logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 2

TIMTARA
MALAKAS NA singhap sabay pagdilat ng mga mata ko ang aking ginawa nang ako’y magising bigla. Ang inaasahan kong tunog mula sa aking bibig ay mahina lamang ang paglabas, restricted din ang aking galaw at nangangawit ang aking bisig. I’m being held captive! Buti na lang, kahit nakabusal ang aking bibig at nakagapos ang aking mga kamay at paa ay hindi naman tinakpan ang aking mga mata. Hindi rin masyadong mahigpit ang pagkakabusal ng aking bibig. Makakapagsalita ako, pero hindi makakasigaw upang humingi sana ng tulong.
Madilim ang paligid pero may ilaw sa gitna ng kwarto na siyang mayroong mesa na pandalawahan ang laki. May nakatakip na pinggan na kung ano na nasa mesa at may dalawang upuan. May mga crates din sa paligid. Nasa isang warehouse ba ako?
Hindi ko alam kung nasaan ako pero hindi ko makita kung sino man ang dumukot sa akin. Teka, bakit nga ba ako dinukot? Sa pagkakaalam ko ay hindi naman ako mayaman, maliit nga lang ang naiwan sa akin ng mga magulang ko, e. Wala rin akong malaking savings kasi kakatapos ko lang bayaran ‘yong student loan na kinuha ko.
Hmm, wala rin akong nasagasaang tao kasi nasa loob lang naman ako ng laboratory palagi at hindi naman ako palagala na tao. Hay, hindi ko talaga alam!
Sigurado naman akong hindi stalker ang dumukot sa akin, sa mukha ko ba namang ito.
Busy ako kakaisip kung bakit ako napunta sa sitwasyong ito nang biglang may narinig akong tunog ng sapatos at papalapit ito sa akin. Dahil wala sa harap ko, paniguradong nasa likod ko nagmumula ang tunog ng mga yabag.
Ilang beses akong napalunok habang pasimpleng umusal ng panalangin sa Diyos.
Pero ang inaasahang harassment tulad sa aking mga imahenasyon ay hindi dumating kaya napadilat ako. Isang matangkad na pigura ng isang lalaki ang nakaupo malapit sa mesa. Nakataas ang dalawang paa sa mesa at may kung anong tinitingnan mula sa isang folder na kulay asul.
Dahil sa anggulo ay kitang-kita ko siya dahil nasa northeast na bahagi ang mesa mula sa nakatagilid at nakahiga kong katawan. Alam ko ring alam niyang gising ako dahil nahuli ko siyang sumulyap sa akin kanina.
Sa kaalamang hindi niya ako ginagalaw ay nawala ang haka-hakang baka stalker ko siya at ibig sabihin nito ay napag-utusan lang ito na dukutin ako.
Tumikhim ako nang isang beses pero tila walang narinig itong lalaki sa harap ko. Teka, makakaintindi ba ito ng English? Hindi ko maaninag ang mukha nito kahit na nakaharap ako sa nakatagilid nitong pigura. Itim ang hoodie na suot, nakapantalon at naka-high cut converse ito. Basta, ang alam ko lang ay matangkad ito.
Tumikhim ulit ako at doon na talaga siya lumingon sa akin ngunit hindi ko pa rin maaninag ang kaniyang mukha kaya nagsalita agad ako kahit hirap dahil sa busal, “You understand English? E N G L I S H? English?”
“Tsk.”
Huh? ‘Yun lang ang reaction niya sa tanong ko? Hala baka Chinese?
“Ni Hao? Annyeong? Kumusta?”
Still, no response. Behind his hoodie ay nakatingin lang siya sa akin, I can feel it. At parang nararamdaman kong iniinsulto niya ako habang nakatingin lang sa akin at nakataas ang kaniyang mga paa.
Hey! Why do I feel so insulted all of a sudden?
Isang kalampag ang nakapagpatigil sa pagbuka ko ulit ng bibig upang tanungin siya kung bakit niya ito ginagawa. Maski ang lalaking ito ay napalingon din sa pinagmulan ng tunog na iyon. Whoever that one is, he or she is not invited.
Chance ko na ito na makatakas mula sa dumukot sa akin. Kaya sumigaw ako sa abot nang aking makakaya kahit na may busal ang aking bibig. Agad na tumayo ang lalaki at hinila ako patayo kaya napalapit ako sa mukha niya at doon ko tuluyang nasilayan ang mukha na alam kong babago sa takbo ng aking buhay.
GERARD
NAPATIGIL AKO sa plano kong hablutin siya nang mahigpit nang matitigan ko ang kaniyang mata. Akala ko, tulad ng nasa picture niya sa blue folder at katulad ng lahat na nasa paligid ko ay kulay black and white ang makikita ko. Pero huminto ang paghinga ko nang sa kabila ng black and white na aking nakikita ay ang mata niyang kasing asul ng karagatan ang tanging may kulay sa aking paningin.
What the fuck is wrong with my head?
Ang pagkasira ng mga crates ang pumukaw sa akin. Mabilis kong iwinaksi si Dr. Wilson sa aking likuran.
“Stay close to me so I can protect you. Those guys over there, don’t need you alive. I am the only one who needs you alive,” pananakot ko sa kaniya. Hindi siya sumagot pero naramdaman kong humawak siya sa likod ng aking damit.
For some odd unknown reason, my lips twitched with her action. Hindi totoong hindi siya kailangan ng mga ito nang buhay. Tanging ang doktorang ito lamang ang nakakaalam kung paano gumawa ng pangontra mula sa kamatayan, of course we need her alive. She does not cost a dime if she’s dead anyway.
At ang mga goons na nakapalibot sa amin, hindi ko pa sila tukoy pero may ideya na ako kung sino ang nagpadala sa kanila. And for sure, to be so desperate to get her, may nag-aagaw buhay sa side nila o may kamamatay lang though it could be money-related reason as well.
Doctor Wilson is now a beacon of hope to those who resigned their fate to death. Fate, huh, some kind of fate it is then.
Dahil ayaw ng mga kalaban na saktan ang doktora ay paniguradong hindi sila gagamit ng long-range weapons. I heighten my protective instincts within 360 degrees para maprotektahan ko rin ang tuko na kumapit sa likod ko.
Dalawang kalaban ang sabay na umatake sa aking harapan habang may hawak na mga patalim ang mga ito. Nang sabay nilang iwinasiwas ang kanilang mga patalim ay sinalag ko sila ng isang round house kick. Dahil nawalay ng ilang segundo sa akin si Doctor Wilson ay nahablot ito ng isang goon. She fucking shrieked like a banshee. “Help me!” Her muffled screamed echoed.
Damn! That girl can kill an eardrum.
Kinuha ko ang nahulog na patalim at mabilis itong itinapon sa goon na nakahawak sa doktora.
Nang nakita kong parang matutumba ang doktora ay agad ko itong hinila. Kinalagan ko ang tali nito sa paa upang makatakbo siya mula sa mga goons. Naramdaman ko ang nginig ng kaniyang kalamnan. Siguro dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nakasaksi ito ng karahasan.
“You okay?” tanong ko sa kaniya sabay sapo ng kaniyang mga panga at unting pag-alog nito dahil tila nakatanga sa kawalan ang luhaang kulay asul na mata ng doktora.
For some unknown reason, ayaw kong dumilim ang kulay asul niyang mga mata. Wait, what the hell am I blabbering about? Snap out of it, Gerard!
TIMTARA
LUHAAN NA ako sa likod ng sasakyan ng dumukot sa akin. At least, ngayon, wala na ang mga nakatali sa akin mula sa bibig hanggang sa paa ko. Though, wala niisang eksplanasyon sa akin ang lalaki kung bakit niya ako dinukot nang tinanong ko siya kanina, hindi rin niya sinabi kung bakit ako hinahabol ng mga goons na ‘yon.
“Uhm. What’s your name? I can’t keep on naming you as my ‘captor,’ you know,” pagbasag ko sa katahimikan pero kahit sa pagtingin sa salamin sa gawi ko ay hindi niya magawa. Lihim akong napasimangot. Sungit.
“Where are we going, then?” Kahit anong silip ko sa bintana ay hindi talaga ako pamilyar kung nasaan na kami. Magdadalawang araw na simula nang dinukot ako, siguro naman, idineklara na akong missing ni Ma’am Kharm.
Hindi pa rin niya ako sinasagot kaya naging permanente na ang simangot ko, bingi pala ‘to, e. Sayang, gwapo pa naman.
“Damot ng laway nito, a,” bulong ko sa sarili nang biglang huminto ang sasakyang mula sa 60 kph na takbo kaya muntik na akong mapasubsob kung hindi lang sa seatbelt na nakabit ko kanina.
“What is your damn problem?” galit na bulyaw ko sa kaniya sabay baklas ng seatbelt pero ang ulan ng mga bala na tumama sa windshield ang nakapagpayuko sa aming dalawa. “Holy shit!”
“Damn! Stay covered or I swear you’ll die,” galit na utos niya sa akin sabay kabig ng manibela at drift ng sasakyan pabalik sa dinaanan namin. The sound of wheels screeching along with the gun shots resounded everywhere. I covered my head as I muttered curses for whoever I hated since I was young and closed my eyes.
May mga sasakyang humahabol sa amin at pinapaulanan pa rin nila kami ng bala, narinig ko rin ang pagputok ng isang gulong ng aming sinasakyan. Hindi biro ang kabog ng aking dibdib na sinabayan ng pagpapawis ng buo kong katawan sa takot.
Naging conscious ako bigla sa aking kilikili. Hanep, parang Niagra Falls lang.
“Hey!”
“Hey!” ulit ng lalaki kaya mula sa pagkakayuko sa sahig ng sasakyan ay nilingon ko siya.
“Y-yeah?”
“Can you drive?”
“W-what?”
“I said, can you damn drive?” Pikon na ulit nito.
“Of course, I can! You don’t have to curse! Can’t you see I am freaking out?” inis na ganti ko rito pero hindi na siya nakasagot dahil biglang may chopper na nagpaulan sa amin ng bala kaya napasigaw ulit ako sabay takip sa aking ulo at pikit ng aking mga mata.
Nang mawala ang mga balang umuulan ay tiningnan ko ang paligid, pumasok ang sasakyan namin sa loob ng isang warehouse. Bastang binangga lang nito ang pinto. Dire-diretso lang ang pagpapatakbo niya, nang malapit na kami sa kabilang pinto ng warehouse ay pumikit na lamang ako nang binangga niya ang sasakyan. Nang nasa labas na ulit kami ay mabilis kaming hinabol ng chopper.
“Here, take the wheels and drive straight.”
What? Tumayo ako mula sa pagkakasalampak sa sahig ng sasakyan. Gamit ang nanginginig kong mga kamay ay ako ang humawak ng manabela habang siya ay may kung anong kinuha mula sa likod ng sasakyan. We switched places as bullets literally rained down on them.
Drive straight? Pero babangga kami sa pinto ng isa na namang warehouse!
“Uhm, hey, hey!” tarantang pagpupukaw ko sa kaniya.
“What!”
“We’re gonna crash! Jesus!” Bumangga kami sa pinto ng warehouse at bumukas naman ito kaya tuloy-tuloy ang pagpapatakbo ko. Nakasunod naman sa amin ang mga sasakyang humahabol sa amin kahit na nawala ang chopper dahil natabunan kami ng warehouse. May ilang balang muntik nang dumaplis sa akin kaya nakabig ko ang manabela at nagpagewang-gewang ang sasakyan.
“Would you stay still, woman?” galit na sigaw niya sa akin.
“I am trying to live, dumbass!” ganting sigaw ko sa kaniya at bahagya siyang nilingon.
“Oops,” mahinang saad ko nang nakangiwi nang makita ko kung ano ang pinagkakaabalahan niya. Kaya pala nagagalit, naka-aim pala siya sa labas at ang kalahati ng kaniyang katawan ay nasa labas na. Sunod-sunod na putok ang pinaulan niya sa kalaban na sinundan ng pagputok ng mga gulong nila at ang pagsabog na tila nagkabungguan ang humahabol sa amin.
Napatawa ako sa tuwa at napahampas sa manabela, “Yes! Did we get them?”
“Chopper inbound,” anunsyo niya na tila sagot sa tanong ko. May chopper pa pala! Hanep naman, o! Napasok ba ako sa isang action movie na Fast and Furious? Magpadala na lang din kaya sila ng submarine para kumpleto na ang tropa?
I blew a deep breath. “Okay, what do we do, Mr. Captor?”
Ilang segundo muna ang lumipas bago siya sumagot. “Here. Pull the pin and throw it as far as you can while keeping an eye on the wheels. I’ll draw the chopper to your left side.” Pinalitan niya ng magazine ang baril niya sabay bigay sa akin ng isang granada. Nakapokus ako sa pagbangga sa isang pinto ng warehouse.
I have a fucking grenade in my hands! Jesus! Maiihi ako nito, e!
And the next minute, we’re out in the open as the chopper is in pursuit for us. Napakabilis ng mga pangyayari. One second, I am holding the grenade while he is drawing the chopper to my left side, and then the next one, I am pulling the pin from the grenade from my left hand using my mouth as I threw it as far as I can with tears pouring down from my eyes.
Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak, dahil sa takot? Dahil sa saya? O dahil sa unang pagkakataon ng buhay ko, I took over.
“Woohoo! We did it C!” sigaw ko nang hininto ko na ang sasakyan at nakangiting tumingin sa kaniya na nakatingin na pala sa akin nang nakataas ang kilay.
“C?”
“C for captor since you never told me your name,” I answered him with my best ‘duh’ voice.
“It’s Nightwind.”
Mas lumawak ang ngiti ko. “So, where are you taking me, Nightwind?”
Somehow, I don’t know what got through my crazy mind but I just felt safe by his side. Holy cow! Did I just say a cheesy word?
Yep. Yes I did.

Komentar Buku (28)

  • avatar
    Angelo Sarong

    this is good for practicing on reading

    03/08

      0
  • avatar
    Camilia Damian

    hhhhhh

    30/06

      0
  • avatar
    Kamarudin Sambolawan

    Mr Sambolawan

    25/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru