logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 2

CHAPTER 2:
Pinalis ko ang luha sa pisngi. Ngayong araw  aalis si mama papuntang Saudi. Kagabi kinumbinsi ko siyang huwag nalang umalis pero walang nagawa ang mga luha ko para pigilan siya.
"Nikkol, Napag usapan natin ito hindi ba?"
Hinawakan ni mama ang balikat ko.Nandito kami ngayon sa labas ng bahay ni tito Zack. Ayaw niya na ihatid ko siya kahit sa airport lang.
Umiling ako ng paulit ulit. "Mayaman naman si tito!" tinuro ko si tito Zack na nakatayo sa gilid namin.
"Pwede naman huwag ka ng nalang pumunta sa ibang bansa. Mama!" Parang bata akong umiyak.
"Iyakin." Bulong ni tito Zack sa gilid.
Hindi ko siya pinansin at niyakap nalang si mama. Ayoko talaga siyang umalis. Ito ang unang beses na magkakahiwalay kami, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan sa ibang bansa pa siya mag trabaho gayong mayaman naman pala ang kapatid niya.
"Nikkola." Aniya, nagbabadya ang mga luha sa mga mata niya.
"Hindi na ako mag lalakwatsya, ma! Hindi na ako uuwi ng madaling araw. Mag aaral na akong mabuti huwag ka ng umalis!" Walang humpay ang pag agos ng luha ko. Ganito pala nararamdaman ng mga anak ng ofw. Sobrang sakit sa puso,
Hinagod ni mama ang likod ko. Oo pasaway ako at lagi ko siyang binibigyan ng sakit ng ulo pero mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya. Ayokong iwan niya ako, gusto ko kasama ko lang siya.
"Mabilis lang two years anak!" Pangungubinsi niya, hinawakan niya ang pisngi ko.
"Hindi mo ko mahal!" Sigaw ko.
Bumitaw ako sa pag yakap sa'kanya at tumakbo papasok sa loob. Nilock ko ang pinto sa kuwarto at dumapa sa kama at doon nalang umiyak ng umiyak. Ayokong maiwan! Ayokong umalis siya kailangan ko siya, kailangan ko pa ng isang ina na gagabay sa akin.
Mas lalo akong umiyak. My tears are not enough to stop her. Kahit siguro umiyak ako ng umiyak ay hindi na siya babalik.
"Hey! open this door." Si tito.
Napatingin ako sa pinto, hindi ko siya pinansin. Malakas ang bawat hampas nito sa pinto pero pakialam ko naman! Bahay naman niya ito edi sirain niya. Ako ba ang masasaktan sa paghampas niya, hindi ba siya!
"Nikkola!" Sigaw nito.
"What?" Sigaw ko din
"Open the door!"
"Ayoko! Umalis ka dito."
"D*mn! "
"Alis!"
Hinintay ko siyang umalis, hanggang sa hindi na siya nag salita kaya akala ko umalis na siya. Tinabunan ko ng comforter ang katawan ko at nag patuloy sa pag iyak. Nagulat ako nang biglang inangat ni tito Ang comforter kaya nakita niya ako, tinignan ko ang pinto paano siya naka pasok?
"Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok?!" Sinigawan ko siya.
"This is my House, Of course i have keys, don't shout at me. Little girl or else." May inis sa boses nito.
Pakialam ko kung galit siya, At ano little girl? Hindi na ako bata! Matalim ko siyang tinignan.
"Malaki na ako seventeen na ako at dalaga na ako!"
"Then act like one."
Ramdam ko ang pag init ng gilid ng mga mata ko. Paano ba dapat kumilos ang matanda! Hindi ba umiiyak, nagtatampo ang mga matatanda. Bakit kailangan niyang sabihin na umarte ako ayon sa edad ko. Anong magagawa ko kung nasasaktan ako sa pag alis ng mama ko!
"Mag sorry ka sa mommy mo!" Nagtiim bagang siya.
"Ayoko! Umalis kana!" Sigaw ko.
"You will regret this." Sabi niya at tinalikuran ako.
Nanatiling matalim ang tingin ko sa kaniya hanggang sa makalabas siya. Tumayo ako at sumilip sa bintana, nakita kong nakatayo si mama doon. Pinupunasan niya ang mata niya, gaya ko ay umiiyak din siya. Lumabas na si tito at nilapitan ang mama ko, hinagod nito ang likod niya pagkatapos ay sumakay na sila kotse.
Umandar na ang sasakyan, sinundan ko ito ng tingin hanggang sa mawala na ito sa paningin ko. Pinalis ko ang luha sa pisngi ko, umalis na talaga siya.
Bumalik ako ng higa, I took my phone and immediately call her. Agad naman niya itong sinagot.
"Nikol, anak."
Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang pag hikbi, gusto kong tumakbo papunta sa airport at yakapin ulit siya sana pala hindi nalang ako nagmatigas.
"it's Nikkola ma, not Nikol."
Pagtatama ko hindi ito nag salita dinig ko ang paghinga niya kaya alam kong umiiyak din siya ngayon.
"Mama! I'm sorry. Hindi ko po sinasadya, ayoko lang na umalis ka akala ko sa paraang iyon hindi ka tutuloy pero tumuloy ka parin kaya inisip kong hindi mo ako mahal."
"It's okay, anak. Tatawagan kita araw araw okay? Mag pakabait ka at huwag mong isipin na hindi kita mahal. Dahil mahal na mahal kita Nikkola anak." Sagot nito, mas lalo akong naiyak.
Kapag nandiyan si mama palagi lang kaming nagtatalo kapag hindi niya ako pinapayagan umalis o kapag hindi niya binili ang mga gusto ko. Pero kahit ganon mahal ko siya at kung alam ko lang na tutuloy siya sa Saudi edi sana hindi nalang ako gumala at nakipag bonding nalang sa kaniya.
Mama ko!
Dahil hindi ko na kaya at pinatay ko na ang tawag. Nahiga ulit ako hanggang sa mapagod na at makatulog.
"Ma'am Nikkola."
Kinusot ko ang mata ko. Umupo ako sa kama at tinignan ang cellphone, alas onse na. Umalis si mama kaninang alas nuebe ng umaga tanghali na ngayon.
"Kumain kana daw." Si Sarah.
Tumayo ako at dumiretsyo sa banyo para maligo. Simpleng Black t-shirt lang at maong short ang suot ko. Sinuklay ko ang buhok ko pagkatapos lumabas na din ng kwarto hindi para kumain kung hindi para umalis.
Ang boring kaya dito!
"Hindi Zack," Boses iyon Sarah.
Nanggaling iyon sa baba. Bumaba na ako, nabutan ko si tito at Sarah sa sala na nag uusap. Tinignan ko sila sandali bago umalis at pumunta sa kusina. Binuksan ko ang ref at kumuha ng tubig saka ito ininom.
Lumabas na ako pagkatapos uminom, naka upo si Tito Zack habang si Sarah ay nakatayo sa gilid niya, lumapit ako sa kanila.
"Aalis ako, nasaan ang susi ng kotse ni mama?" Inabala ko ang paglalandian nila.
Madilim niya akong tinitigan kung hindi niya ako papayagan umalis I swear mag aaway talaga kami.
"Where are you going?" Medyo iratadong sagot nito, hinilot niya ang nose bridge niya parang problemadong prolemado, umirap ako.
"Lalabas lang with Friends." Sabi ko at inirapan si Sarah.
Nag angat siya tingin sa akin, masama niya akong tinignan. Kitang kita ko din ang paninigas ng panga niya. Ininis niya ako kanina kaya hindi ako papayag na hindi ako gaganti.
"Hindi mo pa kabisado 'tong lugar."
"I have google map!"
"No!"
Kaasar! Anong gagawin ko dito sa bahay niya? Mag kukulong maghapon? Ayoko nga! Gusto kong puntahan ang mga kaibigan ko at magsayang ng oras sa kanila para makalimutan ang pag alis ng mama ko.
"Come on tito Zackarias hindi ako mag papagabi," sabi ko at inirapan siya.
"I said no!" binalik niya ang atensyon sa tv.
"I hate you! Lalabas lang naman ako dahil nakakainip dito bakit 'di mo nalang ako payagan para walang gulo!" Huminga ako ng malalim at pilit na kinalma ang sarili.
"Okay, uuwi Ako dito ng five ng hapon okay na ba?"
"No, Nikkola."
Nakaka inis! Nakaka inis siya! Nakakainis! Alam mo niyo yung pakiramdam na gusto mong pumatay ng tao? ganon ang nararamdaman ko ngayon, gusto ko siyang patayin.
"I hate you! I hate you!"
Pagkatapos siyang sigawan ay nagmartsa ako palabas. Kainis siya! Balak niya bang ikulong dito buong summer? I have this feeling that he will not allow me to go out. I'm starting to hate him.
"Bawal akong lumabas, Keeyon."
"Ayoko ng ganito Nikkola let's end this,"
"No! Keeyon, No! Mag usap tayo!"
Pinatay niya ang tawag. Malalim hininga ang pinakawalan ko, isang linggo na kaming nagkikita kaya naiintindihan ko na nagtatampo siya. Pero hindi niya akong pwedeng patayan ng tawag. Ako ang dapat ang gumawa niyon.
"I should end it first! Damn!" Sabi ko at pinalo ang kama
Ang pagtira ko dito ay para akong nakakulong. Hindi ako pwede lumabas dahil bawal ni tito. Sobrang inip na inip na ako sa loob ng malaking bahay na ito.
Araw araw din kaming nag aaway ni tito. Wala yatang araw na hindi kami nagkakasagutan. Oh well iyon naman talaga ang plano ko, simula noong una. Ang mainis siya sa akin at palayasin ako.
Isa pa sa iniisip ko si ay Keeyon nagtatampo na siya sa akin dahil sa tuwing aayain niya akong lumabas lagi nalang akong tumatanggi. Pinaliwanag ko naman sa kaniya ang sitwasyon ko dito pero 'di siya naniniwala. Akala niya ay iniiwasan ko siya,
Narinig ko ang boses ni tito sa loob ng bahay. Hinahanap niya ang pamangkin niyang preso. Ugh! I can't take it anymore, I want to separate and live alone. I want my freedom, hindi naman ako preso pero kinukulong niya ako!
"Where's Nikkola?"
"Nasa Garden Zack." Malambing na sagot ni Sarah.
May napapansin talaga ako sa babaeng iyon. Kapag sa akin ang sungit niya tapos kapag kay tito ay para siyang anghel sa sobrang hinhin at lambing ng boses niya.
Tumayo ako at nagpakita sa kaniya.
"Nandito ako tito, Zackarias!" Madiin na pag kakasabi ko niyon, alam kong ayaw niya ng buong niyang pangalan.
Lumapit ako sa kanila, sinalubong ako ng masamang tingin ni Zack as if naman na natatakot ako sa'kanya. Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay.
Bumuntong hininga naman siya pagkatapos pumasok na sa loob ng bahay.
"Tito." Sinundan ko siya.
Dumiretsyo siya sa kusina at kumuha ng beer sa Refrigerator pagkatapos ay ininom ito.
"Pupunta ako ng mall pwede ba tito Zackarias?"
Wala naman akong balak mag paalam sa kanya, But I need my allowance, so I have no choice. Kailangan ko iyong sabihin sa kaniya.
Umaangat ang tingin niya sa akin. Nakasandal sa siya lababo habang masamang nakatingin sa akin. Kinagat niya ang pang ibabang labi at uminom ulit, napalunok ako.
"You already know my answer Nikkola! bakit nag paalam ka pa?" He said sarcastically.
Alright! Oo alam ko na sasabihin niya hindi pwede. Kailangan ko ng maka usap si keeyon ngayon dahil sa nangyari kanina. Hindi naman sa hinahabol ko si Keeyon. But I need him as my driver slash my alalay. Si Keeyon ang taga dala ng gamit ko, taga bayad ng mga binibili ko. Kaya kailangan ko siya. I can't give up easily on him.
"Please, Tito kahit ngayon lang kailangan kong makausap si Keeyon." Mahinahon kong sabi, umaasang sa paraang iyon ay papayag siya.
"Who is Keeyon?"
Kumunot ang noo nito at nagsalubong ang makapal niyang kilay.
Oh shit! Nasabi ko ba ang pangalan ni Keeyon? Ang sabi ko sa kanya ay wala akong boyfriend baka mas lalong hindi niya ako payapagan. Kainis Nikkola ang tanga mo! Hindi ko na iyon pwede bawiin.
"My Boyfriend!" Nautal ako nang sagutin iyon.
"So you have boyfriend?"
Of course! Sa gandang ko ito hindi ako mag boboyfriend? Tanga ba siya.
"Yes!"
Gurang! Tinanong mo na sa akin iyan noong unang punta ko dito nakalimutan niya agad. Oo nga naman matanda na nga pala siya.
"You're Just seventeen, Nikkola."
Bakit? Old fashion ba siya huh? Sa generation ngayon uso na ang makipag relasyon sa edad ko. Kahit ang mga thirteen years old ay may boyfriend na.
"Tito Zackarias, big deal ba iyon sayo? Sa generation natin. I mean naming mga teenager that's normal!" Giit ko.
Kung saan na napunta ang usapan namin, nagpapaalam lang naman ako.
"Break up with your bastard boyfriend." Sabi nito at nilagpasan ako.
Wow? At bakit ko naman ibebreak si Keeyon dahil lang sinabi niya no way! Sinundan ko siya hanggang sa sala. Umupo siya sa sofa at binuksan ang tv. Naupo ako sa gilid niya.
"At bakit ko naman hihiwalayan si Keeyon?" Tanong ko nang maka upo. Hindi niya ako pinansin naka tuon lang ang atensyon niya sa tv.
"Tito Zackarias!" Inis na sigaw ko.
"Don't Shout!" Anito ng 'di ako tinitignan.
"Payagan mo na ako para hindi na kita kulitin."
Sinubukan kong kunbinsihin siya. Iling lang sinagot niya sakin, Mababaliw ako sa kanya!
"Break up with your boyfriend."
Tumingin ito sa akin. Umirap ako.
"No!" Sagot ko.
Sinamaan niya ako ng tingin.
"You will."
"I won't!"
"Let's see then."
Tumayo ako.
"Ayoko nga! Gurang kana kasi kaya ganyan ka bakit hindi si Sarah ang pag tuunan mo ng pansin at ako ay hayaan mo sa gusto kong gawin para magkasundo tayo!"
Nanatiling madilim ang kaniyang mukha.
"Done with your Rants?"
Iyon lang ang sasabihin niya samantalang ako halos sumabog na sa galit?
"Nakaka inis ka! Naiinis ako sayo."
"The feeling is mutual."
Tumayo ito at lumapit sa akin. Seryoso siyang nakatingin sa mga mata ko. Ano gagawin niya? Hinawi niya ang takas na buhok sa aking mukha at inipit ito sa tainga ko.
"Stop this, now break up with your boyfriend." Bulong niya na nagpatayo sa balahibo ko.
Nanlamig ako sa kinatatayuan ko. Nang lumayo at umalis ay doon pa lamang ako nakahinga ng maluwag. Damn him!
-Emotionalangels

Komentar Buku (274)

  • avatar
    MrPogi

    Bitin po Ms. A hehu 🤧 pero super ganda ng story na ito. Worth my time talaga 🤎🤎🤎 HIGHLY RECOMMENDED 🤎🤎🤎

    23/06/2022

      1
  • avatar
    GillegoTricia

    super Ganda po Ng story nyo po

    24d

      0
  • avatar
    Kaye Cee Rubillos

    super ganda I’m still waiting for part 2

    02/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru