KAPAG KINUKULIT KA, KULITIN MO RIN. WAG KA PAPATALO TE! "Hoy Ysa!!!" hindi lang ako ang napalingon, pati yung ibang malapit sa amin. "Aish. Hinaan mo boses mo Mau, wala ka sa bahay niyo" pagsita ko sa kanya. Hindi naman nakikinig sa akin to eh. "Alam mo bang may nakalap akong chikabells?" Kung anu-ano nalang talaga ang pinagsasabi ng babaeng to. Buti nalang mahal ko siya. "Ano naman yun? Ikaw chismosa ka talaga" Nakaupo kami ngayon sa mini forest dito dahil may free time kami. Magkapareho kami ng schedule ni Mau dahil gaya-gaya siya eh. Dejoke. Sadyang trip lang namin na kumuha ng parehong sched para makagala kami ng sabay. "Sabi ng mga malalandi nating classmates, may kachurva daw si Prof. Salvatore. Kilala mo sino?" Yung mukha niya curious na curious talagang malaman kung ano man yung gusto niyang malaman. "H-huh? Anong pinagsasabi mo? Ano ba yung churva?" Alam ko naman tinutukoy niya. Pinapaligoy-ligoy ko lang para mawalan siya ng gana. "Churva, fling, yung ano kalandian...ganern te" Nakalunok naman ako ng laway. F-fling? Ako ba yung tinutukoy nila? Pero kalandian? Grabe naman yun. Di ko naman nilalandi si kuya. "Oo na gets na kita. Pero bakit ako tinatanong mo?" Napairap naman siya. Konti nalang at mab-bored na to. "Eh kasi nga diba, close kayo noon pa?! I mean yung family niyo" Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Ano ba ipapalusot ko sa babaeng to? Tulungan niyo naman ako mga bes. "Aish. Ewan di ko kilala. Di naman kami araw-araw nagsasama nuh" Alam kong hindi convincing ang palusot ko pero wala eh, walang maisip ang ate niyo. Nakita ko naman siya na nag-shrug ng shoulders niya. Mukhang effective palusot ko ah. Hindi ko na kailangan kabahan dahil titigil na to sa kakakulit. Umalis na kaming dalawa sa table namin at naglakad papuntang room. Nakasabit sa isang tenga ko ang earphone ko habang yung isang tenga ay nakikinig kay Mau na dumadaldal. Kasalukuyan akong nagm-multitask. Di ko kasi mapigilan sarili ko na makinig sa bagong kanta ni Louis. Ang ganda kasi eh. "Bes ang gwapo talaga ni Oppa..." patili niyang sabi. Iba din tong si Mau eh, ang taas ng radar. "Oppa? Sino naman yan? Tao ba yan? May pangalan bang ganyan?" Panloloko ko sa kanya. Kinaiinisan niya yung pagiging slow ko eh. "Ano ka ba? Isa ka bang sinaunang tao? Saan mo dinala si Ysa? Lumayas ka kung sino ka man!!!" Hindi ko napigilan tumawa sa sinabi niya. Grabe yung tawa ko kaya hindi ko namalayan na may ibang tao din pala na dumadaan sa corridor. "Aish sorry. Di ko sinasadya..." Sabi ko habang pinupulot ang mga libro kong nahulog. Hindi ko tiningnan kung sino yung nakabangga ko. Buti nalang tinulungan niya akong pulutin ang mga libro ko kasi yung mabait kong best friend nanonoud lang. "Thank you ahh..." Sabay kaming nagkaharap. "Yeah. No problem" Improvement yun ah, kahit maikli ay hindi na siya nag-korean. "jamkkan eodi issni? (Wait Min Hyuk, where are you off to?)" Para hindi maintindihan ng magaling kong bespren. Mehehe. "eodinga-e issjiman naneun dol-aelgeoya, geogjeong mala. (Somewhere. But I'll be back, dont worry)" Aba mukhang iba ang aura niya ngayon. Siguro may nakain itong kimchi. Ha. "Ehem..." Napalingon ako sa magkasabay na nagsalita sa likuran ko. Si Prof. at Mau pala. Akala ko kung sino. Teka, si Prof? Jusko. Kung ano na naman iisipin nito. "Dont you have any plans of coming into my class ladies?" Ang lamig boses niya. Para kang binubuhusan ng malamig na tubig. Naglakad kami papasok ni Mau sa room ng nakayuko. Pero itong si Mau, kinukurot ako. Mangungulit na naman to mamaya. Sure ako. Makalipas ang isang oras na klase ay natapos na rin kami. At oo, bumalik nga si Chan 30 minutes before mag-end ng class si prof. "Ms.Luna, Mr.Park wait" I was this close to stepping the floor of the corridor. Argh. Ano na naman kaya sasabihin ni prof. Wait, tinawag niya din si Chan. Omg. "I know Ms.Luna is tutoring you Mr.Park. Just make sure to never hurt her or else" Teka, ano ba pinagsasabi nitong si prof? "Háishì shénme? Ni yào sòng wo qù jūliú ma? Qiánjìn. Ganjué zìyóu (Or else what? Are you going to send me to detention? Go ahead. Feel free)" Hmm...Hindi ko maintindihan ang sinabi niya, siguro Chinese yun. Wala akong masyado background basta Chinese. "Ni zài tiaozhàn wo ma xiāngxin wo. Ni bù zhīdào wo néng zuò shénme (Are you challenging me? Trust me. You dont know what I can do)" Napa-smirk naman si Chan sa sinabi ni Prof. "Zhēn? Nàme bùyào yincáng gàosù tāmen ni xihuān zhège nuhái, rúguo ni gan huò wo huì tou tā de(Really? Then dont hide. Tell them you like this girl, If you dare or else I'll steal her)" Base sa mga kilos ay napipikon na si Prof kay Chan dahil nakakamao na ito sa mesa niya. Ano ba dapat kong gawin? May magagawa ba ako? Ano ba kasi yung pinagsasabi nila? Aish. Promise, mag-aaral na talaga ako ng Chinese. "Kuya este Prof. pwede na po ba akong umalis?" Napatingin naman silang dalawa sa akin. May halong pag-aalala ang mga tingin ni prof. Yung kay Chan naman hindi ko pa mabasa. Di ko pa naman siya ganun ka kilala para malaman ko ekspresyon niya. "Yes. You can go. Both of you." Nagbow naman si Chan sa kanya habang nag-wave goodbye lang ako. Hindi ko pa inalis ang mga tingin ko sa kanya kaya nakita ko na napahawak siya sa forehead niya at sinuntok ang mesa niya gamit yung isang kamay. Ahh this is killing me. Kailangan ko malaman kung ano yung pinag-usapan nila. Hindi ako mapakali kapag di ko nalalaman yun. "Chan, can I ask you something?" sabay kasi kaming naglalakad papuntang soccer field. PE class namin ngayon. "Yes. What is it?" kalma niyang sabi sa akin. "What did you say to Prof. Salvatore earlier?" nakita ko na ngumisi siya dahil sa sinabi ko. Pfft. Sinadya niya talaga yun eh. Chinese para hindi ko malaman ang sinasabi niya. "I said I like you and that I will steal you from him(korean)" natigilan ako sa sinabi niya. Ugh. Pinagt-trippan na naman siguro ako ng lokong to. "Hoy ikaw ha, wag mo akong matrip-trip. Baka masapak kita" Sabi ko sa kanya. Halata naman na nalito siya sa sinabi ko. Bleh, buti nga. "What? Korean only please..." Nag-make face ako sa harapan niya. "Ayoko nga" at tumakbo papuntang field. Hindi naman talaga sumasali sa mga ginagawa nila. Nagtatago lang ako sa likod ng bleachers at nagbabasa ng Glass Sword ni Victoria Aveyard. Grabe, mas intense pa sa probinsyano ang mga pangyayari. Hindi mo talaga map-predict ang mga susunod na mangyayari. Pero inlove talaga ako sa isang character sa novel na ito. Si Shade Barrow, ang kapatid ng bida. Ewan ko, nagustuhan ko lang ang pagiging protective at kwela niya. "Hoooy, maglalaro tayo ngayon..." Pinagtawanan niya naman ako. Galing talaga nitong si Mau. Sino bang hindi magugulat sa gagawin niya eh ang intense na ng binabasa ko tapos susulpot siya sa likod ko. Malamang nahulog ako sa kinauupuan ko. "Grabe yung mukha nakakatawa" Pinahalata niya pa talaga. "Salamat Mau ha? Isa ka talagang tunay na kaibigan" sarkastiko kong sabi sa kanya. Tumayo naman ako sa ground at bumalik sa aking upuan. "So?" Di ko magets ang tanong niya kaya di ko sinagot. "Hoy, wala ka bang ich-chika sa akin?" Aish. Heto na naman tayo sa kulitan part. "Hays, ano ba gusto mo malaman? Boring kaya ng buhay ko" Sabi ko sa kanya habang finiflip ang pages ng novel. "Duh. Like obvious naman yun bes pero yung kanina. Ano ba yung pinag-usapan niyo ni Oppa? Yung nagkabanggaan kayo? At nung sabay kayong naglalakad papunta dito. Kita ko yun ah, grabe yung ngiti niyong dalawa. Chika na this" Ahh. So si Chan pala yung oppa na sinasabi niya. Alam ko kukulitin niya ako ng kukulitin kaya sinabi ko na sa kanya ang dapat sabihin. Kinwento ko yung about sa pinag-usapan ni Prof. at Chan sa room, namangha naman siya dahil napaka-amazing daw ni Prof. ang daming alam na lenggwahe. Pero yung banggaan scene talaga ang hindi niya tinigilan eh. At yung paglalakad namin ng sabay ni Chan kahit na sinabi ko sa kanya na wala naman talaga kaming pinag-usapan. Sabi niya di daw ako convincing. Wow ah, yun naman talaga totoo eh. Bahala na nga lang siya dyan. Gusto kong matulog. "Punta muna akong infirmary..." Susunod pa sana siya sa akin pero binigyan ko siya ng subukan-mo-lang-sumunod-patay-ka-sa-akin kaya bumalik siya sa paglalaro. Hindi ko siya makuha sa pagsasalita, nakukuha ko naman sa tingin si Mau. Nasisindak siya sa mga kumikinang kong mga mata. "Oh, ano problema Ms.Luna?" tanong ng nurse sa akin. Dumiretso ako sa higaan at inayos ang blinds. Gusto ko lang talaga matulog pero nagsulat ako ng not feeling well at binigay ito sa nurse para di niya na ako tanungin pa. Ilang saglit lang ay may narinig akong pumasok sa infirmary. "Ayy, anong nangyari sayo? Bakit may sugat ka sa kamay?" nagising ang diwa ko pagkarinig ko nun. Si Drake kaya yun? Nagiging informal ako kapag wala akong kasama. "A kid just challenged me. Can you believe that Kelsey?" Siya nga. Kahit boses lang marinig ko alam kong siya yan. "Ha. Must be weird right? You finally found your match. You used to be like that once" Si Chan ba pinag-uusapan nila? Ugh. Bakit ba ako nakikinig ng usapan ng iba. Napaka-walang manners ko naman. Pero I cant help it. "I wasnt all that bad. I didnt even speak Chinese just to fight..." natawa silang pareho. "What am I going to do Kelsey? I dont think I can hide my feelings any longer." Bigla naman tumibok ng malakas ang puso ko. Dub.dub.dub.dub.dub. Seriously??!!! Bakit ba ang bilis mo. Kalma lang puso, baka maheart attack ka. "You must, it's for the good of both of you. You know theres always a sacred rule in schools. Dont date your students." Pagkatapos sabihin ng nurse yun ay nabalot ng katahimikan ang infirmary. "But I love her. I really do. I just hope she loves me too, Im willing to take a risk if that means I can be with her" Masyado akong nadala sa pakikinig at hindi ko na namalayan na maliit lang pala tong higaan kaya nahulog ako. "Shit" ang sakit mga te. Yung bewang ko, grabe ang sakit. Tas yung likod ko. Huhuhu "Okay ka lang ba?" binuksan ng nurse ang takip at nagkatinginan kaming dalawa ni Drake. Napalitan ng kaba ang sakit na nararamdaman ng katawan ko. Ewan ko ba. Ito kasi napapala ng pagiging chismosa eh. "How long have you been there?" tanong niya sa akin. Inalalayan niya akong makatayo. "Long enough to hear everything you said." Nagtitigan lang kaming dalawa. "Hey..." I called out first. Mukhang wala naman siyang sasabihin. Pwes ako meron, at curious na curious na din ako. "Hmm?" Sagot niya. Si ate nurse naman ay umalis muna sa infirmary. Alam niya pala na ang nararamdaman ni prof. "Kailan pa Prof?" Nagtaka naman siya sa tanong ko. "Kailan mo pa ako gusto?" "Since first time I met you..." Parang nire-recall niya ang panahon na yun. "Oh. 6 years ago..." Napatango naman siya sa sinabi ko. "Do you know how hard I've tried to forget you? I've tried so hard to the point that I broke another girl's heart without even knowing it." Isa lang naman ang kilala kong naging ex niya. Si ate Cassey, yung classmate ni kuya Tristan noon sa college. "P-pero bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?" Kinuha niya ang mukha ko para iharap sa kanya. Sa sahig kasi ako nakatingin. Huminga naman siya ng malalim bago sumagot sa tanong ko. "Because you're still young. Way younger than me, and your brother is my best friend. We have limitations baby." Bakit ba ang laking issue ng age gap? Diba nga age doesnt matter? And a prison cell is just a room... Shh...Quiet please. Nakakainis ka. "Hey baby, can I court you?" Literal na napanganga ako habang nakaharap sa kanya. Seryoso ba to? Totoo? Liligawan niya talaga ako? "B-but..." "I know your ex still haunts you inside but I want you to know that it is time for you to find another guy who will cherish and love you more than his life..." Wala na. Hindi na ako makapagsalita. Parang lahat ng gusto kong sabihin hindi ko mailabas. Payag ka na te...Magiging choosy ka pa ba? Hot kaya ni prof. Ano ba? Pwede ba wag ka makialam sa buhay ko?!! Ugh. "Baby? You there?" bumalik ang diwa ko at napahinga ako ng malalim. "So digo que puede cortejarme, ¿qué pasará después? (If I say you can court me, what will happen next?)" Nakita ko naman na lumiwanag ang mukha niya. Aaminin ko, crush ko din naman tong si kuya Drake. Sino bang hindi? Gentleman, gwapo, professional, at wala ka ng hahanapin pang iba. Kung sa kanta pa ni koya Daniel Padilla, neseye ne eng lehet... "¿significa eso que usted me dejará cortejarle? (Does that mean you will let me court you?)" ngumiti naman ako sa kanya at tumango. Niyakap naman niya ako at abot langit ang ngiti niya sa akin. Ganun ba siya kasaya? "fácil allí, no soy tu novia todavía así que no sea tan feliz (Easy there, Im not your girlfriend yet so dont be so happy)" Yes. Mahilig ako mangbasag ng trip. Natawa naman ako sa mukha niya. Nagpout kasi siya pagkasabi ko nun. Pero nakakatuwa dahil may babyface pa din siya. Naiinggit ako. "Tss. Such a killjoy baby." tumalikod siya sa akin at naglakad papuntang pintoan. Niyakap ko siya sa likuran para pigilan siya. Hindi naman bago sa amin to dahol matagal na kaming close. Lagi namin tong ginagawa sa bahay, kaming tatlo ni kuya Tristan ang palaging magkasangga. Wala din kasi dito ang parents niya, bumalik sa New York dahil namimiss na nila tumira doon. "Ses. Di ka mabiro Prof." Tumawa ako ng slight at bumitaw na sa yakap ko. "Hey, dont call me that kapag tayong dalawa lang. I feel so old" Di ko mapigilan tumawa ulit. "But you are old." nag-make face ako sa kanya. Bigla naman nag-ring ang bell hudyat na tapos na ang PE class namin at kailangan ko ng pumasok sa Chemistry class namin. "Hey I gotta go. See you later prof" Ngitian ko siya ng nakakaloko. Naglakad na ako papuntang laboratory ng biglang may pumigil sa akin. "Aish. Loko ka talaga Mau, bakit ba ang hilig mo manggulat?!" Inis kong sabi sa kanya. "May kasalanan ka sa akin Ysa." Napataas naman ang isang kilay ko sa sinabi niya. Wala naman akong naalala na ginawa sa kanya. "Ehh?" "Basta. Mag-usap tayo pagkatapos ng klase. You have a lot of explaining to do" Napakamot ako sa buhok ko. Ewan ko ba sa babaeng to. Di ko talaga mabasa ang isipan. Sobrang weird. Bakit ko nga ulit naging best friend to? "Hoy Ysidra Sabrina Avria, wala ka ba talagang sasabihin sa akin?" Pauwi na kami ngayon sa apartment namin. Naglalakad lang para makatipid. Chos. "Ano ba gusto mo sabihin ko sayo?" Hindi ko talaga gets ang gusto niya. "Nako ikaw ha, wag ka ng magtanga-tangahan. Anong meron sa inyo ni Prof ha?" Huminto siya sa paglalakad. Nasa may isang eskinita na kami. Konting lakad nalang sana at makakarating na kami sa apartment. "H-huh? Ano ba pinagsasabi mo?" Nakatingin ako sa isang punong kahoy sa gilid namin. Ayoko tingnan ang mukha niya. "Sus. Deny ka pa, sinundan kita kanina dahil nag-alala ako yun pala nakikipagharutan ka lang kay Prof. So ano na? Ikaw ba yunh sinasabi nilang ka-churva niya?" Seryoso niyang sabi sa akin. Pinagpapawisan na ang buong katawan ko. Paano ko ba to lulusutan? "Okay. You caught me." Bigla naman siyang napatalon. Ewan ko bakit. "I knew it. Bakit di mo agad sinabi na si Prof pala ang bago mong target? Balak ko pa naman sana siyang akitin gamit ang sexy kong katawan..." natawa naman ako sa sinabi niya. Puro kalokohan lang ang laman ng isip. "eodi issni?(As if naman maaakit mo yun)" Pabulong kong sabi pero mukhang narinig niya yun. "Hoy wag mo nga akong ma-korean dyan. Pero speaking of Korean, si oppa nalang ang aakitin ko dahil wala na akong chance kay Prof." Nagsimula na kaming maglakad ulit. "Pero bes, bagay kayo ni Prof. at bagay din kayo ni Oppa. Hmmp. Ano ba yan, nasayo na lahat. Ang haba naman ng hairlalo mo te" "Tama na nga yan. Pero Maureen, promise me na hindi mo sasabihin kahit kanino ang panliligaw ni Drake sa akin." Napansin ko naman na kinilig siya. "Shet. First name basis, iba na talaga yan bes." Inalog-alog niya yung braso ko. Mas kinilig pa siya kesa sa akin. "Bahala ka nga sa buhay mo." Iniwan ko siya mag-isa sa sala at pumasok ako sa kwarto. Hay, nakakapagod ang araw na to. Ang dami kong dapat isink in sa utak ko. Pero paano kaya gagawin ni Drake ang panliligaw niya sa akin? Hmm...
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
Biaya 65 berlian
Keseimbangan: 0 Berlian ∣ 0 Poin
Komentar Buku (61)
Collen Sager
ang ganda naman ng kwento,interesado pa ako sa mga susunod
ang ganda naman ng kwento,interesado pa ako sa mga susunod
14/05/2025
0yes
16/09/2024
0goods hahahh
10/09/2024
0Lihat Semua