logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 7

"Ako nga pala si Athena." nakangiting pakilala nito sa sarili sabay lahad ng kamay nya.
Nagpakilala din naman ako at nakipagkamay sa kaniya.
Pinakilala din nya sa akin ang dalawang lalaki kanina.
Yung lalaking nagbukas ng pinto sya si Simoun, matangkad sya at gwapo ngunit nakakatakot naman ang awra niya.
Yung isa naman si Jacobo palaging nakangisi na parang tanga lang.
Meron pa daw silang isang kasamahan si Vera daw kaso wala siya ngayon dito.
"Malayo ang itsura mo kay Selene pero di hamak naman na mas maganda ka" nakangising wika ni Jacobo.
"Hindi ko akalain na ikaw pa mismo ang lalapit sa amin. HAHAHA salamat sayo Aubrey" dagdag pa niya.
Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya, baliw na yata to eh.
"What do you mean, jacobo?" takhang tanong ni Aubrey.
"Si Aicah ang ikawalong tagapagligtas." malamig na saad ni Simoun.
Nagulat naman kaming dalawa ni Aubrey. Teka sino daw? ako? ako ang ikawalong tagapagligtas?? yung totoo prank ba to?? Baliw na ba sila?
"Huwag niyo siyang masyadong biglain, dahan dahanin nyo lang," malumanay namang ani ni Athena.
Grabe sobrang ganda niya talaga tapos yung boses nya pa napakalumanay. Nakakainggit! nawa'y lahat.
"Ano ba meron kay Aicah? bakit sinasabi nyong kakaiba sya?" gulong gulong tanong ni Aubrey at umaarte pang ginugulo ang buhok niya. Parang tanga lang!
Naupo naman si simoun sa tabi ko at nagsimulang magkwento. Kahit naguguluhan man ako ay pinilit kong intindihin ang mga kwento nya.
Matagal na daw nila akong hinahanap dahil malaki daw ang halaga ko sa kanila.
Ako daw ang magbibigay ng kapayapaan sa lahat, hindi ko gets ang mga sinasabi nya.
Bakit ako? wala naman akong super powers ah. Ano ba talagang ganap?
Tahimik lang akong nakikinig sa mga kwento nya. Hmmm.. Feeling ko kwentong pambata ito! inuuto lang ata ako nito eh.
"Grabe! hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko," namamanghang wika ni Aubrey. Tsk, seriously? naniniwala sya? uto uto talaga tong gaga na ito.
"Ngayon alam niyo na ang katotohanan, maari bang wala kayong ibang ipagsasabi tungkol dito?" pakiusap naman ni athena.
Tumingin naman ng masama si simoun kay aubrey.
"Ikaw Aubrey! Huwag na huwag mong ipagsasabi ang tungkol sa kapatid mo! kung ayaw mo syang mapahamak!" mariing wika nito.
Nanlaki naman ang mata ko ng makita kong nagkulay abo ang mga mata nya. Nang mapansin nyang nakatingin ako, bumalik ito sa dating itim na mata.
"Magdidilim na halina't ihahatid ko na kayo" alok ni simoun sa amin.
Tumingin naman sakin ng masama si Aubrey saka lumipat ang tingin nito kay Simoun na nakatayo sa harapan ko.
"Bakit ang bait mo pagdating kay Aicah! Bakit pagdating sakin hindi?"inis na tanong nito.
Tumingin naman ito kay Aubrey ng seryoso bago nag salita.
"Simple lang, wala kang halaga".   Namula naman si Aubrey sa galit bago pa man ako hawakan nito at hatakin palabas. Pero bago pa man kami makalabas ay hinarang kami agad ni Simoun.
"May paparating! Athena! Itago mo si Aicah sa kwarto ngayon na!" mariing utos nito.
Dali dali naman akong hinatak ni Athena at dinala sa isang malaking kwarto. Malaki ito at madilim may mga asin na nakapaligid sa kwarto at bintana.
"Anong nangyayari??" natatakot na tanong ni Aubrey.
"Naamoy nila si Aicah! kaya nandito sila para kunin sya" sagot naman ni Athena. Wait? WHAT!!KUKUNIN NILA KO? PERO BAKIT? ANO BA MERON SAKIN?!
Gusto ko nang umiyak sa sobrang takot ng bigla akong hatakin ni Athena. Tinignan niya ang braso ko na may galos, kanina kasi habang sinusundan ko si Aubrey nagasgas ako dun sa may sanga ng puno.
Nang makita nya ang sugat ko ay mukha siyang namroblema, mabilis syang kumuha ng tela at mahigpit na tinalian ang braso kong may sugat.
"Naamoy ka nila dahil sa dugo sa sugat mo. Dapat palagi kang nag iingat" nag aalalang wika ni Athena.
Hindi ko naman siya maintindihan noong bata naman ako kapag nagkakasugat ako wala naman nagtatangkang kumuha sakin.
Nagsitaasan ang mga balahibo ko ng makarinig ako ng mga nakakatakot na sigaw.
Nakatakip ang dalawang kamay ni Aubrey sa magkabilang tenga niya, mukhang takot na takot sya.
Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may sumulpot sa bintana, isa itong lalaki.
Maputla ang balat niya at malaki ang mga mata nya, mahaba din ang buhok at kuko nya.
Nakakakot ang mukha nya, hindi ko na napigilang hindi umiyak.
"KAILANGAN KO ANG DUGO MO!!! KAILANGAN KO ANG DUGO MO!!!" sigaw nito sa akin sa paraang nakakakilabot.
Napayakap naman ako kay Aubrey. Ayoko! Ayoko pang mamatay! Please Lord! help us!!!
"Hindi pwede Mr. Vampire bawal eh papagalitan ako" sagot naman ni Athena na mukhang nang aasar pa.
Napapikit naman ako sa sobrang takot, narinig ko na lang ang sigaw nung Mr. Vampire na yun na animoy sinasakta sya.
Nang idilat ko ang mga mata ko ay wala na siya sa bintana. Sumunod na nangyari ay para bang winawasak na ang bubong ng bahay.
Hindi na namin alam kung anong gagawin, pakiramdam ko din sobrang dami nila.
Papaano ko maililigtas si Aubrey? papaano ko maililigtas ang sarili ko?
Habang nagkakagulo sa labas ay taimtim lang naman kaming nananalangin ni Aubrey.
Si Athena naman may kung anong dahon ang inilalagay sa bawat sulok ng kwarto.
Pagkatapos ng ilang minuto bigla na lang tumahimik ang lahat
Nakakabaliw na katahimikan ang bumalot sa kapaligiran.
"Wala na ba sila?" pabulong na tanong ni Aubrey. Umiling naman ako bilang sagot.
Hindi ko din naman alam kung wala na ba talaga sila o kung safe na ba kaming lumabas.
"Hoy! Mga boys linisin nyo yang mga kalat na yan! lalo na yung mga dugo! ang lansa kadiri!" reklamo ng isang babae.
Nakita ko naman ngumiti si Athena at lumapit samin. "Ligtas na kayo,wala na sila" nakangiting wika nito.
Inalalayan naman niya akong tumayo ganun din naman kay Aubrey.
Dahan dahan lang akong humahakbang dahil natatakot padin ako, baka mamaya bigla na lang may sumugod samin dito.
Nang makarating na kami sa sala nakita ko sila Simoun at Jacobo na sugatan ganun din ang isa pang lalaki pero hindi ko siya kilala.
Komportable namang nakaupo ang isang babae na sa palagay ko ay si Vera, nakatingin siya doon sa lalaking hindi ko pa kilala.
"Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni Simoun sa akin.
"Bakit si Aicah ang inaalala mo? Tingnan mo nga yung sarili mo, sugatan ka!" galit ngunit may halong pag aalalang wika ni Aubrey.
Hindi naman sumagot si Simoun at nag iwas lamang siya ng tingin.
"Gagamutin ko na kayo" ani naman ni Athena saka nagsimulang gamutin si Jacobo.
Napansin ko naman na nakatingin sakin ang isang lalaki, kapag kuwan ay ngumiti siya at nagsalita.
"Nahanap din kita" ngiting wika nito sa akin
Teka? ano bang trip nito? di kaya na love at first sight to sakin? Okay ang feelingera ko na, pero malay ko naman diba?
"Raphael, Raphael ang pangalan ko" nakangiting pakilala nito.
"Aicah, ako naman si Aicah" sagot ko naman.
"Madami sila papaano niyo sila natalo?" manghang tanong ni Athena habang ginagamot pa din si Jacobo.
"Syempre magaling ako! isang suntok ko pa lang sa kanila tumba agad!" pagmamayabang naman ni Jacobo.
Nakita ko naman ang inis sa mukha ni Simoun mukhang hindi sya naniniwala.
"Tsk, kapal naman ng mukha mo" ani ni Simoun."
May lalaking tumulong samin bukod kay Raphael. Kakaiba ang lakas nya" paliwanag naman nito.
Lahat naman kami ay pansamantalang natahimik.
Iniisip ko kung sino yung lalaking iyon, bakit hindi sya magpakita samin ngayon para naman makapag pasalamat ako.
Kung hindi dahil sa kaniya ay malamang sa malamang wala na ako ngayon dito.
Napatingin naman ako kay Vera ng bigla itong tumayo at lumapit sa akin.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
Hindi ko alam kung nang iinsulto ba ito o kinikilala lang ako pero hindi na lamang ako umimik.
Nakahinga naman ako ng maluwag nang ngitian nya ako.
"Siya si Aicah ang ikawalong tagapagligtas" saad naman ni Athena saka lumipat kay Simoun para gamutin din ito.
Tumango tango naman ito saka lumingon kay Raphael.
"Kaya naman pala muling bumalik si Raphael" nakangiting sambit nito.
Muli naman siyang tumingin sa akin at nagsalita.
"Akala ko pa naman bumalik siya para sa akin" Nakangiti  siya ng sabihin iyon ngunit makikita mo naman sa mga mata nya ang sakit at pagka dissapoint.
"Teka! mag ex ba kayo?" walang prenong tanong ni Aubrey. Gusto kong sabunutan si Aubrey at kaladkarin sa tanong nya.
Obvious namang may past yung dalawa eh. sa way pa lang ng pananalita ni Vera gaga talaga!
"Walang namamagitan samin" sagot naman ni Raphael. Nakita ko naman ang pag ngisi ni Vera mukhang nasaktan sya sa naging sagot ni Raphael.
After nilang mag usap usap ay inihatid na kami nila Simoun, Jacobo at Raphael.
Ala una na ng makauwi kami sa bahay, alam kong nag aalala na sila mommy at daddy.
"Salamat sa paghatid guys!" masayang wika ni Aubrey.
"Mag iingat ka Aicah" di pinansin ni Simoun si Aubrey kaya naman sumimangot ito.
Nagpasalamat na din ako sa kanila at pumasok na kame sa loob ng bahay.

Komentar Buku (101)

  • avatar
    John Jacob Anunciacion

    so cool

    17/05/2025

      0
  • avatar
    JenmaicatocamaJenmaica

    ilove it🥺

    13/02/2025

      0
  • avatar
    Sonia Azucena

    thanks writer at maganda xa 🥰🥰🥰

    13/02/2025

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru