logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 2

Astrid's Point of View
"Ms. Silvana, pinapasabi ng manager na ipapatawag ka na lang diya maya-maya sa office niya" nginitian ko ang babaeng kumausap sa akin dito sa isang coffee shop na pinuntahan ko.
Ever since last week, naghahanap na talaga ako ng mapagtatrabahuan. Hindi sapat ang kinikita ko sa Art Company para mabayaran ang lahat ng utang ng daddy. Binalak ko na rin ngang ibenta ang bahay namin pero sa tuwing tinititigan ko ito, naaalala ko ang mga masasayang memories ko kasama si mommy at daddy noong nabubuhay pa sila.
Hindi ko maipagbili ang bahay dahil maraming ala-ala ang nakabaon doon. At parang hindi ko kayang basta na lang ibenta ang bahay.
"Sige. Maghihintay lang ako" nakangiti kong sabi sa babae at tinanguan niya ako bago siya umalis.
At ngayon, nagpunta ako sa isang beverage shop para mag-apply bilang isang cashier. Ang dami ko na ngang pinag-apply-an at hinihintay ko na lang na tawagan nila ako kung sakali mang tanggap ako. Kailangan ko kasi talagang magdoble-kayod.
Kinuha ko ang envelope na dala ko at tiningnan ang listahan ng mga dapat ko pang puntahan para makakuha ng trabaho.
Pero napatigil ako nang may magbaba ng dalawang iced coffee sa mismong table ko. At ganun na lamang ang pagsalubong ng kilay ko nang makita ko na naman siya.
"Seriously? Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya.
"I was buying a coffee and then I saw you. I think we're destined to meet" napangiwi ako sa sinabi niya. May saltik talaga ang kapitbahay ko.
"Destined mo mukha mo" walang ganang sabi ko at ibinalik ang paningin sa binabasa ko. Nakita ko namang umupo na siya sa harapan ko.
Haist. Since last week pa, simula nung sabihin niyang pwede ko siyang lapitan kapag nahihirapan na ako, lagi na lang siyang sumusulpot sa harapan ko. At maging sa bahay ko! Magugulat na lang ako na nasa loob na siya at nakahiga sa sofa. Akala mo ay wala siyang sariling bahay.
"How about you? What are you doing here?" rinig kong tanong niya.
"I am applying a job" sagot ko at binalingan siya ng tingin.
"A job? I thought you already have a job?" salubong ang kilay na tanong niya.
"Hindi sapat ang kinikita ko para mabayaran ang lahat ng dapat kong bayaran kaya kailangan ko talagang magdoble-kayod" I saw how his eyes brightened like he was amazed again.
"Pwede mo namang takbuhan na lang ang mga sumisingil sayo" napataas ang kilay ko.
"Napakalaking tulong ng sinabi mo" mahina siyang tumawa at bigla niyang inilapit sa akin ang isang iced coffee na dala niya.
"Here, drink that"
Ilang segundo akong napatitig sa kape na ibinigay niya. Talagang binigyan niya ako?
"Thank you but I don't drink coffee" kumunot ang noo niya.
"Really?" tumango ako.
"Oo. Nagpapalpitate kasi ako kapag nakaka-inom ako ng kape" napakurap-kurap siya which I found cute. I don't know why but he is.
"Oh fuck. My apology"
Magsasalita na sana ako nang bigla siyang tumayo at kinuha ang iced coffee na ibinigay niya sa akin. Tapos ay naglakad siya papunta sa may counter. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya pero ilang sandali lang ay bumalik siya nang iba na ang hawak.
Napatingin pa ako sa paligid dahil pinagtitinginan siya ng mga tao. Especially the female customers. Hindi naman na ako magtataka dahil masyado talagang malakas ang karisma niya.
"Ito. Pinapalit ko ng strawberry shake. Siguro naman pwede mo nang inumin yan?"
Bahagyang napabuka ang labi ko.
"Talagang ipinapalit mo pa yan?" tipid siyang ngumiti at muling bumalik sa upuan niya.
"Yeah. Sabi mo kasi hindi ka umiinom ng kape"
"And why did you do that?"
"Because I'm your neighbor who saved you from those loudly shits"
Natutop ko ang labi ko dahil sa huli niyang sinabi. Muntik kasi akong matawa sa sinabi niya. Loudly shits?
"Alam mo? Karamihan sa mga tao, nag-aapproach lang sila kapag may kailangan sila. Now tell me, what do you need from me? Hindi naman kasi kapani-paniwala na ang isang tulad mo ay magsasayang ng oras sa anak ng rapist at murderer na tulad ko"
Napatigil siya sa pag-inom ng kape at binalingan ako ng tingin.
"Don't get the wrong idea. I am just being friendly here" muling nagsalubong ang kilay ko dahil sa isinagot niya.
"I know that you don't have someone whom you can lean on in this situation. And as your neighbor, I am willing to be your backbone"
Napatigil ako. Something is really odd. He just popped out from nowhere and hindi ko nga alam na may kapitbahay pala akong tulad niya. Tapos sinabi niya pa nga na sa kanya raw ako? And if we analayze it, we really don't know each other yet he is willing to be my backbone? Is he sane?
Kapitbahay ko lang naman siya. Pero bakit gano siya makaakto?
Magsasalita na sana ako nang bumalik ang babaeng kumausap sa akin at sinabing pinapatawag na raw ako ng manager para sa interview.
"Before you go, bring this. Sayang naman ang pagbili ko niyan kung hindi mo iinumin" napabuntong hininga na lang ako at kinuha yung shake na pinapalit niya.
"Thank you" sabi ko naman na ikinangiti niya.
After that ay nagpunta na ako sa office ng manager kung saan ako kakausapin. Nakita kong nakaupo siya sa swivel chair niya kaya lumapit ako doon.
"Ms. Astrid Silvana?" tumango ako sa kanya at ngumiti.
"Ako nga po" nakangiti kong sagot.
"Okay. I will be straight to the point. I'm sorry but we can't hire you"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko.
"P-pardon?" ibinalik ng manager yung papeles ko sa envelope na pinasa ko sa kanya at iniabot sa akin.
"Hindi ka namin matatanggap dahil baka makaapekto ito sa business namin. Baka matakot kasi ang mga customer kapag nalaman nilang trabahador namin ang anak ng kilalang rapist at murderer sa bansa"
Naikuyom ko ang mga kamao ko. Gusto ko siyang sagutin ngayon din pero nagpipigil lang ako dahil gusto ko pa rin siyang respetuhin.
"Kaya sana maintindihan mo kami. Para ito sa business. We can't take the risk on you Ms. Silvana. I'm sorry"
Tulala akong lumabas ng shop matapos akong kausapin ng manager. Buong akala ko ay magkakaroon na ako ng dagdag trabaho pero hindi pala.
"Astrid!"
Napalingon ako sa kung saan dahil may tumawag sa akin. At nakita ko ang kapitbahay kong patakbong lumapit sa akin.
"Hey. Tinatawag kita kanina sa loob pero hindi mo ata ako narinig" napakurap-kurap na lang ako.
"I'm sorry. But I am not in the mood today" yun lang ang sinabi ko at pumasok na ako sa kotse ko. Itong kotse na ito, hinahanapan ko lang ng buyer. Balak ko na talagang ibenta ito para may pangbayad ako sa mga bayarin.
But I am starting to doubt that there is someone who will buy this. Who would want a thing that came from the daughter of a rapist and murderer right?
Nagdrive na ako paalis sa shop na yun. Akala ko ay uuwi na ako pero nakita ko na lang ang sarili kong pumunta sa tabing dagat. Lumabas ako ng sasakyan ko at naglakad papunta sa may buhanginan at umupo.
At hindi ko inaasahan na maluluha ako.
"Why do I have to suffer like this?"
Nayakap ko na lang ang mga tuhod ko at tahimik na umiyak. Wala namang tao rito kaya ayos lang. At kahit may mga tao man, wala akong pakialam. Hindi naman nila naiintindihan ang pinagdadaanan ko.
"I told you, if you are having a hard time, you can rely on me"
Napatigil ako sa pag-iyak nang may marinig akong pamilyar na boses. At sigurado ako na sa kanya nanggaling ang boses na yun. Nang mag-angat ako ng tingin, hindi nga ako nagkamali ng inisip na siya nga ang nagsalita.
"Seryoso? Bakit ba bigla-bigla ka na lang sumusulpot sa kung saan? Sinundan mo ba ako?" sunod-sunod kong tanong atsaka nagpunas ng pisngi.
"Yeah. I followed you" prenteng sagot niya at napataas ang kilay ko nang umupo siya sa tabi ko.
"Bakit mo ako sinundan?" tanong ko pa. Lumingon naman siya sa akin at para akong nasilaw sa mga magaganda niyang mata. I am always captivated by his eyes. It's intimidating yet attractive.
"Ang lungkot mo kasi kanina kaya naisip ko na baka kailangan mo ng makakasama. And I think you really do need someone now. What happened? Why are you crying?"
Napaiwas na lang ako ng tingin.
"Hindi ako natanggap" mula sa peripheral vision ko, lumingon siya sa akin.
"Why?"
"Ang sabi ng manager, baka raw kasi masira ko ang negosyo nila. Baka raw matakot ang mga customer kapag nalaman nila na empleyado nila ang anak ng isang rapist at murderer"
Napatingala na lang ako para pigilan ko ang pagluha ko. Natahimik naman siya sa sinabi ko. Pagkatapos ay lumingon ako sa kanya.
"Totoo naman diba? Sino ba naman ang may gusto sa anak ng rapist at murderer? Pero bakit ganun? Bakit ang dali para sa kanila na husgahan ako?" hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Gusto ko lang ilabas ang hinanakit ko ngayon.
"Oo anak ako ng isang kriminal pero hindi naman ako katulad niya. Iba ako sa tatay ko. Alam ba nila kung gaano ako nasasaktan sa tuwing sinasabi nilang siguro mamamatay tao rin ako?"
Napayuko na lang ako at napahikbi.
"Sa nangyari kanina, sa tingin ko wala na talagang tatanggap sa akin. Sa dami-dami ng inapply-an ko, ni isa ay walang tumawag sa akin. Siguro dahil nga ayaw nila sa akin. Pero ano nang gagawin ko? Hindi ko na alam"
Patuloy lang ako sa paghikbi nang mapatigil ako dahil may humawak sa kamay ko.
"Astrid, you know you can hug me" napatingin ako sa kanya at nakagat ko na lang ang ibabang labi ko dahil sa sinabi niya.
He looks so sincere. Sincere enough that it makes me  really want to hug him.
"They say hugging someone can make you feel comforted. And I am willing to—-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya nang tinawid ko na ang space sa pagitan naming dalawa para yakapin siya.
Ibinaon ko ang ulo ko sa may balikat niya at naramdaman ko naman ang paghaplos niya sa buhok ko.
Hindi ko inaasahan na aabot ako sa puntong ganito. Na yayakap ako ng isang taong hindi ko naman talaga kilala. But he's right. I really need someone right now.
After my life has been a mess, this is the first time that I have someone I can lean on.

Komentar Buku (245)

  • avatar
    Bai Zhizah AI

    plss. for may babies needed

    2d

      0
  • avatar
    Lang Tormis

    sobrang ganda at kilig😆😆😆🥰🥰🥰🥰😘

    12d

      0
  • avatar
    Imelda Rosario Ravancho

    so nice

    14d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru