logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 3

CHAPTER 3
CHLOE'S POV
Mabuti na lamang at maaga kaming nakapunta dito sa daungan. Madami kasi ang pasahero kaya medyo nahirapan ang ilan na sumakay. Pupunta kasi kami ng Palawan ni Mikay dahil matagal na kaming hindi nakapunta doon. I guess 3 years ago noong huli kong punta doon. Nang marating namin ang kwarto na kinuha namin para sa aming dalawa ay naligo kami at nag ayos ng sarili bago namasyal sa kabuuan ng barko. Sa pamamasyal namin ay nagutom kami kaya pumunta kami sa kainan ng barko.
As usual umorder na naman si Mikay ng sangkatutak. Na akala mo naman ay hindi siya kumain ng isang taon. Pero, biro lang 'yon umorder lang naman siya ng iced tea saka burger and fries. May table naman na nakapwesto sa kainan kaya umupo kami malapit sa bintana na kung saan matatanaw mo ang buong karagatan. Napakagandang tignan iyon lalo na siguro pagsunset.
"Hoy babae! Grabe ang sarap ng burger nila dito ha, aylabet.." Wika ni Mikay at kumagat sa hawak nyang burger. Takam na takam siya doon at tama siya masarap ang sinerve nilang burger sa amin. Masasabi kong unang kagat mo pa lang malalasahan mo na ang sarap noon. Perfect talaga ang kasamang iced tea sa burger namin.
"Huwag ka masyadong lumamon baka malason mga bulate sa tyan mo."biro ko sa kanya. Pinagdilatan nya ako at natawa naman kami parehas. Ito din ang hobby naming magbespren, ang lumamon ng lumamon. Hindi kami mahilig magshopping basta sapat na sa amin ang foodtrip na may kasamang movie marathon.
"Bahala na basta mabusog ako. Speaking of food, hindi ba't pangarap nyo dati ni Red na magkaroon ng restaurant?"dahil sa sinabi nyang iyon ay napatigil ako sa paglamon. Tinignan ko naman siya ng diretso.
Masasabi kong hindi nya sinasadyang sabihin iyon dahil halata iyon sa mukha nya.
"Oo dati, masarap kasi 'yon magluto at nababagay siya sa mga restaurant..." sagot ko. Tama si Mikay dream namin ni Red ang magpatayo ng restaurant dati. Nag-iipon siya noon para doon at ako naman ay konti lang ang naiaambag kasi sinusuportahan ko ang pamilya ko pero naiitindihan nya noon.
Sinasabi nya noon na namana nya daw sa Mama nya ang pagkahilig sa pagluluto. Masasabi kong masarap talaga ang luto nya at saktong-sakto sa panlasa ko. Nabubusog ako lagi pagkapumupunta siya sa condo unit namin noon. Hindi din kami mahilig kumain sa labas kundi bumibili nalang siya at sa condo nagluluto.
"Nabalitaan mo na ba, bes?"
"Huh? Ang alin naman?"kunot-noo kong tanong.
"Engot! May napatayo na siyang kainan at alam mo ba iyong pinakasikat na restaurant sa syudad ay pagmamay-ari nya. Akalain mo 'yon kakasimula pa lang nya dinarayo na agad..." balita nya sa akin. Hindi ko talaga alam ang bagay na 'yan sapagkat simula noong nakipaghiwalay ako sa kanya ay nawalan na ako ng balita sa kanya. Blinock ko sya sa facebook at pati na rin sa messenger. Ano pang silbi ng mga iyon kung niloko nya ako noon. And besides masaya na ako sa buhay ko ngayon.
"Edi mabuti..." 'yon nalang ang naisagot ko dahil alam ko kapag magtatanong ako sa bruha na 'to ay hahaba na naman ang usapan namin. Ayoko pa naman na pinag uusapan namin si Red. Naiilang kasi ako.
"Wow! Gano'n lang reaksyon mo,t teh? Hindi ka ba naghihinayang na sana kayong dalawa ang nagpapatakbo nong kainan na 'yon ngayon?" inirapan pa niya ako.
"Bakit ako maghihinayang,e, siya nga 'di naghiyang na mawala ako e. Nagloko ba naman."
"Sabagay may point ka, pero, akalain mo 'yon, 'yong ex mong manloloko sobrang lago ng negosyo ngayon. Bigtime na sya..."sinundot pa niya ang braso ko. Tuwang-tuwa siya at 'di ko alam kung normal pa ba 'yon.Psh!
"Wala akong pake doon .At isa pa, isang taon na ang nakalipas mula ng matapos ang lahat sa'min kaya pwede ba 'wag na natin siya pag usapan?"
"Napakabitter mo naman..." nakanguso nitong usal.
"Hindi naman sa bitter, ayoko lang talaga pag-usapan ang kahit na anong bagay na masasali ang lalaking iyon..."
"Sus! Ang sabihin mo mahal mo pa rin..." biro nito sa'kin kaya sinimangutan ko siya.
"Hindi na no, asa ka naman..."sagot ko at tumingin sa malayo.Lagi nalang ako tinutukso nito kaya hindi ako makamoveon eh.Tss.
"Owkayyyyyy!" Hindi na pa siya umimik at pinagpatuloy nalang ang paglamon. Nabalot ulit ng katahimikan ang pagitan namin. Naisipan naming doon na muna dahil mabobored lang kami sa kwarto. Nanood nalang ako ng kdrama habang siya naman ay naglalaro sa cp nya. Naging abala kami at hindi namalayan ang oras.
"Hoy! 'Yung ex mo nandito..."agaw ng atensyon nya sa'kin kaya naman napako ang tingin ko sa kanya.
"Tss! 'Yan ka na naman eh, hindi ako natutuwa sa mga biro mo, Mikay, ha, sinasabi ko sa'yo," suway ko sa kanya at ibinalik ang atensyon sa pinapanood ko. Ilang beses na nyang ginawa iyon sa akin kaya was effect na ngayon.
"Gagi! Seryoso ako nandito siya..hindi ba't siya 'yon?" pag-uulit nya parin pero this time may tinuro na siya kaya nàpatingin ako doon. Nanlaki ang mata ko sa aking nakita. Hubog palang ng katawan nya kilalang-kilala ko na. Kung paano siya manamit at pumili ng jacket ay nakikilala ko na. Takte! Anong ginagawa nya dito?
"Hey Red, dito!" Sigaw ni Mikay na kumaway pa ito at nakuha naman agad ang atensyon ni Red. Konti lang ang tao ngayon dito kaya hindi nakapagtatakang napansin nya agad si Mikay.
Napalunok ako.
Hindi ko alam ang gagawin kung tatayo ba ako para tumakbo papalayo. Pero, para bang may sariling utak ang mga paa ko dahil hindi ko sila maigalaw. Bumibilis ang tibok ng puso ko iniisip ko palang na papalapit siya sa pwesto namin. Isa pa 'tong si Mikay pahamak talaga kahit kailan. Alam na ngang ganoon ang nangyari sa amin niyaya pa nya makitable samin. Tss.
"Hello.." Rinig kong bati nya sa amin at mas lalo akong kinabahan. Nakatungo lang ako sa selpon pero hindi ako makafocus sa pinapanood ko. Presensya nya palang umaatras na ang dila ko.
"Oh umupo ka, Red, sabayan mo kami..."anyaya ni Mikay sa kanya at napatawa nalang ito ng mahina."Tabi nalang kayo ni Chloe kasi medyo malaki 'tong dala kong shoulder bag kaya masikip na dito hehe.."alam kong palusot lang iyon ni Mikay upang magkatabi kami ni Red.
Pinagdilatan ko siya pero ngisian nya lang ako. Napakasama ng lahi nya. Paano ako makakafocus sa ginagawa ko ngayon if magkatabi kami?Napansin ko nalang na umupo siya sa tabi ko at nang maramdamang tumama ang balikat nya sa akin ay lumayo ako ng konti.
"So, how are you Red? Grave! Sa dinami-dami ng lugar sa mundo, dito pa talaga kayo nagkita.What a coincideince. Hahaha!" Panimulang usal ni Mikay sa kanya pero nilalaro ko ang iced tea ko gamit ang straw nito. Nahihiya ako gumalaw sapagkat nasa tabi ko ang taong kinamumuhian ko. Aksidente ba talaga ito o sinadya nyang sundan ako? Pero, saan naman nya nalaman na pupunta dito? Pagkakaalam ko kami lang ni Mikay ang nakapag-usap sa bagay na ito.
"Im okay as usual, kayo ba?Long time no see, it's been a year, I guess," sambit ni Red at tumawa ng mahina. Damn! Taenang tawa 'yon, nakakatindig balahibo pa rin. Nandon pa rin ang makalaglag panty nyang ngiti. Psh! Ano ba 'tong sinasabi ko? Jusko!
"Oo, kayo pa ni Chloe noong huli tayong magkita eh." Kagat labi pa nyang biro at pinagdilatan ko naman siya ng mata. Napakadaldal talaga ng babaeng 'to.Nakakainis.
Walang sagot na natanggap si Mikay mula kay Red at tanging tawa lang. Hindi na din ako umimik kasi alam ko wierd 'yon para sa akin. Bakit ba kailangan pa kasing sabihin yon e. Mikay talaga!
"By the way Red, balita ko may restaurant ka na? Aba! Bigtime ka na beke nemen hahaha!" biro ni Mikay sa kanya at natawa nalang kami.
"Yeah, I have a restaurant now, pwede kayo do'n anytime libre ko sa inyo." wika nya at nagpalipat-lipat ng tingin sa amin ng kaibigan ko. Ano pa nga ba ang aasahan ko kay Mikay, basta lamon hindi inaatrasan.Psh!
"Naku! Huwag na, wala ng libre sa panahon ngayon. May pera naman kami pambayad eh.." Tutol ko dahil nakakaramdam ako ng hiya. Hindi naman porket magkakilala kami ay itake advantage na namin siya. Hindi ako gano'n, alam ko kung paano mahiya.
"Sus! Kunyari pa 'tong babaeng to. Hoy! Ex mo na mismo nagsabi na libre nya kaya h'wag ka na tumutol dyan. Ipangshopping mo nalang 'yong pera mo," depensa pa din ng kaibigan ko kaya pinagdilatan ko siya. Hindi naman naging sapat ang masamang tingin ko para matinag siya. Natawa naman si Red sa sinabing iyon ni Mikay.
"I think Mikay is right, Chloe. Para namang hindi tayo magkakilala. Okay lang talaga 'yon sa akin, don't worry," mahinhin na wika nito at hindi na pa ako sumagot pa..Ayokong dumepensa pa dahil alam kong talo lang ako.
Nagkwentuhan lang silang dalawa at ako nakikinig lang dahil hindi ako komportable katabi si Red. Ang dami ng pinagbago ng katawan nya. Mas lalong lumaki ang mga muscles nya at tumaba pa siya ng konti. Pagiging palatawa ang hindi kailanman magbabago sa kanya. Basta magkasama na sila ni Mikay napupuno talaga ng tawanan. Magkavibes silang dalawa at nakakatuwa 'yon. Alam kong ginagawa lang ni Mikay ito para hindi maging awkward ang pagitan namin ni Red. Kaya imbes na tumutol ay hinayaan ko nalang silang dalawa.
Nilibre pa kami ni Rhed ng snack tutal wala namin kaming gagawin. Hindi na pa pinalampas ng kaibigan ko dahil libre daw. Naiwan kami ng kaibigan ko sa table. Hinarap ko naman siya at kinurot sa braso.
"Ouchhhh!"reklamo nya saka nya hinimas ang bandang kinurot ko. Naiinis na talaga ako e. Hindi ba nya naisip na magiging awkward ang pagitan namin? Jusko! Para akong tumigas sa kinauupuan ko.
"Ikaw Mikay ah, hindi ko na gusto 'yang tabas ng dila mo dyan.." sita ko sa kanya.
"Why? Nakikipagkwentuhan lang naman ako sa ex-boylets mo, masama na ba iyon?" saka pa ito ngumuso na parang bata.
"Hindi, 'yang bunganga mo lang ang pahamak. Jusko! Para akong hihimatayin dito," saka ako pumaypay gamit ang left hand ko. Naistress agad ako. Para akong sasabak sa madugong gyera.
"Hihimatayin sa ano? Sa kilig ba bes? Ayieee! Hahaha!" Tukso nito sa akin kaya lalo pang sumama ang tingin ko sa kanya.
"Mikay naman! Huwag ka naman ganyan parang-awa mo na," napahilamos ako ng mukha dahil sa kaibigan kong pahamak. Hindi ba nya nagegets ang nararamdaman o kaya naman pinupunto ko?
"Eto naman pachoossy pa, hoy si Red 'yon. Si red na ex mo. Si Red na mabait. Si Red na gentleman. At si Red na minahal mo," prangka nya sa akin saka ako inirapan. Sumimsim naman siya ng kanyang iced tea samantalang ako pinagdilatan siya't yumuko na naman sa inis.
Bakit ba nakalimutan kong bungangera pala 'tong kaibigan ko? Daig pa nya ang chismosa sa kanto kung makaingay e. Sarap ihagis sa mars.Grrrr!
"Hahaha! Huwag mo nang asarin 'yang kaibigan mo, Mikay, baka tumalon pa 'yan sa dagat.."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Huwag sana nyang sabihin na narinig nya ang huling sinabi ni Mikay? Omayyy! Nakakahiya! Hindi ko alam ang sasabihin o maski gagawin ng umupo na siya sa tabi ko. Amoy na amoy ko ang pabango nya na paborito kong amuyin noong kami pa.
Humanda ka mamaya sa akin, Mikay!
Sinulyapan ko ang aking kaibigan na ngising-ngisi sa akin habang nilalapag ni Red ang mga pagkain na kanyang inorder. Pinagdilatan ko si Mikay kaso mukhang walang epekto 'yon sa kanya.
"Excuse me, punta lang ako sa comfort room," paalam ko saka kinuha ang aking bag. Isinuklib ko ito sa aking balikat saka tahimik na tumayo't umalis.
Hindi ko na pa kayang makipagplastikan sa kanya. Masyado na akong sinungaling kung pakikisamahan ko pa siya. Wala na akong narinig mula sa kanila ng magpaalam ako. Tanging tingin nalang ang naibigay ni Mikay sa akin. Siguro naman may ideya na siya kung bakit ko siya sinita ng gano'n kanina.
Sa tagal ng panahon na hindi kami nagkita, aaminin kong nasasaktan pa rin ako. Ngayong naramdaman ko na naman ang kanyang presensya, kumukulo na naman ang dugo ko. Bakit ba mapaglaro ang tadhana? Hindi ba pwedeng sa ibang barko nalang siya sumakay? Bakit sa iisang barko pa kami nagkita?
Hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta, at isa pa hindi talaga ako naiihi. Sadyang gusto ko lang umiwas sa lalaking 'yon. Ayokong mapalapit ulit sa kanya dahil babalik lang ulit ang mga alaala na ginawa nya sa akin. Masasaktan lang ako't mahihirapan. Ayoko na pang ilagay ang sarili ko sa sitwasyon na alam kong mahihirapan akong lampasan.
"Chloe!" pagtawag ng isang tinig sa akin. Napakapamilyar no'n kaya hindi na ako magtataka kung sino. Mas binilisan ko pa ang paghakbang upang hindi nya ako maabutan. Ayokong dumikit ang maski dulo ng kuko ko sa kanya.
Muntik pa akong madapa dahil sa pagmamadali. Nakasuot kasi ako ng takong at nalimutan kong magpalit kanina ng flat shoes. Natigil ang mundo ko ng tuluyan na nyang makuha ang braso ko. Hinarap ko siya't padabog na binawi iyon.
"Ano ba Red, pwede ba tigilan mo na ako. Kung sa tingin mo magkakaayos tayo ngayon dito, pwes nagkakamali ka," bungad ko na sa kanya na diretso ang tingin sa akin.
"Its not what you think, Chloe. Hindi ko alam na nandito rin kayo ni Mikay, I swear.." saka pa nya itinaas ang kanang kamay.
"Talaga ba? Bakit kita paniniwalaan, manloloko ka 'diba? 'Yong dati bang demonyo,naging anghel na ba?" Prangka ko rito habang nanlilisik ang aking mga mata.
"Grabe ka naman magsalita, mukha na ba akong hindi nagsasabi ng totoo?" Napailing pa ito dahil sa sinabi ko.
"Ano ba sa tingin mo?"pagsusungit ko. I cross my arms infront of him. I
want him to realized na wala ng ibang epekto ang presensya nya sa akin bukod sa inis.
Napailing siya't gumalaw pa bahagya ang kanyang panga. Batid kong nasaktan siya sa usal ko kanina which is true naman. Ano ba ang inaakala nyang sasabihin ko sa kanya? Akala nya siguro matutuwa ako coz he changed a lot except his personality? Gosh!
"Okay fine. Maniwala ka man o hindi, nagsasabi ako ng totoo. I didn't expect that you're here with Mikay. At kung tatanungin mo ako kung ano ang gagawin ko dito, tutal narito ka hindi na ako magsasayang pa ng oras. I just want to fixed for what we have ,Chloe." Ramdam ko ang sinseridad sa boses nya. Kaso hindi 'yon naging rason upang madala na naman ako. This time, ayokong magpauto dala ng mga ngiti nya. Alam kong nakakadala talaga ang mga punyetang ngiti nya. Psh!
"Sa tingin mo papayag ako ng ganon-ganon lang? Ha?"singhal ko sa kanya."Red, kahit ikaw pa ang nagmamay-ari sa sikat na restaurant sa buong mundo, wala akong pakialam. Nagloko ka 'diba? Sino ka para bigyan pa ng chance? Kahit baliktarin mo pa ang mundo, nagloko ka.NILOKO MO AKO!" pagdidiin ko sa aking salita. Inirapan ko muna siya bago tuluyang tinalikuran.
I need to become strong infront of him dahil tyak aabusihin nya ako pagnaging weak ako sa harapan nya. Alam kong kilala na nya ako, ang buong pagkatao ko. Magkasintahan kami sa loob ng taon kaya sigurado akong kabisado nya ang ugali ko.
Nasaktan ako sa ginawa nyang panloloko sa akin noon at hindi sapat ang isang taon para tuluyang makalimot. Hindi ako tanga at mas lalong hindi ako desperada kung sasabihin kong pinapatawad ko na siya. Kung tutuusin, hindi na nya deserve mabigyan ng chance. Kahit pa siguro ipamukha nya ang mga pera nya sakin, hinding hindi ko siya bibigyan ng chance.

Komentar Buku (3)

  • avatar
    Ciera Maraguinot

    mahal

    18/05

      0
  • avatar
    LJ Villaceran Pasaylo

    good author

    27/03/2022

      0
  • avatar
    Harren Jay

    nu gvbb

    19/02/2022

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru