logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter Two

Pageant
   
The month of July came and were now busy in preparing for the upcoming program. I mean sila, busy sila. Dahil exempted kaming lahat para sa pagp-prepare 'andito kami ni Zeph sa kubo, after series of panunuyo bumigay rin sya but until now tahimik pa rin at hindi nagsasalita masyado.
  Last week na ng July kaya binigyan kami ng time para maghanda.
“Zeph, sure ka? Hindi tayo tutulong 'don?”
  “Shuta ano bang matutulong natin 'dun? 'Wag na lang, I'm tired,” sagot nya at humilig sa upuan saka pumikit.
  These past few weeks 'ganyan sya, wala namang sinasabi kung may problema ba sya o kung ano man.
   After 'nung nangyari sa music hall, hindi ko na ulit nakita si Aeron, hindi na rin sya nagparamdam. Kung wala syang balak, ako mayroon.
  Even if it means na masasaktan ko si Sherina, gagawin ko pa rin ang plano ko. Ilang beses ko man kasing itanggi at ilang beses ko man ipilit na guilt lang ang nararamdaman ko, wala 'eh, panalo pa 'rin ang gagong love.
“Oh pak, 'ganyan nga, and 1.. 2.. 3..” malakas na sabi ni Ramila. “Aeron, seryosohin mo naman 'to, ayusin mo ang paglalakad, at 'wag mong iiwan yung partner mo...” singhal pa nya kay Aeron na palaging iniiwan si Beatrice sa pag-ramp.
Out of boredom, pumunta na rin ako dito sa event hall kung saan sila nagp-practice. Zephanie is nowhere to be found. Siguro hayaan ko na lang muna sya, mukhang may problemang hindi sinasabi 'sakin 'eh.
“Aeron! Paulit-ulit ah!” naiirita nang sigaw ni Ramila. Siguro kung babae lang si Aeron ay inirapan nya na si Ramil.
Nakaupo lang ako sa pinaka-unahang seat dito sa event hall at tahimik na nanonood, pinapanood ang bawat kilos ni Aeron. Pero ni-isang beses ay hindi nya man lang ako tiningnan kahit pa konting angat nya lang ng mukha ay kitang kita na ako.
Matikas kung maglakad si Aeron at kung titingnan mukha syang malinis, mula sa suot nyang uniform, sa medyo may kahabaang straight na buhok at sa mga kamay nyang malaki na ang tanging kamay ko lang ang babagay kapag hinawakan nya.
“Shekinah!” biglang tawag saakin ni Alex na nandoon sa backstage nakasilip.
“Yup?” sagot ko at nasulyapan kong tiningnan din ni Aeron si Alex.
“Tulungan mo muna kami 'rito,” sagot nya saka muli nang bumalik sa loob.
Agad naman akong tumayo at sumunod sa kanya.
Hindi pa man ako nakakapasok sa backstage ay narinig ko ang pangalan ko sa isang taong sobrang pamilyar 'sakin.
My name sounds really good when he's the one calling me. It's been 2 years since I hear him say it.
“Shekinah,” mahina ngunit sapat na para marinig ko.
Out of excitement and the feeling of some butterflies in my stomach, I faced him.
Halos matunaw ako sa kinatatayuan ko nang makitang si Sherina pala ang tinawag nya. Kaharap na nya ngayon si Sherina at inabutan pa sya nito ng bottled water. She also wiped his face with a towel, kahit alam kong wala namang pawis 'dun dahil na rin sa air conditioned 'tong event hall at parang tinatamad naman ang kilos ng lalaki mula sa simula.
   Parang naubusan ako ng tubig sa katawan dahil sa kahihiyan.
Sana walang nakakita. Nakapikit pa akong humiling nang lapitan ako ni Ramila.
  “Sherina kasi yun dzai, hindi Shekinah,” may halong pang-aasar na sabi nya. Inirapan ko sya saka dumiretso na sa backstage.
  Nang makarating sa loob ay nakaupo lang naman silang lahat at walang ginagawa, ayaw ko na rin namang lumabas, masyadong nakakahiya ang excited kong paglingon kanina. Asang-asa ampota.
Mula sa pagkakahawak ng cellphone ay nag-angat ng tingin si Jake, the pabibong president. Nanatili naman akong nakatayo malapit sa pinto ng backstage.
  “Shekinah, you need to replace Leny, nasa hospital sya ngayon, walang iba na pwedeng pumalit sa kanya,” he said seriously.
  Hindi ako makapaniwalang tiningnan sya.
“Jake, aware ka naman siguro sa estado ng utak ko 'di ba?” sarkastikong sagot ko na itinuro pa ang ulo ko.
  Seryoso ba sya? Kung ganda lang naman ang kailangan nila, sure. Pero kung kailangan din ng utak, sorry sila talo na strand namin kung ako ang kukunin.
  “We can practice for the question and answer portion, and besides all the questions are based from the theme of the month, madali lang 'yon,” sabi pa nya.
  Napairap na lang ako, I guess hindi ako mananalo sa pakikipag-negosasyon sa kanya. Tumango na lang ako.
  “Then, let's go, we need to practice outside,” sabi nya at naglakad na palabas.
  Lahat ng kahihiyan ko ay lumabas na naman sa isiping lalabas ako ng backstage.
  Nakayuko akong lumabas at hindi tinitingnan ang nilalakaran ko. Ilang lakad pa ay bumangga ako sa dibdib ng isang lalaki.
  His smell feels familiar. Tangina dagdag pa ba to sa kahihiyan ko ngayong araw?
  Ramdam kong marami nang nakatingin 'samin pero hindi pa rin ako umaalis, 'ganon din naman sya.
  Naramdaman kong bumaba sya sa lebel ng tenga ko. I can feel his warm breathe in my ears that made me shiver.
  “Want me to hug you, huh?” he said in a hoarse voice. He slowly put his hands on my waist and he gently touch me there.
  Alam kong marami ang nakatingin pero hindi ko alam kung bakit hindi gumagalaw ang katawan ko palayo.
  My heart is begging me to stay in place, ang utak ko wala man lang ginagawa.
  “Naku, ang lande, pumwesto na kayo!” biglang sigaw ni Ramila kaya natauhan ako at lumayo sa kanya. Nang tingnan ko si Aeron ay nakangisi nang naglalakad papunta sa pwesto nya nang nakalagay ang kaliwang kamay sa isang bulsa.
  I sighed then placed myself beside Jake to practice.
  Matapos ang practice ay agad na naki-chismis 'sakin si Ramila tungkol sa ganap namin ni Aeron sa stage kanina. Papunta kami ngayon sa cafeteria at nakakawit na ang kamay nya sa braso ko.
  “Hoy, Shekinah, share naman dyan sa ganap mo kanina,” sabi nya pa na hinila-hila pa ang braso ko.
  “I already told you! Nabangga ako sa dibdib nya tapos 'yon lang, wala nang iba.”
  “Pero dzai, kanina 'nung napalingon ka ta---.”
Naputol ang sasabihin nya nang tingnan ko sya ng masama.
  “Huwag mo nang ipaalala yan, nakakahiya na nga,” I said while looking around to find us seats.
  “Hindi, patapusin mo muna kasi ako, kanina kasi, pangalan mo rin ang narinig kong tinawag nya, pero ang malandi mong kapatid ang lumapit,” he said.
  Okay, hindi pala ako nagkakamali ng dinig. Narinig din pala ni Ramila, ano 'yon? Pareho kaming may problema sa pandinig?
  “Hayaan mo na,” I said habang umuupo sa nahanap naming vacant seat sa cafeteria. Umirap na lang sya saka tumayo ulit para bumili ng makakain.
  Akmang tatayo na rin sana ako nang may maglagay ng isang sandwich at coke sa mesa namin. Si Aeron.
  Nilagay nya lang 'yun saka umalis na rin ng cafeteria.
   This day really made me confuse. Did he want me back? For as long as I remember, hindi ganoon kalaki ang galit nya 'sakin at hindi rin naman ganoon kalala ang kasalanan ko, kaya may possibility na napatawad na nya ako.
  Nagkibit-balikat lang ako at napailing.
   The days went fast. And it's already July 30.
  Nandito kaming lahat sa backstage para maghanda para sa introduction of candidates mamaya. 4 PM ang start ng pageant kaya inaayusan na ako ngayon ni Ramila.
  “Hoy gaga, hindi ba't sa STEM ka dapat tumutulong?” I asked him while he's seriously doing my simple yet beautiful make over.
  “Oh ano ngayon? Kaibigan o Kaklase? Gusto mong pabayaan na lang kita dito?” maarteng tugon nya.
  Tiningnan ko ang sarili sa salamin, “I look beautiful even without your help, Ramila,” pang-iinis ko kaya pati lips ko ay nalagyan na nya ng cream.
  “Manahimik ka dyan kung ayaw mong magmukhang bangkay sa morgue 'tong make-up mo,” sabi pa nya nang ikinatawa ko.
  I was busy laughing when I saw Aeron looking intently at me at the mirror. Kaya napaayos ako ng upo at hindi na tumingin doon.
  Hindi sya umalis 'don hanggang sa makita kong lumapit na sa kanya si Sherina at pinaupo sya para ayusan. 
  Aeron is wearing a formal blue suit for the introduction. And I'm wearing a yellow flowy dress. Blue represents the Science and Technology Engineering Mathematics while yellow represents the General Academic Strand.
   Green is the color for Accountancy and Business Management and brown for Humanities and Social Science.
  Ramila was already done with my make over. He just let my long hair flow freely to my back. And I'm wearing a 3 inches tall heels.
  “Oh see, ganda ng gawa ko,” proud na proud pa nyang sabi and he clapped slowly.
  “Sadyang maganda lang talaga ako, kaya ganon,” banat ko.
“Tse! Sana 'di manalo strand nyo,” sabi pa nya saka tinalikuran na ako.
  Naiiling na pumunta ako sa girls restroom para maghugas ng kamay at sa pagpasok ko ay nandoon si Sherina, nag-aayos ng sarili.
  Psh, kahit anong pagpapaganda mo, wala nang pag-asa yan.
  Pero nasa kanya naman si Aeron, anong silbi ng kagandahan ko kung wala naman sakin ang lalaking gusto ko?
  Umirap na lang ako bago pumasok. Plastic mode on.
  Napalingon sya sa pagpasok ko. Diretsong pumunta ako sa faucet nang hindi sya tinitingnan.
  “Oh, hi there sister,” she greeted me like we were the best sisters ever. Duh, as if.
  Una pa lang na pagtapak nya sa bahay namin, alam ko nang may masamang asido na nakahalo sa dugo nya. At 'yon ang pagiging plastik, assumera at pagmamaganda.
  “Don't act as if were okay, wala tayo sa bahay, don't hide your little demon,” sabi ko habang patuloy na naghuhugas ng kamay.
  “Kaya pala ayaw sayo ni Dad dahil dyan sa masama mong ugali, I'm greeting you nicely tapos'yan ang isasagot mo?” kunwaring pa-biktimang sagot nya.
  “Pwede ba, Sherina? Ay hindi pala 'yun ang totoong pangalan mo, it's Rina lang pala, hinahayaan na kitang magreyna-reynahan sa bahay, kaya tigil-tigilan mo 'ko sa mga pa-epal mong ginagawa,” mahabang litanya ko saka nagmartsa palabas.
   “I'll get rid of you, bitch.” narinig ko pang sabi nya bago ako nakalabas.
  Get rid of me if you can, kahit pa saang banda tingnan, ako lang ang tunay na anak, at may tiwala ako kay Dad, hinding hindi nya ako pababayaan.
  She better be ready, baka hindi nya kayanin kapag nawala sa kanya si Aeron. I'm already determined to make him mine again.
  Pumwesto na kaming lahat sa backstage, nasa unang linya sina Aeron at Beatrice, hindi ko maiwasang hindi humanga dahil sa ganda ni Beatrice sa suot nyang blue flowy dress at mahaba nyang buhok na medyo kulot. Para syang goddess kung titingnan.
  Sumunod din sa line ang ABM at HUMSS, panghuli naman ang GAS.
    I can feel the nervousness of my partner, first time kong makita syang ganito kaya pinabayaan ko na lang.
    Isa isang rumampa ang mga kandidata, I can't help but admire Aeron by the way he walks, he has that charm and aura that can melt every girl's heart. Including me.
    Kinakabahan man ay confident akong lumakad sa harap ng maraming estudyanteng manonood. I saw Zephanie at the audience na parang hindi mapakali at may tinitingnan sa stage, nang sundan ko ang tingin nya, si Aeron ang tinuro 'non.
  Bakit nya naman titingnan ng ganun si Aeron? Kinalimutan ko 'yun at nagfocus na lang sa pageant. 
  Nang dumating ang talent portion ay lalo akong kinabahan, wala akong talent, susubukan ko lang na sumayaw mamaya.
  It's Aeron's turn and he brought his guitar to the stage. Kakanta ba sya? Seryoso? Sa pagkakaalam ko, hindi kagandahan ang boses nya.
  He started strumming his guitar, doon pa lang ay humanga na ako, pero hindi ako sigurado kung hahanga pa ako after marinig ang boses nya. He used to sing for me back then and his voice is not for competitions like this. 
He's singing Ne Yo's song. And I'm completely shocked when I heard his voice. It's soothing and cold.
There are so much emotions in his voice, all I can see is his back. It somehow reminded me of our days together in the past.
How he stay faithful to me while I ...
  With that one mistake I decided to end our relationship. It's my fault all along. All he did before was to love me endlessly even though were too young. He assured me that I'll be the only one. At sinira ko 'yon. Dahil sa bata ko pang isip, nasabi kong laro lang 'yon at walang katotohanan.
  Hindi ko alam na sa huli pala, labis ko 'yong pagsisihan.
  Tulala ako sa pinto ng backstage hanggang sa matapos ang kanta nya. Masyado akong naapektuhan.
  Maya-maya pa ay nandyan na sya, seryosong naglalakad. I left a space para makadaan sya. Tumigil sya saglit sa harap ko at tiningnan ako sa mata.
  His eyes watered. There's a hidden mystery in his eyes that I can only figure out if he tell me. 
  Hindi na nya 'yun pinatagal at umalis na sya sa harapan ko.
Kaya hindi ko namalayan na ako na pala ang magpapakita ng talent, dahil sa pagkatulala. 
  Pumunta ako sa stage nang nanginginig ang kamay ko. Bahala na, kung hindi maganda to, kasalanan ni Aeron.
“Go, Shekinah! Kaya mo yan!”
  “Shekinah! Maganda ka naman, kahit pangit 'yang sayaw mo, crush pa rin kita!”
   “Shekinah kapag nanalo ka, liligawan na talaga kita!”
   Ilan sa mga naririnig kong sinisigaw ng audience. Wala na rin si Zephanie sa pwesto nya kanina.
  Sumayaw na rin ako nang ayon sa practice ko at masayang isipin na nairaos ko 'yon.
  Nang matapos ang lahat ay iaannounce na ang apat na makakapasok sa final round. Nandoon si Alaine Irish bilang host ng event.
  “Our top 4 in no particular order... Sean Emmanuel Delgado from HUMSS! Beatrice Joy Doctor from STEM! Shekinah Gonzales from GAS and last but not the least, Aeron Ace Villamor!” masayang announcement pa ni Irish.
  I can't believe this, nakapasok ako sa top 4 tapos si Jake hindi? Parang may favoritism, halos lahat kasi ng judges ay STEM graduates kaya siguro nakapasok ang dalawa. But I think, deserve naman nila ang spot, kumanta rin kanina si Beatrice at hindi maipagkakailang maganda ang boses nya.
  “Were now down to four, so literally it's now question and answer portion, are you ready?” Irish asked. Tumango naman kaming apat. “The questions are based from your strand, so that means it is somehow related to your lessons this first semester.” pagpapaliwanag pa ni Irish.
   Handa na akong mapahiya, ang walangyang Jake base sa theme of the month ang tanong? Masasakal ko sya mamaya kapag hindi ako nakasagot.
  Naunang tinanong ang representative ng HUMSS. Sumunod si Beatrice at ngayon ako na.
  “Hi, Shekinah,” nakangiting bati pa 'sakin ni Irish, nginitian ko lang sya dahil sa sobrang kaba.
  “Okay, here's your question, if you were given a task by your Oral Communication teacher to write a speech with love as the topic, how would you make it more realistic to the point that it somehow tells  your own story?”
  “T-thank you for that question, maybe I should think of some real life situations that already happened to me or I saw in someone's life, maybe a situation where I'm belong in the past, with that I can make my speech more realistic, thank you,”dire-diretsong sagot ko na hindi ko man lang pinagisipan lahat.
  I heard everyone clapped with my answer. I'm relieved. I hope I can make my answer sarcastic though.
  It's Aeron's turn. He's confidently standing beside Irish, bagay sila, pero 'di ako papayag.
  “Here's your question, how can you measure the intensity of someone's love, think that you're in a relationship, how would you know if that person really expresses the right feelings? Can someone really measures love?” tanong ni Irish kay Aeron na ngayon ay parang nakakunot na ang noo dahil na rin sa side ng mukha nya nang nakikita ko.
Valentine's Day ba? Bakit lahat love ang tanong nya?
  “No one can measure love with a ruler or any measuring tools, though.” may halong sarkasmo nyang sabi nya ikinangiti ni Beatrice na katabi ko at ni Irish.
  “But base on my experience, love can be measured by staying faithful and true to the person you really love, it doesn't include any measuring tools because love is not a thing it's a feeling, thank you,” Aeron answered confidently.
Wow. That was true. Base on his experience? Is he referring to me?
   Matapos ang ilang minuto na pag desisyon ng judges ay handa na ang results at nandito na kaming apat ngayon sa stage. 
  Hindi na ako magtataka kung si Beatrice at Aeron ang mananalo, they both had the best answers. Wala naman akong pakialam, hindi ko naman talaga gustong sumali.
  “The first name I will be calling will be our winner, so that means the one I did not call is the 1st runner up, okay?”
  Malakas na ang sigawan ng bawat strands. Ang mga ABM strands ay masigla pa rin kahit na walang nakuha na finalist sa strand nila.
  “Our winner for this month's pageant are... Aeron Ace Villamor and Shekinah Gonzales!”
   Gulat sa announcement ay hinila na ako ni Aeron papunta sa gitna. Kahit simpleng hawak nya ay may naramdaman akong kakaiba.
  Nasa gitna pa ako ng pagkagulat nang sumigaw si Ramila mula sa audience, talagang nangibabaw ang boses nya.
  “Wohoooooo! Mag-ex yan! Comeback na this!”
  Gago, nakakahiya.
 

Komentar Buku (9)

  • avatar
    John Lloyd G Jardin

    wow

    17/11/2024

      0
  • avatar
    DingcoyMary Joy

    good vibes

    08/11/2024

      0
  • avatar
    Vanessa Princess Abtang Gomez

    thank you 😊

    20/04/2024

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru