logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 7 ANG UGAT

Habang hinihintay ni Jasper ang doktora ay umupo siya sa isang upuan na madalas niyang ginagamit kapag nandito siya sa opisina nito. Ipinikit niya ang mga mata at isang alaala ang binalikan niya.
“Hindi ako natatakot na mamatay, mga anak. Mas natatakot akong maisama kong maibaon ang katotohanan,”pahayag ng isang matandang lalaki. Nakahiga ito sa isang kama ng ospital. Sa tabi nito ay may dalawang taong nakatalikod. Sa kaliwa ay isang babae na hawak ang kamay nito samantalang nasa kanan naman nito ang isang lalaki.
Panaka-naka siyang sumisilip sa loob ng kuwarto. Sa kanyang pagtatago sa likod ng pinto ay pinipilit niyang pakinggan nang maigi ang pahina nang pahinang boses ng nakaratay sa kama.
Alam niyang hindi na magtatagal ang buhay nito dahil sa sakit sa baga. Matagal na rin niyang sinusundan ang pamilyang naging dahilan ng pagkawala ng ama.
“Kung gano’n bakit po kayo ang umamin, tay?” tanong ng babae na halatang pinipigil ang pag-iyak dahil sa basag na boses nito.
“Kailangan kong gawin ‘yon para sa nanay n’yo.”
“Ano pong ibig n’yong sabihin, Tay?” ang lalaki naman ang nagtanong.
“Hindi ako ang totoong nakapatay sa kanya.”
“Kung hindi ikaw, tay, sino?”patuloy na tanong ng lalaki.
“Sandejas. Si Blue ang – ” nalagutan na ito ng hininga.
Halos mabingi siya mula sa iyak na may kasamang sigaw ng babae. Sisilip ulit sana siya sa nakabukas na pintuan pero laking gulat niya na nasa harap niya ang lalaking kanina ay nakaupo sa tabi ng pasyente.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong ng isang boses.
Bumalik sa kasalukyan ang kanyang isip pagkarinig ng boses ng doktora. Iminulat niya ang kanyang mga mata at itinuwid ang upo para harapin ang bagong dating na umupo sa upuan nito kaharap niya.
“If you were in my place, do you think you can celebrate your birthday?” tanong niya sa kausap.
“Well, hindi rin siguro. Pero Jasper, birthday mo ngayon pero nandito ka sa clinic ko.”
“Recently, I have this dream over and over again.”
“Yong nangyari 12 years ago?”
“Yes, Doc.”
Parang isang bomba ang narinig niyang katotohanan mula sa naghihingalong si Mang Teodoro. For all these years, he vented out his anger to this family sa pag-aakalang ito ang nagmamaneho ng araw na ‘yon.
Ang ikinagalit niya noon ay nakalabas agad ito sa kulungan matapos ang anim na taon lang. Anim na taon kapalit ng buhay na kanyang inutang. Anim na taon lang para sa kalungkutang dinanas ng kanyang pamilya at higit sa lahat, anim na taon lang kapalit ng pagkawala ng pinakamahalagang tao sa buhay niya pero hindi pala ito ang totoong salarin.
“Anong natatandaan mo na nangyari sa’yo bago ka nanaginip ulit nito?” usisa ng doktora.
“I don’t really remember. Basta paulit-ulit kong napapanaginipan ang pagbangga ng kotse.”
“Kumusta naman ang pagmamaneho mo? May driver ka pa rin?”
“Yes. And I think I can’t overcome this fear.”
“Everyone has fears. One, two or more. You’re not an exception but this doesn’t mean that you’re a coward. Sabi nga ni Michael V. hindi kaduwagan ang pagkakaroon ng kinatatakutan. Minsan senyales ng katapangan ang aminin na may kinatatakutan ka pa rin. And it’s good because you’re here attending our counseling program regularly. ‘Wag mong hayaang takot ang humawak ng manibela ng buhay mo,” nakangiting pahayag ng babaeng psychologist. Naisip niya na sana ganito ang kanyang ina. Nakakausap niya nang walang pag-aalinlangan.
Tumayo si Jasper at pumunta sa bintana. Sinundan siya ng tingin ng doctor na halatang ilang taon na lang ay makakasama na sa listahan ng mga senior citizens. Pinanood ni Jasper ang mga tao sa baba. Inilibot niya din ang paningin sa loob ng clinic. Napansin niya ang mga halaman na nakahilera malapit sa bintana kaya hinawakan niya ang mga dahon nito.
Lumapit ang doctor dito na may hawak na water spray. Nakita nitong may damong tumutubo katabi ng halaman. Hinukay nito nang kaunti ang lupa upang maabot ang ugat.
“Ang takot ay parang itong damo na kapag hindi natin sinimulan sa ugat, tutubo at tutubo pa rin ito kahit anong bunot mo. Minsan kapag hinayaan mong tumubo ito, nanganganak ito ng panibagong takot hanggang sa dumami,” pahayag nito na hawak na ang damo.
“Bakit ‘di ninyo hinahayaang dumami ito, Doc?”
“Ninanakaw nito ang mga biyaya at tinatakpan nito ang araw na nagbibigay sa halaman ng kulay. Sa huli hindi lalabas ang tunay na kagandahan ng halaman. Sa halip, mananatiling nakatago na lang ito sa mata ng mga taong nag-aalaga at nagmamahal sa kanya.”
“Kapag hinukay mo naman ang ugat ay madudumihan ka.”
“Well, hindi natin maiiwasan ‘yan pero ang mahalaga, hindi na siya bumabalik pa nang paulit-ulit. Sa tingin ko, may mga bagay ka pang hindi mo binubunot diyan sa puso mo kaya bumabalik na naman ang mga panaginip mo.”
“Finally, ako na ang CEO ng kompanya at nabawi ko na rin ang dati naming bahay pero hindi ko maramdaman ang saya, Doc. I feel like there’s something missing.”

Komentar Buku (427)

  • avatar
    Hekinreven

    wow so nice story

    04/03

      0
  • avatar
    DjienataMikhael

    sangat bagus

    07/02

      0
  • avatar
    GulzarFarwa

    this is the story I read it it is so interested thank u dear ♥️

    10/01

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru