logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER TWO

Isa lang naman ang pinupuntahan ko sa t'wing nakakaranas ako ng ganito. It's a wide open field where I can shout all the things I want. Mga wala rin namang pake mga tao roon, so bakit ako mahihiya?
I immediately sat down when I reached the spot I am accustomed to. Sa t'wing pumupunta ako rito, hindi puwedeng hindi ko kasama 'yong banda at si Gwen. Palagi silang nakabuntot sa akin. Hindi na nga ako magugulat kung maya-maya ay nandito na rin sila.
Halos papalubog na rin ang araw nang tanawin ko iyon. Isa iyon sa mga nakapagpapagaan ng loob ko, ang paglubog ng araw.  It feels like it's a sign that when your day becomes bad, just look at the sunset and it will definitely lighten up your mood. Malas na nga lang kung tag-ulan.
Mapait akong napangiti nang maalala ko ang sagutan namin ng aking ina. Kailan kaya matatapos 'yon 'no? Kailan ako makakawala sa kadenang hindi ko alam kung paano takasan. Napakahirap, napakagulo.
Gusto ko lang naman ng isang masayang pamilya e, 'yong tipong masaya na agad sa lahat ng nagagawa ko. Pero bakit, parang ang hirap ibigay n'on? Mahirap bang abutin at makamit 'yon?
Hindi ko naman kasalanan kung bakit ako naging matalino no'ng elementary at high school kaya palagi ako ang nangunguna. Halos hindi na nga ako mag-aral n'on para naman maranasan ko ang mahuli, but it always ended up that I was the first. Nakaka-suffocate kung ikaw palagi ang nauuna. Na kapag nakasanayan nila, kailangan mong i-maintain 'yon kasi iyon ang dapat, iyon ang iminulat mo sa kanila.
Kung alam ko lang na magiging ganito pala kalala mararanasan ko, sana pala hindi ko ginalingan masiyado at sana hindi ko pinaabot na maging una sa klase ko noon. Masiyado rin kasi akong competitive e, ayoko rin ng nalalamangan.
Pero sobra na 'to, sobra sobra na.
I wiped the tears from my face and forced myself to smile. "Isang semester na lang Zy, matatapos na lahat." I gave myself a tap on the back and heaved a deep sigh.
Mula sa 'di kalayuan ay narinig ko na ang pag-strum ng gitara, at technically, mag-uumpisa na namang gumulo ang buhay ko.
"Huli ka!" Pagkatapos banggitin iyon ni Gwen ay agaran niya akong dinaganan kaya wala na akong naging kawala sa pagdagan niya sa akin.
May kaniya-kaniya silang bitbit na animo'y pinaghandaan talaga nila ang araw na ito. Si Kian ang lead vocalist ng banda na may dalang blanket. Si Jonathan na pianist ng banda na may dalang mga prutas na halos lahat ata ay nakainan na niya. Si Chris na drummer at halos hindi mapakali sa kinatatayuan kasi nawawala na naman ata 'yong sticks niya at ang pumalit naman ay mga soft drinks. Halata sa mukha niya ang pagkabalisa dahil nawawala na maman siguro 'yong mga drum sticks niya. At si Lathan na talaga namang nagpahuli pa na may dalang gitara at may dalang maliit na bag na sa tingin ko ay mga chicha o 'di kaya ay may alak na naman. Ngingiti-ngiti siya sa akin habang nag-i-i-strum sa kaniyang gitara.
Jez, araw-araw talaga akong tini-test ni Lordie.'
At si Gwen na pagtapos akong daganan may pag-aalala ng nakalapat sa kaniyang mukha. Sinamaan ko siya ng tingin at kumuha ng grapes sa dalang basket ni Jonathan.
Nang makalapit si Lathan doon sa apat, nagpantay-pantay sila at lahat sila ay tumingin sa akin na para bang awang-awa. Para silang mga tanga na kinakaawaan ako pero sa pabirong paraan.
Ay hindi, mga tanga na pala talaga sila.
Pinagrolyohan ko sila ng mga mata at tinuon na lang aking atensiyon sa unti-unting paglubog ng araw. Nakaramdam naman agad sila kaya hinanda na nila 'yong panlatag at inayos na ang mga pagkain doon.
Narinig kong tumugtog na naman ang gitara ni Lathan, at sa hindi malaman na dahilan, nakakaramdam ako ng ginhawa sa t'wing tutunog 'yon tapos sasabayan pa ng boses niya. Ay, wala na, himlay ka na talaga.
Himig ng boses ni Lathan ang namamayani sa aking paligid. Nakatalikod ako sa kaniya at hindi ko alam kung saan siya nakatingin habang kinakanta niya iyon. Alam kasi ng mga 'to na iyon ang pinaka-paborito kong kanta, at kapag si Lathan talaga ang kumakanta niyon halos hindi ko talaga siya patitigilin hangga't 'di ako nagsasawa.
Nakapikit akong dinadamdam ang malamig na boses ni Lathan. Ewan ko ba, halos dalawang taon ko ng kasama ang bandang ito at si Gwen, pero hindi ko magawang umamin kay Lathan na gusto ko siya. Na gustong-gusto ko siya. Na ultimo kay Gwen na sobrang dikit namin sa isa't-isa ay hindi ko iyon masabi sa kaniya. Natatakot ako, nakatatakot ako na may masira, at ayokong mawala na lang bigla ang pinagsamahan naming lahat.
All of us got to know each other when we were in our second year of college. Lahat kami ay magkakaiba ng kurso. Parehas kaming Architecture ni Chris, si Gwen ay sa Tourism, at sina Jonathan at Kian ay parehas na Engineering. Habang si Lathan naman ay naka-line up sa Business Ad.
Sorry, naka-ready na future ko. Char.'
May event kasi n'on sa university, at halos lahat ng course ay nandoon. Buti na nga lang at malaki ang field namin kaya kahit papaano ay nagkasiya kaming lahat. Tapos 'yong emcee that time, may palaro. Need daw ng 6 group members kada team. Halos manlumo ako n'on sa kinatatayuan ko kasi hindi naman ako masiyadong ka-socialize na tao so paano ako makakabuo ng 6 members, kung ako mismo ay nahihiyang makipag-usap sa iba? Pero nagulat na lang ako ng may biglang humatak sa kamay ko, at nandoon na ako bigla sa circle na ginagawa nila habang sila ay nag-uusap-usap. Aalis sana ako roon kahit pa medyo na-star struck ako roon sa apat na guy kasi baka nagkamali lang sila ng higit pero kumapit sa bewang ko iyong babae which is Gwen at nginitian ako nang pagkalapad-lapad.
Kahit magkakaiba kami ng kurso, at may kaniya-kaniya kaming pinagkakaabalahan nagagawan pa rin namin ng paraan para magkasama-sama kaming lahat kahit ano'ng mangyari. Hindi naman maiiwasan ang pagigisng busy, pero lahat naman kami ay nakakaintindi n'on, ang tatag lang talaga ng samahan na 'to.
At simula ng araw na iyon, hanggang ngayon, gumulo ang buhay ko ng dumating ang bandang 'to pati si Gwen. Hays.
Sa t'wing naiisip ko talaga 'yon, sana na lang talaga pinilit kong makaalis sa kanila ng araw na iyon. E 'di sana kahit papaano ay maayos-ayos la ang takbo ng life ko. Jusko.
Natapos ang kantang iyon ni Lathan ng hindi ko man lang namamalayan na nakatitig na pala ako sa kaniya. I suddenly looked away when he looked at me back. Ayokong makita 'yong ngiti niya! Nakakamatay po!
Huminga ako nang malalim at tinuon na lang ang atensiyon ko sa pagkain na nasa harap.
Tumikhim si Chris kaya napatingin ako sa kaniya. May pag-aalala pa rin sa mga mata nila, pero hindi ko na lang 'yon pinansin. Halos 'di na rin naman bago sa kanila ang ganitong eksena sa akin.
At some point in my life, I will be really thankful because they came. Wala sana akong ganito, kung wala rin sila sa tabi ko.
"Hayaan mo na 'yan bebe Zy, one semester na lang naman at wala ng ganoong eksenang mangyayari sa buhay mo." Inabutan ako ni Jonathan ng isang plastic cup na may laman. Akala ko normal yakult lang pero nang amuyin ko may halo. Talaga namang hindi na nawawala sa kanila ang alak. Sabagay, I'm the one who introducef it to them.
Hehe, boring kasi ng buhay nila kaya nilagyan ko lang ng colors.
Tatango-tango naman si Kian sa tabi niya at inabutan ako ng chicha. "Tama, kaso be ready na nga lang ulit kasi baka may bago na naman silang eksena na gagawin." Pilit siyang ngumiti.
"Ay sus, 'wag niyo na ngang pag-usapan 'yan. Pinag-usapan na nga 'yan doon sa bahay nila kanina, tapos pag-uusapan niyo pa rito. E, kaya nga pumunta rito si Zynl para kalimutan 'yon tapos 'yan pag ang topic niyo!" Ininom nang deretso ni Lathan ang bote ng soju pagkatapos niyang sabihin iyon.
Kapag siya talaga iyong bumabanggit ng pangalan ko, napakasarap sa tenga. Jusko, malala na ako, p*nyeta.'
"'Wag kang OA Lathan ha, napaghahalataan," anas ni Gwen na ngayon ay may ngiting tinatago sa kaniyang labi.
Bigla namang nasamid ang ilan sa kanila sa sinabing iyon ni Gwen.
Instaead, I changed the topic "Anong oras pala gig niyo?" Tumingin ako kay Lathan.
"Mamaya pang 5:30, sa Genitos Bar," sagot niya habang kinakain ang chicha.
Ngumiti ako sa kaniya nang makahulugan.Tinignan niya ako na para bang hindi niya gusto ang namumuo sa kaniyang isip.
"Letse ka Zy, 'wag kang magpapasundo sa akin!" Palatak niya agad kahit wala pa talaga akong sinasabi.
Sa t'wing may mga gig kasi sa kanila it's either kasabay ko si Gwen o magpapasundo ako kay Lathan. Siya lang kasi 'yong may motor sa banda, at kalimitan sa kaniya talaga ako sumasabay. Kapag kasi kay Gwen pa, may ilalabas pa akong pamasahe. Pero kung kay Lathan, minsan lang ako magbayad.
Isa rin kasing madamot 'tong hayop na 'to.'
In a snap, I found myself fixing my hair while my phone was in my ears. Tumawag kasi si Lathan na nasa baba na siya at hinihintay na ako. Ewan ko ba, bakit hindi na lang pumasok e, sanay naman na sila rito.
"Oo, pababa na, teka!"
"Bagal."
Hindi ko na lang pinansin ang huli niyang sinabi at binaba na lamang ang linya. Naabutan ko siya doon sa baba na inaayos ang helmet na gagamitin ko, at nang makalapit ako sa kaniya inabot niya sa akin iyon shoulder bag niya kasabay ng helmet na gagamitin ko.
Ganito naman palagi, sa t'wing nakasakay ako sa kaniya, sa 'kin niya ipapahawak mga gamit niya, hanggang sa kukunin niya lang 'yon kapag uuwi na siya. Wala namang problema sa akin, at pabor pa nga sa akin ang ganoon.
I just wore jeans and 2 inche heels. I paired it with my v-neck basic top. Nagdala na lang ako ng jacket para in case na lamigin ako roon may pangsangga pa rin naman ako kahit papaano. Sumakay na ako sa likod, at kumapit ako sa balikat niya.
"Susunduin mo rin pala ako, ang dami mo pang satsat kanina." Hinampas ko nang bahagya ang balikat niya nang sinabi ko iyon.
As usual, I didn't get a response from him. Tinatak ko na lang sa isip ko na masiyado siyang tutok sa pag-da-drive sa t'wing 'di nakakasagot sa akin.
Hindi ko alam kung saan tutungo itong nararamdaman ko sa kaniya. At alam kong dumedelikado na. The more I hide it, the more the feelings grow. But, I'm too afraid to risk everything from us, from the friends I have.
I want these feelings to go away, but how can I do that if I keep tying myself to him?

Komentar Buku (36)

  • avatar
    Yohan Ortega

    sana mabigyan niyo ako ng maraming para sa aking pag-aaral at saka magtapos ako kayo na po ang bahala lord salamat single lahat masasabi ko po sa inyo bakit hindi po ba ito scam po ito sana totoo po ito magkatapos lang po sa aking pag-aaral sana po ikaw na po ang app na magkaperan po dapat ang magbigay sa akin ng pag-aaral ko dapat po gabayan niyo ako marami na po ang na-download kong game pero dapat ikaw lang po ang magpasaya sa akin sali lang po sa inyo lord tsaka itong app mo dapat ikaw lang

    10/08

      0
  • avatar
    Jhonwin Lopez

    its nice game

    17/07

      0
  • avatar
    CahambingJerald

    good story

    08/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru