logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 2

"Ama!" Nakangiti akong lumapit sa hari ngunit napatigil din ako nang mapansing kausap niya ang isang duke. Nagpasya na lamang akong umupo sa isang pabilog na lamesa habang tahimik na pinagmamasdan ang mga nagkakasiyahang tao. Sa ginagawa kong ito ay para rin akong isang bisita.
Natapos makipag-usap si Ama sa mga bisita at sakto rin niyon ay biglang dumating ang isang babae sa entablado. Umupo ang mga tao, kabilang na ang hari habang ako ay naiwang nakatayo dahil...
Gusto kong puntahan si Ama at sabihing may bumati sa aking kawal.l
"At upang mas pasayahin ang ating selebrasyon sa kaarawan ni Princess Emery, dadating na tayo sa sayawan. May labinwalong ginoo ang magsasayaw sa prinsesa bago tayo tuluyang magkasiyahan." Tumingin sa akin ang babae at pilit na ngumiti. "Una na nating tawagan si Ginoong Ariel na siyang unang magsasayaw sa prinsesa."
Napalunok ako at wala sa sariling napahawak sa aking kasuotan. Pinilit kong huwag magbaba ng tingin kahit nagsisimula nang magbulungan ang mga tao. Ilang sandali na rin ang lumipas ngunit wala pa ring ginoo ang sumusulpot upang isayaw ako.
Naiwan akong nakatayo sa gitna ng mga tao na ako ang mismong paksa sa kanilang bulungan.
Isang bulungan na naririnig ko naman.
"Marahil ay hindi nakadalo ang ating ginoo, kaya ang pangalawa na lamang ang ating tatawagin. Ang pangalawang magsasayaw sa prinsesa ay si Ginoong Creun----"
"Patawad, ngunit tutol ako na isayaw ang masamang prinsesa."
Biglang napuno ng tawanan ang buong lugar. Hindi ko magawang makapagsalita. Nakatulala lamang ako habang tinatanggap ang panlilibak ng mga tao sa akin. Hindi ko rin magawang tingnan si Ama na hindi ko mabasa ang ekspresyon.
"Pakiusap, tumigil kayo," wika ng babae. "Kung ayaw ng pangalawa ay tatawagin na lamang natin ang pangatlo..."
"Patawad, ngunit hindi dumalo ang pangatlong ginoo." Pumainlang ang boses ng isang babae nang sabihin niya iyon. Hindi ko na siyang magawang tingnan at nanatili lang akong nakatulala.
"Kung gayon..." Tinawag ng babaeng nasa entablado ang pang-apat, ang panlima, a-ang pang-anim...
Tinawag niya ang pangalan ng mga lalaking nakatakdang isayaw ako. At nang nasa panlabing-lima na ay wala pa ring dumadating...
Napatiim-bagang ako at galit na tiningnan ang babae. Nagkasalubong ang aming paningin at mabilis niyang nabitawan ang papel na hawak nang mapansin ang madilim kong mukha.
"TUMAHIMIK KA NA!" malakas kong sigaw at galit na tiningnan isa-isa ang mga panauhin. Madilim akong napangiti.
"Oo na." Mahina akong tumawa. Sinapo ko ang aking noo at humalakhak. Natahimik ang buong paligid at silang lahat ay nabahala. Habang si Ama ay tahimik lamang na nakamasid sa akin.
"Masama na ako," humahalakhak ko pa ring saad. "Hindi ko na iyon itatanggi dahil totoo naman." Tumigil ako sa pagtawa ngunit may isang ngiti ang naiwan sa aking mga labi. At ang lahat ng mga panauhin ay napuno ng takot ang mga mukha nang makita nila ang isang bola sa aking itaas. Dinig ko ang kanilang singhapan at lahat sila ay napatayo. Mga handa nang tumakas.
"At dahil masama ako..." Lumamlam ang aking mga mata. "N-Nararapat lamang na patayin ko kayong lahat."
Kinuyom ko ang aking mga kamao at matapang na tiningnan silang lahat. At sa isang iglap ay napuno ng sigawan ang buong lugar. May mga nagbalak na umatake sa akin ngunit mabilis akong pinalibutan ng maraming kawal upang protektahan. May prumotekta rin sa aking ama at sa prinsesa.
Nakatingin lamang ako sa mga taong naghihirap at nagmamakaawa habang ang kanilang enerhiya ay unti-unting hinihigop ng bolang nasa aking itaas. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin.
Kailangan ko itong gawin...
Maya-maya ay biglang tumahimik ang buong paligid. At nang muli kong pinagmasdan ang buong lugar ay tumambad sa akin ang walang buhay na mga bisita. Malaki na rin ang bola na nasa aking itaas at dahan-dahan, ay bumaba ito patungo sa akin at pumasok sa aking katawan. Muli kong naramdaman ang malakas na enerhiya na lagi kong nararanasan simula noong bata pa lamang ako.
"Anak." Nahati sa dalawa ang mga kawal at tumambad sa akin ang hari at prinsesa. Blanko ko lamang sila na pinagmasdan na maglakad patungo sa akin.
"You did well," saad ni Ama at niyakap ako. Ngunit walang epekto sa akin iyon. Hindi maaalis ng yakap niya ang kakaibang bigat sa aking dibdib na pilit kong tinitiis simula nang bata pa lamang ako.
"Gusto kong mapag-isa, Kamahalan." Lumayo ako kay Ama at pilit na ngumiti. "Pero bago iyon, maaari mo ba akong batiin ng maligayang kaarawan?"
Takang napatitig sa akin si Ama. Akmang magsasalita siya nang tinalikuran ko siya. "H-Huwag na po pala. K-Kailangan ko nang magpahinga."
"Anak..."
Kinuyom ko ang aking mga kamao at naluluhang hinarap ang hari. Napaseryoso siya nang makita ang namumugto kong mga mata.
"Sabihin mo sa akin, Kamahalan," matapang kong saad. "Sino ba talaga ako? Kailangan ko ba talaga maging ganito para sa tagumpay natin?!"
"Anak---" Akmang lalapit sa akin si Ama nang umiling ako.
"A-Ayoko nang gawin ito." Napahikbi ako habang malungkot na nakatitig sa kan'ya. "Kilala ako ng mga tao bilang isang masamang prinsesa. Sa b-buong buhay ko..." Sinapo ko ang aking noo at humagulhol. "Kailanman ay hindi ko nakilala ang sarili ko... Lagi akong sumusunod sa mga u-utos mo... p-pero ngayon, nagsasawa na ako. B-Bawat araw ay lagi akong binabangungot ng mga alaala ng mga taong p-pinatay ko..."
"Anak, kailangan mong maging matatag..."
Lumuluhang umiling ako. "H-Hindi ko na kaya, Ama." Mabagal akong naglakad palapit sa kan'ya at bumalatay ang matinding pagkabigla sa kan'yang mukha nang mabagal akong lumuhod.
"G-Gusto kong mabuhay bilang isang normal na tao. K-Kaya pakiusap..." Pinagdaop ko ang aking mga palad at nagmamakaawang tiningnan ang hari. "Gumawa ka ng paraan upang m-makalaya na ako..."
Matagal akong tinitigan ni Ama. Akala ko ay pinag-iisipan niya ang pakiusap ko nang bigla siyang umiling.
"Hindi maaari..." Bumagsak ang balikat ko nang marinig ang sinabi ng hari. Mas napaiyak ako at mapait na napangiti.
Tama naman siya. Wala ring paraan upang makatakas ako sa aking tadhana.
I am bound to kill.
"Patawad, Emery..." Blanko akong tiningnan ng hari bago siya nagdesisyong talikuran ako at maglakad palayo. Sumama rin sa kan'ya ang mga kawal at ang prinsesa.
"Tama na..." Malakas akong humagulhol at sinapo ang aking ulo. Muli ko na namang naririnig ang pagmamakaawa ng mga tao sa aking isipan.
At habang patagal nang patagal ay para na akong mababaliw.
"S-Save me..." I cried hard, hoping that someone will rescue me. Pero nang mga oras na iyon ay batid kong mag-isa lamang ako.
At tulad ng dati, mag-isa muli akong maghihirap.
Dahil wala akong karamay sa buhay na itinalaga sa akin.
Kahit hindi ko gusto...
I am Emery, isang prinsesa ng Azure Kingdom.
At simula noong bata pa lamang ako...
Natuto na akong maging isang masama.

Komentar Buku (31)

  • avatar
    RecarroJonna Mae

    super beautiful a fiction story

    15/07

    Β Β 0
  • avatar
    CelisJuliet

    i really love this book,πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–

    08/07

    Β Β 0
  • avatar
    DhenJoe Nacita

    namangha ako ng sa mga sinasabi nila kasi parang totoo

    10/06

    Β Β 0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru