logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 7

TIMTARA
NANG MAGISING mula sa pagkakatuliro ay natatarantang itinukod ko agad ang aking mga braso sa kaniya upang ilayo ang aking katawan sa walang muwang na si Nightwind. Huli na nang mapagtanto kong nahubad pala ang tuwalyang nakatapis sa akin kaya naka-display ang dibdib ko kay Nightwind. “Waah! Bakit ba ang malas ko ngayong araw? What is wrong with me?” inis na sambit ko nang maalala ko si Nightwind na baka nakita niya ang mga pinaggagawa ko sa kaniya. Kanina, sexual harassment, ngayon naman ay nagboborles na ako, waah! Ayoko na, nakakahiya!
Please don’t wake up! Piping dalangin ko na tila nabasag nang marinig ko ang kaniyang paos na boses. Of course, my wish will not be granted. “I didn’t know that seducing can be this aggressive.” Nasa aking mga mata nakatutok ang kaniyang mga mata habang marahan siyang bumabangon sabay takip ng kumot niya sa harapan ng katawan ko.
Nag-iinit ang aking mga buong mukha sa hiya at inis pero nanunubig ang aking mata dahil gusto kong umiyak at ibaon ang aking sarili sa ilalim ng lupa. Nakatabon sa aking mukha pababa sa aking katawan ang kumot ni Nightwind habang nakaupo pa rin ako sa kama. Nakaupo rin siya sa kama at hindi rin gumagalaw na para bang hindi niya alam kung paano ako kukonsolahin.
“You don’t need to cry, I’ve seen a lot of breasts anyway.”
Sa kaniyang sinabi ay mas pumalahaw ako ng iyak. Ibig niyang sabihin, hindi dapat ako umiyak kasi hindi worth it tingnan ang boobs ko?
“Oh fuck, I meant that your naked body is not our concern today. Besides, nude women don’t turn me on since then. Rest assured that your virtue is safe with me.”
Napahinto ako sa kakaiyak dahil may narinig akong ibang tono mula sa kaniya, isang lumbay na hindi ko maipaliwanag. Sinilip ko siya mula sa pagkakatago sa kumot, hindi siya nakatingin sa akin kundi sa kabilang direksyon. Napansin ko ang panglaw sa kaniyang mga mata na para bang may inaalala siya.
Teka, isasawalang bahala ko ba na aksidente ko siyang nahalikan? Sa ilalim ng kumot ay napahawak ako sa labi ko. My first kiss is gone just like that.
Pero baka hindi niya naalala kasi binabangungot siya kanina, eh. Hindi rin naman matagal ang pagkakalapat ng mga labi namin. Naalala ko ang pakiramdam, ang lambot at ang dulot nitong kabog sa aking dibdib. Namula na naman ang aking mukha kaya nagtulukbong na naman ako.
Sa buong buhay ko, unang beses ko ‘tong naramdaman. Sure, I experienced a lot of groundbreaking moments but I never felt my chest tighten so much like I have heart disease. Pero, pwede namang dahil sa stress kaya ako nagkakaganito. Isinawalang bahala ko na lang ang aking pakiramdam at piniling huwag ng ungkatin ang accidental kiss na iyon.
I remembered Nightwind having a nightmare. He’s muttering a name repeatedly. Is she the reason why he’s so cold towards the world? Is she so toxic that by remembering her would cause a nightmare to him?
Ang dami kong tanong pero hindi naman kami close ni Nightwind kaya hindi ko na lang binuka ang aking bibig. I am afraid that if I pry, he’ll withdraw from me even more. I can’t afford that.
“When do you plan to get dressed?” biglang tanong niya sa kawalan. Sinilip ko siya ulit at nakatingin na siya sa akin. Isang alangang ngiti ang binigay ko sa kaniya.
“Talikod ka muna.”
Agad naman siyang tumalima matapos tila iritang bumuntong-hininga kaya mabilis ang mga galaw na pumunta ako ng CR, sinigurado ko ring nadampot ko ang aking bra. For sure, isa ang araw na ito sa pinaka-hindi ko malilimutang araw sa buong buhay ko, promise.
NANG NASA labas na kami ng motel ay naglakad-lakad muna kami. Kampante akong naglalakad sa labas dahil natatabunan ng mga hood ng suot namin ang aming mukha at idagdag pang maluwang ang jacket at naka-pajama kami, hindi talaga kami halata. Note the sarcasm.
Hindi rin namin nalabhan ang mga RTW na mga damit kaya may amoy pa talaga ang damit namin, hindi naman siya mabaho pero hindi rin naman siya kaaya-aya sa ilong. “Where are we going now?”
“Nowhere in particular.” Una siyang naglalakad sa akin at prenteng nakasuot ng sunglass kahit na para siyang rapper sa kaniyang suot.
Tumakbo ako palapit sa kaniya para magkasabay kami ng paglakad nang biglang may tumatahol na aso ang patakbo naman sa akin mula sa harapan. Ako lang talaga ang tinatahulan nito sa dami ng tao sa lugar. Nanlalaki ang mga matang tumakbo ako papuntang park sa takot na mahabol ako ng St. Bernard na aso.
“Hooy! Send help!” Tumatakbo at sigaw ko kay Nightwind.
“Make it stop!”
“Hey! Make it stop!”
Paikot-ikot lang kami sa park. Unti-unting humihina ang pagtakbo dahil hindi naman talaga ako sporty na tao. Ninety-nine point nine percent ng oras ko ay nasa loob ng laboratory lang. Ayaw ko rin sa subject na PE noong high school pa lamang ako. Ang mga tao naman na dinadaanan ko ay tumatawa lamang dahil akala nila ay naglalaro lamang kami. Kung alam lang nila!
May pambatang slide akong nakita na walang tao kaya doon ang tinahak ko. Plano kong umakyat para hindi ako makagat ng aso. Hindi ko na talaga kayang tumakbo pa kaya laking gulat ko na lang nang parang isang mabilis na anino na pumantay sa takbo ko si Nightwind. Hinapit niya ang beywang ko at parang ang dali lang na tinalon niya mula sa lupa papunta sa tuktok ng slide. Ano ba ‘tong lalaking ‘to, ninja?
Mahigpit akong nakayakap lang sa leeg niya habang hinahabol ang hininga ko. ”You alright?”
Nakakarga pa rin ako sa kaniya kaya malapit lamang ang mukha namin. Amoy ko ang kaniyang hiningang amoy mint.
“You alright?” ulit niya, this time, nakatutok na ako sa mga mata niya. Lunod na lunod ako sa mga mata niyang kulay tsokalate kaya ang tanging sagot ko lang ay isang nakamaang na tango.
“Next time, don’t wander where I can’t see you.”
“Why? Because it is hard for you to protect me?”
“No, because ̶ forget it.” Hinatak na niya ako palayo sa lugar na iyon pero nanatili akong nakanganga. Huh? Ano raw?
TIMTARA
ANG PAPALAYONG pigura ni Nightwind ang tinitigan ko bago siya nawala sa aking paningin upang mag-order ng hapunan namin dito sa isang kilalang fast food chain sa labas ng Realm. Nasa pinakamalayong bahagi kami at pinakatago para iwas atensyon at hindi madaling marinig ang aming pag-uusapan.
“Mind if I join you for a second?” Isang magandang boses ng isang lalaki ang nagsalita. Mula sa pagkakayuko ay tiningnan ko kung sino ang nagsalita. Nasa harap ko ang isang lalaking mala-anghel yata ang mukha. Matangkad, medyo kulot pero malambot ang tsokolateng buhok, magagandang singkit na mga mata na pinapalibutan ng malalantik na pilikmata, makapal na kilay, matangos na ilong, mga biloy sa magkabilang pisngi, at manipis na labi. Wow, ang gandang lalaki naman nito.
Naaaliw na tumikhim siya at ngumiti sa akin. Namula naman ang aking mga pisngi at pasimpleng inayos ang aking buhok. Huling-huli ang paglalaway ko, hay.
“Sure, you can. My friend is still in the counter, though.” Nilingon ko si Nightwind at malapit na siyang umabot sa counter para mag-order.
Tanging coffee float lang ang bitbit ng taong anghel nang umupo siya at isang maliit na notebook na mukhang luma na. Curious ako sa kaniya sa hindi maipaliwanag na dahilan kaya nakatingin lang ako sa kaniyang maamong mukha. Nang magtaas siya bigla ng tingin ay nahuli niyang nakatingin lang ako sa kaniya kaya pareho kaming ngumiti.
“Your friend that you’re waiting, is he important to you?”
“Huh?” nabiglang sagot ko sa ‘di inaasahang tanong niya. Hindi na siya nagbabasa at nakatingin lang sa akin ang nakangiti niyang anyo habang sumisimsim ng coffee float. Aba, feeling close siya, ah?
“Nevermind, I know he is. Ganiyan talaga si Gerard, he has ways to a woman’s heart.”
Ano’ng pinagsasasabi nito? Is he on drugs? Sayang, gwapo pa naman. Pilit ang ngiti na sumagot ako, ”His name is not Gerard.” It’s Nightwind, gusto kong idugtong pero ayaw kong mabuking kami, baka may nakikinig sa amin na mga kalaban.
Genuine shock itched on his face and then pity took over – which I hate. What’s with the pitiful gaze directed to me? “He did not tell you his real name? Nightwind’s real name is Gerard Hudson. Oh, I thought you’re close. It seems that my assumptions are quite wrong, I apologize.” Ngumiti siya na puno ng paumanhin habang ako naman ay natigagal sa dalawang rason.
Una, kilala niya na si Nightwind ang kasama ko. At ikalawa, may alam siya sa Realm. Unti-unting dumadaloy ang kaba sa aking sistema. Sinulyapan ko ang counter, si Nightwind ang kausap ng cashier kaya hindi siya napalingon sa akin.
Everything about this scene screams danger! Pinagpapawisan nang malamig ang mga palad ko at alerto na ako sa paligid.
“Relax, I’m not one of those who are chasing you both. I’m Gerard’s friend. Actually, I am both a very close friend of Gerard and Carol.”
Carol? Ito ang pangalan na napanaginipan ni Nightwind kagabi. Ang dami kong tanong kagabi at kanina pero ayaw kong magtanong kay Nightwind dahil alam kong personal na bagay ang itatanong ko at hindi kami close. Pero, nasa harap ko ang pwedeng maging kasagutan sa aking mga tanong. Pati sa tanong na kung sino ang paggagamitan ng Realm ng Apohixen.
“Who are you?” My voice dripped with uncertainty and fear as I stared at his smiling mask.
“Me? I’m just a traveler, who came here to give you this.” Inabot niya ang maliit na notebook sa akin. Ang mabini niyang ngiti ay hindi mawala-wala.
“If you don’t want to involve yourself any further to Nightwind, then give this to him and tell him that Alexander sent this to him. But if you want to know the enterity of Nightwind, then keep this notebook without him knowing about this being in your possession and about our meeting.”
Kumindat siya sa akin bago parang wala lang na umalis sa aking harapan, tangan niya ang tray. Timing naman na papunta na sa akin si Nightwind at bago ko pa maunawaan ang aking sarili ay nasa bulsa na ng aking pajama ang maliit na notebook.
“We are never going back to this place. I had to spend so much time away from you just by getting these damn foods,” inis na inis siya habang nilalapag ang mga pagkain namin mula sa tray. Ako naman ay nakatingin lang sa kaniya habang inaalala ang sinabi ng lalaki kanina.
Sino nga ba ang lalaking pinagkakatiwalaan ko? Dapat ko ba siyang pagkatiwalaan? Sino ang lalaking lumapit kanina? Sa ginawa ko bang pagtago ng notebook ay sinasabi ko na rin na hindi ko pinagkakatiwalaan si Nightwind? Tama ba ang ginagawa kong pagtago sa nangyari kanina?
“You alright? It’s like you’ve seen a ghost.” Napansin niya ang pananahimik ko kaya mabilis niyang sinuyod ang nakapalibot na tao sa amin at doon lang siya nag-relax nang wala siyang nasagap na kalaban. Kung alam mo lang, Nightwind, nakaupo siya kanina riyan sa inuupuan mo ngayon.
“Nothing, let’s eat.” Pinasigla ko ang aking boses upang hindi niya mahalatang mayroon akong tinatago sa kanya. I just hope that I am doing the right thing.
“I received a cryptic message from Deathstalker. We can now go back to the Realm. The queen wants to talk with us,” imporma niya sa akin.
“Really? The people chasing us are gone?” Biglang nag-iba ang aking mood. Maaari ko nang balikan ang laboratory. Miss na miss ko na ang laboratory at ang amoy ng mga mixed vials. Miss ko na rin si Atlas.
“They will never be gone, doctor. As long as you have your head attached to your shoulder, there will always be a threat for your safety.”
“Ang brutal mo naman. I am easy to protect, I can stick by your hip forever!” bulalas ko at huli na nang maunawaan ko ang ibig sabihin ng aking sinabi. “I-I mean I am always in the lab so I am kind of easy to protect, that’s what I mean.” bawi ko sa kaniya dahil nakataas na naman ang kilay niya sa akin.
“I gave you my word. I will protect you until I send you back to your home, Tara.”
Home, huh? Wait, wait, wait! Did he just gave me a nickname?

Komentar Buku (28)

  • avatar
    Angelo Sarong

    this is good for practicing on reading

    03/08

      0
  • avatar
    Camilia Damian

    hhhhhh

    30/06

      0
  • avatar
    Kamarudin Sambolawan

    Mr Sambolawan

    25/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru