logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

05

05: Let the Truth Sting
CELESTE
 
“What the hell naman kasi, Celeste? Bakit ngayon mo lamang sinabi?! Ikaw talaga ang nagpapahirap sa life ko. Kapag nalaman ni Mommy na napagod ako sa kakalinis, I’m sure she’ll get mad!” Reklamo ni Kelly habang nagva-vacuum.
“Sa halip na magreklamo ka, bilisan mo na lamang ang kilos mo,” saway ni Clio. Umirap naman si Kelly at ipinagpatuloy ang paglilinis. Muli akong tumingin sa suot kong wrist watch at napailing.
“We still have twenty five minutes. Mag-ayos na kayo,” I announced. Tumango naman sila at ibinalik na ang mga cleaning materials sa bin.
Jarvis is somewhat a neat freak. Ayaw niyang makakakita ng kalat o dumi. Knowing him, ang una niyang bibisitahin ay ang dorm namin upang icheck kung marumi ba o hindi. Ugh, he's so weird!
Mabilis akong nagpalit ng uniform dahil kanina pa naman nakapagpalit ang tatlo. Nang maayos ko na ang aking sarili ay agad rin akong lumabas ng kuwarto. Naabutan ko naman ang tatlo na nakaupo sa dining table at umiinom ng softdrinks.
“I'm tired,” reklamo ni Kelly. Umupo ako sa tabi nila at nagsalin din ng inumin.
“Are you all right?” tanong ko kay Clio na kanina pa tahimik.
“Of course,” she answered and gave me a simple nod.
“Are you sure?”
“Oo naman. Bestfriend ko 'yun, e,” sagot niya at nag-iwas ng tingin sa akin. Muli naman akong bumuntong hininga at uminom sa inumin ko.
Mayamaya pa ay nakarinig na kami ng ilang ulit na katok mula sa pinto. Nagkatinginan kaming apat dahil alam na naman n namin kung sino iyon. Dumako ang tingin ko kay Clio at tinanguan niya naman ako kaya't tumayo na ako at binuksan na ang pintuan.
“Uy Louisse!” He greeted before hugging me. Napangiwi naman ako sa higpit ng yakap niya.
“Bitaw,” reklamo ko. Agad naman siyang bumitaw at pumasok sa loob.
“Uy kumusta kayo? Long time no see ha!”  Muli akong napangiwi sa lakas ng boses niya. Para siyang nangangampaniya sa eleksiyon.
“Para kang tito na umuwi galing ibang bansa,” puna ni Ashanti. Umupo si Jarvis kasama ang nga kaibigan ko at nagsalin na rin ng inumin. Walang hiya talaga.
“Kumusta kayo? Puro pa rin ba damo ang kinakain mo, Kelly?” Sumimangot si Kelly at mahina namang natawa si Clio. Noon kasi ay palagi nilang pinagtutulungang asarin si Kelly. Napailing na lamang ako at bumalik na sa puwesto ko kanina.
“Ashanti, may pasalubong ako sa'yong kape. ‘Yong binilin mo sa akin noon." Ngumiti naman si Ashanti at binigyan ng thumbs up si Jarvis. Tumawa naman ito at umiling. Dumako naman ang mata niya kay Clio na kanina pa tahimik.
“Uy Clio pre, bakit ang tahimik mo yata?” tanong niya kay Clio. Nag-angat naman ng tingin si Clio at ngumiti.
“Wala lang sa mood,” she answered.
“Alam niyo kayo ha, hindi niyo ba ako namiss?” Bumuntong hininga ako at muling uminom. Nang matapos akong uminom ay humarap ako sa kaniya at taka naman siyang tumingin sa akin.
“Hindi,” sagot ko. Sinamaan niya naman ako ng tingin.
“Nakakatampo ka na ha, Louisse.”
“Isa pang tawag mo sa akin ng Louisse, patay ka talaga sa akin Jarvis Callum,” banta ko. Bumuntong hininga siya at tumayo.
“Tara sa cafeteria, mukhang wala naman kayong pagkain dito,” aya niya.
“Excuse me?”
Humarap siya sa akin at malokong ngumiti. “May pagkain kayo?” Inismiran ko siya bago umiling.
“Tara na sa cafeteria,” dagdag niya. Nagkatinginan kaming muling apat at wala kaming nagawa kung hindi sumunod na lamang.
“Are you all right?” bulong ko kay Clio habang naglalakad kami. Binigyan niya lamang ako ng isang tango bago bumuntong hininga.
Mayamaya pa ay nakarating na kami sa cafeteria. As usual, puno ng tao ang loob dahil dinner time na. Hindi naman kami kumakain palagi rito kapag dinner kasi nga maraming tao at nagluluto naman ako o si Ashanti.
“Ang daming tao, Jarvis. Magpadeliver nalang tayo,” reklamo ko.
Umiling siya sa akin at inakbayan ako sa balikat. My lips puckered because of what he did.
“Mamaya pa darating kapag nagpadeliver,” sagot nito at hinila ako. Muli akong umirap at hinayaan na lamang siya.
“Jarvis?” Napatigil kami sa paglalakad nang may tumawag kay Jarvis. May nakakakilala sa kaniya rito?
Taka kaming tumingin sa kung sino ang tumawag sa kaniya. It was Dane.
“Magkakilala kayo?”
Tumango naman si Jarvis at hinila ako sa direksyon nina Dane. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita si Markus na nakaupo at kumakain. Nang mapansin niya sigurong tinitingnan ko siya ay tumingin rin siya sa akin. I gave him an apologetic smile when I noticed that he's not wearing his glasses like the usual.
“Long time no see,” bati ni Dane sa kakambal ko.
“Iwan ko muna itong apat ha, bibili lang ako ng pagkain.” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Jarvis. Pinanlakihan ko siya ng mata na ayaw kong maiwan kasama sina Markus pero tinawanan lamang ako nito.
“Upo kayo.” I smiled awkwardly at Dane before sitting on a vacant seat. Umupo na rin ang tatlo.
“Pahingi,” rinig kong sabi ni Ashanti. Kumuha siya ng isang wings ng manok sa plato ni Dane at kinain iyon. Napailing na lamang si Dane at uminom sa inumin niya.
“Anong tinitingin-tingin mo diyan?” Bumuntong hininga naman ako dahil sa tanong ni Kelly kay Zev.
“Sure ka ikaw ang tinitingnan ko? Feeling.” sagot naman ni Zev.
“Excuse me?” Inis na saad ni Kelly kaya’t muli akong napailing.
“Kelly, stop,” suway ko.
 Umirap naman siya bago nag-iwas ng tingin kay Zev. Kita ko naman ang pag-iling ni Zev at nagpatuloy na lamang sa pag-kain.
Mayamaya pa ay dumating na si Jarvis. May kasunod siyang ilang helpers dahil hindi niya kayang dalhin ang pagkain naming lima.
“Anong mayroon? Bakit tinulungan nila ako noong sinabi kong para sa inyong apat itong pagkain?” Takang tanong niya matapos umalis 'yung mga tumulong sa kaniya.
“Hindi mo alam?” tanong ni Ashanti.
“Alin?” Jarvis asked.
“Hindi mo pa pala sinasabi sa kaniya, Celeste?” tanong naman sa akin ni Clio. I just shrugged my shoulders before starting to eat my meal.
“We're part of the Rank Five,” I answered.
“Really? Good for you.” I just nodded and continue eating my food.
“Bakit ka nga pala umuwi, Jarvis?” Tumigil akong muli sa pagkain at tumingin kay Jarvis upang hintayin ang sagot niya sa tanong ni Kelly.
He cleared his throat before speaking. “Uhm. . . I was expelled,” he answered.
My lips partes and my eyes widened upon hearing what he said.
“What the heck did you just say?!” I exclaimed. Napatingin naman sa amin ang ibang estudyante kaya’t agad kong nag-iwas ng tingin.
“Calm down,” saad niya
Inabutan naman ako ni Ashanti ng tubig na agad ko namang ininom.
“Do you mind if I ask kung bakit ka na-expell?” tanong ni Kelly.
“I failed my exam.” Muntikan na akong masamid sa sinabi niya at gulat na tumingin sa kaniya.
“Are you dumb?!”
“In love? Yes.”
Natahimik kami dahil sa sagot niya. In love? Anong connect?
“Wait, bakit napunta sa love ang usapan? Am I a slow witted or what?” takang tanong ni Kelly na sinang-ayunan ko.
“Paano ka bumagsak?” Hindi sinagot ni Ashanti si Kelly at sa halip ay muling nagtanong.
“My girlfriend stole my notes,” prenteng sagot ni Jarvis. Uminom pa siya ng tubig na animo'y hindi seryoso ang pinag-uusapan namin.
“Hindi ka man lamang nag-aral kahit kaunti? Damn Jarvis, ang mahal ng tuition doon!” sermon ko sa kaniya kaya’t bahagya siyang napalabi.
“Akala ko may stock knowledge ako eh,” tumingin siya sa amin bago tumawa. “Ayun, na-stuck nalang siya sa utak ko forever.”
Dahil sa tapat ko lamang siya nakaupo ay madali ko siyang natampal sa noo. Rinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Markus kaya’t napaayos ako ng upo at sinamaan na lamang ng tingin si Jarvis.
“Ahm. . . Excuse me.” Tumigil sa pagtawa si Jarvis at takang tumingin kay Clio. Tumayo ito at dire-diretsong lumabas ng cafeteria.
Dumako naman ang tingin ko sa pagkain niya na mukhang wala namang nabawas. Nagkatinginan kami nina Ashanti at Kelly ngunit kapwa lamang silang nagkibit-balikat.
“Anong problema noon?” bulong ni Jarvis sa sarili niya. “Susundan ko nga lang.” Tatayo na sana si Jarvis ngunit nauna na kaming tumayong tatlo.
“Kumain ka nalang diyan, mukhang napagod si Clio sa pagpa-practice kaya umuna na,” pagdadahilan ko.
“Gano'n ba? Okay,” walang muwang niyang sagot at nagpatuloy sa pagykain. Bumuntong hininga naman ako at umiling.
“Mauna na rin kami,” pagpapaalam ko kina Dane, Zev, at Markus.
“Pero Celeste—" Pinanlakihan ko ng mata si Kelly kaya't wala siyang nagawa kung hindi lumabi. Minsan lamang kasi siya makakain ng 'totoong' pagkain.
“Sabay tayo bukas.” Dinig kong habilin ni Dane kay Ashanti. Tumango naman si Ashanti sa kaniya bago bumaling ng tingin sa akin.
“Salamat sa libre, Jarvis. Mauna na kami.” Hindi ko na siya hinintay pang makasagot at tumalikod na.
“Uy saan tayo pupunta?” tanong ni Kelly habang naglalakad kami matapos naming makalabas ng cafeteria.
“Of course, hahanapin si Clio,” I answered in a matter of fact tone.
“Huh? Ang laki ng Avalon, Celeste,” reklamo nito. Umiling na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
“Sa tingin mo saan puwedeng pumunta si Clio?” tanong ko kay Ashanti.
Ilang segundo itong nag-isip bago sumagot. “It's either sa garden, sa dorm or sa gym,”  she answered.
“What do you think?” tanong ko naman kay Kelly.
“Masiyadong malamok sa garden dahil gabi na tapos sa dorm naman, alam niyang nasa iisang kuwarto lang tayo kaya hindi siya makakapag-isa. So I therefore conclude na she's in the gym.”
 Tumango naman ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.
Mukhang tama nga ang sinabi ni Kelly nang marinig namin ang pagtama ng bola sa sahig mula sa labas ng gym. Wala namang practice ang varsity nang ganitong oras kaya malamang, si Clio nga ang nasa loob. May susi kasi siya ng gym dahil naging Captain siya ng varsity team dati.
“Natatakot na agad ako sa bola,” bulong ni Ashanti.
“Baka matulad ako kay Markus.” Sinamaan ko naman ng tingin si Kelly dahil sa biro niya kaya’t nag-peace sign lamang siya bilang paumanhin. Umiling naman ako bago pumasok sa loob.
Bumungad sa amin si Clio na walang tigil sa pagbato ng mga bola. Kawawang bola, mukhang sa kanila gustong ilabas ni Clio lahat ng nararamdaman niya. Mukhang naramdaman niya ang presensya namin ngunit hindi pa rin siya tumigil sa pagbato. Nagkalat na rin ang mga bola sa buong court dahil mukhang kanina pa nandito si Clio.
“Clio. . .” Mahinang tawag ni Kelly at akmang lalapitan si Clio ngunit pinigilan ko siya.
“She needs space right now.”
Pinabayaan namin siya na ilabas muna lahat ng galit o sakit na nararamdaman niya at nanood lamang sa kaniya. Hindi siya umiiyak pero kapansin-pansin ang pangingilid ng luha niya.
Nang sa tingin ko ay humupa na ang nararamdaman niya ay humakbang ako palapit. “Clio,” pagtawag ko.
Nang makita niya ako ay tila nawalan ng lakas ang mga tuhod niya at napaupo sa sahig. Tears began rolling from her eyes as she covered them with her hands.
I bit my lower lip and looked away.
Maybe they're right. One of the most painful heartache is when the man you love and your bestfriend comes in one package and you lost both.
-----

Komentar Buku (46)

  • avatar
    Rosiee

    this so amazing cause it's just Celeste choose her dreams Celeste is so independent woman ☺️

    04/07/2022

      1
  • avatar
    Mark Russel Balahibo

    shessh

    5d

      0
  • avatar
    Dado Alpas

    Dreams Do Really Come

    17d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru