logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 3

TIMTARA
HUMANTONG KAMI sa isang private airport. May mga lalaking nakasuot ng black suit ang sumalubong sa aming sasakyan pagkarating pa lang namin. Mas naging sabog ang buhok ko, maraming bakas ng bala ang sasakyan namin kaya may bakas nang pagkabahala ang mukha ng mga lalaking sumalubong sa amin.
“What happened, sir?” agad na tanong ng isa kay Nightwind.
“Shit happened,” tanging sagot ni Nightwind bago ako hinatak gamit ang kwelyo ko palapit sa isang private plane.
“Hey! You! Get your hands off me!” inis na utos ko habang pilit na kumakawala sa kaniya pero dahil matangkad siyang tao kaya para lamang akong duwendeng hinahatak niya.
Saka lang niya ako binitawan nang pabalang nang nasa loob na kami ng plane. Inis na inayos ko ang aking damit bago hinarap ang bastos na lalaki.
“You, ungrateful bastard!” duro ko sa kaniya na prenteng nakaupo na ngayon.
“Ungrateful?” O, hindi siya umangal dahil tinawag ko siyang bastard pero dahil tinawag ko siyang ungrateful? Weird.
“Of course! Without me, you will not be alive right at this moment!”
Tama, ako ang nakapagpasabog sa chopper na ‘yon, no, akala nito! Pero tinaasan lamang ako ng kilay ng antipatikong lalaki at pumikit na tila ba iidlip na, nang bigla itong sumagot habang nakapikit.
“I told you what you needed to do, if not for me, you won’t be able to pull that off.”
I can’t believe it! Hindi ako masusuong sa sitwasyong ‘yon kung hindi niya ako dinukot! Ang sarap kutusan nito lalo na at natutulog. Pero alam kong hindi magandang desisyon na sagarin ang pasensya niya. After all, I still don’t know why he captured me. Napagdesisyunan ko na lamang na umupo sa pinakamalayong upuan mula sa kaniya at tulad ni Nightwind, nang lumapat ang likuran ko sa malambot na upuan ay mabilis akong ginupo ng antok.
ISANG TAPIK sa noo ang nakapagpagising sa akin.
“Son of a –”
“We’re here,” pagpuputol ng isang pamilyar na tinig.
Nakalapag na pala ang plane. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog, basta alam kong gutom na gutom na ako na para bang ilang araw akong walang kain. Hindi niya ako ginapos o binusalan man lang nang pababa ng kami ng plane. Mataas na ang sikat ng araw pagkababa ko sa lupa. Agad kong napansin ang nakahilerang mga sasakyan habang may kausap sa phone niya si Nightwind. Mas marami rin ang nagkalat na mga lalaking malalaki ang katawan na nakasuot ng blue suit at may kung anong crest sa kanilang bandang kanang dibdib.
Army ba sila? O private army ng nagpadukot sa akin?
May mga lumapit sa akin na mga naka-unipormeng lalaki at sa bawat hakbang nila sa akin ay mas lumalakas ang kabog ng aking puso dahil sa takot. Nang malapit na sila sa akin, napapikit na lamang ako at napaatras. Takot ako sa kanila, takot na takot, kaya hindi ko maiwasang maging luhaan.
“Ma’am, you will ride with us.” Naramdaman ko ang pagdantay ng kamay niya sa balikat ko kaya tumulo na nang tuluyan ang mga luha ko kahit sa nakapikit na mga mata.
“I will drive for her,” saad ng isang pamilyar na boses sabay pagkawala ng kamay sa aking balikat.
“Yes, sir.”
Sa luhaang mata ay tiningnan ko kung saan nanggaling ang boses na ‘yon. At tama nga, si Nightwind ang kumuha ng kamay ng lalaki mula sa aking balikat. Mabilis na lumapit ako sa kaniya.
“Wipe your tears,” sita niya sa akin nang papasok na kami sa sasakyan niyang isang muscled car.
“Huh? Ah, yes. Thank you, by the way.”
“Don’t get me wrong. I am not your protector, I am way worse than your nightmare. In fact, you are safer with them than staying close to me.”
Natahimik ako sa sinabi niya at hindi na sumagot. Somehow, I felt cold all of a sudden. I realized how true he is. After all, I don’t know him at all.
ILANG ORAS na kaming nagbabyahe. May dalawang sasakyan na nasa unahan namin at tatlo naman ang nasa aming likuran. Daig ko pa ang presidente ng bansa. Mas tumatagal ang byahe, mas nagiging masukal ang paligid hanggang sa may nakita akong isang malaking electronic sign board na may nakasulat na “PRIVATE PROPERTY! DO NOT ENTER!” at may hazard sign pang nakakabit at may ilaw rin itong neon.
Ilang security ang nakita ko sa daan. Sa unang gate ay huminto lahat at isa-isang nag-scan ang mga driver upang makapasok, noong kami na ay hindi kumuha ng ID si Nightwind. Binuksan niya lang ang bintana sa kaniyang gawi at nang makita kung sino ang nasa loob ng sasakyan ay yumuko ang bantay at awtomatikong bumukas ang gate. Nakita ko ring may nakasabit sa gate na “20,000 VOLTS”.
Ganito ang nangyari sa sumunod pang limang gate pero bawat gate ay dumudoble ang lakas ng voltage. Nasaang top secret facility ba ako? May duda na ako kung bakit ako dinukot, siguro may nakatunog sa Apohixen. Pero, paano lumabas ang impormasyon kung si Ma’am Kharm lang ang sinabihan ko?
Ayokong pagdudahan si ma’am, siya lang ang naniwala sa akin sa panahong pinagtawanan ako ng iba.
Naputol ang daloy ng aking pag-iisip nang pumasok kami sa isang malaking tunnel. Naramdaman ko base sa slope ng daan ay pababa nang pababa kami. Is this an underground facility? Matapos ang ilang minutong dilim ay bumulaga sa akin ang isang tanawin na kailanman ay hindi ko naisip na makikita sa buong buhay ko.
Under the ground exists a world I have never seen from the almanac or the Internet.
“Welcome to the Underworld Realm City,” biglang salita ni Nightwind.
Underworld Realm City?
TIMTARA
ISANG SILID ang pinaglagyan sa akin ni Nightwind matapos kaming pumasok sa isang napakalaking gusali, no, more on palasyo ang pinasukan namin. Mas malaki ang silid na ito kumpara sa mini apartment ko sa Moscow. Hindi ko rin alam kung saang parte na ng mundo nila ako dinala, pero base sa mga nakita ko kanina ay parang nasa isang bansa ako na nasa Southeast Asia. I just need to hear their dialect to confirm what country I am staying.
Kanina pa ako hindi mapakali sa loob ng silid. May feminine touch ito dahil sa kulay puti at kulay rosas na mga palamuti at dingding. Nang subukan kong sumilip sa bintana ay wala akong makita kundi ang magandang fountain garden ng isang babaeng anghel.
“Hay, what do they want from me?” Lumapit ako sa pinto at nang buksan ko ito ay naka-lock ito mula sa labas. I’m a prisoner with a nice bed for now. Kinatok ko nang ilang beses ang pinto. “Hey! Let me out please! Nightwind, are you there?”
Walang sumagot kaya napasalampak na lamang ako sa dingding malapit sa pinto. Naiiyak na ako rito, iba’t ibang senaryo ang naiisip ko at walang ni isa do’n na nakapagpagaan ng loob ko, mas lalo lamang akong na-depress. Nasa ganito akong lagay nang biglang bumukas ang pinto.
“What are you doing there?” tanong ni Nightwind sa akin na para bang inaanalisa kung bakit ako nakasalampak sa sahig. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko at agad akong itinayo.
“Let’s go. Someone wants to meet you.”
Hawak ang braso ko ay mabilis ang mga hakbang na dinala niya ako paharap sa isang malaking pinto. Sa sobrang bilis ng lakad niya ay hindi ko na nga na-appreciate ang ganda ng mga paintings sa hallway o ang mga matitikas na sundalong nakatayo sa magkabilang parte ng hallway sa bawat isang metro na distansya.
“Speak formally or your life will be the price,” babala niya sa ‘kin bago tinulak ang double-door type na pinto.
Napapikit ako sa silaw mula sa mga naglalakihang chandelier, ang isa kong braso ang ipinangtakip ko sa aking mga mata habang hawak-hawak naman ni Nightwind ang isa ko pang braso.
“Grabe ka naman makahawak ng braso, close kayo?”
Isang pamilyar na boses ang nagsalita kaya agad kong hinanap ang pinagmulang ng tinig.
Nakatayo malapit sa dalawang upuan na tila nagsisilbing trono ang nakangiting anyo ni Ma’am Kharm. Iba ang kasuotan niya mula sa nakakasanayan kong lab gown at sweatpants. Isang modern cut na kimono ang suot niya. Nasa tabi naman niya si Sir Seeichi na karga-karga ang isang taong gulang na anak nila.
“Ma-ma’am?” impit na sigaw ko nang maalala ko ang bilin ni Nightwind. Inilibot ko pa ang tingin ko at napako ang mga mata ko sa mga nakaupo sa trono na nakamasid lang sa akin. May aliw sa mga mata ng lalaki pero may kung anong kaba akong naramdaman nang tingnan ko sa mata ang babae kaya mabilis akong nagbaba ng tingin.
“Here, leader. Mission complete.” Marahas akong tinulak paharap ni Nightwind sabay bitaw sa mga braso ko kaya napasubsob ako sa sahig buti na lang at napigil ng aking mga kamay ang impact ng mukha ko. Inis na nilingon ko siya.
“You! What’s your problem?” mahina subalit may diin na tanong ko kay Nightwind na nakatayo lamang sa aking likuran. What a gentleman, mind the sarcasm.
“Aish!” inis din na yumuko siya para pigilan ang iba pang sasabihin ko gamit ang kaniyang kamay na itinakip sa bibig ko. “Pardon her manners, leader.”
Mas tumaas ang presyon ko kaya kinagat ko nang ubod lakas ang kaniyang kamay.
“Aw!”
Sa wakas ay binitawan na niya, matalim pa rin ang titig ko sa kaniya at masama rin ang tingin niya sa akin nang biglang may tumawa nang ubod lakas. Kaming dalawa ni Nightwind ay napatingin sa tumatawa. Ang babaeng nakakatakot ang titig pala. Tinaasan ko siya ng kilay habang yumuko naman si Nightwind. Dahil sa kaniyang tawa ay tila naibsan ang namumuong tensyon sa loob ng malaking silid.
“Pardon me, I just don’t expect that.” Tatawa-tawa pa rin siya. Nakita ko namang hindi peke kaya napangiti na rin ako. Nang igala ko ang aking mga mata ay lahat sila ay nakatingin sa amin kaya napaayos ako ng tayo mula sa pagkakasalampak sa sahig.
“Why am I here?” I asked with no bullshit tone at Ma’am Kharm. Tumingin naman siya sa dalawang taong nakaupo sa trono na tila nanghihingi ng permiso. Hmm, kulto ba ‘tong napasukan ko?
“Answer her, Siren.” sagot ng lalaking nakaupo sa trono matapos magkibitbalikat ang babae.
Siren? Sino naman ‘yon? Pero laking gulat ko nang si Ma’am Kharm ang sumagot. “I know you have too many questions running around your pretty little head but please hear us out, we are not the bad guys. We just need you safe. The thing you developed, Apohixen 2.5? That is some dangerous shit. And many will come for that and for your life.” seryosong saad ni Ma’am Kharm o Siren.
“Huh?”
I don’t know whom to trust anymore. I looked at Nightwind, silently asking him if I can trust them but he just lowered his head. I got my answer. I can’t trust them.
“So you’re saying, I’m safe here?”
“The safest. The Phoenix will keep you safe.” Nagsalita ulit ang babaeng nakaupo sa trono. Sino naman ang Phoenix? Ang ibon ba o pangalan ng grupo o tao ‘yon?
Wala akong nagawa kundi ang tumango na lamang. Nang dalhin ako ng mga bantay pabalik sa silid ko ay tahimik lang sa likod si Nightwind. Ako naman ay yakap-yakap ang aking sarili. Nang makapasok na ako sa silid ay walang lingon-lingon na umiyak ako habang nakadapa sa malapad na kama.
Wala akong pake kahit na nasa likod ko si Nightwind na pumasok din pala sa silid ko. Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa maramdaman ko ang paglundo ng kama na tila may umupo malapit sa akin.
Tumikhim siya bago nagsalita. “I promise you, I will bring you back to Moscow. Just, just wait and bear with it. And while you’re here, I will protect you.”
Napatigil ako sa paghikbi dahil sa sensiridad ng kaniyang boses at napatingin sa kaniya. “Promise?”
Sa unang pagkakataon ay napangiti siya, ‘yong ngiting tila naaaliw siya sa ‘kin.
“Damn, I promise.”

Komentar Buku (28)

  • avatar
    Angelo Sarong

    this is good for practicing on reading

    03/08

      0
  • avatar
    Camilia Damian

    hhhhhh

    30/06

      0
  • avatar
    Kamarudin Sambolawan

    Mr Sambolawan

    25/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru