Hayss! Bakit ba kasi ganito ang School na to. Mukhang hindi ako makakaalis dito hanggat hindi na dudungisan tong kamay ko. Kinuha ko ang papel at sinarado ang locker.
Tinignan ko ulit ang na sa picture at halos mapanghinaan ako ng makita ang mukha ng lalaki sa picture. Mukha itong nerd at todo bigay din ang pagkakangiti nito dahilan kung bakit hindi na makita ang singkit nitong mata at para siyang inocente. Pero, sa Hindi sinasadya ay bigla kong nakita sa likod ng picture ang nakasulat na level 5.
"Level 5? Ibig sabihin lima na napapatay niya?" Gulat na bulalas ko sa mahinang tono. "Oh shit! Bakit level 5 agad tong katapat ko? Bwesit nama--Ouch!" Bigla kong na bitawan ang picture na hawak ko at mapahawak sa kanang braso ko dahil sa may bumangga sa'kin. "Ano ba--" nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino ang taong bunangga sa'kin.
"S-Sorry miss, nagmamadali kasi ako." Kinakabahang sabi niya kinuha niya agad ang salamin nito at nilagay sa mata.
Sabay kaming napatingin sa picture na nasa sahig at nagpapasalamat ako dahil naka taob ito kaya hindi nya kita kung sino ang nasa picture. Aktong kukuwain niya na to ng mabilis ko itong dinampot. "Nako okay lang hehehe~~" Kinakabahan sabi ko. Nagtaka pa siya sa kinilos ko bago alanganing tumango at naglakad palayo.
Nang makalayo na siya ay nakahiga ako ng maluwag. "Grabe! Kamuntikan niya ng malaman na siya yung target ko." Wala sa sariling saad ko. "Araw-araw talaga ako sinusubok ng panahon! Target ko na mismo lumalapit sa'kin." 
Hindi ko alam kung swerte yun dahil siya na mismo nagpakita sa'kin o isang malas dahil parang sinasabi ng panahon na to na, ito na ang araw kung saan papatay na ako.
Naka alis na ako sa locker room at ngayon ay papunta na ako sa Canteen at nagpapasalamat pa ako dahil maraming estudyanteng papunta sa canteen kaya hindi ako na ligaw.
Malapit na ako sa canteen ng may tumawag sa'kin. "Xyline!" Isang boses na hindi pamilyar sa'kin ang tumawag sa pangalan ko, Tinignan ko kung sino iyon pero hindi ko mahanap. "Xyline dito!" Biglang nanliit ang mga mata ko ng makita ko ang pigura ng isang babaeng kumakaway habang nasa tabi ng puno. Sumenyas siya na lumapit ako kaya walang reklamo akong lumapit.
Pamilyar sa'kin ang mukha niya dahil parang nakita ko na siya kani-kanina lang.
"Hi!" Masayang sabi nito habang may pagkaway. Ngumiti naman ako bilang sagot dahil hindi ko talaga siya kilala. Tumango tango naman siya ng mabagal dahil parang na gets niya sa mukha ko na hindi ko siya kilala. "Uhm, ako si Janine Syson, isa sa mga kaklase mo."
Sabi ko na nga ba! Kaya naman pala pamilyar siya sa'kin, kaklase ko siya. "Ah, sorry hindi kasi kita agad na tandaan." Nakangiting saad ko..
"Wala yun, gusto ko lang sana na humingi ng sorry sayo sa ginawa ni Charlene kanina." Mahinang saad niya at mukha siyang mahinhin sa kilos at sa mukha niya.
"Bakit isa ka ba sa naki baril?" Taas kilay na tanong ko. Dahan dahan naman siyang umiling. "Kung ganun, hindi ka dapat humingi ng tawad sa'kin dahil wala ka namang ginawa."
Ngumit naman siya ng bahagya. "Kahit na, alam ko kasi na hindi mag sosorry yung mga kaklase ko sayo kaya ako na ang humihingi ng kapatawaran."
"Ayos lang sa'kin yun." Alanganing saad ko dahil hindi talaga okay, masakit ang ginamit nilang baril sakin at sobrang dami pa ang bumaril.
"Maraming salamat," nakayukong saad nito. "Gusto ko sana na makisabay sayo kumain pero grounded kaming lahat sa canteen."
Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Bakit naman?"
Bigla siya tumawa ng pilit at napa kamot sa ulo. "Hahaha-hehehe... n-napagalitan kami dahil sa ginawa nang mga kaklase ko sayo."
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig. Ang bilis naman ng karma pero bakit lahat sila, nakita ko na may iba na hindi naki baril.
Inalok ko siya na bibilhan ko siya ng makakain pero tumangi ito dahil kahit magpabili ay bawal daw dahil may parusang matatanggap pagkumain kahit isang butil ng kanin.
****
⚠︎

Komentar Buku (23)

  • avatar
    Liziel Sosas

    rjrhgetwtwr2t4j4jjrjdhgsgsgdhrtktmrkrkekwywgdjjddjopkyreafjjfjgkuluktjrhgewfwffwwrwtegtjjyk7okytjrhwfwtey4opotirhrheefsHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAAMBOTAHAHAHAHAHAHAHAWHWHWHWHWUWUIWJWWWAKOLASABOTHAHAHAHHAHAAHAHAHAHAHAHAHHAWHWHAHAHAHWHAHAHAHIAOEKRGFKOSJRBFJWOOWIRJSKWKEJRJNDKDOWKmbtiskibajajejowowojfjorififidwolwksdnbfhhreuwiwijhshahahaahahahahahahahhahahhaahhahahahahahauwiwiwowoakndjfjdiriewowru7d66fyfydhsjaqpwlskdjdjjdiS NICE STORY WOWWWWWWWWWWWWW

    04/07

      0
  • avatar
    Hanz Villanueva

    it's ah good game

    23/10

      0
  • avatar
    Hann-jeff De Fiesta

    ud pls😅

    02/09/2023

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru