logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 1

❝Litrato❞
Natulala ako habang naglalakad. Hawak-hawak ko na ang porselanang papel na ibinigay sa amin ni Guro bago kami umuwi.
Hindi man makapaniwala, muli kong binaba ang tingin sa papel para basahing muli ang nakasulat dahil baka namamata lamang ako pero ganoon pa rin ang nangyari nang basahin ko ulit.
Find Dios Sovran, the Supreme God.
Ilang buntong hininga ang ginawa ko. Totoo ba talaga 'to? Ang misyong ibinigay sa amin ay hanapin ang matagal nang nawawalang Pinakamataas na diyos. Ano ang pumasok sa isip ni Guro upang ipagawa sa amin ito na kung kahit ang mga pinakamalakas at pinakamatalinong tao sa buong Nervana El Rius ay hindi ito mapagtagumpayan?
Walang sino mang makakahanap sa kaniya dahil ginusto niyang mawala at hindi nagbigay nang palatandaan. Naglaho siyang walang balak na magpahanap pa. Kaya bakit ito ang ibinigay sa amin gayong alam ng kahit na sino na hindi namin ito mapagtatagumpayan?
Mahirap itong gawin. Hindi ko alam kong magagawa namin ito. Ngayon pa lang, alam ko nang hindi kami makakapagtapos sa El Rius Ludimier. Mayroon man kaming tapang, lakas at talino ay tiyak hindi ito o-obra sa kapangyarihan ng Pinakamataas na diyos. Saan kami magsisimula?
Sumasakit lang ang ulo ko. Mas mabuting itigil ko na lang ang pag-iisip tungkol sa misyon namin dahil umuurong ang utak ko. Parang pinupukpok ng martilyo ang aking sentido sa kakaisip. Nakakahilo.
Tinahak ko ang daan pauwing bahay namin. Nang madaan ako ng bayan, ang nagsisigawang tao agad ang umagaw sa pansin ko. Marami sila at may hawak-hawak na banderang kinakaway sa ere. Ang iba ay may hawak pa na trumpeta. Sa kabilang tabi, mayroong nagbabatuhan ng bato at nag-aaway. May isa pang duguan at pinapaypayan.
Nagpo-protesta na naman sila laban sa Hari. Kahapon lang nang ipabalita sa buong Ludimier na tataasan ang buwis para sa mga magsasaka at manggagawa. Kaya ito sila ngayon, nagtipon-tipon para magprotesta. Batid naman sana nilang wala silang magagawa sa utos ng Hari. Mapapatay lang sila kung ipagpipilitan nila.
Ganito ang sitwaston sa ilang daang taong lumipas. Hindi tumitigil ang away at mga sakuna. Hindi pa natatapos ang isa, darating ulit ang panibago. Lalong lumalagap ang rebelyon sa paglipas ng mga taon. Dahil na rin ito sa mga sakim sa kapangyarihang mga pinuno. Inaasam nilang maging maunlad ang kaharian pero hindi nila naiisip na ang mga tao ang naapektuhan at naghihirap.
Umiling ako. Nagpatuloy na ako sa paglalakad para mabilis na makauwi sa bahay. Wala rin naman akong maitutulong sa kanila. Nang marating ang malayong parte ng bayan, sa kagubatan ng Fliore De Cereses, pumasok ako sa pamilyar na daan at narating ang isang maliit na kubong kinatitirikan ng aming maliit na tahanan. Napapalibutan ng evergreen tress ang bahay at mga mayayabong na bulaklak na tanim ni Lola sa bakuran.
"Inay, Lola, nandito na po ako!" Magiliw akong pumasok at inilapag ang bag sa mesang gawa sa kaboy sa maliit naming tanggapan. Mayroong tulip at rosas sa payak naming flower vase.
Agad akong dumiretso sa kusina at doon naabutan ang Inay at si Lola na naghahanda ng pagkain namin.
"Oh, nandito na pala ang mahal na prinsesa!" bumungisngis ako sa tinuran ni Lola at lumapit para sumilip sa niluluto nila.
"Ano pong lulutuin n'yo?" tanong ko. Tipid na lumingon sa akin si Ina.
"Ang paborito mong sinabawan na manok." Sagot niya kaya lumaki ang ngiti ko. Nakita ko nga ang kinatay na manok sa labas.
"Tiyak marami na naman akong makakain nito! Sige po, akyat po muna ako para magbihis at babalik din agad!" Paalam ko. Tumango si Mama at Lola sa akin kaya pumanhik na ako at umakyat sa kwarto. Isa lang ang kwarto sa bahay kaya halo-halo ang gamit naming tatlo pero maayos itong nakaparte sa mga lalagyan. Walang kama dahil sa lapag lang kami natutulog.
Nagpalit ako ng aking saya at damit at nagsuot ng isang lumang puting bestida na lagpas sa aking tuhod. Binunghay ko ang mahabang buhok na nagiging kulay ginto sa tuwing natatamaan nang sikat ng araw. Ito'y hindi pangkaraniwan sa mga dalagang kaedad ko at palaging umaagaw nang atensiyon ng iba. Pinagmasdan ko rin sa maliit na salamin ang aking mukha.
Maputi ako. Fair as snow, tawag nga nila. May maliliit akong wrinkles sa ilong at parteng pesnge pero hindi naman ito pangit o marumi tingnan. Naging halata lang dahil sa kaputian ko. Kung naiinitan, namumula ang aking pesnge. Maninipis naman ang labi ko at perpekto ang hugis ng mga kilay. Katulad ng buhok, kayumanggi ang kulay ng mga mata ko at nagiging ginto sa tuwing matamaan ng araw. Hindi ako katangkaran, normal lang. May mga kaedad akong matanggkad sa akin, mayroon ding maliit kaysa sa akin.
Ilang pasada pa sa sarili sa salamin, nagpasya na akong tumayo para bumaba. Nang nasa pinto na ako palabas, nahagip nang tingin ko ang isang maliit na pahabang kahon sa gilid ng pintuan at sa ibabaw nito'y isang litraro ng isang babae. Agad kumunot ang noo ko at yumuko para abutin ito.
Pinagmasdan ko ang litrato. Nanindig ang balahibo ko at nakaramdam nang pagtataka.
Sino ang babaeng ito?
Bakit ito nasa kahon ni Lola?
At higit sa lahat, bakit ko siya kamukha?
Hindi lang magkamukha, magkamukhang-magkamukha kami na para bang nananalaming lang ako maliban sa suot nitong sinauna at malinis na damit pang maharlika at naka-ayos ang kulay gintong buhok niya. Nakangiti siya at nakakahumaling ang dala nitong halina sa sino mang makakita ng larawan.
Labis gumulo ang pag-iisip ko. Bakit kami magkamukha? Si Ina ay ang tunay kong ina pero bakit hindi naman kami magkamukha masyado?
Ibinaba kong muli ang litrato at ibinalik sa ibabaw ng kahon.
Sino ang babaeng iyon?
Naghahanda na ng pagkain sina ina sa hapag kaya kahit gumugulo pa ang isipan, tumulong ako sa pagkuha ng tubig. Umupo kami at tahimik na kumain.
Dalawang bagay na ang gumugulo sa isipan ko ngayon. Ang misyong ininatang sa amin at ang babaeng kamukha ko.
Ngunit sa dalawa, ano ang madaling bigyan nang kasagutan?
"Nagpadala ng sulat ang Akademya. Mayroon daw kayong misyong gagawin para sa pinal nin'yong pagsusulit, anak?" biglang nabuhay ang kaba sa dibdib ko nang magsalita si ina. Si Lola ay tahimik lang at nakikinig.
Bahagya pa akong nagulat dahil nalaman nila bago ko pa ito masabi sa kanila. Pinadalhan pala nila ng sulat ang mga magulang namin. Walang duda, isa itong seryosong misyon at aabutin nang matagal kaya pinaalam na nila ito sa magulang namin.
"Opo, ina," sagot ko. Tapos na akong kumain.
"Aabutin daw ng tatlong buwan ang misyong iyon at ngayon pa lang, nag-aalala na ako. Baka mahirap ang ibibigay sa in'yong misyon at malagay ka sa kapahamakan. Nag-aalala ako, Rione."
Lumunok ako. Mahirap nga, ina, at delikado. Pero mas mabuti na lang na hindi ko sabihin dahil tiyak mag-aalala lang kayo. Ayaw ko nang mangyari 'yun.
"H'wag ka po mag-alala, ina, titiyakin kong magiging ligtas ako hanggang sa matapos ang misyon namin. Hindi naman pa po kami aalis sa ngayon. Kung aalis man na kami, sisiguraduhin kong uuwi po akong ligtas at makakapagtapos pa sa ERLA." Paninigurado ko kahit hindi ko rin alam kung mangyayari nga ba.
"Pero hindi mo maaalis sa amin ang mag-alala, anak. Kung pwede ka lang naming protektahan sa lahat nang oras, gagawin namin ng lola mo." Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi ni ina.
"Matanda na ang anak mo, Arizona, kaya na niya ang sarili niya. Tama na ang pag-aalala at supportahan nalang natin siya. Iyon ang kailangan ng prinsesa natin. Minsan kailangan din niyang maranasan ang buhay mag-isa na walang sinasandalang pamilya." Ngayon ay sumabat na si Lola kaya tipid akong ngumiti.
Bigla na naman ulit pumasok sa isip ko ang litrato kaya nangati akong magtanong tungkol dito.
"Pasensiya na, ina. Hindi ko lang talaga maisip na ang laki na ng prinsesa natin at kaya na niyang tumayo sa sarili niya. Biruin mo, ilang buwan na lang makakapagtapos na siya at magkakaroon pa ng misyong hindi sigurado ang kaniyang kaligtasan."
Hindi ko talaga mawawala ang pag-aalala ni ina. Tatlo na lang kaming magkasama. Hindi mayaman at nabubuhay lang kami sa pagbebenta ng bulaklak sa bayan. Kung ano mang aabutin ko sa misyon ay magdudulot nang labis na pag-aalala sa kanila. Kaya dapat maging ligtas ako.
"La," biglang pumasok sa isip ko ang gustong itanong.
"Ano iyon?" sabat ni Lola kaya napunta sa kaniya ang tingin ko.
Tumikhim ako at lumunok bago muling nagsalita.
"Kanina, nang palabas na ako, nakita ko iyong kahon mo ng mga gamit. May nakita akong isang larawan sa ibabaw. Pasensiya na po at pinakealamanan ko ang litrato."
"Litrato? Anong litrato ang nakita mo?" tanong niya.
"Litrato po ng isang babae na kamukhang-kamukha ko, La. Gusto ko lang po sanang tanungin kung sino siya? At... bakit magkamukha kami?"

Komentar Buku (257)

  • avatar
    BaquiranJoy

    you're the best writer ate, support huhu ily! magbabalik alindog na ko sa pagbabasa para isupport ka. lab na lab kita ate bakit ganon, charot. basta kapag nagbabasa ako ng mga stories mo i feel like i'm moving into different dimension. literal na the best! 👌

    18/03/2022

      0
  • avatar
    KI Ven Benitez Taca

    nice story

    4d

      0
  • avatar
    Mark Johnson Bacquial

    Very good

    11d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru