logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 6

CHAPTER 6
Natulala ako at hindi alam kung paano sasagutin ang mga pangyayari. Bukod sa mga titig niyang blangko ay hindi ko na alam kung paano babasahin ang mga nasa isip niya.
Nakatingin lang siya sa'kin habang hawak-hawak ang payong na nagsisilbing proteksyon namin sa ulan. Gan'on lang din ang ginawa kong pagtitig sa kan'ya habang hindi makagalaw ng tama.
Ayokong ipahalata sa kan'yang bumibilis ang tibok ng puso ko sa nangyayari, dahil... malungkot ako.
Lumipas ang ilang minuto bago ko napagpasyahan na umiwas ng tingin at bumalik sa kaninang pwesto para harapin si Mommy. "Hindi po ako sasama," sagot ko.
Bukod sa sinabi kong hindi ako marupok, ay ayaw ko munang iwan si Mommy.
Kadalasan, isang oras o higit pa bago ako umaalis sa puntod ni Mommy, at alam kong hindi sapat ang oras na 'yon para sa'min.  Sa dami ng gusto kong isumbong at sabihin sa kan'ya --- hindi ko magawa dahil ayokong bigyan pa siya ng problema.
Mahal na mahal ko si Mommy...
Hindi ko inaalis ang mga mata ko kay Mommy, pero hindi rin mawala sa isip ko na nasa likod ko ngayon si Sir Pogi.
Hihintayin niya ba ako?
Balak ko na sanang magsalita nang bigla namang may humawak sa braso ko, walang iba kun'di si Sir Pogi. Tiningnan ko siya, pero hindi siya nakatingin sa'kin.
Buong akala ko ay hihilahin niya ako patayo, kaya nagulat ako nang maingat niyang pinahawakan sa'kin ang payong at saka nagmadaling umalis.
I wasn't able to utter words because of what happened.
Aba, English!
Well, si Tala kaya 'to.
Pinilig ko ang aking ulo dahil sa kabaliwang iniisip at saka bumalik sa sarili at kay Sir Pogi.
Magpapaulan ba siya?
Saglit muna akong nag-isip kung anong tamang gagawin, dahil mahirap bumalik sa sarili matapos kong maging emosyonal sa harap ni Mommy at ni Sir Pogi.
Ilang segundo rin lang ay napagpasyahan kong tumayo na rin habang hawak-hawak ang payong at para harapin si Sir Pogi. Ngunit huli na... dahil naabutan kong tumatakbo na siya palayo --- patungo sa kotse niya.
Hindi na rin siya nag-abalang lumingon pa dahil na rin siguro sa lakas ng ulan at ayaw niyang magkasakit. Nang tuluyan na siyang makapasok sa kotse ay nanatili pa rin ang mga mata ko sa kan'ya.
Pagkatapos kong gawing biro ang nararamdaman ko sa kan'ya, pakiramdam ko tuloy ay totoong may gusto na nga ako kay Sir Pogi. Sa bilis nang pintig ng puso ko --- hindi pa rin siya nawawala hanggang ngayon.
Seryoso na ba 'to?
Marahan kong inangat ang isang libreng kamay ko, at saka ito nilagay sa kaliwang bahagi ng dibdib ko para pakiramdaman ang bawat pintig ng puso ko.
Bakit ang bilis pa rin? Siguro dahil buhay pa ako kaya gan'on.
Mariin akong pumikit at agad rin na nagmulat ng mga mata para muling tingnan si Sir Pogi. Paalis na siya matapos manatili ng ilang minuto sa hindi ko alam na dahilan.
Pinanood ko siyang umalis hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.
Isa ito sa mga pangyayari sa buhay ko na hindi ko inaasahan... katulad ng biglaang pagkamatay ni Mommy.
Ibinalik ko ang atensyon ko kay Mommy. Pinagmasdan ko muna siya bago ako nagpaalam. "Babalik na lang po ako ulit, Mommy. I love you."
Umalis na rin ako dala-dala ang payong na binibagay ni Sir Pogi. Kailangan ko na rin kasing umalis dahil lalong lumalakas ang ulan at baka abutan pa ako ng kung anong klaseng kalamidad ang mangyari.
Agad akong pumasok ng kotse at tinabi ang payong. Ibabalik ko na lang siguro ito kay Sir Pogi kapag nagkita ulit kami.
Tiningnan ko ang sarili ko. "Kapapalit ko lang tapos basa na naman ako. Isda ka ba, Tala? Tsk." reklamo ko bago kumuha ng p'wedeng pamunas, dahil nabasa muna kanina ako ng ulan bago dumating si Sir Pogi.
Nasayang tuloy ang pagbibigay niya ng payong at siya naman itong nabasa. Baliw din talaga ang mylabs ko. Tsk.
Umalis na rin ako agad pagkatapos kong magpatuyo ng katawan. Maghihintay na lang siguro ako sa labas ng bahay nina Vera, wala na rin kasi akong lakas para magpunta pa sa kung saan.
Dumaan muna ako sa isang coffee shop. Pakiramdam ko ay mamamatay na ako dahil sa sobrang lamig. Bukod sa malamig, nagugutom na rin ako dahil kagabi pa ako walang kain.
Hindi 'man lang kasi ako pinakain muna ni Sir Pogi bago ako awayin. Tsk.
Kumuha muna ako ng isang leather jacket at iyong payong ni Sir Pogi bago lumabas ng kotse. Hindi naman ako p'wedeng lumabas na halos makita na ang kaluluwa ko dahil sa bumabakat pa rin ang katawan ko.
Mamaya na lang siguro ako magpapalit sa bahay nina Vera, tinatamad na kasi akong magpapalit-palit tapos may mangyayari na naman na hindi ko inaasahan. Kainis!
Pagbukas ko nang pinto ng coffee shop, naabutan kong medyo kakaunti ang tao kaya pumasok na rin ako. Isa ito sa madalas naming tambayan ni Vera kapag inaabutan kami ng umaga sa party, at kailangan ng pangpagising dahil pareho pa kaming may pasok.
Family of Engineers din ang pamilya ni Vera katulad ko, ang pinagkaiba lang namin ay hindi siya sumunod sa yapak ng mga magulang niya --- hindi katulad kong halos isuka na ng Engineering dahil sa kapabayaan ko.
Dumiretso ako sa counter para umorder. "Kuya, 'yon ulit. Dagdagan niyo na lang po ng isang chocolate cake," saad ko.
Kilala na rin kasi kami dito. Sa araw-araw ba naman na ginawa ng Diyos ewan ko na lang kung hindi kami makilala dito.
Tumango si Kuya Tope at saka ngumiti. "Akala ko hindi na naman kita makikita," aniya habang busy sa pagkuha ng order ko.
Napangiti rin ako. "Ikaw naman, Kuya. 'Wag mo masyadong ipahalata na crush mo ako," biro ko.
Alam ko namang hindi biro 'yon, halata naman talagang crush niya ako.
Duh, si Tala kaya 'to.
Hindi nakapagsalita at makatingin si Kuya Tope, pero kitang-kita ko ang panumula niya. At dahil hindi naman ako masamang tao hinayaan ko na lang din bago pa siya himatayin sa kilig.
Nagtungo na ako sa isang sulok pagkatapos ko sa counter. Dito ko hihintayin ang order ko dahil ayoko namang tumayo doon habang nakikita kong namumula sa kilig si Kuya Tope. Baka matuluyan nga, e, tapos kasalanan ko pa.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag, nagba-baka sakali na nagtext o tumawag si Daddy. Napairap ako nang wala kahit isa akong natanggap mula sa kan'ya, pero sa magaling kong ex meron.
At dahil hindi naman ako bitter, binuksan ko iyon.
**
From: tae
Sorry, babe. Let's talk?
**
Napangiti ako at saka muling napairap sa ere. "Neknek mo," bulong ko at saka agad na pinatay ang cellphone ko.
Sa ganda kong 'to?
Duh, si Tala kaya 'to
Hinintay ko na lang ang order ko habang pinapanood ang lahat ng pumpasok sa coffee shop. Makalipas ang ilang minuto ibinalik ko ang tingin sa cellphone ko para tingnan ang oras.
'11:58 AM'
Nagkibit-balikat ako at saka bumalik ang tingin sa pinto. Hindi naman pala ako maghihintay ng matagal sa labas ng bahay nina Vera. Isa pa naman sa ayaw ko iyong naghihintay ako, at dahil ako ang may kailangan --- no choice.
Ibabaling ko na sana iyong atensyon ko sa counter dahil sa inip nang nahagip ng mata ko si Vera na bumababa ng kotse.
Napangiti ako at balak na sanang tumayo nang nakita ko naman iyong bumababa mula sa driver's seat.
"Sir Pogi?"
Bahagyang tumaas ang isang kilay ko habang pinapanood silang dalawa na sabay na ngayong naglalakad papasok ng coffee shop.
Pinagbuksan ni Sir Pogi ng pinto si Vera, at iyong magaling ko namang kaibigan ay napakalaki ng ngiti.
Kumunot ang noo ko sabay nguso. Bakit sila magkasama?
Nang tuluyan na silang makapasok, agad akong yumuko at kinuha ang cellphone ko. Ite-text ko ang baliw na 'yan at ku-kumustahin kung nakauwi na ba siya o nakikipagdate pa sa crush ko. Hmp.
**
To: Vera
Gurl! Kauwi ka na?
**
Tipid kong text sa kan'ya. Titingnan ko lang kung magsasabi ng totoo, or itatago ang pinaggagawa niya.
Inangat ko ang aking ulo ng dahan-dahan para makita kung nakaupo na ba sila. Nang nakita kong nakaupo na si Vera habang nasa counter naman si Sir Pogi ay tuluyan na akong nag-angat ng ulo at umayos sa pagkakaupo. Medyo malayo kasi sila sa'kin kaya sigurado akong hindi nila ako mapapansin.
Pinanood ko si Vera, nabasa na siguro niya ang text ko dahil nasa cellphone ang buong atensyon niya. Ilang minuto pa ay nagtipa na rin ito, at iyon ang inaabangan ko.
Wala pang ilang minuto ay natanggap ko na rin ito at agad na binasa --- na mas lalong kinagulat ko.
**
From: Vera
Here sa coffee shop with my uncle. Saglit lang ako dito, uuwi rin ako agad.
**
Hindi ko alam kung paano ako magre-react sa mga nabasa ko. So, magkamag-anak pala sila?
Hala.
Ibig sabihin magiging pamangkin ko pala ang kaibigan ko? Yuck!
Napangiwi ako bago muling pinatay ang cellphone ko at ibinalik ang atensyon sa dalawa.
Hindi naman siguro masama na magiging pamangkin ko ang kaibigan ko 'di ba? Hindi naman kasama sa batas na bawal pakasalan ang Uncle ng kaibigan mo, as long as wala naman itong asawa.
Ang kaso may anak na siya, e'di ibig sabihin may asawa na rin siya?
Hay.
Paano na si Tala? Hmm... Sanay na akong mag-isa.
Well, si Tala kaya 'to.
Nakaupo na ngayon doon si Sir Pogi, habang seryosong nakikipag-usap kay Vera.
Hindi yata talaga marunong ngumiti ang masungit na 'yon. Kahit sino ang kausap palagi na lang seryoso. Hmp.
Sinenyasan ko si Kuya Tope na 'wag isisigaw ang pangalan ko nang napansin kong nakatingin na siya sa'kin habang dala-dala ang inorder ko. Patago akong lumapit sa counter sa gilid para hindi ako makita ni Vera.
"Thanks, Kuya," bulong ko at saka ngumiti.
"Tinataguan mo ba ang kaibigan mo?" nagtatakang tanong niya.
Tumango na lang at saka muling ngumiti bago nagmadaling bumalik sa mesa ko. Baka usisain pa ako at mas lalo akong matagalan doon --- mahirap na.
Tahimik akong kumain habang pinapanood ang dalawang seryoso pa rin na nag-uusap. Hihintayin ko na rin muna silang matapos bago ako lalabas dahil sigurado akong makikita ako ni Vera. Malapit lang kasi sila sa pinto, at doon pa siya nakaharap.
Dumating na rin ang order ng dalawa, at mukhang tig-isang kape lamang sila. Baka mag-uusap nga lang talaga.
Nagpatuloy lang ako sa pagkain ko, at hinintay silang matapos na dalawa. Dalawampung minuto na siguro ang lumipas nang hindi pa rin silang natatapos mag-usap.
Naiinip na ako...
Napakamot ako sa leeg habang inaantok na pinapanood ang dalawa. Tagal, ah! Parang ilang taon na hindi nagkita.
Sumubsob ako sa mesa.
Iidlip muna siguro ako...
"Tala,"
Naalimpungatan ako --- may tumatawag kasi sa'kin. Nakatulog yata ako ng tuluyan.
Anong oras na kaya?
Hindi ako nagbukas ng mata, nanatili akong nakapikit habang kinikilala kung kaninong boses iyon.
"Tala, magsasarado na kami," aniya na agad nakapagpabukas ng mata ko.
Nanatili akong gan'on at pinakiramdaman ang paligid. Tahimik na, at medyo may kadiliman na rin ang buong coffee shop.
Ibig sabihin ---
"Gabi na?" gulat kong tanong at saka mabilis na nag-angat ng ulo.
Nilibot ko ang aking mga mata at nakitang gabi na nga at wala ng tao ang buong coffee shop... maliban sa taong gumigising sa'kin.
Nilingon ko si Kuya Tope. "Bakit hindi mo ako ginising agad, Kuya?" I pouted.
Gabi na kasi at ilang oras na pala akong natutulog. Lowbatt na rin yata ako dahil noong kausap ko si Vera ay four percent na lang iyon. Tagal kasi nilang mag-usap, nakatulog tuloy ako.
Well, si Tala kaya 'to.
Ngumisi sa'kin si Kuya. "Ang sarap mo --- sarap kasi ng tulog mo," aniya na parang hindi ko nagugustuhan.
Naningkit ang mga mata ko habang marahan na umiiwas ng tingin. May iba akong nararamdaman... at hindi ko p'wedeng ipahalata 'yon.
Napalunok ako at mahinang bumuntong hininga.
"Alis na ako, Kuya. Salamat, ah," kalmado kong paalam sabay kuha ng mga gamit ko.
Hindi ko siya tiningnan, pero pakiramdam ko ay nakatingin siya sa akin.
Subukan niya lang talaga na hawakan ako hindi niya magugustuhan ang mangyayari...
Pilit kong nilakasan ang loob ko, dahil kung ipapakita ko na mahina ako ay mas lalo lang siya makakaisip ng isang bagay na hinding-hindi ko magugustuhan.
Tumayo ako at nakitang umiwas naman si Kuya Tope para makatayo ako ng maayos. Pero nang akmang aalis na ako ay naramdaman ko ang paggalaw niya kaya agad akong umiwas at hinarap siya.
"Kung ano 'man ang binabalak mo isantabi mo na 'yan --- hindi mo ako kilala," may diing pagbabanta ko habang matalim na nakatingin sa kan'ya.
Ngunit imbis na matakot ay isang nakakalokong ngisi lang ang sinagot niya sa'kin. Yuck!
Inirapan ko siya. "Pangit mo!" sigaw ko at saka tumakbo nang nahawakan niya naman agad ang braso ko.
Nagpumiglas ako at pilit na makawala, pero dahil mahigpit ang pagkakahawak niya ay hindi ko magawa. "Peste! Manyak! Butiki! Pangit!" sisigaw ko habang pinipilit pa rin na makawala.
Hindi siya nagpatinag sa ginagawa ko at mas lalong lumalapit sa'kin. Hawak-hawak na rin niya ang isang kamay ko at saka isinandal ako sa may counter. Malakas kasi siya at kahit anong gawin ko ay walang epekto sa kan'ya.
Mapapatay ko talaga itong lalaking butiki na 'to kapag nakawala ako dito. Kainis.
"Yuck!" sigaw ko pa nang unti-unti na siyang lumalapit sa'kin para halikan.
Bastos!
Sisipain ko pa lang sana siya nang bigla naman siyang tumalsik sa may mesa sa likod namin.
May sumuntok kasi sa kan'ya, at kung hindi ako nagkakamali sa likod na nakikita ko ay si Riley iyon.
"Gago!" sigaw pa nito habang binubugbog na si butiki.
Boring naman. Tsk.
Napairap na lang ako at saka dinampot iyong mga gamit kong nagkalat. Aalis na ako, at hinding-hindi na babalik sa lugar na 'to. Never, ever!
Nagsimula na akong maglakad, at iniwan silang dalawa. Hindi pa ako tuluyang nakakalabas nang may naaninaw akong nakatayo sa labas ng coffee shop.
Nanlaki ang mga mata ko nang napagtantong si Sir Pogi iyon. Imbis na huminto ay nagmadali akong lumabas ng coffee shop, at pinuntahan siya.
Nang tuluyan na akong nakalapit ay hindi man lang siya kumibo. Nanatili lang siyang nakatayo habang hindi inaalis ang tingin sa loob ng coffee shop.
Anong tinitingnan niya sa loob?
Sinundan ko iyon ng tingin, bukod sa dalawang nag-aaway sa loob ay madilim na ang buong lugar.
Wala naman akong ibang nakikita, kaya ibinalik ko rin agad ang tingin ko kay Sir Pogi --- na agad nagpahuramentado ng puso ko. Seryoso na kasi siyang nakatingin sa'kin, at kung tatantyahin ay mas matindi iyon kumpara sa iba niyang mga tingin.
Pasimple akong huminga ng malalim bago naglakas loob na nagsalita. "Anong ginagawa niyo po dito, Sir?" kalmado kong tanong.
Ewan ko ba, para na naman ako nasasapian. Eww.
Naghintay na lang ako ng sagot mula sa kan'ya. Baka kasi masungitan na naman ako kung pag-iinitin ko ang ulo niya. Iksi pa naman ng pasensya. Tsk.
Naghintay pa ako ng ilang minuto. Pero imbis na sa sagot ang makuha ko --- pag-iwas lang ng tingin ang sinagot niya sa'kin.
I pouted.
Sungit! Hmp.
Magsasalita pa sana ako ulit nang bigla niya naman akong talikuran. "Sa susunod na matutulog ka... siguraduhin mong hindi ka mababastos," aniya at saka nagsimula nang maglakad.
Nalaglag ang panga ko.
Luh, concern ba siya?

Komentar Buku (137)

  • avatar
    gomezmaicy

    ❤️❤️❤️ang galing ang ganda ng story..nakakatawa nakakainis nakakakilig at nakakaiyak ang story n ito..pina iyak m ako author at nakaka inis si boy basta naiinis ako sakya..ang galing ng pagkawa m sana mas marami kapag magawang story.. 😍luv u tala..sana may book 2 deserve nyang maging happy..lalo n sa lagi nyang linya na "si tala yata ito".. ang ganda nito highly recommend basahin nyo din magugustuhan nyo promise..thank u author

    19/08/2022

      0
  • avatar
    Trishia Jane Widger

    its nice

    6d

      0
  • avatar
    Althea Cassandra

    so the shhhh don't have the greatest kinetic energy of a roller coaster would have the greatest kinetic energy of a roller coaster would have the greatest guy is the opposite of a roller coaster would have the greatest kinetic energy of a roller coaster would have the greatest kinetic energy of a roller coaster would have the greatest kinetic energy of a roller coaster would have the greatest kinetic energy of a roller coaster would have the greatest kinetic energy of a roller coaster would have

    16d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru