logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 6

TIMTARA
MATAPOS KONG mag-breakdown kanina ay naging napakatahimik ng sasakyan. Mabilis akong nagmaneho pabalik sa syudad at nagtingin-tingin sa daan kung may pharmacy ba kaming nadaanan. Sa pangatlo kong ikot ay may nakita na akong pharmacy, nilingon ko muna si Nightwind bago lumabas ng kotse. Hindi na ako nagsalita at basta na lamang umalis, sa tingin ko naman ay hindi kami sinusundan ng kalaban.
It’s really risky to use my credit card pero wala akong pera kaya no choice ako. Nang mabili ko na ang lahat ng mga kailangan ay mabilis akong nagbalik sa sasakyan. Kahit na naka-focus lang ako sa mga vaccines at viruses ay may medical background pa rin naman ako sa mga basics. Hindi malala ang tama ni Nightwind, isa sa binti at isa sa balikat, pero kalaban pa rin namin ang oras dahil nakakamatay ang infection at blood loss.
Doon ako gumarahe sa isang parking space malapit sa isang burol at isang kid’s park. Tinapik ko si Nightwind na siyang sinagot lamang niya ng isang mababang ungot at mabilis na inilagay ang lahat ng gamit sa dashboard. Nagmulat siya ng mga mata at tiningnan ako. Kanina pa siya ganito – tahimik na tila may malalim na iniisip.
“Get angry with me, fine, but do it later. Let’s treat your wound first, please,” pagsusumamo ko sa kaniya. Matapos ang ilang segundo na nakatingin lang siya sa akin ay nakaramdam na ako ng awkwardness at pakiramdam ko ay hindi siya susunod sa akin, kaya laking gulat ko na lang nang nakakaunawang tumango siya. Binaling niya ang kaniyang mga mata sa labas ng bintana at tinanggal ang kaniyang jacket at shirt. Nilukot niya rin ang pantalon sa may bandang sugat niya. Nakahinga ako nang maluwag nang makumpirma kong hindi nga malala ang tama niya. Good, no major arteries involved.
Nilinis ko muna ang mga sugat niya at inuna ko ang sa balikat bago ang sa binti. Bawat dampi ng cotton ball sa sugat ni Nightwind ay nanginginig ang kamay ko, sa takot o sa kung ano pang hindi malaman na dahilan ay hindi ko na talaga alam. Hindi rin ako makatingin nang maayos sa kaniya, siguro sa hiya na nabaril siya dahil sa akin at sa sudden outburst ko kanina. Hay, ang drama ko talaga kanina.
“You’re shaking,” puna niya sa akin.
Malamang. Pero imbis na pilosopohin siya ay sinagot ko na lamang siya nang maayos. I just want to go back to my lab. “You’re right, captain obvious. Don’t ask me why, I don’t even know,” sagot ko sa kaniya sabay tawa na parang may nakakatawa.
Hindi na siya nagsalita, pero imbis na sa labas siya nakatingin ay sa akin na siya nakatitig ulit, alam ko, dahil ramdam na ramdam ko ito. Na-i-imagine ko na ang dami niyang iniisip at ina-analyze habang nakatingin sa akin kaya sinita ko na siya.
“Will you stop that? I can practically hear your gears turning in your mind!” Napaigtad siya sa biglaan kong pagsigaw at nang bumaling na ako sa kaniya ay namimilog ang kaniyang mga mata na tila shock na shock siya sa pagsigaw ko.
“Aw!” daing niya nang hindi sinasadyang nadiin ko ang cotton ball na may betadine sa sugat niya at biglang nagdugo.
“Oh my, I am so sorry, Nightwind.” Nilagyan ko na agad ng gauze ang kaniyang mga sugat at nilagyan ito ng plaster para may pressure at hindi na dumugo habang hindi ko pa siya nadadala sa hospital o clinic.
“We have to go back. We need to get the bullets out of your body to stitch you up.” Akmang magdadrive na ako nang bigla niyang inapakan ang breaks kasama ang paa ko.
“Ouch! Are you getting back at me?” Naiinis na ako sa nangyayari. I feel so useless and I hate being a damsel!
“Pwede ba?! Listen well. You are not safe at the palace for the moment.”
Laglag panga na nakatingin lang ako sa kaniya. “Why?” Akala ko ba safest place ito para sa akin? Ay teka, tama ba ang narinig ko?
Tila nabasa naman niya ang aking isipan. “I-I know that we told you that you’re safest here. Well, unlike in your mini apartment it is surely safer here in the Realm. What?” inis na gagad niya sa akin nang mapansin niya ang pagkatuliro ko habang nakamaang lang sa kaniya.
Doon lang ako napakurap. “Marunong kang magtagalog?”
“Huh?”
“I said, you know how to speak tagalong all along!”
“That’s what you’re concern about?” Hindi makapaniwalang tinitigan niya lang ako na ikinangiti ko lang. Ang dami ko pa palang hindi alam sa kaniya. He never tells me anything, except his name.
“Anyway, if I am not safe in the palace, where are we staying?”
“We’re going out of the Realm.”
Bakit biglang nagbago? Ano ba ang nangyayari?
“You are safe here. You are safer when you are with a Phoenix member. You are safest with me because I am a member of Phoenix and when we pledge something, we stake our lives with it.”
Ayan na naman sa buwisan ng buhay, eh. Ayoko talaga sa mga ganitong usapan kaya sumang-ayon na lamang ako. “Okay, then I’m gonna take you to the nearest hospital outside the Realm.” Puno ng pinalidad ang boses ko at pinaharurot na ang sasakyan papunta sa exit highway ng Realm. Hindi ko alam, pero sa sinabi ni Nightwind ay naging kampante ako kahit na hindi ko alam ang susunod na mangyayari.
I decided that from here on, I will live my life one-quarter mile at a time. And somehow, in the deepest part of me, I wish for Nightwind to be by my side as I live that life.
GERARD
PINILIT KONG tumayo nang maayos kahit na sugatan ako dahil nakabantay ako sa makulit na doktorang nagpumilit na bumili kami ng damit sa isang RTW store. Noong una ay gusto ng doktora na sa mall kami mamili, buti na lang at napigilan ko siya kundi, baka nahanap na kami ng kalaban.
Nasa kabilang aisle ako at kunwaring namimili ng damit habang nakamasid lang sa pakanta-kantang doktora na namimili ng damit. I can’t believe her. We got chased by armed men, got bullets rained on us, and got me shot in front of her yet she still acted like nothing happened as if the universe is full of unicorns and rainbows.
I can’t stand people like her.
Hindi ko alam kung ano ang meron sa kaniyang mga mata pero sa kaniyang mga mata lang ang may kulay sa buong mundo ko ngayon. And I mean it in a literal way. Ang mukha niya, ang kabuoan niya, lahat ng ito ay kulay gray. Ang kamay ko, pati repleksyon ko sa salamin, at ang aking kapaligiran ay kulay gray din. Kulay gray ang buong pananaw ko sa mundo, isang kulay na nakakawalang gana sa maraming bagay. Everything is so cold and dead in my perspective except those eyes.
The pair of eyes whom I hate to see with tears. I want it to be vibrant and full of life to compensate for the dullness that surrounds me.
TIMTARA
NAKAKUHA KAMI ng isang cheap yet comfy motel malapit lang sa RTW store na aming binilhan kanina. Dahil matigas ang ulo ng isang kasama ko na kanina pa ako hindi kinikibo ay siya lang ang nagtanggal ng mga bala sa kaniyang katawan at siya na rin ang nagtahi gamit ng ilang bagay na pinabili niya sa botika sa baba ng motel.
Mayroong TV ang silid kaya kanina ko pa inaangkin ang remote control, pero wala naman siyang pakialam dahil palagi siyang sumisilip sa labas ng bintana habang nakatago sa mga kurtina ng silid.
Lakas naman maka-James Bond nito.
“Are there any words from the Realm?” pagbasag ko sa katahimikan. Matutuyuan ako ng laway kapag kasama ko ‘to palagi, eh.
“None so far,” maikli niyang sagot habang nakatingin pa rin sa labas na para bang may hinihintay siyang makita. Alam ko namang ang kalaban ang hinahanap niya, pero isipin naman niya ang kaniyang sarili. He just got shot, twice!
“Will you just sit down? Baka nakalimutan mong katatahi mo palang sa sugat mo?”
Napahinto siya mula sa kaniyang pagmamasid at napatingin sa akin nang may interes. “I am not really used to hear you speaking Tagalog.”
I rolled my eyes with his reply. Hay, iyon lang pala. “Nightwind, sit down, please.”
Nilapitan ko na siya para malaman niyang seryoso ako pero parang walang narinig na tumingin lang siya ulit sa labas. Dahil sa inis ay sinipa ko siya nang malakas pero bago pa man lumapat ang paa ko sa kaniyang likuran ay nahawakan na niya ito at napaikot niya ako sa isang iglap lang. Woah! Talk about some moves!
Ang isa niyang kamay ay nakahawak sa kamay kong pinilipit niya habang ang likuran ko ay nakaharap sa kaniya. Sisikuhin ko na sana siya ulit nang maagapan niya rin ito. Malapit sa tainga ko ang kaniyang hininga kaya rinig na rinig ko ang mahina pero naaaliw niyang mahinang tawa.
Aba’t marunong palang tumawa ang isang ‘to? “Let me go, you moron!”
Kahit anong pilit kong makatakas sa hawak niya ay hindi ko talaga kaya. Mahigpit ang hawak niya pero hindi naman ako nasasaktan. Hindi nga lang ako kumportable dahil ang lapit-lapit ko sa kaniya. Isang mahinang tulak ni Nightwind ang nakapagpahiwalay sa aming mga katawan kaya nakahinga na rin ako nang maluwag.
BUONG GABI akong halos hindi makatulog kaya nang makita ko ang aking repleksyon sa salamin ng CR ay hindi na ako nagtaka kung bakit mukhang panda na ako dahil sa laki ng aking mga eyebags. Dahil kasi dinibdib ni Nightwind ang pagbabantay sa akin ay hindi kami naghiwalay ng sleeping arrangement. Noong una ay inakala kong ako sa kama at siya sa sofa o siya sa kama at ako sa sofa, pero laking joke time ko nang tumabi siya sa akin sa kama na parang wala lang ang ginawa niya. Tigagal ako sa ginawa niya pero sinabihan niya lang ako na mas maproprotektahan niya ako kapag mas malapit ako.
Kaya heto ako ngayong umaga, kahit bagong ligo ay mukhang haggard pa rin. Akmang magbibihis na ako ng underwear nang mapansin kong hindi ko nadala ang aking bra. Mukhang naiwan ko itong nakatupi sa upuan na nasa labas ng CR. “Ay, naloko na!”
Dahil alam kong tulog pa siya ay balewala akong naglakad nang nakatapis lang sa labas ng CR. At tama nga ang hinala ko na tulog pa siya. Mabilis kong dinampot ang bra at mabilis na nagtungo pabalik sa CR nang biglang may kumalampag.
Nang lingunin ko ito ay si Nightwind pala na tila binabangungot. Nagpabaling-baling ang kaniyang ulo at pinagpapawisan siya. May binubulong siya kaya nilapitan ko ito. Nang makalapit ay niyugyog ko ang kaniyang balikat at doon ako napahinto.
Sa aking harapan ay ang umiiyak at umuungol na Nightwind. Bakas ang pighati sa kaniyang hitsura. Ito ang pinakamahina niyang imahe na ngayon ko lang nasaksihan. Sanay kasi akong malakas siya at palaging walang emosyon. At ngayon, heto na, punong-puno ng emosyon habang sinasambit ang isang salita.
“Carol,” nguyngoy niya nang paulit-ulit na tila isa siyang batang paslit na iniwan ng ina. “Carol, don’t leave me, please. I am so lonely.” Hindi ko alam pero nagbabadya ring tumulo ang aking mga luha, gusto ko siyang yakapin kaya yumuko ako mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama upang yakapin ang kaniyang nanginginig na katawan.
Huli na nang mapansin ko ang basang sahig kaya nang yumuko ako sa kama ay biglang nawalan ako ng panimbang. “Holy cow!” impit na tili ko bago mawalan ng balanse. Tila nag slow motion ang lahat mula sa pagkakatanggal ng tuwalya hanggang sa paglanding ko sa katawan ni Nightwind na sana ay aking yayakapin.
Dilat na dilat ang aking mga mata pati sa puntong naramdaman ko ang kaniyang malambot na labi. Saktong-sakto ang labi ko sa nanginginig niyang labi habang nanigas naman ang aking mga kamay na hindi ko alam kung saan itutukod o ihahawak.
Hala, porn!

Komentar Buku (28)

  • avatar
    Angelo Sarong

    this is good for practicing on reading

    03/08

      0
  • avatar
    Camilia Damian

    hhhhhh

    30/06

      0
  • avatar
    Kamarudin Sambolawan

    Mr Sambolawan

    25/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru