logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 5: Ang Padre

[Padre Mariano]
Sa timog bahagi ng Sangrevida kung saan makikita ang mga malalawak na palayan, dito makikita ang munting barrio ng Umag. Ang barrio ay nasa labas ng mga tisang kalye ng gitnang bayan, kaya walang makikitang mga yari sa batong gusali o mga magagandang bahay-na-bato ang nandoon. Ang mga karaniwang bahay na makikita lamang na nakatirik dito ay gawa sa kawayan, pawid, kogon at ilang kahoy na nanggaling sa niyog. Katapat ng mga bahay kubong ito ang malawak na kapatagan kung saan nakatanim ang mga mabeberde at manilaw-nilaw nang mga halamang palay na siyang bumubunga sa pang araw araw na bigas. Sa buong bayan ng Sangrevida, sa Barrio Umag inaangkat ang mga bigas na ititinda sa gitnang-bayan dahil ito kasi ang pangunahing kalakal na inaangkat ng mga magsasaka ng barrio bilang kanilang hanapbuhay.
Sa malawak na barrio ding ito ay may makikitang isang maliit na capella. Ito ang kadalasang dausan bilang lugar-dasalan ng mga taga Barrio Umag. Gawa ang capella sa kawayan, pawid at kogon na kagaya ng ilang mga niyari sa mga makikitang bahay-kubo roon. At sa capella namang ito, narito't nagbahahagi ng paniniwala at pag-unawa sa mga salita ng Diyos, ang isang matandang Pilipinong padre, ang walang ibang kura kundi ang kilalang mabait na si Padre Jose Mariano Tanedo y Quintos.
Ang animnapu't dalawang taong gulang na padre ay tubong Barrio Umag at may amang tornatras o dugong Kastilang pinaghalo sa Instik, at may inang tubong Pilipino na tagabaryo Umag. Dahil anak ng isang maykayang tornatras, nakapag-aral siya sa Elementaria de Sangrevida, isang escuela na itinatag ng mga paring Agustino para sa mga batang lalaki dito sa Sangrevida. Nang pumunta si Mariano noon sa Intramuros, lugar sa Maynila, nag-aral at kumuha siya ng kursong theologia o ang pag-aaral sa mga paniniwala sa Diyos sa isang tanyag na unibersidad ng Filipinas, ang Unibersidad de Santo Tomás. Bumalik siya ng Sangrevida at nag-aral sa pagiging pari sa semenario ng La Diocesis de Nueva Arana, ang diyosesis ng obispo kung saan kalauna'y naordinahan siya bilang pari sa hanay ng secular minore ng Catedral de San Pablo kasama ang tatlo pang Pilipinong prayle.
Noong ika-2 ng Agosto taong 1862, nailagay siya sa capella ng kanyang lugar na Barrio Umag at dito sa baryong ito, mahanggang ngayon ay siya pa rin ang kura ng kapelya. Bukod sa pagbabahagi ng paniniwala sa Diyos, at pagtataguyod sa pangangailangang espiritwal, tinuturuan din ni Padre Mariano ng kaalamang pang-agrikultura ang mga magsasakang Pilipino sa baryo. Tinuturuan din niya ang comunidad dito sa pagawa't paglililok ng mga muebles upang magamit bilang pandagdag sa hanapbuhay ng ilang mga tagabaryo.  Kilala sa kabaitan ng puso, katalinuhan at maunawaing damdamin ang matandang prayle, kaya naman hindi maitatangging ganoon kalaki ang pagmamahal sa kanya ng mga mamamayang naninirahan doon.
Kadalasang nagsisimulang magbahagi ng mga salita ng Diyos si Padre Mariano sa mga tagabaryo sa pagdaraos ng misa niya pagpatak ng alas singko ng umaga. Pagkatapos ang maagang misa, umiikot naman siya sa mga palayan upang magbahagi sa mga bata at ilang matatanda ng kanyang mga kuwento at kaalaman. Sumasama din siya sa pagtulong sa sakahan; nagluluto ng mga pagkaing isasalo ng mga magsasaka at minsan ay nakikisali din siya sa pagtatanim ng mga palay sa mga palayan. Pagsapit ng hapon naman ay babalik na siya sa capella upang magpahinga o mag siesta hanggang sa gigising sa darating na alas singko upang maghanda sa sarili para magrosaryo na siyang laging ginagawa niya pagsapit ng alas-sais.
Lumaking may labis na paniniwala sa Diyos at kay Hesukristo si Padre Mariano kaya naman hindi maitatatwa na naging isang pari ito.
Isang hapon pagkabalik ni Padre Mariano sa capella mula sa pag-iikot niya sa mga palayan ng Barrio Umag, isang batang lalaki ang nabatid sa pansin niya na tumatakbo't sumisigaw sa may di kalayuan. "Padre! Padre!" ang sinisigaw ng bata habang tumatakbo patungo sa kanya. Bumukas naman ang pagtataka sa isipan ng yaong matandang prayle dahil sa batang nakita. Hindi malinaw sa pandinig niya ang mga isinisigaw nito, ngunit batid niya ang pagmamadali ng bata patungo sa kanya na tila may kailangan ito. At nang matunghan siya ay dito na nakilala ni Padre Mariano ang batang lalaki na walang iba kundi si Anyong.
"Oh! Anyong? Bakit?" bungad tanong agad niya sa bata nang makalapit ito.
"Padre. .Tulong. .Tulungan. ." ang paputol putol na wika ng bata habang kumukuha ito ng hangin buhat sa ginawang pagtakbo.
Nagitla ang padre sa narinig niya sa bata. Batid din niya ang matinding pangangamba sa pagmumukha ng paslit kaya nilinaw niya kung ano ang sadya nito. "Bakit? Anong nangyari?" tanong muli niya sa bata.
Tumugon naman ang batang lalaki kahit humihingal pa.
"Si Tiyong Ato po, padre. Si Tyong Ato po," ang tanging isinampit ni Anyong sa kanya. Pagkarinig sa yaong pangalan ay hindi na naghintay pa ang prayle at kanya nang sinamahan ang bata pabalik sa bahay nito para alamin doon ang pangyayari. May pagmamadaling naglakad si Padre Mariano habang sinusundan ang bata. Pagkarating naman niya, dito'y sinalubong siya ng ina ng batang lalaki na si Norma Cabignan y Salinas na  mangiyak-ngiyak na naghihintay sa pinto ng kanilang bahay kubo. "Padre Mayong, si Ato po. Tulungan niyo po siya," iyak ni Norma na may nangangambang boses, at mariing humihingi ng tulong sa padre. Hindi tumugon si Padre Mariano, sa halip ay pumasok siya kaagad sa loob ng bahay upang tingnan kung anong nangyari sa kapatid nitong si Ato.
Sa higaang gawa sa kawayan na binalutan ng ilang kumot at mga unan, dito nakalatay ang isang mahigit tatlumpung taong gulang na lalaki. Siya ay si Teodato Salinas y Molina, ang yaong lalaking tinawag nila sa palayaw na Ato. Naliligo na ito sa sariling pawis habang makikita sa mukha ang iniindang sakit sa katawan dahil sa di malamang karamdaman. Sa paglapit ni Padre Mariano sa kanya, agad niyang napagbatid pansin ang isang tela na nakatabon sa sariwa pa't dumudugong sugat nito sa kaliwang tagiliran. Napag-alaman kaagad ng matandang prayle na isa itong tama ng bala dahil sa kaliitan at lalim ng sugat na ito. At nang makita niya ito, naalalang muli ni Padre Mariano ang isang mahalagang bagay tungkol kay Ato.
Ito ay ang pagiging guerilla nito.
"Anong nangyari?" siyang tanong ng prayle kay Norma habang hinaplos niya ang noo ni Ato upang suruin ang kainitan sa katawan nito. Sumagot naman si Norma sa kanya. "Nagkaroon sila ng engkwentro kagabi laban sa mga guardia civil sa gubat, Padre. Natamaan po siya sa kanyang tagiliran. Nagawa ko namang mahulbot ang bala sa kanya ngunit tumitindi ang sakit na dinadamdam niya habang lumalala rin ang lagnat niya,"
"Hindi ko na po alam kung anong gagawin, padre," naiiyak na tugon ni Norma ukol sa nangyari sa kanyang kapatid.
Tiningnan ni Padre Mariano ang sugat na natamo ni Ato sa tagiliran. Hinubad niya ang puting telang nakatabon dito, kung saan pagkakita niya ay nakadama siya ng pangamba dahil sa ito'y nangingitim at lumalala.
"Kailangan natin siyang dalhin kaagad sa isang pagamutan," udyok ng padre. "Sa kalagayan ng sugat niya, hindi ko kayang maigagamot pa ito. Kailangan natin ng doktor para dito,"
Tumutol si Norma sa ipinunto ng matandang padre.
"Ngunit padre, kung dadalhin namin siya sa pagamutan sa gitnang bayan, tinitiyak kong manganganib lalo ang buhay ng kapatid ko" nangangambang sabi ni Norma. " Hindi lang siya ang manganganib, pati ang buong pamilya ko ay madadamay at mapapahamak dahil tiyak malalaman nilang isa siyang rebelde"
Napukaw ang wari ni Padre Mariano. Tama nga naman si Norma, kung dadalhin nila si Ato sa isang hospiscio o clinica, dahil sa tama ng bala, magtatanong, maghihinala at kalauna'y malalaman ng mga otoridad na isa siyang rebelde. Kinikilala pa namang mga salot sa lipunan lalo na sa pamahalaan ang mga guerilla. Mahigpit ang batas na ipinapatupad ng pamahalaan ng Sangrevida laban sa mga sumasapi dito dahil kamatayan ang parusang naghihintay sa mga madadakip at sinumang mapapatunayang kasapi nito.
Kaya sa higpit ng seguridad ay patago kung kumikilos ang mga guerilla na siyang nagtitipon o di kaya'y naninirhan na sa masulasok na bahagi sa kagubatan.

Komentar Buku (21)

  • avatar
    Rick Balorio

    pinaka gusto ko sa LAHAT ng nabasa

    27d

      0
  • avatar
    Hans Del Valle

    5142

    18/07

      0
  • avatar
    Jus Tine

    good story

    21/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru