logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 5 V : 7PM

7PM
"Hala 7:20 na!" bulalas ko nang makita ang oras.
"Pagagalitan ka? Sobrang strict naman ng mama mo, Seven?" natatawang saad ni Daisy.
"Haaay. Hindi na ako pwedeng umuwi niyan. Panigurado kina lola ako," sabi ko.
"Hindi naman strict kase mas kakabahan dapat siya kung 'di ka uuwi. Ano bang mayroon? Bakit kailangan na 7PM ay nasa loob ka na ng kwarto?" tanong niya sa akin.
"Hindi ko alam pero sanay na ako kase gano'n naman na since namatay si papa," tugon ko.
"Soundproof pa iyong kwarto mo, 'di ba? Tapos pati iyong pintuan? Weird lang. Bakit sila pagagawa ng pinto na hindi mo maririnig kung may kakatok?" Pag-uusisa niya.
Nagkibit-balikat lang ako. Hindi ko rin kase talaga alam ang tunay na dahilan.
"Seven?" biglang sambit niya sa pangalan ko?
Tumingin lang ako sa kanya at hinintay siyang magpatuloy.
"Hindi kaya may dinadalang lalaki ang mama mo sa bahay niyo kaya hindi ka niya hinahayaang lumabas ng kwarto kapag 7PM onwards?"
"H-ha?" Iyan lang ang nasabi ko.
"I mean, I don't mean to offend you ha? Hindi rin naman sa pinago-overthink kita, pero ang weird lang talaga kase. 'Di mo ba na-try na lumabas? Kahit minsan?" tanong niya sa akin.
"Hindi, sabi niya huwag eh. Tsaka lahat ng pagkain at kailangan ko nasa kwarto na, pati CR."
"Pakiramdam ko may tinatago si tita ka— ayyy nandyan na sundo ko! Ingat ka Seven ha? Bye!" paalam ni Daisy pagkatapos ay sumakay na sa kotse nila.
Nag-abang naman ako ng taxi para pumunta na kina lola.
Malaki ang tiwala ko kay mommy pero to be honest, napa-isip ako sa sinabi ni Daisy. Ewan ko ba kung anong mayroon sa 7PM na kailangan nasa loob lang ako ng kwarto o kaya nama'y wala ako sa bahay hanggang sa mag-umaga. Inaasar na nga ako ng mga classmates ko na baka raw kaya "Seven" ang tawag sa akin ay dahil doon. Seventh grandchild kase ako kaya iyon ang tawag sa akin kahit na Khysleen ang real name ko.
Nang may mapara na akong taxi ay pumunta na ako sa bahay nila lola at doon na nagpalipas ng gabi at natulog.
•••
May mga gamit na ako sa bahay nina lola kaya hindi na ako umuwi ng bahay kaninang umaga para magbihis at dumiretso na ako sa school.
"6:20PM, aabot pa ako," sabi ko sa sarili ko at sumakay na ng taxi pauwi.
Mga 6:45PM ay nakarating na ako sa bahay. Pinihit ko ang door knob, binuksan ito at hindi ko naabutan sa sala si mama hindi tulad ng mga nakagawian ko.
Pumasok na lang ako agad sa kwarto at nandoon na ang mga pagkain, damit, gamit at lahat ng kailangan ko. Ibinaba ko ang bag ko, ibinagsak ang katawan sa kama at ipinikit ang mga mata.
Pagod na pagod ako at mga ilang minuto na akong nakapikit pero hindi ako makatulog dahil ang daming pumapasok sa isip ko.
Napatitig ako sa orasan, 7PM. "Haaay... ano nga kayang mayroon?"
Napapaisip talaga ako. Hindi ako mapakali.
Walang pasubali ay tumayo ako at lumapit sa pinto, huminga muna ako nang malalim pagkatapos ay binuksan ito at sumilip sa labas. Nang wala naman akong makitang kakaiba ay lumabas na ako nang tuluyan at nagtungo sa sala.
"AHHH!"
Napalingon na lang ako kay mama nang bigla siyang sumigaw at ngayo'y tumatakbo papalapit sa akin habang may hawak na kutsilyo.
"Ma, napa— AHHH!" Napasigaw na lang din ako nang bigla niya akong saksakin sa braso. Madami ang dugong tumagas.
Lumayo ako sa kanya at pilit na itinutulak ang kamay niya ngunit hanggang ngayon ay gustong gusto pa rin niya akong saksakin.
"Ma bakit?" sabi ko habang umiiwas pa rin.
Kitang kita ko ang mga takot sa mata niya at pinagpapawisan din siya.
"MAMATAY KA!" sigaw niya sabay sasaksakin sana ako sa dibdib pero—
"MAAA!" Sigaw ko nang bumagsak siya sa sahig nang itulak ko siya at madulas siya sa dugong nagkalat sa sahig.
Lumapit ako sa kanya at nanlumo na lang ako nang makitang basag ang ulo niya dahil tumama ang ulo nito sa sulok ng salamin naming mesa.
Agad kong kinuha ang telepono at humingi ng tulong.
——
Naisugod sa hospital si mama pero binawian din siya ng buhay. I can't help but blame my self for what happened.
"Seven." Biglang may lumapit sa akin na isang babae.
"Po?"
"Client ko ang mama mo, she has anxiety disorder," paninimula nito.
Tumingin lang ako sa kanya para siya'y magpatuloy.
"Alam kong alam mo na pinatay ang papa mo sa harapan niya ng mga nagnakaw noon sa bahay niyo. Iyon ang dahilan. Nag-confess siya sa akin na every night siyang sinusumpong ng hallucinations niya, lahat ng nakikita niya ay parang iyong mga taong pumatay sa papa mo."
Tumulo ang luha ko.
"She's unconscious sa mga ginagawa niya dahil sa hallucinations na usually sumusumpong tuwing 7PM."
Kaya pala... I'm so sorry mama.

Komentar Buku (175)

  • avatar
    Ikanggg

    HIGHLY RECOMMENDED! LOVE THE GENRES AND STORIES! BASAHIN NYO POOOO.

    28/02/2022

      9
  • avatar
    Renzy Cortez

    haluu good

    06/08

      0
  • avatar
    AntipasadoArvin

    napakagandang babasahin to Ang gaganda ng title, gustong gusto ko Ang mga babasahin na to Hindi ka magsisisi pag binasa mo to sobrang Ganda grabe pede ka ng gumawa ng mga libro sa sobrang Ganda grabe ba!! nakaka amaze Ang mga babasahin Dito gustong gusto Kong sabahin Ang mga ito Hindi ko na kailangan pang bumili ng libro magbabasa nalang Ako Dito sa novelah Ang gaganda pa ng babasahin ikaw na MISMO Ang pipili ng mga babasahin mo Hindi mo na kailangang magpakahirap sa pag hahanap sa mga babasahin

    12/06/2023

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru