logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 7

Murder's Name
Carla.
Taking revenge? Ang killer? So yun talaga ang totoong rason ng killer at yun din talaga ang pakay niya sa dalawang biktima? Pero bakit siya magte-take ng revenge? May kasalanan ba sila sa kaniya? Siguro meron nga dahil hindi naman maghihiganti ang killer kung walang nangyari ditong masama.
But how Joseph knew this one?
"H-hindi pwede." Napalingun kami kay Lyka. May problema yata siyang haharapin dahil takot na takot ang mukha ni Lyka.
May ginawa nga talaga silang mali.
"We should protect ourselves from the killer dahil gagawin niya ang lahat para matuloy ang plano niya." Sabi ni Joseph kaya nagnod lang ang iba sa kaniya.
Nagkatinginan naman kami ni Krystal dahil hindi kami relate sa kanilang pinag-uusapan pero one thing lang ang alam ko kundi protektahan ko din ang aking sarili. Protektahan sa hindi ko makilalang killer and I know this scenario will be solve anytime kaya kailangan naming pagbutihing mahuli ang killer para hindi na mangyari ang mga nagdaang pagpapatay.
"Kilala niyo ang killer?" Tanong ni Krystal at nakita kong tumango silang lahat mismo maliban lang kay Ms. Wen.
"So hindi kilala ni Ms. Wen ang killer? Sa calculations ko ay siguro may kasalanan kayong lahat at siguro nangyari yun ay before kami nagtransfer ni Krystal right? Pero how come Ms. Wen didn't know this?" Sabi ko sa kanila but still they remain silent.
"Hindi namin ginusto ang pangyayaring yun at pinagsisihan naming lahat ang nagawa namin. It just a light sin. Hindi naman gaano kabigat, we just teasing that person pero bigla niya nalang ibinig deal. At tsaka wala si Ms. Wen kapag inaasar namin yung taong yun." Sabi sa akin ni Joseph na nakaharap sa iba. Lumingun-lingun ako sa kanila like may mga eye contact communication sila na sila lang ang nakakaintindi. Parang hindi maganda ang loob ko dito.
Sino bang matutuwa kapag inaasar? Big deal na yun even me if I am on killer's shoe.
"Wala siya sa atin, wala sa atin ang killer. Siguro nasa tabi-tabi lang siya at hindi niya kayang umatake kapag magkakasama tayong lahat." Sabi naman ni Angel kaya mas nakuha ko ang ideya. Thank you dahil wala sa kanila ang posibleng killer but sad to say, nasa palibut lang ang killer.
Tama kailangan magkakasama kaming lahat sa iisang lugar dahil hindi makakaya ng killer na sugurin kaming lahat sa isang atake lamang. At kung may magandang plano ang killer dahil nga malinis siyang gumalaw ay siguro mapapatay niya kami in one click lang.
"Pero anong ibig sabihin ng mga reaksiyon niyo? Parang hindi light sin lang ang ginawa niyo. Base sa mga reaksiyon niyo ay mabigat talaga ang mga nagawa niyong kasalanan." Sabi ko sa kanila at nakita ko ang iba na nagulat at ang iba naman ay tumingin lang sa akin ng seryoso.
"Carla h-huwag ka ng sumabat sa problema nila baka mapaano k-ka pa." Bulong ni Krystal sa akin.
Tumingin ako kay Janice, seryoso din ang mukha niya. One year lang kaming naging bestfriend pero sa loob ng taon na yun ay maraming nangyaring mga magagandang alaala. Magagandang nangyari na hinding-hindi  ko makakalimutan at siguro before kami nagkakilala ay may nagawa na silang mali at kasama siguro siya dun.
"Its confidential just for us Carla. Hindi dapat lahat ay alam mo." Biglang turan sa akin ni Nheldion na ngayo'y seryoso ng nakatingin sa akin.
Bigla naman akong kinilabutan kaya hindi na ako nagsalita pa at pinakinggan ko na lang ang pinag-uusapan nila.
"We need to protect ourselves. Huwag kayong lalayo kapag ganung mga oras dahil may tiyansa ang taong it na umatake." Angel said.
Lilingun-lingun lang ako sa kanila at makikita mo talaga ang pagiging seryoso at nakita ko kung paano din nagugulat ang mga babaeng kasama ko maliban lang sa nakakunot noo ni Ms. Wen na waring hindi niya nga alam ang nangyayari. Tinignan ko si Krystal, seryoso din siya. Inaatake na naman siya ng kuryusidad niya kaya hindi siya titigil kung hindi siya nakakahanap ng mga kasagutan sa mga tanong niya.
"B-but how that person appeared here?" Tanong ni Kesa na takot na takot na talaga ang guhit ng mukha niya. She is pale same as the others.
Ano ba talaga ang kasalanan nila? Bakit hindi nila kayang sabihin sa amin? Siguro nga mabigat na kasalanan ang nagawa nila sa killer na yan.
"I think may tumulong sa kaniya sa mga panahong iyon." Sambit naman ni Joseph. Sa nakikita ko, si Joseph ang pinakaseryoso sa kanila. Siya ang nakikita kung may posibilidad na may malaking kasalanan. Pero hindi ko alam kung tama nga ang instincts ko.
"Guys what are you talking about? Since 2 years ko kayong tinuturuan but how come I didn't know this problem?" Sabi agad ni Ms. Wen.
"Ms. mahabang kuwento." Sagot sa kaniya ni Lawrence.
"We have time, more time so you can spill it." Sagot pabalik ni Ms. Wen.
I think Ms. Wen's curiosity is looking an answers too. Siyempre, as far as I know before we transfer ni Krystal ay may estudyante pa siya noon maliban sa kanila at kay Romel at Allyza. This person must be the killer.
"Who's the name of the killer?" Biglang tanong ni Ms. Wen kaya napatango kami ni Krystal at gusto naming malaman kung sino ang killer. Kung ano ang pangalan nito.
"Its Angel."
————
Pagkatapos na mahabang usapan na yun ay hindi na nila sinabi ang mga formations about that Angel person. Hindi man lang nila sinabi na babae ba o lalaki dahil pwede itong maging unisex.
Hindi ko alam na may ibang Angel pa palang kaklase sila noon, pero bakit kaya siya napunta dito?
Nakatingin ngayon ako sa pintuan, kung sisirain namin ito ay tiyak matatagalan nga talaga kami. Since lock ito ay ang pagsira ng pinto nalang ang natatanging paraan. Pero napakasobrang laki ng pintuan at tantsa ko ay 10 feet ang haba nito at it made by an antique woods. Mamahalin din kaya mahirap talagang sirain.
"Tapos na naming ilagay ang katawan ni Allyza sa storage room kasama ang katawan ni Romel." Sabi sa bagong dating na sina Nheldion at Judy.
"Kamusta na ang katawan ni Romel?" Tanong ni Kesa kaya napalingun dito si Judy. He have this serious look again.
"Nalulusaw na ng unti-unti ang parte ng tiyan niya pati sa mukha pero buo parin naman ang katawan pero makikita mo talaga ang epekto ng asidong nainom niya." Sagot naman sa kaniya ni Judy at ibinaling ulit niya ang mata kay Lyka.
"Lyka. Ayusin mo ang sarili mo." Sabi ni Niño. Nakita kung paano nagbago ang ekspresyon ni Judy nang kinausap nito si Lyka. Meron naman ba akong hindi nalalaman sa dalawang to?
Puro naman may mga itsura ang mga lalaking kasama namin dito pero may mas lalamang na lalamang at yun ay si Dave. Hindi naman ako naaattract sa kaniya pero ang masasabi ko ay mas lamang talaga siya.
Napaisip ako.
Siguro nga hindi ko pa talaga sila kilala to the point na may crime na ganitong nagaganap. I thought sa screens ko lang makikita ang mga ganitong bagay na nakakakilabot.
Kinuha ko ang hinanda kung kutsilyo at inilagay ko yun sa likod ng bulsa ng short ko at tumayo.
"Where are you going Carla?" Tanong sa akin ni Janice ng magkasalubong kami. Bigla namang lumitaw sa likuran ni Janice si Rhea hawak parin ang phone niyang bagong charge ata.
"Oo nga Carla, you should stay where you galing kanina dahil baka mapahamak ka." Sabi nila sa akin.
"Yun na nga eh, hindi ko alam kung anong gagawin ko sa mga oras na'to. I don't know what should I do kung wala akong nalalaman sa mga ginawa niyo noon sa killer. Hindi ako mapakali hanggang hindi ko nalalaman kung anong rason sa mga pagpatay niya. And my instinct telling me that some of you will die here too." Sabi ko sa kanila at nakita ko kung paano naging seryoso ulit ang mga mukha nila. Did I hit the nail? Did I?
Tumalikod na ako pero narinig ko ang boses ni Janice. She's warning me to be careful where do I think I'm goin'. Nilingun ko lang siya at ipinakita sa kaniya ang kutsilyo pagkatapos ko itong hablutin sa bulsa sa likod ng short ko.
"If ever we encountered, I will fight kaya huwag kayong mag-alala dahil ililigtas ko ang sarili ko kahit hindi naman dapat." Dahil hindi ko naman dapat iligtas sarili ko dahil nga wala akong kasalanan. Wala akong natatandaang gumawa ng katarantaduhan sa isang nilalang noon and I'm sure that the killer will never touch me because I didn't touch that person before. Sana.
Pupunta ako sa kusina para uminom ng maligamgam na tubig, yung hindi gaano kalamig dahil nga sumasakit ang ngipin ko kapag masyadong mainit ang panahon tapos napakalamig ng iniinom ko. Hindi kasi ako katulad ng iba kapag mainit ay malamig na tubig ang katapat o kahit anong mga malalamig na maiinom.
Papalapit na sana ako sa kusina ng may marinig akong nag-uusap–ay hindi, nagtatalo pala. Pamilyar ang boses ng dalawa. Pumwesto ako malapit sa lugar kung saan may nagtatalo at banda ito sa isang room. Kung hindi ako nagkakamali ay room ata to sa mga cleaning tools sa bahay dahil nga may nakasabit sa pintuan na cleaning room .
Nakabukas lang naman ito ng konti kaya sumilip ako, hindi naman ako makikita dahil nakatalikod sa akin ang isang pamilyar na katawan at hindi rin ako makikita ng kausap niya dahil nakaharang siya.
Kaharap nila ang isang door size painting na isang bakal na gate ang nakapaint na hindi ko alam ang ibig-sabihin.
Inilapit ko ang tenga ko at ang mukha ko para marinig ang pinag-uusapan nila.
"Bakit ka ba nahihiya?"
"Hindi ako nahihiya! Ayoko lang munang malaman nila kung ano ang tungkol sa atin." Sigaw naman sa kaniya.
So totoo? May namamagitan nga sa kanila? And why should they denied of what kind of relationship they have? Hindi naman nakakasira yun sa paningin ng mga tao.
"Dave mali ito! At tsaka hindi naman ako nahihiyang sabihin sa kanila na may relasyon tayo. Its just hindi ko lang kayang sabihin kaya iniiwasan kung magsalita tungkol sa atin." Sabi naman sa kaniya ni Joshua.
Bakit si Joshua pa ata ang nahihiya? Hindi ba dapat ang lalaki ang nahihiya? Don't get me wrong dahil alam kung maganda talaga si Joshua pero still, hindi natin maiiwasan na bakla parin siya kahit paikutin ng mabilis ang mundo.
"So kaya pala nagpapanggap ka nalang sa iba? Nagpapanggap kang naaattach sa iba? But how about me Josh? Wala ka bang attachment sa akin? Am I not enough for you? Remember, nagseselos din ako at parang ang layo-layo ko sayo na kahit ang lapit lang natin sa isa't-isa." Sabi ni Dave. Its my first time to hear his manly with a poise of anger voice.
"Don't think na hindi ka sapat dahil your enough to provide my happiness. Your enough to love a person. Pero hindi ka ba nahihiya? Nahihiya na bakla ako at nakakasira sa pagkatao mo ang relasyon natin? Inisip mo rin ba ang magiging resulta kapag sinabi natin to sa kanila? I can handle pain dahil sanay na ako but you! I'm concern about you. I care for you because I love you kaya pinoprotektahan kita." Litaniya ni Joshua, drama.
Their love story is unique at ipinaglalaban ang meron sila at kung sino sila. That's love what told you. Love can define happiness to other definition but it can harm you that can make you feel sadness and pain.
"How about me Josh? Are you concerned about me? Concerned about what I feel? Hindi ko kailangan ng concerned mo dahil lang sa image ko o sa pagiging pagkalalaki ko na may relasyon sa kapwa kong lalaki. What I want is your concern what I feel inside. If you want to protect me go! Protect me about my feelings not my image. Wala akong pakialam sa magiging resulta ng pagmamahalan natin, wala akong pakialam sa magiging reaksiyon ng iba. Ang pakialam ko ay ikaw at ang relasyon natin. Ikaw dahil nakadepende ang puso ko sayo at iyong-iyo lang to. And I want yours to be mine too and I don't care if you a gay or we have a same gender. What important here is, we love each other."

Komentar Buku (16)

  • avatar
    Mark Joshua Briones

    very good

    4d

      0
  • avatar
    Lyn Lyn Eugno

    nice

    28/07

      0
  • avatar
    Love More

    I like it

    01/03/2023

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru