logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 6

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin kayang tanggapin ni Khrystal na may taning na ang buhay ng kanyang daddy. Ayaw niyang mawala ang Daddy Drixx niya dahil ito na lang ang nag-iisang tao na tanging kakampi niya sa mundo. Pero ano bang magagawa niya kung babawiin na ng Diyos ang buhay nito? Sa ngayon ay ibibigay niya na lang kung anong gusto ng daddy niya.
Noong hinatid siya ni John sa bahay ng daddy niya para samahan ito sa loob ng isang buwan ay masayang-masaya siya dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon para maalagaan ito. Katulad ng ginawang pag-aalaga sa kanya ng kanyang magulang no’ng bata pa lang siya.

Dahil nakaratay na ito sa kanyang higaan ay palagi niyang dinadalhan at sinusubuan ito ng pagkain. Pagkatapos ay sinasamahan niyang manuod ng mga paborito nitong palabas no’ng kapanahunan niya at makinig ng mga musika ni Queen. Wala na kasing lakas ang ama niya na maglakad o kumaing mag-isa. Unti-unti na kasing nilalamon ng cancer cells ang mga good cells sa katawan niya dahilan para mas lalo siyang manghina.

Isang araw ay bigla na lang humiling sa kanya ang ama ng isang bagay na hindi niya alam kung gagawin ba niya o hindi. Nasa loob sila ng kuwarto nito habang masaya silang nakikinig ng Bohemian Rhapsody sa Netflix.

“Anak,” pagal na tawag ni daddy sa aking pangalan. Umayos muna siya ng pagkakaupo sa kanyang malambot na kama at sumandal sa headboard nito habang may nakalagay na unan sa kanyang uluhan.

“Bakit po daddy?” nakangiting tugon ni Khrystal habang buong pagmamahal siyang nakatingin sa ama. Nakaupo siya sa kanang bahagi ng kama nito habang masuyong hinahaplos ang kamay nito.

“Khrystal, anak alam kong sobrang dami ko ng hiniling sa ‘yo na alam kong ginagawa mo lang para pasayahin ako. Pero sana sa huling kahilingan kong ‘to ay mapagbigyan mo pa rin ako,” nakangiti niyang sabi sabay hawak sa aking dalawang kamay.

“Ano po ba ‘yon dad? Sabihin niyo po dahil baka kaya ko namang gawin o bilhin ‘yang hiling niyo,” kinakabahang tanong niya.
Kita niya sa buong mukha nito na nagdadalawang-isip ito kung sasabihin ba o hindi sa kanya ang hiling nito dahil sa malimit nitong pagkibit-balikat at pagkibot ng labi na animo’y nag-aalangan.

“Bago sana ako mamatay gusto kong makita ang apo ko. Mapagbibigyan niyo ba ako ni John, anak?” tanong niya habang nagniningning ang kanyang mga mata.

Biglang nawala ang ngiti sa labi niya dahil sa sinabi ng dad niya. Parang gusto niyang sumigaw at magwala pero may magagawa ba siya kung iyon na ang magiging huling hiling ng dad niya sa kanya? Ayaw niyang mawala ito sa mundo na may sama ng loob sa kanya kaya sa ayaw man niya o sa gusto kailangan niyang gawin ‘yon kahit labag sa kalooban niya. Pero paano niya sasabihin kay John?

Tapos mas lalo na sigurong wala ng pag-asa pa na maging sila ng crush niya dahil nakatali na siya sa lalaking hindi niya naman mahal at kilala.

Bumuntong-hininga muna si Khrystal pagkatapos ay sinulyapan ang daddy niya bago sumagot. Wala na ‘yong dating matipuno nitong katawan dahil sa unti-unti na itong pumapayat. May nakalagay na ring oxygen sa kanyang ilong para hindi siya mahirapan makahinga.

“I will dad,” sagot niya habang pilit na ngumiti sa ama. “Sige dad pupunta lang po muna ako sa kuwarto ko.”

Hinalikan muna niya sa noo ang ama at mabigat ang katawan na humakbang palabas ng kanyang kuwarto.


“Kahit na tutol ang puso’t isip ko ay wala na akong magagawa dahil gusto kong pasayahin siya sa pamamagitan ng pagsunod sa hiling niya. Pero paano ba ako mabubuntis agad?” sigaw niya sa kanyang isip. Talo niya pang zombie na naglalakad papunta sa kanyang kuwarto dahil nagkandabunggo-bunggo pa siya sa mga nadaraanan niya dahil sa lutang ang kanyang isip.

Ilang araw matapos hilingin ng dad niya ang gusto nito ay nakapag-usap sila ni John. Nakalimutan na niya kung paano niya naumpisahang ipaliwanag ang hiling ng daddy niya sa Beast niyang asawa. Sa umpisa ay tutol ito na gawin nila ang bagay na ‘yon pero dahil sa pagmamakaawang ginawa niya at sa kanyang pangako ay napapayag niya rin ito.

Hindi niya maiwasang kabahan sa maaaring mangyari sa kanila ngayong gabi. Paikot-ikot lang siya sa loob nang malawak niyang banyo na napapalibutan ng kulay puti at bulaklaking tiles. Katatapos niya lang magsuot ng isang manipis at kulay pink na bestida na regalo ng mga makukulit niyang kaibigan.

Tiningnan niya ang sarili sa salamin at nakita niya na halos makita na ang kanyang kaluluwa dahil sa sobrang nipis ng kanyang suot. Hindi niya alam kung bakit ba tinanggap niya ang regalo nina Shaira at Daniela siguro dahil na rin sa kailangan niyang tuparin ang pangako sa ama.

“Friend, ano ba dapat kong gawin para naman maakit ko kahit papaano si John ng hindi parang napipilitan?” tanong niya habang nararamdamang unti-unting umiinit ang kanyang dalawang pisngi.

“Huwag kang mag-alala kami ang bahala para maakit mo siya ng hindi siya pinipilit o nagmamakaawa,” sabay na sabi nina Shaira at Daniela sa kanya.

Kinabukasan no’ng magkita sila ay may hawak si Dan na maliit na paper bag na kulay pula pagkatapos ay pabalibag na ibinato sa kanya. Mabuti na lang ay nasalo niya. Dahil sa nakaupo siya ay nakatingala siyang nakatingin sa dalawa.

Maldita talaga at taklesa si Dan pero kahit ganoon siya ay nakakatulong naman ang mga sinasabi niya sa amin. Si Shaira naman ay medyo maarte at napaka-fashionista. Hindi katulad niya na napaka-naïve at walang kamuwang-muwang sa buhay dahil hindi siya mahilig lumbas ng bahay depende na lang kung yayayain siya ng dalawa. Hindi niya nga alam kung paano sila nagkasundong tatlo dahil magkakaiba ang gusto nila. Mabuti na nga lang kahit papaano ay nakakasabay na rin siya sa dalawa.

“Ano ba kasi ‘tong nakalagay sa paper bag na ibinato ni Dan? Kayo ha mukhang may kalokohan na naman kayong naiisip,” kunot-noong tanong niya. Kahit may ideya na siya kung ano ‘yon ay naniguro pa rin siya para hindi mapahiya.

“Mabuti pa friend e silipin mo kaya para malaman mo. Huwag kang puro tanong diyan,” sabay na sabi nila habang nakangising nakatingin sa kanya pagkatapos ay nag-high five sa isa’t isa.

“Naku mamaya bomba ‘to sabugan pa ako nito ha? Mumultuhin ko talaga kayong dalawa,” kinakabang sabi niya habang unti-unting tinatanggal ang pagkaka-stapler ng paper bag.

“Mas malala pa ‘yan sa bomba,” sabay na sabi nila sabay hagikgik nang malakas.

Dahil sa sinabi nila ay minadali niyang buksan ang paper bag. Halos sirain niya na nga dahil sa pagmamadali. Paano halos tadtadrin na nila ng stapler ang buong paper bag. Nang mabuksan niya ay may nakita siyang kulay pink na tela. Pagkatapos ay maingat niyang kinuha at inilabas saka niya binulatlat.

“Anong masasabi mo sa bigay namin girl? Tingin ko luluwa ang mata ni John kapag nakita niyang suot mo ‘yong “nighties” na binigay namin sa ‘yo. Sigurado kaming makakabuo agad kayong dalawa,” nakangising sabi ni Dan pagkatapos ay nagkindatan pa silang dalawa ni Shaira habang nakatingin sa akin.

Komentar Buku (16)

  • avatar
    Lloyd C. Tillo

    so very nc 💓😁

    23/08/2023

      0
  • avatar
    ambrocioelaine

    I can't tell yet whether it's good or not

    19/08/2023

      0
  • avatar
    Shehan Sulaiman Jamali

    Good story

    13/08/2023

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru