logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 4

Nasa locker area ako't nagdadrama dahil sa katangahang ginawa ko. Matapos kong pirmahan at magfill-up ng pangalan ko sa member's form ay agad na akong nagpaalam dahil may gagawin pa ako. 
Pero ang totoo niyan, papangaralan ko lang ang sarili ko habang paulit-ulit na binabangga ang sarili kong ulo sa pinto ng locker ko.
"You. Stupid. Aidee. Patay ka kay Papa. Patay ka kay Mama. You're a dead meat!"
Huminto lang ako nang makaramdam ako ng presensiya sa likod ko. Isinuot ko ulit ang salamin ko't humarap sa likod ko.
Nando'n pala si Duke, nakapamulsang tinitigan ako't nakakunot pa ng kaniyang noo.
"What are you doing?"
Luminga-linga muna ako sa paligid at nang masiguradong walang tao, doon ako bumigay at naupo sa sahig. Duke just watched me doing some dramatic actions.
"I'm dead, Duke. I just joined the Paranormal Club!" 
Alam kong hindi kami close ni Duke but I have the urge to tell him about this. Siya lang kasi ang kasama ko ngayon dito at wala yung mga kaibigan niyang kaluluwa.
"I don't know what got inside my stupid head and joined that club! Bwisit, ang gwapo kasi ni Cameron, e."
Nakita ko siyang inirapan ako't umayos ng tayo. Lumuod siya sa harapan ko't inilapit ang mukha niya sa 'kin kaya agad akong natigilan.
"W—What?"
"You know what's the problem? Daisy didn't showed up today, you idiot."
Kumalabog nang malakas ang puso ko at dali-daling tumayo.
Si Daisy nga pala! Nasaan na ba ang makulit na batang 'yon? Kaninang umaga nang lumabas ako sa bahay namin, hindi niya ako sinalubong ng makulit at matinis niyang boses.
"Duke, alam mo ba kung nasa'n siya?"
Sinilip ko ang relo ko at nakatatak doon na maga-alas sinko na ng hapon.
Dinampot ko ang bag ko sa sahig at inilock ang locker ko. 
"I don't where she is. But Mike, Keith and Kurt was already looking for her."
Nagmamadali akong naglakad. Mabuti nalang at konti lang ang mga tao kaya hindi ko na kailangang makipagsiksikan.
"E, bakit ka pa nandito? You should find her too!"
"Binalita ko lang sa 'yo ang pagkawala ni Daisy."
Mas lalo akong naguilty sa hindi pagtulong sa kanila kaya huminto ako saglit at humarap kay Duke. His forehead wrinkled when I suddenly stopped. Nagtutubig na din ang mga mata ko sa pag-aalala.
"We need to find her, Duke. Tulungan mo 'kong hanapin siya, please."
➳➳➳
Sinabi ko kay Duke na magkikita lang kami sa seven eleven na malapit sa amin dahil uuwi ako saglit para makapagbihis at tingnan kung nandoon ba si Daisy. But to my surprise, wala doon si Daisy na palagi namang nakaupo doon sa malaking bato para hintayin naman akong makauwi at kulitin na tulungan siya.
Napabuntong hininga ako't pumasok sa bahay. Dumiretso ako sa kwarto ko nang madatnan ko si Mama na nakatayo sa harap ng banyo ko ay ibinagsak ko ang bag ko sa kama.
"Mama, aalis lang po muna ako."
Humarap sa 'kin si Mama habang pinanood akong tanggalin ang suot kong uniporme. Nagbihis ako ng simpleng tshirt at fitted jeans at converse shoes.
"Saan ka naman pupunta, Aidee anak?"
"Basta po. May gagawin lang ako at babalik lang ako pagka-alas otso ng gabi."
Tumalikod na ako mula sa kaniya. Bitbit ang maliit kong backpack na may lamang wallet, flashlight at cellphone ko ay lumabas na ako ng bahay. 
Wala pa si Papa dahil may trabaho pa siya sa isang restaurant bilang manager. Si Ate Ivonie at Kuya Jeff naman ay nasa university pa nila at mamaya pa sila makakuwi.
Nang makalabas ay sinugurado kong naka-lock nang maayos ang pinto at gate at kumaripas ng takbo. 
Nang makarating naman ako sa seven eleven ay nadatnan ko si Duke na naghihintay nga sa 'kin at nang magtama ang paningin namin, tumango ako sa kaniya at 'yon na ang cue niya para sumunod sa 'kin.
The street was already dark. But because the help of the streetlights, nagkaroon kami ng guide sa sidewalk.
"Where should we start finding her?" pabulong kong tanong sa kaniya dahil ayokong marinig ako ng mga nakakasabay sa paglakad.
"First, try to use your earphone para kunyari may kausap ka sa telepono. People already gave you weird looks."
Luminga-linga ako sa paligid at nahiya nang makitang titig na titig sa 'kin ang mga tao. 'Buti ay nasa kamay ko ang phone ko kaya kinuha ko ang earphone sa bag at sinalpak 'yon sa tenga ko.
"Now, saan na tayo magsisimula?"
"Keith was already looking for Daisy at north. Si Mike naman ay nasa east at west si Kurt. So therefore, we should look for Daisy at south."
If I can't help them looking for the light of souls and bring their memory back, tutulong ako sa paghahanap kay Daisy. 
We've been looking for her for about an hour. Minsan ay pumapasok kami sa kakahuyan. Marami akong nakakabanggang mga kaluluwa at masamang tinititigan ako sa nakakatakot nilang mga mata.
"Sorry po, sorry."
Nang umalis kami doon dahil wala si Daisy, naghanap naman kami sa syudad at sa bawat eskinita na madadaanan namin. 
"Seriously, nasa'n na ba si Daisy?" Nagaalala na ako nang husto sa kaniya.
She's just a kid tapos maaga pang binawian ng buhay. Tapos ngayon, hindi ko siya tinutulungang hanapin ang nawawala niyang memorya at para mamayapa na ang kaluluwa niya. 
I felt the guilt inside my chest. Parang ako ang naging kontrabida sa kanilang lima para hindi matulungan ang ninanais nilang makaalis na sa mundong 'to.
"Wait, did you hear that?"
Huminto ako sa paglalakad at pinakinggan ang paligid. Nasa madilim kami na parte at hindi gaano katao-tao. 
Habang pinapakinggan ko nang maigi ang paligid, nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong iyak 'yon ng isang bata. Iyak ni Daisy!
Sabay kaming napatakbo ni Duke sa pinanggalingan ng boses at gano'n nalang ang takot ko nang makita si Daisy na umiiyak at pilit na isiksik ang sarili niyang katawan sa tabi ng malaking basurahan.
Her body's slowly fading. Nagpapatay-sindi ang sarili niyang katawan na parang isang sirang light bulb. 
Mas lalo akong nakaramdam ng guilt dahil ilang beses na akong nakakita ng ganito. It means na konti nalang ang panahon ni Daisy at tuluyan na siyang mawawala sa mundong 'to without passing by the light. 
Walang nakakaalam kung sa langit o impyerno ang bagsak ng mga kaluluwag hindi mahanap ang liwanag.
"D—Daisy. Oh God. I'm sorry." Humagulgol akong lumapit sa kaniya at pilit na hawakan siya. Tumatagos lang ang kamay ko sa kaniya kaya mas lalo akong naiyak.
She stopped from sobbing and looked at us. Nanlaki ang mga mata niya't mas lalong naiyak dahil nakita niya kami.
She stood up from the cold cemented floor at tumakbo patungo kay Duke. Niyakap niya nang mahigpit si Duke at binaon ang mukha niya sa tiyan ni Duke.
"Kuya Duke! Mawawala na ako dito, kuya. Kuya ayoko pa. Gusto ko pa maalala pamilya ko. Gusto ko pa mahanap ang liwanag kuya!"
Mas lalong pinipiga ng puso ko ang mga sigaw at pagmamakaawa ni Daisy. While Duke, nakatitig lamang siya sa 'kin kaya umiwas ako ng tingin.
I know what he meant by his stares. Kasalanan ko kung bakit hindi pa nila nahahanap ang liwanag.
➳➳➳
Kinabukasan ay magang-maga ang mga mata ko kaiiyak nang bumangon ako. Mabuti nalang ay Sabado ngayon at walang pasok kaya nanatili akong nagkulong sa kwarto ko hanggang sa tawagin ako ni Ate Ivonie.
"Oy, Aidee! Kakain na tayo!"
Alas-kwatro ng umaga ako nagising kanina at ngayon lang ako babangon. 
Matapos kong makapaghilamos ay dumiretso ako sa hapagkainan. Nandoon na si Kuya Jeff at Papa samantalang si Ate Ivonie naman ay hinahanda na ang agahan namin.
"Good morning, Pa."
Hinalikan ko sa pisngi si Papa na nagbabasa ng diyaryo. Halata sa mukha niya ang pagod dahil sa kaniyang trabaho. Gusto ko mang suwayin ang bilin sa 'kin ni  Papa na huwag pansinin ang mga kaluluwang lumalapit sa' kin ay hindi ko magawa.
He's still my dad na ginagawa ang paraan para mabuhay kami. Alam kong makakabuti sa 'kin ang hindi pagpansin sa kanila ni Daisy pero nagiguilty parin talaga ako.
Matapos naming kumain ay nagpaiwan ako sa hapagkainan at nagvolunteer na ako na ang maghuhugas ng pinggan. Dahil na rin ay nanatili pa si Papa dito kaya nang makaalis sina Ate, tumikhim ako.
"Pa."
"Hmm?" He just focused on his newspaper, reading while drinking his cup of coffee.
"Is it bad to help someone?"
Inangat niya ang tingin niya sa 'kin na nakakunot ang noo.
"Hindi naman, anak. Bakit mo natanong?"
"Pa, I want to help them. The souls that are slowly fading from this world. Pa, can I just help them once?"
Napalitan ng galit ang mga mata ni Papa nang malaman na ang gusto ko palang tulungan ay ang mga kaluluwang nanghihingi sa 'kin ng tulong.
Padabog siyang tumayo at kinuha ang mug niya. 
"Subukan mo lang na tulungan sila, Aidee, hinding-hindi na kita kakausapin."
Napaluha nalang ako't napahawak sa sink dahil sa bigat ng pakiramdam ko. I can't betray my dad. I can't let those souls fade without passing by the light, too. Nagiguilty ako kaya gustong-gusto ko nang ipasarado 'tong third eye ko.
My dad tried to close it to prevent seeing the souls. Paranormal Expert si Papa at may kakayahan din siyang buksan at ipasarado ang third eye. Pero hindi niya nagawa dahil sabi niya, espesyal nga raw talaga ako kaya kailangan kong lumayo sa kanila.

Komentar Buku (28)

  • avatar
    Alanis Can

    nkakalula talaga ang story.

    13/08

      0
  • avatar
    BetasaAlbert

    good luck

    22/07

      0
  • avatar
    Rey John Epifanio

    nice story 👏

    18/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru