logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter three

Skyler's point of view
Kinabukasan, napabalikwas ako nang bangon dahil sa megaphone ni manager. Maaga niya kaming ginising para mag-almusal at maghanda dahil pupunta kami sa BM Entertainment. Ngayon ko lang naalala na wala pala ako sa bahay. May sinusunod nga palang schedule ang The Knights at damay na rin ako dun dahil dito ako nakatira sa dorm.
Dahil nga sinusunod namin ang schedule ng The Knights, pagkatapos mag-almusal at tumungo na kami sa BM Entertainment para sa rehearsals. Abala ang lahat dahil sa nalalapit nilang comeback.
"Maaga pa naman at wala pa si Chaste, start tayo pagkadating ni Chaste." sabi ni manager habang nakatingin sa pambisig nitong relo. Kanya kanya silang set up ng mga instrumentong gagamitin. Tumulong din ako sa kanila. Dahil wala pa si Chaste, ako ang nagtono ng gitarang gagamitin niya.
Biglang nagsalita si Nathan habang nagtotono ng gitara niya. "Okay ka lang, Skyler?"
"Okay lang ako, Nathan." Walang ganang sagot ko.
"Salamat nga pala sa mga kantang sinulat mo para sa amin. I bet they were really good, sayang lang at hindi man lang namin nasubukan."
Si Nathan ang leader ng The Knights. Siya rin ang lead guitarist.
"Walang anuman. Alam mo naman na passion ko ang paggawa ng mga kanta. Besides, pangarap ko talagang maging isang sikat na composer. Hindi ako susuko hangga't hindi kinikilala ni Sevan Dawson ang pangalan ko sa music industry.
"Alam mo, Sky, sikat na composer ka naman talaga. Hindi mo lang nilalabas ang identity mo sa public. Natupad mo na ang pangarap mo na iyon. Ngayon kailangan mong humanap ng ibang pangarap. Something bigger than your first dream but always remember your purpose and to whom you dedicate that dream," tinapik niya ang braso ko.
"That is exactly what I'm going to do." ngumiti ako sa kanya.
"Paano ba yan? Nandito na Chaste. Start na ng practice."
Nakaka-badtrip isipin ang nangyari sa mga sheet music ko. Pinaghirapan ko ang mga iyon. Dugo, pawis at oras ko ang pinuhunan ko sa mga iyon pagkatapos ay nasayang lang. I love writing lyrics, composing songs and all about music. Just like what I've said, music is my soul.
Habang pinapanood ko sila, kita ko at dama ko sa kanila kung gaano nila kamahal ang ginagawa nila. Kaya naman ginaganahan akong sumulat ng mga kanta para sa kanila. Hindi sapat ang talento kung hindi mo naman mahal ang ginagawa mo.
In the field of music, kailangan willing at devoted ka sa ginagawa mo. Maraming kapalit ang pagkahumaling sa musika. Kung alipin ka nito handa kang i-sakripisyo ang kahit ano para dito. Minsan oras, pero kadalasan, hindi sinasadyang pagkasira ng relasyon tulad ng nararanasan ko. Pinili kong ilayo ang loob ko sa pamilya ko para sa musika. Music is more than gold, it is more valuable than anything else in this world. Music is a pleasure without a vice.
Lumabas ako at pumunta ako sa isang studio ng BM Entertainment. To be specific, sa dance studio ko napiling pumuwesto. Isa ito sa pinaka tahimik na lugar sa buong building. Sobrang payapa, walang maingay, walang pipigili sa akin. Sari-saring ideya ang pumapasok sa isip ko. Ipinikit ko ang aking mga mata at tinatanggap ko lang ang mga ideyang ibinubulong ng katahimikan. Huminga ako nang malalim pag katapos ay idinilat kong muli ang aking mga mata. Dali dali kong inilabas ang laptop ko at sinimulan kong itipa ang mga salitang naglaro sa aking isipan.
"Skyler, nandito ka pala," lumapit sa akin si Mr. Miller at umupo sa tabi ko. Puno ng kuryosidad niyang tinignan ang screen ng laptop ko.
"Sorry po, Sir, kung pumasok ako dito sa dance studio nang hindi nag papaalam.
"Ano ka ba naman, Skyler? Hindi ka naman iba sa amin. Ayos lang iyon."
Siya ang may ari at CEO ng BM Entertainment, si Brandon Miller. Isa siya sa mga ini-idolo ko dahil siya ang naging tulay ng maraming musician para matupad ang mga pangarap nila at isa na kami doon.
"Nabalitaan kong lumayas ka mula sa inyo at magta transfer ka sa Strauss' University next academic year?"
"Strauss' University?" kunot noong tanong ko.
"Hindi mo pa ba alam? Manager Lynda already submitted your application. We are just waiting for the confirmation. Kaya mag umpisa ka na mag review. You need to pass the assessment exam."
"Strauss University, as in the school of arts and music?!"
"Yes. Good luck. you need tons of it. Sigurado naman akong kayang kaya mo makapasok. May tiwala ako sa kakayanan mo, magtiwala ka sa sarili mo."
"Ayaw ko pong magsalita ng tapos pero susubukan ko po."
"Skyler, your music is good. Bakit hindi mo subukang kantahin ang sariling mong mga gawa. Alam nating lahat na may potential ka rin sa pag awit.
"Pagsusulat ng kanta ang forte ko, hindi ang pag awit."
"Ikaw. Kung iyon ang paniniwalaan mo. Base sa obserbasyon ko, pang acoustic o pang ballad ang timbre ng boses mo hindi katulad ng mga composition mo na rock at heavy metal. Who knows? Baka mamaya acoustic talaga ang genre mo? Or maybe you are destined to be a great soloist."
"Mr. Miller, sigurado po ako na hindi talaga ako performer."
"Gaya nga nang sinabi mo, huwag magsalita ng tapos." pagkasabi niya nito ay umalis na siya.
Pagkalipas ng ilang sandali ay bumalik na ako sa practice room ng The Knights.
"10 minutes break!" sigaw ni manager.
"Saan ka galing?" Lumapit sa akin si Chaste pagkababa niya ng gitara niya.
"Diyan lang, kung saan tahimik." walang ganang sagot ko.
"Sabi na nga ba! You're writing again?" nakangising sambit niya. "Make more heavy metal riffs, yung mas challenging. Magaling naman na ang kamay ko. Pwede na ulit akong tumugtog ng mga insane level heavy metal riffs," dugtong niya pa.
"Tanga. Recovering pa iyang kamay mo kahit wala ka nang nararamdaman masakit. Magtiis ka muna sa mga average level na compositions ko."
"Tama si Sky. Kaunting tiis pa. Bawal pang mapwersa ng todo ang kamay mo." Sabat naman ni Nathan.
"Skyler, you should chill sometime. Tatanda ka ng maaga dahil sa ginagawa mo. Bakit hindi ka sumama sa pagba bar namin? natatawang suhestiyon ni Carter.
Namutla ako na maalala ko ang huling beses na sumama ako sa kanila. "Nah! I'm good. Hanggang ngayon traumatized pa rin ako sa ginawa ni Chaste. Hindi ko gusto ang lasa ng alak, ayaw ko ng hangover kaya hindi niyo ako mapipilit mag bar ulit," dire-diretsong pagtanggi ko sa offer Carter.
Pagkatapos ng practice nila ay bumalik na kami sa dorm.
"Sa Strauss University ka pala papasok?" tanong ng chismosong si Storm.
"Hindi pa naman iyon sigurado."
"Anong course ang kukunin mo kung sakali?" tanong nitong muli.
"Bachelor of Arts in Music Production and Technology."
"Cool! Sakto college na din ako next year. Sana makapasok din ako sa Strauss University." Sabi ni Carter.
"Why don't you consider taking up Master in Music Performance? Nathan and Jackson?" sabi ni Manager. "Kung hindi mo pa alam, Sky, alumni ng Ignatius University si Nathan at Jackson. Matagal ko nang kinukulit ang dalawang iyan na mag enroll ng master's nila sa Strauss University."
Sa Ignatius University ako kasalukuyang nag-aaral. Dito nagtapos ng pag-aaral ang ama ko kaya dito ako napilitang pumasok. Ngayon, buo na talaga ang desisyon ko na makapagtapos ng pag aaral sa isang music school.
Aurora's point of view
Sa huling pagkakataon ay bumisita ako sa modeling agency na humahawak sa akin dati. Dala dala ko ang mga designer clothes, shoes, and accessories. Hindi ko na magagamit ang mga ito dahil hihinto na ako sa modeling career for good. Laking gulat ng dating manager ko nang makita niya ako.
"Ano ang nangyari sa iyo, Aurora? Nawalanna kami ng balita tungkol sa iyo matapos kang sunduin ng daddy mo. Are you okay?" puno ng pagaalalang tanong niya sa akin.
Dumaan lang ako para ibigay ang mga ito sa iyo." Nakangiting sambit ko. "I'm quitting for good."
"Sigurado ka na ba talaga?"
"Oo," napabuntong hininga na lang ako. Sa totoo lang labag talaga sa loob ko. "Gustuhin ko man, wala naman na akong panahon dahil pagtutuunan ko na ng pansin ang pag-aaral ko. Isa pa hindi kakayanin ng konsensiya ko na maipasara ang company niyo dahil lang sa pansarili kong kagustuhan. Pag nagpumilit pa ako, alam niyo namang sa isang iglap ay kayang pabagsakin ni daddy ang company niyo." mahinahong paliwanag ko.
"Kapag may spare time ka pwede ka naman mag-pose para sa photoshoot kahit hobby nalang. You're always welcome here, Aurora."
"Susubukan ko," muli ay ngumiti ako ng pagkatamis tamis.
"You're still my favorite goddess." Niyakap niya ako.
Handa na akong talikuran ang lahat. Kung may isang bagay na hindi mawawala sa pagtalikod ko sa modeling, iyon ay ang confidence na binuo ko sa mga nakalipas na taon. Dito natuto akong lumakad nang taas noo dahil gusto kong maging tulad ng ama ko na tinitingala ng marami. Natuto akong maging manhid dahil nasanay na lang ako sa mga sakit na natanggap ko mula sa sarili kong pamilya at sa taong dating nagpapasaya sa akin. Nakakalungkot isipin na kailangan kong magpaalam sa mga bagay na gusto ko pero naisip ko na hindi pa ito ang katapusan. Using the confidence that I built, I will conquer the path they chose for me.
Pumunta ako sa bar sa huling pagkakataon pero hindi para magpakalasing. Gusto ko lang na maging "ako" sa huling pagkakataon.
"Hi, Ms. Aurora, would you like some martini?" Tanong sa akin ng bartender.
"No. A glass of ice tea will do. Thank you." Nakangiting sagot ko.
"Coming right up!"
Pagkatimpla niya ng iced tea ko ay inilapag niya ito sa harap ko pagkatapos ay inilapag niya sa tabi nito ang cellphone ko na hinahanap ko noong mga nakaraang linggo.
"Ms. Aurora, naiwan mo ito dito noong nakaraan," napakamot siya sa batok niya.
"Ikaw ba ang tumawag sa kuya ko noong gabing iyon?" kunot noong tanong ko.
"Ah-eh s-sorry. H-hindi ko intensy-"
"Nah. It's okay. Natutuwa lang ako at tamang tao ang napili mong tawagan," muli ay ngumiti ako. "What's your name again?"
"I'm Joaquin Reyes, at your service, seniorita." Sumaludo pa ito sa akin kaya napatawa ako nang bahagya, "seniorita, huh? Anyway, thank you, Joaquin."
"No, seniorita, please call me Reyes." Ngumiti ito sa akin.
"Okay. If that's what you want to be called."
Ilang oras lang akong nakaupo sa bar. Pinagmamasdan ko lamang, sa huling pagkakataon, ang kabuuan ng bar. May mga taong tumatawa, nagkakasiyahan at iba pa. Iniisip ko kung totoo ba ang mga tawa at ngiti na nakikita ko sa kanila o tulad ko rin sila na ginagawang maskara ang pag ngiti. Pagkalipas ng ilang sandali ay umalis na ako. Habang naglalakad ay nadaan ko ang billboard na kung saan ako ang modelo nito. Napahinto ako sa paglalakad at sandali kong tinignan ang litrato ko na nakangiti.
"Goodbye to my passion." Napangiti ako ng mapakla.
Nakapagdesisyon na ako na umuwi kaya naman pinara ko ang taxi na papalapit. Ilang minuto lang ang biyahe papunta sa mansyon. Pagkahinto ng taxi sa tapat ng gate namin ay binayaran ko ang driver. Sandali muna akong tumulala sa tapat ng gate namin bago ako nagdoorbell.
"Ms. Aurora, mabuti naman at nakauwi ka na," bati sa akin ng guard.
"Salamat," nginitian ko siya pagkatapos ay sumakay ako sa isang golf cart. Dumiretso ako papunta sa likurang bahagi ng mansyon. Doon ako dumaan dahil ayaw kong makasalubong ang kahit sino sa mga kapatid ko lalong lalo na si dad. Mas mabuting umiwas ako sa kanila. Tahimik akong pumunta sa kwarto ko. Pagkahiga ko sa kama ko, ngayon mag-isa na naman ako, naramdaman ko na naman ang bigat na nararamdaman ko.
"Do I really have to do this?"
Alam ko na sa sarili ko ang sagot sa tanong na ito pero bakit parang gusto kong humakbang paatras? I want to move forward but why am I stuck here?

Komentar Buku (17)

  • avatar
    Ling Oquiño

    nice

    19d

      0
  • avatar
    JAy-m Dizon

    good for the pipol

    07/08

      0
  • avatar
    Cheche Miranda

    nonbeh

    02/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru