logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 3: COFFEE SHOP

"Tapos na ba lahat ng ginagawa mo, Ziah?"
Sumilip mula sa kabila si Donalyn sakin. Nasa opisina kami. Maaga akong nakarating, kulang din ang tulog kagabi.
Naglalayag ang isipan ko.
"Malapit na, Don. Isahang draft nalang ako." Nagtipa ako ng letters sa computer. "Bakit? May lakad ka ba at parang minamadali mo ako?"
Itinigil ko muna ang ginagawa sa computer ko. Binalingan ko si Donalyn na nakasandal sa haligi sa gilid.
Halata sa kanyang paningin ang pag ka bored. Kaya naman pala kanina pa niya ako pinagmamasdan gawin ang draft ko rito.
Tapos na ata siya sa client nito at ako lang ang hinihintay niya.
"Oh? Di ka ba nangangalay?" Takang tanong ko.
Sumandal ako sa likod ng swivel chair. Sabay tingin ng diretso dito.
Umiling si Donalyn. "Hindi naman, ah. Hinihintay lang kita kung kailan ka ba matatapos?"
Tinuro ko ang naka draft ko pang desenyo.
"Malapit na akong matapos. Bakit? Saan ba ang punta natin?" Sabi ko uli.
"Sa coffee shop, magkakape muna tayo. And also, may dessert doon kaya mag ti-take out ako."
Tumango lang ako sa sinabi ni Donalyn. Tinuro ko uli ang gawain ko.
"Tatapusin ko muna ito. Maghintay ka nalang muna sa table mo, bigyan mo ako ng limang minuto." Paalam ko.
Tumango siya.
"Tawagin mo lang ako, Zi! Bilisan mo, baka maubusan ako ng dessert!" Babala niya sakin.
Natawa ako. "Pumunta kana roon! Wag kang disturbo!"
Bumalik naman siya sa kanyang pwesto. Ako naman ay itinuloy ang ginawa para makaalis na kami.
Gaya nang sabi ko kay Donalyn ay limang minuto lang ako. Natapos narin naman ako agad sa loob ng limang minuto.
Magkasabay kaming dalawa ngayon pababa sa floor.
"May bago ka bang client?"
Umiling ako sa sinabi niya.
"Wala pa naman, sigurado ako kapag tapos na ang isang design ko. Baka may susunod pang client." Sagot ko.
Napatampal sa noo si Donalyn.
"Alam mo, Zi. Ikaw ata ang may madaming client sa company natin! Akalain mo? Kahit maliit lang ang meron tayo sa lugar natin, madaming may gusto sa design mo!" Mahabang alintaya ng isa.
Muli naman akong natawa. Ang daldal talaga ni Donalyn kahit kailan. Maging sa loob ng elevator pinagtitinginan kami sa ingayan nito, lalo na kapag lumabas kami.
"Swenerti lang sa panahon, Donalyn." Nakangiting bigkas ko.
Tinuro ako nito bigla. "Anong swenerti? Aba, nagkakamali ka! Lucky girl kana since birth ata!"
"Anong since birth? May gano'n?" Nagtataka kong sabi.
May gano'n ba talaga since birth? Wala akong narinig galing kay Mama.
Lumabas na kami ni Donalyn sa elevator at nasa ibaba na kami ng floor.
"Meron, Sabi-sabi lang ng nakakatanda. Kapag swerte talaga ang isang tao, swerte na talaga!" Muli pa nitong sabi. "Nakikita ko sa'yo iyon, Zi. Sigurado akong may darating pa sa'yo na jackpot!"
Mahina kong sinabunutan ang buhok nito.
"A-aray ko naman! Masakit iyon, Zi!" Reklamo nito at masama akong tinignan.
"G*ga ka, anong pinagsasabi mo riyan?"
Masama padin ako nitong tinignan habang nakahawak sa buhok nito na sinabunutan ko. Mahina lang naman. Kung makaarte itong isang ito, daig pa talaga sinabunutan na gamit mag asawa.
"Kung ayaw mo maniwala, maghintay ka. Tse!"
Napataas ang kilay ko ng naglakwatsa ito palabas. Binati siya ni Manong Biboy ngunit hindi pinansin.
Umiling ako at saglit na huminto kay Manong.
"Pasensya kana, Manong..umandar na naman uli ang kabaliwan ni Donalyn!" Napakamot ako sa ulo habang sinasabi iyon.
Nakakahiya kapag talaga ang babaeng `yun!
"Okay lang naman po Ma'am! Parang hindi na bago, noon paman ganyan na si Ma'am Dona kapag galit." Natatawang pahayag ni Manong.
Tumawa ako ng mahina. "Pasensya na po talaga ulit, Manong."
"Wala `yun Ma'am! Wag kana pong magsabi ng pasensya. Wala po talaga `yun."
Ngumiti ako kay Manong at nagpaalam na para sundan si Donalyn. Alam kung umalis iyon at unang naglakad papunta sa coffee shop. Iniwan ba naman ako!
Hanggang sa nakarating ako mula sa coffee shop. Muli namang tumaas ang bahagi ng kilay ko.
"Ang br*hang ito.." Napabulong ako sa sarili.
Nasa dulo lang naman si Donalyn at malayang kumakain. Mula rito sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko lahat ng mga pinamili nito. Halos mapuno na ang table sa maraming dessert na binili.
Naglakad ako papunta sa gawi niya. Walang pagdadalawang isip na hinampas ko ng mahina ang table.
"Anak ka ng pating!"
Ngumiti ako ng pilit. "Ang ganda ng mood mo, ha? Ikaw na nga ang nag-aya tas iiwan mo ako."
Naging himig pilosopo ang boses ko rito. Nagbago ang reaksyon sa mukha ni Donalyn ng makita ako. Awkward itong ngumiti na para bang takot sa nangyari.
"A-ah..e-eh..A-alam mo, Zi? Umupo kana m-muna!" Tarantang anito sabay hila sakin paupo. "Hindi naman! Haha, kakaiba ka talaga mag-isip. Of course, I buy these all for us kasi! Hinihintay kaya kita."
Matunog akong ngumisi.
"Ang bilis mag bago ng mood." Malamig kong wika.
Alam kong rinig niya `yun. Nakakarampo naman kasi. Siya mismo ang mag-aayang aalis tas iiwan ang kasama? Aba, mali naman talaga ang ganon.
Lumapit ito sakin at umupo katabi ko. Sabay pulupot ng mga braso sakin.
"Zi naman! Wag kanang mag tampo sakin..sorry na!" Naglalambing anito.
"Pwedi ba? Bumalik ka sa pwesto mo!" Awat ko.
Umiling ito at mas lalong sumiksik sakin!
"Ayoko nga. Hindi ako aalis dito hanggat di ko nakikita yung ngiti mo." Ngumuso ito sakin.
Bumuntong hininga ako. Nakakahiya. Pinagtitinginan kami ng mga taong narito sa loob ng coffee shop. Hinawakan ko ang magkabilang balikat ni Donalyn para ilayo sakin upang ngitian ko lang.
"Okay na, okay na. Pwedi ka na bang tumigil? Kung hindi nanggigigil ako sa'yo, Donalyn." Ngumiti ako na kagat pa ang ibabang labi. "Ngayon..bumalik kana sa pwesto mo at kumain uli. Kung ayaw mong layasan kita dito mag-isa."
Humalikhik siya ng mahina at mabilis na lumipat sa kabilang pwesto.
"Kumain kana, Zi! Nandyan ang paborito mong chocolate cake! In-order ko talaga `yan para sa'yo." Prenesinta ni Donalyn ang cake sa gilid. Kinuha niya pa ito upang ilagay sa harapan ko.
"Coffee ang gusto ko," Lintaya ko rito.
Nataranta pa siya na nakatingin sakin. "A-ah coffee pala! Saglit lang!"
Tinawag ni Donalyn ang waiter. Habang ako ay nakatingin lang sa kanya.
Lumapit ang waiter at dumungaw para malaman kung ano ang sasabihin ni Donalyn.
"Ano po `yun, Ma'am?"
Tumingin sakin si Donalyn. "Anong coffee ba?"
Napailing nalang ako, saka bumaling sakin ang waiter.
"Cappuccino Coffee, Please."
Tumango ang waiter at yumuko pa.
"Yes, Ma'am."
Tumango nalang din ako at sinilip ang nasa harapan ko. Ngayon ay kumakain na ito ng ice cream. Minsan ay nahuhuli ko pa talaga itong napapatingin sakin.
Kalaunan ay napatigil si Donalyn. Sabay tingin sakin na nakangiti ng nahihiya. Ano bang meron sa isang ito ngayon?
Tinaasan ko siya ng isang kilay.
Bumuka ang labi nito ngunit walang lumabas na salita.
"Ano?" Takang tanong ko.
Mukha talaga siya'ng timang sa ganitong paraan. Ako na mismo nagsasabi. Hindi sa inaano ko ito pero totoo naman talaga lahat. Bakit naging awkward ito.
Nakakailang iling na ako sa araw na `to. Ibinaba ko nalang ang paningin para makaiwas kay Donalyn na mukhang umandar uli ang saltik.
Pinaglaruan ko ang kuko. Tinignan ko narin baka may naputol at natanggal na kulay. Magpa-manicure nadin ako kapag may time.
Sa wakas, dumating nadin ang order kong coffee. Tahimik lang akong uminom at kumakain ng chocolate cake.
"Zi?"
Napaangat ang tingin ko ng tinawag ni Donalyn.
"Bakit?" Sagot ko sa kanya.
Nakatingin ito sa likuran ko. Nagtataka ako doon. Kanina pa ako nag e-enjoy sa pagkain at pagtingin nadin sa kuko, may tinuturo na pala sa likuran ko ang katabi.
"Bakit nga?" Muli kong sabi ng inunguso nito ang nasa likuran ko.
Akmang lilingunin ko na kung sino ba ang nginunguso ni Donalyn. Subalit agad akong napatigil ng ma familiar-an ang amoy ng perfume.
Napapikit ako ng mariin. Don't tell me..nandito na naman siya?
Kinabahan ako bigla. Nang may inilapag na anong dessert sa tabi ko ay huli na ang lahat.
"Strawberry cake for you, Miss."
Nakagat ko ang labi. Napatingin nadin ako sa ibang direksyon!
Bakit ngayong araw na naman na mag kita ang landas namin? Ano ba talagang nangyayari sa buhay ko!
Ayun ang nagtatakang tingin ng kasama ko. Kanina lang ay naging awkward ang kanyang kinikilos ngunit ng dumating ang stranger ay nagbago uli ang mood.
"Miss?"
Inipon ko ang buong lakas. Ayaw kong ipapahalata ang nangyayari sa buong pagkatao ko.
Hinarap ko ang lalaking ngayon nakatayo na sa gitna namin. Nakangiti ito sakin ng malawak.
Lumabas ang maliit na biloy sa mata nito at sa gilid banda sa pisngi. He wear a black hat. Binaliktad pa ang pag lagay. He even wear a simple t-shirt and black jacket na para bang..galing sa okay-okay. But still, bawi naman ang mamahaling perfume sa buong katawan though he looks totally normal.
Ngumiti ako ng maliit. Ayoko maging rude sa isang tao. Yun ang unang tinuro sakin ng Mama ko.
"Hi, Sir. Sorry to say po..allergy po ako dito," Tinuro ko ang strawberry cake na nilatag nito sakin.
Nang masilayan ang mukha ay napalitan ito ng gulat.
"A-ah! Sorry, Miss. Kukunin ko nalang!" Gulat paring anito na akmang kukunin ang binili ay pinigilan ko nalang.
"Wait! Ilagay mo nalang dito. Thanks for this, Sir." Kinuha ko nalang ang binili nito at inilagay sa gilid ko.
Mataman ako nitong tinignan. Kumunot pa ang noo niya.
"Okay lang ba? Sabi mo.. allergy ka sa Strawberry cake. Bibili nalang ako ng bago!"
Akmang kukunin niya uli sakin ng umiling ako at mas inilayo sa kanya.
"Okay lang. And also, wag na. Salamat nalang dito, Sir."
He sighed deeply. Tinignan pa ako nito at ngumiti sakin.
Inilahat nito ang kamay habang nakakamot sa gilid ang isang kamay nito.
"Siya nga pala, salamat sa tulong mo sakin, Miss." Sincere nitong sabi sakin habang nakalahad padin ang kamay. "Nga pala, ako si Henry Torrent. Ikaw anong pangalan mo, Miss?"
Lumunok ako at nagdadalawang isip na tanggapin ang kamay nito. Isa lang naman itong unknown man na nakilala ko mula sa bus at ngayon sa coffee shop. May pagkakataon pa bang mauulit muli?
Iba ang sinisigaw ng isip ko kaya itinaas ko ang isang kamay para tanggapin ang sa kanya.
"Ziah Santillan. Zi for short, yan ang pangalan ko."

Komentar Buku (59)

  • avatar
    ప్రిన్సెస్ జామ్

    😘😘

    2d

      0
  • avatar
    RemolanoCyril john

    this story is about rain and bus

    8d

      0
  • avatar
    Layma PJinky

    jgekhrnvbenwnfgrnhevehsjdydjjdjdydjdhejeuej do ejejeujeheuejejdjeuddjejhejevejekekeieusuhehgrhejdjdjsjsyeheheuszuzudjejehejsududjdhdhdydhdhfvdjdjdjjdhdjdjdhdhehdhdydhdjdhbejwjeejje in the speaker 🔇🔇 at the speaker and clearskin to the speaker napaka clean and skin community for po ako hehe I love the spirit 😁 at the speaker and how po Sana Khan and skin ni bnso bkas PG pasok po ba ang pasok po ba ang pasok po ba ang pasok ko na po ang yellow and skin care products are sold as pair of teng SAN

    22d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru