logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 01

“Ok class tapos na ang ating 4th grading lesson sa ngayon kaya proceed tayo sa bago n'yong performance. Tutal, papatapos na ang inyong klase ilang weeks na lang,” mahabang paliwanag ng guro namin.
Napabuntong hininga ako at napasandal sa upuan. May panibago ulit kaming performance at hindi ko na alam kung hanggang kailan ito matatapos. Takte, ilang performance ba ginawa namin ngayong 4th grading? Baka nga tatlo na at 'di talaga madali 'yon 'no! Ang hirap kaya! Tapos dagdag performance ulit!?
“Ma'am last na ba talaga itong performance? Ilang performance na ginawa namin ma'am, ah,” reklamo ng kaklase ko na nakaupo banda sa 'king unahan.
Napatango ang iba sa tinuran n'ya at ang iba naman tamad na tumingin kay ma'am. Pagod na rin ako sa mga performance na ginawa namin at walang pahinga.
“Last na talaga 'to at sigurado akong magugustuhan din n'yo itong performance. At pag maganda ang performance n'yo rito, 'di na kayo magta-take ng exam dahil pasado kaagad kayo.” Napasigaw ang mga kaklase ko dahil sa narinig nilang balita kay ma'am, maski ako gusto ko rin ang ideya ni ma'am.
“Ma'am ano 'bang performance 'yan para mapaghandaan na namin, excited na tuloy kami!” masayang sabi ng kaklase ko banda sa gilid.
'Di tuloy kami mapakali sa pagkakaupo sa upuan namin sa excite!
“Tutal 'yong lesson natin ay tungkol sa pagmamahalan ng isang babae at isang lalaki. Naisipan kong mag-wedding performance kayo!” masayang sambit ni ma'am sa 'min, palinga-linga pa sa paligid na may ngiti sa labi.
Hala! Wedding performance?! Ano kaya gagawin do'n? At saka wala namang ganito ang Ate ko dati nong nag-aaral s'ya rito, ah.
Pagkatingin ko sa mga kaklase ko sobrang excited ang ilan sa kanila at ang iba naman nagtataka, baka siguro 'di nila alam gagawin do'n.
“Ma'am paano po namin gagawin?” tanong ko kay ma'am para malaman din namin.
“Pipili kayo kung sino ang ikakasal. Isang pair lang, ah? Tapos isang pari rin. At ang iba ay magiging ninong, ninang at iba pa,” paliwanag n'ya. “Kayo na bahala mga anak kasi aalis na ako sa ngayon. May time pa kayo para pumili at makapag-meeting. And I also forgot na next week n'yo na gagawin 'to. Kung sino man ang priest at magiging bride and groom, punta kayo sa 'king office at kunin ang script, ah," huling sabi n'ya at saka s'ya umalis.
Naglakad na paalis si ma'am sa labas ng room namin kaya nagsigawan ang ilang kaklase ko sa tuwa. Agad silang nag-form ng circle sa unahan kasi malapad space do'n. Excited tuloy ako!
“Iurong n'yo iyang upuan para makapag-meeting tayo," sabi ng President namin at inurong naman namin at nakisabay rin kami sa kanila umupo bago nag-form ng circle.
Umupo ako sa tabi ni Charry na kaibigan ko na mataba.
"Quite muna kayo dahil magsasalita na ako,” saad ng President naming babae. “So classmates, pili muna tayo kung sino magiging Pari.”
Tinaas ng lalaking kulot ang buhok ang kamay n'ya. “Ms. President! Si Leonel na lang tutal Pari rin naman ang bagsak nya,” natatawang sabi ng kaklase kong lalaki sa unahan ko. Nagtawanan silang lahat at kasama na ako.
Kahit siguro sampalin mo s'ya wala s'yang pakialam. Basta ang bait n'ya kaya wala talaga s'yang kaaway rito.
“Grabe kayo sa 'kin, ah. Sige payag ako,” tawa n'yang sambit. Napasingkit tuloy ang mata n'ya dahil sa ngiting ipinakita sa 'min.
“Okay na sa Pari, sa ikakasal na lang.”
“Ms. President! Si Hancel na lang kaya sa groom, sigurado akong bagay na bagay sa kan'ya ang role na 'yon!” sigaw ng kaklase ko na lalaki.
Lahat kami napatingin kay Hancel na ngayon ay nakatingin din sa amin. Bakit ngayon ko lang napansin ang lalaking ito? 'Di ko alam na kaklase namin 'to, ah.
“Oh, Hancel okay ba sayo?” tanong ni president sa kan'ya.
“Okay.” Ang haba ng sinabi n'ya, ah! Sana 'di mapanis ang laway n'ya. Kaya siguro 'di ko s'ya napansin dahil sa sobrang tahimik n'ya. Busy kasi ako sa mga requirements ng school at saka sa pagbibiro sa mga kaklase ko.
“Sino na ang bride?”
Ano kaya ang isusuot ko? 'Yon sana 'yong 'pang ninang o bridesmaids ba. Hahalungkat talaga ako mamaya nito sa bahay. Kung wala akong mahanap, edi magpapari na lang ako!
“Lexi?” Napatingin ako kay Ms. President ng tawagin n'ya pangalan ko.
“Bakit?” takang tanong ko at palinga-linga ako sa kanila dahil lahat talaga sila nakatingin sa 'kin! Ano bang meron, ah?! Hindi ko kasalanan na maganda ako!
“Ikaw ang napili nilang bride, Lexi. Mas bagay kayo ni Hancel, eh.” Napanganga ang bibig ko kasi ba naman silang lahat kinakatiyawan na ako!
This can't be! Medyo takot pa naman ako sa mga tahimik na tao.
“Hala! Ba't ako? Wala 'bang iba d'yan? Ikaw na lang kaya Ms. President!” Taranta kong turo sa kan'ya.
Natatawang umiling s'ya. “Hindi pwede, pagalitan ako panigurado ng jowa ko, eh.” Tae na jowa n'yan! Okay! Sila na may jowa at wala ako!
“Ikaw na lang bestie kaya!” sabi ko sa katabi ko na kaibigan ko naman talaga.
Umiling s'ya sa 'kin. “No, bestie! 'Di pwede, no way! Wala akong damit para sa kasal!" pagmamaktol n'ya at tinarayan pa ako! Ang oa n'ya!
“Pahihiramin naman kita!” pagmamaktol ko rin.
“Ayaw! Tingin mo kasya sa 'kin ang damit mo? Haler! Taba ko kaya!” Ayy, oo nga pala. Maliit kasi balakang ko at paniguradong mapupunit lamang ang damit ko sa kan'ya.
Lahat kami napatingin kay Hancel nang magsalita ito.
“'Wag ka nang mag-inarte. Aabutin tayo nito ng taon bago tayo makapag-decide,” walang ganang sabi ni Hancel sa 'kin.
Kung 'di lang talaga 'to gwapo, aba! Iuntog ko 'yang mukha n'ya sa 'kin, eh!
“Sige na, Lexi. Payag ka na!” Pilit nila sa 'kin.
Ano pa ba ang magagawa ko? Edi ako na lang! Ganda ko raw, eh!
“Oh s'ya sige ! Para matapos na!” labag sa loob kong sabi at nagtaas ng kamay sa ere.
“Okay na ang lahat! Problemahin na lang natin bukas ang sa bridesmaids at best man. At saka practice rin bukas," pagkatapos na sabihin ni Ms. President iyon ay kaagad na kaming tumayo. Ang iba naman ay nagsilabasan na at ako naman ito syempre makikisabay rin.
“Bestie tapos ka na ba d'yan?” tanong ni bestie sa 'kin sa labas ng cr.
Nagbibihis kasi ako, try raw namin 'yong may suot na talaga. Kasi bukas na ang aming performance. Ang dali talaga ng oras.
“Bilisin mo d'yan, Lexi! Tagal, ah!” sigaw ni Hancel sa labas. Kung 'di lang kita crush, hmp!
“Umalis kana nga d'yan! Mauna ka na roon!” Ilang segundo wala na akong narinig pa kaya lumabas na ako ng cr. Buti kasya sa 'kin ang dress na 'to.
Naglakad na ako papunta sa kinaroroonan nila at tumayo na ako ng matuwid at hinawakan ang aking bouquet of flowers daw.
“Ready na ba?” tanong ko nang ikinatigil nilang lahat. Anong meron?
Namamanghang tinignan ako ni bestie. “Oh my! Ba't ang ganda mo d'yan, bestie!” Tili ni bestie at iba ring mga kasama n'yang babae. Hala! Ganda raw, ehem!
“Tsk! Tsk! Crush na kita, Lexi! Woah!” sigaw ng kaklase kong lalaki at iba naman napa-tsk lang. Parang mga baliw, eh!
“Hep! Ingay nyo! Simulan na nga!” biglang sigaw ni Hancel. Nakakunot-noo na ang groom ko.
“'To naman si Hancel selos kaagad. Eto na oh, sige na!” biro ni Leonel na priest ang role sa performance na ito.
Naglakad na ako papunta kunwari sa altar. Pangit ng altar namin dahil practice pa lang. Ang gwapo naman ng groom ko, ehem.
Nang makarating na ako sa kinaroroonan n'ya, agad n'yang inilahad ang kan'yang kamay para alalayin kunwari ako. Hala! Masyadong pa fall, eh! Dagdag pa ang special effect na music background namin.
“By the way, ang ganda mo pala,” napatingin ako bigla kay Hancel sa sabihin n'ya sa 'kin iyon. Sa sobrang kilig ko 'di na ako nakapagsalita at tudo ngiti pa ako, oh my!
“Oh sige, simulan na natin ang kasalan na ito,” saad ni Leonel hudyat na mag-uumpisa na kami.
“Itigil ang kasal!” Lahat kami napatingin sa likuran kung sino mang hinayupak 'yong nagpatigil sa kasalang ito!
“Panira ka ng moment ma'am, eh!” Nagpapadyak pa ako sa lupa sa pagmamaktol.
“Biro lang mga students.” Tawa n'ya. “May announcement lang ako, at 'di ko rin gusto 'to. Sorry guys to say this, but hindi talaga matutuloy ang wedding performance n'yo bukas. May aasikasuhin pa kasi ako hanggang sa katapusan ng week na ito, biglaan din kasi.”
Parang mawawala ako sa sarili sa binalita ni ma'am sa 'min. Oh my! Ang tagal naming na practice 'to tapos 'di matutuloy?!
“Ma'am naman, eh!” Reklamo ng iba. Nakahiga na sila sa sahig at kulang na lang ay iuntog ang mga noo nila sa lupa.
“Sorry students wala tayong magagawa. At wala na rin na exam na magaganap,” malungkot n'yang sambit.
“Ano ba 'yan! Kasi naman, eh!” reklamo ng reklamo nila kay Ma'am.
“Oh s'ya, sige pababayaan ko na kayo dito.” At umalis na si ma'am.
Bigla ko lang naalala na magkahawak kamay pa kami ni Hancel na 'to. Pero 'di bale susulitin ko.
“Paano na 'yan? Sayang 'yong practice natin?" malungkot na sambit ko sa kanila habang nililibot ang paningin sa kanila.
“Edi 'wag nating sayangin,” biglang sagot ni Hancel.
Napatingin ako sa kan'ya. “Ano gagawin na'tin? Hindi na nga makakasalo si Ma'am bukas.”
“Tuloy natin ang kasal ngayon din. Let's just enjoy and celebrate this wedding,” nakangiting sabi ni Hancel nang ikinatuwa naman ng mga kaklase ko at ang iba naman nagsitalunan pa. Ako naman ito kinilig, oh my! Tuloy raw ang kasal, kahit 'di na Wedding Performance!

Komentar Buku (6)

  • avatar
    Nokcal ZyeCan ZueZan

    Nice story

    14/08

      0
  • avatar
    Hanifa U Pendilang

    Nice

    02/08

      0
  • avatar
    Avryl Caubang

    ang kwentong ito ay maganda dahil nakaka tulong den ito sa atin para sa pag babasa

    24/12

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru