logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 4

CHAPTER 4
Inaantok kong binuksan ang aking mga mata, bago marahan na nilibot ang paningin ko. Madilim, pero may konting liwanag na pumapasok galing sa pagitan ng mga naglalakihang kurtina.
Nasaan ako?
Muli akong pumikit nang hindi gumagalaw sa pagkakahiga. Iniisip kong mabuti kung ano ang mga nangyari kagabi. Bukod sa uminom ako ay wala---
Mabilis na bumukas ang mata ko at naalalang nakita ko nga pala si Sir Pogi kagabi sa bar. Inangat ko ang ulo ko at tiningnan ang katawan ko.
Bahagyang tumaas ang isang kilay ko nang gan'on pa rin ang suot ko kagabi at walang nagbago. Bakat pa nga d'on ang nagkalat na beer sa damit ko.
Walang nangyari sa'min?
Tsk. Ang hina naman ni Sir Pogi. Kaasar.
Bumalik ako sa dating pwesto ko at mas humilata pa sa malambot at malaking kama na 'to.
Nasaan kaya si Sir Pogi?
Muli kong nilibot ang buong kwarto. Malaki ito at kung hindi ako nagkakamali ay ito ang master bedroom ng bahay.
"Omo! E'di magkatabi pala kami ni Sir Pogi matulog?!" namilog ang mga mata ko at bahagyang napatakip sa'king bibig dahil sa mga naiisip.
Nakaramdam ako ng kilig. Ayos na palang hindi ako nakatikim, mukhang may susunod pa naman.
Duh, si Tala kaya 'to.
Natihimik ako nang naramdaman kong may papasok mula sa kung saan. Pinakiramdaman ko muna ito, at nang napagtantong may paparating nga ay agad akong bumalik sa dating pwesto at mabilis na pumikit ng mata.
Makalipas lang ang ilang segundo ay nakapasok na ito. Kusang gumalaw ang ilong ko dahil sa sobrang bango --- na kung hindi ako nagkakamali ay galing ito d'on sa pumasok.
At dahil dati akong ninja turtle, marahan kong binuksan ang mga mata ko, iyong katamtaman lang ang laki para makita ko kung sino iyong mabangong nilalang na 'yon.
Nakaramdam ako ng init nang nakita kong walang pang-itaas na damit si Sir Pogi kahit medyo nilalamig na ako dahil sa lakas ng aircon dito sa kwarto. Pinagmasdan ko pa itong mabuti, at kahit medyo kay kadiliman ang paligid ay naaninag ko pa rin ang umaagos na iilang butil ng tubig sa kan'yang masarap na katawan.
Omg! Bakit parang langit na ang nakikita ko. I fucking love the view!
Unti-unti ko pang ibinababa ang tingin ko... hanggang sa tumigil ito sa kan'yang ibaba na tuwalya lang ang tanging sandata mula sa aking makasalanang mga mata.
Napalunok ako. May bumabakat kasi, at kung hindi ako nagkakamali ay---
"Kung hindi ka pa babangon diyan bubuhusan kita ng kumukulong tubig."
At dahil sa takot ay agad akong umupo at kunwaring umunat para hindi mahalatang kanina pa ako gising.
Umakto pa akong humihikab. "Anong oras na?" akto ko habang pasimple siyang pinapanood sa kan'yang ginagawa.
Woah! Hotness overload, Sir Pogi!
"Oras na para umalis ka sa bahay ko," mariin niyang sabi bago seryosong humarap sa'kin.
Umupo ako ng maayos at pinagmasdan siyang mabuti. Pakiramdam ko ay namumula na ako dahil sa aking mga nakikita --- pabor naman sa'kin dahil hindi ko itatanggi na para akong nasa langit ako.
Nakikita ko lang naman ng buo ang kan'yang magandang katawan, at kung hindi ako nagkakamali ay isang biyaya ng Diyos ang katulad niyang malapit na sa salitang perpekto. Iyong ugali na lang talaga ang dapat na ayusin, pero okay na 'yon --- at least hindi siya pumapatay.
"Maglalaway ka lang kung tititigan mo 'yan..." aniya dahilan para bumalik ako sa sarili. Muli ko rin na inangat ang tingin sa mga mata niyang seryoso pa rin na nakatingin sa'kin. "Umuwi ka na at baka hinahanap ka na sa bahay n'yo," dagdag niya bago umiwas ng tingin at bumalik sa kaninang ginagawa.
Luh, umiwas? May crush siguro si Sir Pogi sa'kin. Ayieeeee.
Well, si Tala kaya 'to.
Napangiti ako. "Hindi po ako uuwi sa bahay," medyo may paggalang kong sagot kay Sir Pogi bago dahan-dahan na bumaba ng kan'yang kama.
Syempre kunwari mabait akong bata --- umiinom lang ako pero hindi ako gan'on kasamang tao.
Duh, si Tala kaya 'to.
Tumayo ako sa may bandang likod niya. Hindi niya ako pinansin, maging ang sinabi ko ay parang wala lang sa kan'ya.
Wala 'man lang concern. Tsk.
"Lumabas ka na, magbibihis pa ako," pagtataboy niya nang hindi 'man lang tumitingin sa'kin.
Napairip na lang ako --- hindi naman niya nakikita. Kainis.
"Okay po, Sir," sagot ko at saka naglakad patungo sa pinto.
Marahan akong naglakad. Baka sakali na pigilan niya ako, o baka may gusto pa siyang gawin kasama ako. Baka lang naman, pero kung wala --- kawalan na niya 'yon. Pinakawalan niya ang isang tulad ko.
Duh, si Tala kaya 'to.
"Bilisan mo na, nagmamadali ako," mariin niyang sabi kaya binilisan ko na ang paglalakad.
Sungit talaga nitong si mylabs. Tsk.
Lumabas na rin ako agad at baka maghalo pa ang balat sa tinalupan. Kung hindi lang talaga 'yon pogi baka binalatan ko na siya ng buhay. Hmp.
Bahagya akong namangha sa ganda at laki ng bahay ni Sir Pogi. Sabagay, Engineer na siya at kung tutuusin ay kaya na niyang makapagpagawa ng malalaking bahay at makabili ng magagandang sasakyan.
Sabi nga nila... kapag Engineer ka na hindi mo na iisipin ang presyo --- bili kung bili.
Ewan ko, pero hindi pa rin talaga sapat para mag-aral ako.
Inilibot ko pa ang mga mata ko sa buong bahay. Maaaliwalas ito, at kung tatanungin ako --- hindi ako magda-dalawang isip na tumira dito. Basta kasama si Sir Pogi, hindi masaya kung wala siya, e.
Marahan kong binaybay ang mahabang hallway patungo sa hagdan, habang pinagmamasdan ang kan'yang maganda at malawak na living room na kitang-kita mula dito.
Shit, parang gusto ko nang tumira dito. Mas lalo tuloy akong nanggigigil na pakasalan si Sir Pogi. Grrr.
Pagkababa ay agad akong umupo sa sofa habang pinagmamasdan ang buong bahay. Swerte siguro ng mapapangasawa ni Sir Pogi... swerte talaga ako.
Duh, si Tala kaya 'to.
Hindi pa nag-iinit ang pwet ko sa pagkakaupo nang nakita ko ng naglalakad si Sir Pogi papunta dito sa living room. Tumayo na ako agad bago pa ako makatikim ulit ng kasungitan niya.
At hindi nga ako nagkamali, parang nagdidilim na ang paningin niya habang tinitingnan ako.
Napairap na lang din ako sa aking isip. Hay, ang sungit talaga ni mylabs ko.
"Hindi mo ba narinig ang mga sinabi ko kanina? O, nagbibingi-bingihan ka?" aniya at saka may hinagis sa'kin na kung ano --- na ikinagulat ko.
Sinambot ko naman agad 'yon at nakitang bag ko pala iyon na gamit ko kagabi. Nagtaka pa ako dahil hindi ko naman siya nakitang may hawak na bag. Sabagay, sa mukha naman kasi niya ako nakatitig.
"Aalis na ako, at kung hindi ka papasok mas mabuting 'wag na kahit kailan. Sinasayang mo lang ang oras at pagod mo," dagdag pa niya habang may kinukuha sa kan'yang drawer.
Ayieeee. Medyo concern si Sir Pogi --- deadma na lang 'yong mga nauna niyang sinabi. Basta, concern siya sa'kin. Period!
Pinanood ko lang siya. Bawat kilos niya talaga ay parang isang magandang masterpiece. Gusto ko tuloy siyang kuhaan ng litrato.
Bakit hindi 'di ba?
Nagmamadali kong kinapa ang bag ko para kunin ang cellphone ko, baka kasi humarap na siya sa'kin at hindi ko siya makuhaan ng picture. Nang hindi ko iyon makapa ay sinilip ko na ito, at wala akong nakitang cellphone ko doon.
"Nasaan ang cell---"
Natigilan ako nang naalalang nasa isang bag ko pala 'yon, at nasa kotse ko na naiwan ko sa bar. Fuck!
Inangat ko ang tingin ko kay Sir Pogi na ngayon ay nagtataka nang nakatingin sa'kin. Narinig niya siguro iyong paghe-hysterical ko.
Pilit ko siyang nginitian. "P'wede po ba akong magpahatid sa---"
"No," sabad niya sa'kin dahilan para itikom ko kaagad ang bibig ko.
Umiwas na rin siya ng tingin sa'kin, at saka nagtungo papunta sa pinto. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa muli siyang humarap sa'kin.
Matalim siyang nakatingin sa'kin. "Ano pang hinihintay mo d'yan? Lumabas ka na at aalis na ako."
Tumakbo na ako agad papunta sa pinto. Mahirap na... baka may kung ano na naman siyang masabi na hindi magugustuhan ng puso ko.
Hinintay ko muna siyang makalabas ng bahay bago ako aalis. Hindi naman ako bastos para umalis na lang bigla, at saka baka magbago ang isip niya at ihatid ako kung nasaan ang kotse ko.
Nang tuluyan ng nakalabas si Sir Pogi ay agad ko siyang nilapitan. "Salamat po pala sa pagpapatuloy sa'kin," pagpapasalamat ko at saka siya marahan na nginitian.
Nasusuka ako sa ginagawa ko. Para akong anghel na niluwa ng langit dahil hindi raw ako bagay d'on. Cringe!
Tiningnan niya lang ako. Nanatili naman akong nakangiti habang hindi rin inaalis ang tinginan naming dalawa.
Omg, eye to eye! Nanlalambot ako sa kilig, pero dahil si Tala 'to hindi ko masyadong pinahalata.
Muntik ko nang tawagin lahat ng santo 'wag niya lang alisin ang tingin sa'kin. Kahit maghapon pa, ipupusta ko ang buong buhay ko. Grrrr.
At dahil hindi niya kaya ang ganda ko ay agad niyang ibanaba ang tingin sa'kin. Tumaas ang isang kilay ko bago sinundan ng tingin ang tinitingnan niya.
Tinitingnan niya ba ang katawan ko?
Agad akong umurong at tinakpan ang dibdib ko gamit ang dalawang kamay ko at pinagcross ito. "Anong tinitingnan mo?!" reklamo ko.
Syempre... acting! Magpapahard-to-get muna ako dahil sa ilang beses niyang pagsusungit sa'kin. Akala niya, ah.
Well, si Tala kaya 'to.
Kumunot ang noo niya habang nagtatakang tumingin sa'kin. "Hindi kita type," tipid niyang sagot at saka umiwas ng tingin sa'kin.
Namilog ang mata ko at agad na inalis ang kamay ko sa dibdib. Kaasar.
Akala ko naman effective. Argh!
Naglakad na rin siya at saka ako nilagpasan. Hirap naman akitin ng taong 'to.
Baka bakla si Sir Pogi?
Napangiwi ako sa naiisip. Hindi imposible, dahil kung hindi siya bakla malamang naakit na siya sa ganda ko.
Sa ganda kong 'to?
Duh, si Tala kaya 'to.
Napairap ako sa ere bago siya sinundan ng tingin. Pinagmasdan ko siya habang naglalakad papunta sa kotse niya --- kahit ang likod niya napakagandang pagmasdan, parang kahit anong gawin ko sa lalaking 'to walang tapon. Kagigil!
Hindi ko inalis ang tingin ko sa kan'ya hanggang sa nakarating siya sa tapat ng kotse niya.
Hay. I think, it's my time to alis na rin at baka masungitan na naman ako.
Nagkibit-balik na lang ako at saka ko inalis ang tingin sa kan'ya... nang bigla naman siyang humarap sa'kin dahilan para bumalik din ang tingin ko.
"Nasa may halaman ang susi ng bahay. Magpalit ka muna bago umalis --- isarado mo na lang kapag aalis ka na," dire-diretso niyang sabi na hindi ko na nasundan hanggang sa umiwas na siya ng tingin at sumakay ng kotse.
Nanatili akong nakatayo at gulat pa rin sa mga narinig.
Did he really --- omg!
Well, si Tala kaya 'to.

Komentar Buku (137)

  • avatar
    gomezmaicy

    ❤️❤️❤️ang galing ang ganda ng story..nakakatawa nakakainis nakakakilig at nakakaiyak ang story n ito..pina iyak m ako author at nakaka inis si boy basta naiinis ako sakya..ang galing ng pagkawa m sana mas marami kapag magawang story.. 😍luv u tala..sana may book 2 deserve nyang maging happy..lalo n sa lagi nyang linya na "si tala yata ito".. ang ganda nito highly recommend basahin nyo din magugustuhan nyo promise..thank u author

    19/08/2022

      0
  • avatar
    Trishia Jane Widger

    its nice

    6d

      0
  • avatar
    Althea Cassandra

    so the shhhh don't have the greatest kinetic energy of a roller coaster would have the greatest kinetic energy of a roller coaster would have the greatest guy is the opposite of a roller coaster would have the greatest kinetic energy of a roller coaster would have the greatest kinetic energy of a roller coaster would have the greatest kinetic energy of a roller coaster would have the greatest kinetic energy of a roller coaster would have the greatest kinetic energy of a roller coaster would have

    16d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru