logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 2

Chapter 2
Winner
Shala, totoo ba 'to? Oh, nanaginip lang ako? Ako talaga yung nanalo sa pa raffle 'nong VVIP ticket!? As in, totoong-totoo!?
Nandito ako ngayon sa backstage. Nagpipirma ng kung ano anong papeles na inaabot sa akin.
Hanggang ngayon. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ako ang panalo dahil sa buong buhay ko, ni minsan ay hindi pa ako nanalo sa pa raffle. Miske sa mga pa raffle ng school! Hindi.
Ngayon lang talaga. Kaya nanginginig ako sa sobrang saya kanina pa. Halos mawalan ako ng buhok kanina dahil ang mga gaga na sila Eilla at Nikha ay sinabunutan ako ng pagkalakas-lakas. Lalo na si Doday na mukhang gumanti sa sabunot ko sa kanya.
Mukha tuloy ako ngayong galing sa world war 3 sa harap ni kuya Calvin.
"Papirmahan na lang din 'to, " Ngiti niya pa sa akin 'nong ituro niya 'yung last page ng pipirmahan ko.
Ginawa ko naman ang inutos niya ng walang kibo dahil kahit ngayon. Feeling ko pa rin talaga nanaginip lang ako. Nabaliw na ata talaga ako!
"Ok! We're now settled. What's your name again, miss?" Pinal niyang sambit bago ako lahadan ng kamay.
"A-Akisha po, Akisha B. Manlabanan." Sagot ko sa nahihiyang tono bago abutin ang kamay niya. Nginitian niya ulit ako.
Ngayon ko mas lalong napaghalataan sa personal na gwapo rin pala itong si kuya Calvin. Ngiti pa lang pamatay na. Add to cart na 'to.
"Sorry for not remembering your name. By the way my name is Calvin. Oh, can i ask one thing?"
Sumagot naman agad ako. "A-Ahm, sure po. Ano po iyon?"
Ngumiti muna siya bago magsalita. "Can i call you Aki?" Sambit niya sa hindi matanggihang paraan.
Tumungo tungo naman ako bilang aproba sa suggestion niyang indearment sa akin, dahil sino ba naman ako na isang patatas lang, para tanggihan ang gwapong nilalang na katulad niya.
Nagpatuloy siya. "Ok, so ganto Aki. hindi na namin ibibigay sa 'yo yung ticket, dahil baka mawala mo pa. At saka, alam mona... baka kasi may mang agaw nung ticket sa labas. Kaya itatabi na lang namin, ok lang ba sa 'yo 'yun?" Offer niya na sinangayunan ko rin dahil kita naman ang rason sa pagpapaliwanag niya.
"Ang mangyayari, i call you next friday to call sa binigay mong number para ibigay sa 'yo ang address kung saan tayo magba-bakasyon, ok?" Dugtong niya pa, kaya bumalik na naman tuloy ang matinding excitement sa akin 'nong marinig kong makakasama ko sila sa isang bakasyon bilang premyo ko. Nakakaiyak.
"K-Kuya Calvin totoo ba 'yan? Baka prank lang 'to, kuya ah! Sinasabi ko sa 'yo magkakagera talaga dito!" Naiiyak ko na talagang pagbabanta sa kanya. Tumawa lang naman siya.
"Hey this is very legit. Hindi lang 'yon dahil makakasama mo rin si Kianos iisang hotel room-"
"Shala Kuya, totoo ba talaga 'yan!?" Hindi ko na siya pinatapos sa pag-sasalita dahil narinig ko yung makakasama ko si Kianos sa isang hotel room!
"O-Oo, kaya mag-paalam ka na sa parents mo, ok?" Naiilang niyang sagot habang tinititigan ang mga kamay kong nasa parehong balikat niya na pala.
Napangiwi naman ako sa kanya at dahan dahang pinakalma ang sarili. Tinanggal ko ang mga amay ko sa balikat niya dahil nahilo na ata siya sa akin. Umupo ulit ako habang pinipigilan ang sariling maiyak sa nangyayari ngayon!
Grabe, ang hirap paniwalaan na nangyayari ito ngayon sa akin dahil sa panaginip ko lang ito minsan naiisip.
Ang maka-sama, maka-usap, at maka-bonding si Kianos ng ilang araw. Ay tila isang milagro lang kung iisipin, pero tignan mo naman. Mangyayari na...
"May mga tanong ka paba Aki about sa mga sinabi ko sa 'yo?" Pag-babalik sa akin sa reyalidad ni kuya Calvin. Umiling naman ako dahil nakatatak sa akin lahat ng sinabi niya kanina.
Tumayo na din ako ng tumayo siya. Pero wala sa kaniya ang atensyon ko kaya hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niyang mga paalala sa pag-tatapos. Naiisip ko na kasi agad mangyayari sa bakasyon, kaya nawawala ako sa wisyo ko sa sobrang pag-iisip patungkol do'n. Excited na talaga ako!
Feeling ko nga hindi ako papatulugin ng utak ko mamaya pag-kauwi sa sobrang pag-iisip.
"—Aki?"
"Ay, opo! sige, sige." Pagsang-ayon ko na lang kahit wala naman akong naintidihan sa lahat ng sinabi niya.
---
"So ayon na nga, gano'n daw ang process. Sa Friday tatawagan na lang ako ni Kuya mo Calvin," Pagkwe-kwento ko kila Doday at Eilla ng mga napag-usapan namin ni kuya Calvin.
Inintriga kasi nila agad ako pag-kalabas ko pa lang ng backstage ng magkaayos kami ni kuya Calvin sa mga mangyayari.
Nasa labas na kami ngayon ng Robinson at naka upo dito sa may bench sa gilid. Ako ang sa pagitan nilang dalawa.
"Pero gaga ka Aki, nakaka-ingit ka. Sana ol, na lang talaga!" Pagmamaktol ni Eilla sa akin na ikinatawa ko lang.
"Eilla ako lang 'to, ok? Ako lang 'to," Pag-mamayabang ko sa kanya habang nagpapa-cute. Inirapan niya naman ako bilang tugon.
"Pero, Aki. Huh! Hindi porke't mahal na mahal mo si fafi Kianos, ibibigay mo na ang bataan, umayos ka! Kakaltukan kita," Banta naman ni Doday.
Ang ibig siguro niyang sabihin ay yung doon sa three nights and two days na bakasyon kasama si Kianos, kasi na kwento ko rin iyon sa kanila.
Kunwari akong nag-isip. "Ibigay ko na kaya habang nando'n kami sa bakasyon? Maganda naman ata lahi ng magiging anak namin, eh. Ano sa palagay n'yo? " Pag-bibiro ko sa dalawa na gulat lang na reaksyon ang sinagot sa akin, kaya napatawa ako ng malakas sa mga mukha nila.
"Hoy mga shala kayo! Nagbibiro lang ako, ano ba! Ofcourse hindi ko ibibigay ang Motherland! Siguro papatikim ko lang sa kanya ng very slight," Tawa ko pa ng malakas na ikinabusangot ni Eilla habang si Nikha naman ay napailing-iling na lang.
Sumunod do'n ay unting mga kwentuhan na lang naming tatlo habang nag-papalalim ng gabi dito sa labas. Hindi na namin inalintana yung mga kagat ng lamok kasi alam naman naming masarap kami.
Kinamusta namin si Eilla ni Nikha kung ano nabang estado ng buhay ng babaitang ito. Dahil syempre, hindi ko na kailangan kamustahin si Nikha kase magkasama naman kami palagi.
Saka, nagkwe-kwentuhan din naman kami pag meron mga chika. Kaya sa buong gabi naming pag chi-chismisang tatlo. Si Eilla lang ang taga sagot, habang kami naman ni Nikhaela ang nagtatanong ng nagtatanong.
"Ang daya naman! Hoy mamaya na tayo umuwi!" Maktol ni Eilla habang sumusunod samin papuntang kalsada para pumara ng taxi para sa kaniya.
Siya na kasi dapat ang magtatanong samin dalawa ni Nikha kung anong mga hanash namin sa buhay. Ang kaso, nag-text na sa akin si lola na may kasamang tuldok sa huling sentence, kaya need ko na talaga umuwi. Galit na kasi siya kapag ganoon ang typings niya.
"Ang duya n'yo! Ang duya n'yo!" Inis pa rin na ani niya habang sumasakay doon sa taxi na pinara namin.
"Bawi ka na lang next life Eilla, bye!" Asar ni Nikhaela sa kaniya kaya ito namang isa nag-alburoto na.
"Bwisit ka talaga, tumigil ka nga Nikhaela! Palibhasa wala kang jowa, eh! D'yan ka na, nga!" Ganti pa ni Eilla bago pag-sarahan kami ng pinto. Na-offend naman ata si Nikhaela doon sa sinabi ni Eilla na wala siyang jowa.
Kumaway na lang naman ako 'nong paalis na yung taxi at kinuhaan ko din ng litrato yung plate number ni kuya driver para makasigurado.
---
"Hoy mag-text ka kapag nakauwi ka na, ah." Paalala ko kay Nikha na tungo lang ang sagot sa akin. Busy kasi siya sa panonood doon sa favorite niyang streamer.
Napairap na lang ako bago mag-beso sa kaniya at bumaba na ng taxi. Hindi muna ako pumasok sa gate ng bahay namin dahil inintay ko munang makaalis yung taxi. At 'nong hindi ko na ito matanaw. Saka ako pumasok ng gate.
Huminga ako ng malalim at nag-ipon muna ng lakas ng loob para sa paparating na delubyo.
"Kaya ko ba 'to? Makitulog na lang kaya ako sa kapit bahay namin? Pero pinag chi-chismisan 'daw kasi kami ng mga yan, eh." Kausap ko sa sarili ng nasa tapat na ako ng pintuan ng bahay.
Ano ba kasi. sermon o dignidad? Ang hirap mamili. Bahala na ngaa! Sermon tayo!
"Hi lolaaaa nakauw— Aray!" Magandang intro ko sana pag-bukas ko ng pinto. Pero wala! nauna lumipad yung hanger sa mukha ko, shuta. Sapul na sapul ako.
"Warka! Pashnea! At talagang umuwi kapang bata ka, halika rito!" Pag-e-encatandia word pa ni Lola habang kumukuha ng pamalo.
Mangiyak-ngiyak naman ako pumasok sa loob ng bahay habang nakasalag ang dalawa kong kamay sa mukha ko.
"Lola naman. Ano ba! Gumala lang, eh! 'to para 'tong ewan!" Pag ra-rason ko habang paunti unting lumalakad papuntang hagdanan.
Humarap naman agad sa akin si Lola ng may hawak na sinturon. Take note. Gawa pa ata sa balat ng kung anong hayop iyon, kaya sa tingin pa lang, alam ko ng masakit iyon kapag lumatay sa balat ko.
"Ikaw na bata ka. Pashtadi! Sa edad mong Labing pitong taong gulang lumalandi ka na d'yan sa may Tondo. Halika ritong, bata ka!" Sabi pa ni lola sa galit na tono. Tatawa naman sana ako kaso pinigil ko iyon lumabas.
"Anong nakakatawa impakta ka talaga, Akisha!?" Puna niya sa pinipigilan kong tawa. Sumagot naman ako.
"Lola, malandi agad? Hindi ba pedeng Humarot lang ng slight?" Pagbibiro ko na mas lalo lang niyang ikinagalit kaya sinugod niya na talaga ako at binweluhan ng palo ng sinturon.
Buti na lang talaga nag-gagatas ako 'nong bata pa lang ako kaya mabilis ang reflexes ko kaya hindi ako matamaan ni Lola.
"Lola, naman! masakit yan, ano ba!" Reklamo ko habang nakikipag-habulan sakaniya sa buong bahay.
"Wala akong paki Akisha! Lumapit ka ritong, bata ka! Wag mo 'kong sagarin!" Sagot niya habang binabato ang mga bagay na mahawakan niya.
Level 2 naba ito ng temple run!?
"Lolaa, ano baa! Ako lang nag-iisa mong apo, mag hunos dili ka!" Naiiyak ko ng sambit nung matamaan ako nung binato nyang kutsara, shuta.
"Papatayin mo 'ko sa galit at pagod ikaw na bata ka! Lumapit ka dito!" Usal niya ulit at mukhang wala talagang balak si lola na hindi ako mahampas ngayong gabi.
Wala na akong choice. Sorry lola pero gagamitin ko na ang bawal na technique.
"Stop!" Sigaw ko kay Lola na huminto nga.
"Kita mo 'to lola?" Pakita ko sa bag niyang Louis Vuitton na ninakaw ko sa kwarto niya kanina.
Nanlaki ang mga mata niya sa gulat at nabakasan agad ang kaniyang mukha ng takot at matinding galit.
"Akisha... Kaya pala may nawawalang bag sa mga collection ko sa taas! Bwisit ka talagang bata ka! Saan mo gusto pumanaw!? " Galit na galit niya na talagang untag na ikinangiwi ko lang, dahil ang piste kong isip ay iniisip na, sa mga braso sana ni Kianos ako mamatay.
Binalik ko ang sarili sa reyalidad. "Wag mo kong inaano d'yan lola! Hostage ko ang isa sa mga anak mo, oh! 'Di mo ba nakikita!?" panakot ko pabalik, Kaya napahinto ulit si lola sa pag-lalakad palapit sa akin.
"Ibaba mo 'yan Akisha! 12.5 Million ang bili ko d'yan, Piste ka!" Naiiyak na paki-usap niya kaya tumawa ako ng wagi.
"Ibaba mo muna yang sinturon mong bang kapal at vase na hawak mo sa kabilang kamay," Pakikipag deal ko sakaniya na agad niya namang sinunod.
"Akin na 'yan!" Parang bata niyang maktol na sinunod ko naman. Ang kaso lang ay binato ko sa ere ang bag para may oras ako makatakbo pataas ng kwarto ko.
"Anak ka talaga ng Papa mo Akisha, sinasabi ko sa 'yo!" Sigaw pa ni lola na dinig ko hanggang sa taas.
"Love you Lola!" Sigaw ko pabalik habang tumatawa.
To be Continue...

Komentar Buku (128)

  • avatar
    AguilarNikkie

    good apps

    11/08

      0
  • avatar
    USNIEKRISJEN

    of fan as Idolize

    17/06

      0
  • avatar
    RamosRobina

    dear author gusto ko story mo na to pero sana binigyan mo ng happy ending saka bitin po eh sana my book 2 na po please

    30/04

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru