logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 4

Astrid's Point of View
Two days have been passed at nagbatak talaga ako sa pagpipaint. As in halos hindi na ako tumigil para pang makarami ako. Dahil yung mga inapply-an ko, never na akong cinontact. At hindi na ako umaasa pang tatawagan nila ako para sabihing tanggap ako para magtrabaho.
And today, dadalhin ko sa kompanya ang mga painting na ginawa ko. Sabi rin naman ni CG na dalhin ko kaagad sa kanya kung sakaling may matapos ako.
Nagpunta ako sa kuwarto para magbihis. Kumuha ako ng denim pants and a plain v-neck white shirt na tinuck-in ko at pinatungan ko ng cardigan. Then a pair of white sneakers for my shoes.
Pagkatapos ay kinuha ko ang bag ko at nagsuot muna ng cap bago lumabas ng kuwarto. Nailagay ko na rin naman na sa sasakyan ang mga painting na dadalhin ko. Pero ganun na lang ang pagkagulat ko nang pagbukas ko ng pinto, may isang german shepherd na tumalon sa akin kaya napasigaw ako.
"Oh my goodness!"
Gulat na gulat ako habang nakahawak sa dibdib ko at kamuntikan pa akong matumba. Nakarinig ako ng isang pagtawa at kaagad kong sinamaan ang nagmamay-ari nun.
"Seriously Rehan? Anong nakakatawa doon?" iritado kong tanong sa kanya. Binalingan ko ng tingin ang german shepherd at nakita kong inaamoy-amoy na niya ako at iniikutan na para bang sinusuri niya ako.
"Nah. Excited lang talaga siyang makita ang ikalawang ako niya" napakunot ang noo ko.
"Ikalawang amo?" tumango siya at tipid na ngumiti.
"Yeah. Iiwan ko muna siya sayo" napataas ang kilay ko.
"Hoy Rehan——"
"Shit! My name's fucking sounds so good when it comes to you" taas-baba ang kilay na pahayag niya kaya napapoker face na lang ako.
"Shit ka rin. Seryoso ako. Bakit bibigyan mo pa ako ng aalagain?" taas kilay kong sabi at tiningnan yung aso. Ngayon ay nakaupo na siya habang nakatingin sa akin. Oh ghad. Laking pasasalamat ko na lang na hindi ito nangangagat.
"I'll be out for a week because I have a mission" naibalik ko ang tingin ko sa kanya.
"M-mission? Ibig sabihin may papatayin ka?" dahan-dahan siyang tumango na mas lalong nakapagpatigil sa akin.
"Kaya iiwanan ko muna siya sayo para may kasama ka. He's a trained dog. Marunong siyang mangilatis kung may masamang balak ang tao o hindi. And he's going to be a hig help for your security in here while I was out"
Binalingan ko ulit ng tingin yung aso. And this time, lumuhod ako para makalevel ko siya. Hinawakan ko ang ulo niya at napangiti ako nang gumalaw-galaw ang buntot niya.
"What is his name?" tanong ko habang nakatingin sa aso.
"Audin"
Napangiti ako sa pangalan ng aso. Audin. Such a beautiful name.
"Hi Audin" pagkasabi ko nun ay tinahulan niya ako tapos sumampa na naman siya sa akin at dinila-dilaan ang kamay ko.
"I think he likes you"
Binitiwan ko muna si Audin at tumayo para makaharap ko ang totoo niyang amo.
"Is your mission dangerous?" alanganin ko pang tanong.
"My mission is always dangerous. But I can handle it" hindi ko alam pero bigla akong nag-alala para sa kanya. I know na matagal na siya sa trabaho niya pero malay natin kung anong mangyari.
"Kailan ka aalis?" tanong ko na naman.
"This midnight" napatango na lang ako.
"Ah okay. Sige ako muna ang mag-aalaga kay Audin for a week. Basta bumalik kang ligtas" bigla siyang ngumiti sa huli kong sinabi.
"Of course I will. Sino na lang ang masasandalan mo kapag nawala ako" napangisi na lang ako.
"Kaya nga bumalik ka"
"Babalik at babalik ako para sayo Astrid"
Natigilan ako sa sinabi niya. Pero iniiwas ko na lang ang tingin ko dahil baka namis-interpret ko lang ang sinabi niya. Of course babalik siya dahil nasa akin ang aso niya diba? Oo ganun nga yun.
"By the way, why are you dressed up? Are you going somewhere?" salubong ang kilay na tanong niya at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko.
"Oo. Pupunta ako sa Art Company para ibigay sa boss ko yung mga painting na nagawa ko"
"Can I go with you?" napataas ang dalawa kong kilay.
"At bakit naman gusto mong sumama?"
"Baka maharass ka sa daan. Sino na lang ang magtatanggol sayo kung wala kami ni Audin? Right Audin?" napanganga na lang ako nang pati si Audin ay sumagot gamit ang pagtahol niya.
"See? Even Audin agree with me"
Napa-tsk na lang ako na nakapagpangisi sa kanya.
"So are we going?"
"We? Audin's coming too?" tumango siya kaya napabuntong hininga na lang ako. Kinuha ko ang susi ko sa bag at inihagis sa kanya na nasalo naman niya.
"Basta ba ikaw magdrive" nginitian niya ako at tumango.
"Sure"
Bago kami umalis, kinuhaan muna namin ng tali si Audin sa bahay ni Rehan. And after that, saka lang kami sumakay sa kotse ko para umalis. Medyo may kalayuan din ang kompanya namin kaya medyo mahaba-haba ang byahe.
Tinuro ko lang ang daan sa kanya papunta sa kompanya. At nang makarating kami, sinabihan ko siyang huwag na siyang bumaba at hintayin niya na lang akong makabalik.
"Finally! Marami talagang naghahanap ng gawa mo! Paniguradong marami kang kikitain niyan at mababawasan mo na kahit papaano ang mga dapat mong bayaran" saglit kong nginitian si CG.
Alam niya kasi ang kalagayan ko ngayon.
"CG, pwede bang mag-advance ako ng swel——" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may iniabot siya sa aking pay envelope.
"Take this Astrid. Hindi yan ang sweldo mo pero sana makatulong yan kahit papaano. Alam ko ang pinagdadaanan mo kaya gusto kong makatulong sayo since matagal-tagal ka na rin sa akin at isa ka talaga sa mga gusto kong empleyado rito" natahimik ako bigla. Tahimik lang akong nakatingin sa inaabot niya sa akin.
"CG..."
"Astrid tanggapin mo na. Malulungkot ako kapag hindi mo tinanggap yan" dahil doon ay dahan-dahan kong kinuha ang envelope. At ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita kong marami iyong laman.
"CG sobra-sobra na ito. Hindi ko to matatanggap" saad ko sabay balil ng envelope sa kanya pero siya, hinampas lang ang kamay ko.
"Anong sobra-sobra? Kulang pa nga yan sa mga naitulong mo sa akin. Natatandaan mo pa ba nung nasa panganib ang kompanya ko at muntik na akong mabankrupt? Sino ba ang tumulong sa akin? Hindi ba't ikaw? Nung mga panahong malungkot ako at hindi ko alam kung sino ang malalapitan ko, sinong nandiyan? Ikaw"
Napabuntong hininga na lang ako.
"Sige tatanggapin ko ito pero pangako, babayaran din kita kapag nakapag-ipon-ipon na ako" bigla niya akong sinamaan ng tingin.
"Anong babayaran? Kapag binayaran mo ako tatanggalin kita sa trabaho mo" nanlaki ang mga mata ko.
"CG naman"
"Hindi biro lang. Pero seryoso Astrid, hindi ko yan ipinapautang sayo. Bigay yan kaya wala kang dapat bayaran. I just want to help you"
Parang may humahaplos sa puso ko dahil sa mga sinabi niya. Hindi talaga ako nagkamali ng taong pinag-apply-an ng trabaho. She's really a good boss.
"Salamat CG. Tatanawin ko talaga ito ng isang malaking utang na loob. Sobrang salamat talaga" nginitian niya ako at tumayo siya para yakapin ako.
"You're like a sister to me Astrid so if you're really struggling about money, just approach me and let's see what I can do to help you"
Napangiti na lang din ako atsaka yumakap pabalik.
"Thank you so much CG"
Pagkatapos kong makausap si CG, lumabas na ako ng kompanya at nagpunta sa sasakyan ko kung saan ito nakaparking. Pero natigilan ako nang makita ko si Rehan na naghihintay sa labas kasama si Audin.
Nakasandal siya sa gilid ng sasakyan habang ang isang kamay niya ay nasa bulsa niya at ang isa naman ay nakahawak sa tali ni Audin. At ang aso naman ay nasa tabi niya. Hindi ko naiwasang mapangisi. They both look so good. Akala ko may iminomodel nila ang sasakyan ko.
Napatayo ako ng maayos nang magtama ang mga mata namin ni Rehan. At parang may kung ano akong kakaibang naramdaman nang nginitian niya ako at kawayan. Ngumiti na lang din ako at lumapit na sa kanila.
"Tapos ka na?" tanong ni Rehan at tumango naman ako.
"Yup. Let's go home" pagyaya ko sa kanya pero nagsalubong ang kilay niya.
"Already?" ako naman ang nagsalubong ang kilay.
"Why? May gusto ka pa bang puntahan?" tanong ko sa kanya.
"Gusto mo bang mamasyal?"
"Rehan huwag na. Baka kapag nakita ako ng mga tao sa pinapasyalan nila, mawalan sila ng gana at magsisi pang pumunta sila doon" kumunot ang noo niya.
"So? That's not your fault. It's their fucking problem"  bakas ang kaseryosohan sa boses niya kaya natahimik ako.
"I told you, don't mind what other people says about you. Just ignore those shits because they won't do any good on you" nakagat ko na lang ang ibabang labi ko.
Simula kasi nang mamatay si dad, hindi ko na gustong lumabas-labas dahil puro panghuhusga lang ang nakukuha ko.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"Alright. We won't go somewhere that is crowded. But I know a place where you can find peace" and with that, pinagbuksan niya ako ng pinto.
"Get in" sabi niya.
"Teka saan tayo pupunta?" tanong ko muna bago sumakay.
"Somewhere" nagsalubong ang kilay ko.
"Rehan saan naman yang somewhere na yan? Baka mamaya may mga tao——-" hindi na niya ako pinatapos sa sasabihin ko.
"Astrid. I am here. As long as you're with me, no one can hurt you"
Napatulala na lang ako sa sinabi niya.
"So if you're worrying on what other people might say or do to you, don't be, 'cause I got your back"
What he said flattered me. I don't know what to say because I didn't expect that. But instead, I just smiled on him.
Maybe I really don't know who he is, but right at this moment, I am very grateful for his presence.

Komentar Buku (245)

  • avatar
    Bai Zhizah AI

    plss. for may babies needed

    2d

      0
  • avatar
    Lang Tormis

    sobrang ganda at kilig😆😆😆🥰🥰🥰🥰😘

    12d

      0
  • avatar
    Imelda Rosario Ravancho

    so nice

    14d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru