Nagising naman ako sa isang kuwarto and I think nasa hospital ako. Narinig ko naman ang boses ni Dad na nagpupuyos sa galit. Dahan-dahan ko namang binangon at ini-upo ang sarili ko. " 'Di ba, sinabi ko na sa 'yo Claire na isama mo si Forth kung saang lugar ka pupunta! " Napahawak naman ako sa leeg ko at may benda na na nakatapal ro'n. " K-Kasama ko siya. . ." mahinang wika ko. Nasaan na ba 'yong bodyguard na 'yon. Siya ba nag-dala sa 'kin dito? " Dad, sino nag-dala sa 'kin dito? " tanong ko sa kaniya. Mukang na cancelled ang meeting nito sa kompanya. At nadagdagan ang stress nito for sure dahil sa 'kin.
" Si Forth. And thanks to him, you're safe! " Hindi ba n'ya puwedeng kalmahan ang boses niya? Can't he see? Nasa hospital kami! At baka naabala at nagigising 'yong ibang pasyente dahil sa kaniya. " Where's Via? Magkasama ba sila ni Forth? " Umupo naman ito sa tabi ng hospital bed at nagbuntong hininga. " No. Nandoon siya sa labas. Bumibili ng makakain mo. Your friend said that you didn't eat food bago umalis man lang sa bahay. " Well, makaka-kain naman sana ako kung hindi dahil sa mga holdupper na 'yon. At hindi rin siguro ako mapupunta sa hospital na 'to kung hindi ako nasugatan at nakakita ng dugo. Iniisip ko pa lang 'yong dugo ko sa palad kanina nanlalambot at nanlalamig na ako. " I even cancelled my meeting just for you. . ." mahinang wika nito at napahawak sa noo. " Then. . .I'm sorry. Hindi ko naman alam na may magaganap na holdapan doon," paliwanag ko. Nakita ko naman si Dad na nagtataka na nakatingin sa 'kin. " Should I throw a party? You apologize just a while ago. Epekto ba 'yan ng nangyari kanina, Claire? Or do you have a fever?" Saka nito idiniit ang palad niya sa noo ko. Tinanggal ko naman 'yon. " I'm not sick! " mahinang singhal ko. " Ngayong alam kong nasa mabuting kalagayan ka na. I will leave. Madami pa akong gawain na naiwan sa opisina ko. Hindi rin pumasok si Lanny, ang secretary ko. Iiiwan muna kita kay Forth. At baka hindi rin ako maka-uwi sa bahay mamayang gabi." paliwanag nito. " Can I just go with you, Dad? Ayaw kong makasama 'yong bodyguard na 'yon," nakiki-usap kong wika sa kaniya. " You're not a seven year old kid, Claire. Hindi ka na bata, " wika nito. " You're right, Dad. Hindi ako bata para iiwan mo sa bodyguard na 'yon!" sabi ko naman. Napalingon naman si Dad sa pinto ng may kumatok dito. " Can I come in? " And yes, it was my annoying bodyguard. " Yes, you can. " sabi ni Dad at muli akong tinignan at nagsalita. " Nandito na si Forth, aalis na ako. " wika nito. Napabuntong hininga na lang ako habang iniikot ang eyeballs ko. " Forth, ikaw na bahala sa anak ko. Make sure na h'wag kang aalis sa tabi niya. " paalala ni Dad sa kaniya bago tinapik ang balikat. And this annoying bodyguard was smiling in my Dad in a nice way. At parang hindi ito demonyo sa harap ng anak ng amo niya. " Sure, I will guarantee her safety, " pahabol na wika ni Forth kay Dad na nakalabas na ng pinto ng kuwarto. " Gladly, you didn't die, " wika nito habang papalapit sa 'kin. Inilagay niya sa mesa sa gilid ng kama ang plastik na dala niya. Bago humarap sa akin at inilagay ang braso niya dibdib niya at nagbuntong hininga. " If you want to eat, just eat. Leeg lang ang may deperensya sa 'yo at hindi 'yang kamay mo. Makakasubo ka naman siguro, " He's really annoying. I want to punch him on his gut. I rolled my eyes at inabot ang plastik sa gilid ng kama ko. Baka ma- discharge na ako mamaya-maya. " Himala, hindi ka nagreklamo, " aniya nito. " Baka kapag sinagutan kita mapikon ka. Kaya no need. I will just shut my self and zip my mouth, " sabi ko habang inilalabas ang binili niya. Tatlong cup noodles ang laman ng plastik. At paano ko makakain ito kapag walang mainit na tubig?Tumayo ako sa pagkaka-upo ko sa hospital bed. " Where are you going? " tanong nito. " Hihingi ng mainit na tubig sa labas. Baka mayroon, " sagot ko. Gustuhin ko naman na utusan siya ay alam ko na hindi ito papayag. He's a lazy bodyguard! Period! " Give me that. " Saka niya inagaw sa akin ang hawak kong cup noodles na hindi pa bukas. " Just stay and sit here. I will be back in a minute, " Saka siya lumabas. Acting like he's caring, huh? Habang ini-intay siya ay napadako ang tingin ko sa shoulder bag ko. Kinuha ko 'yon at binuksan. Tiningnan ko ang cellphone ko at may na- received akong text galing kay Via. Kanina pa itong text at mukang ngayon ko lang nabasa. Mukang pinauwi na ito ng parents niya. Dahil siguro sa nangyari kaya hindi na n'ya ako sinamahan dito sa hospital. Wala pang limang minuto nang pumasok si Forth at dala-dala ang mainit na cup noodles. Inilapag niya ito sa tabi ng kama ko. " Wala bang magagamit na tinidor or kutsara diyan?" tanong ko sa kaniya. Napakamot naman siya sa ulo niya at mabigat na nagbuntong hininga. " Just wait here! " malakas na boses nito sa kuwarto bago lumabas. Napangiti naman ako. Iba talaga sa pakiramdam na sinusunod niya at ginagawa niya ang gusto ko. Siguro ay nakokonsensya ito dahil sa nangyari sa 'kin. Who knows? Sana naman ay magpatuloy na ang bodyguard na 'yon sa ginagawa niya. Agad siyang bumalik na may dalang tinidor. Halatang tumakbo ito dahil pansin kong hingal na hingal at pawis ito. Inayos naman niya ang magulo niyang buhok at sinuklay ito gamit ang daliri niya. Korean style Ang buhok nito. Wala ba siyang planong magpagupit? Kung hindi niya aayusin ang buhok niya ay natatabunan ang mata niya dahil sa bangs niya. Ini-abot niya ito sa akin at kinuha ko naman 'yon. " Kung nag-iintay ka ng thank you. Wala kang matatanggap," wika ko habang dahan-dahan na kinakain ang mainit na noodles. " Hindi ko kailangan ng 'thank you' mo, " sabi nito habang naupo sa bangko sa gilid ko.
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
nice
20/11
0I love this book
25/10
0nice 🙂🙂
01/06/2025
0Lihat Semua