logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 5: He Saved Her

Hinawakan ni Denzel nang mahigpit ang dalawang dalaga na kasama niya habang napapalibutan sila ng mga lalaki.
"Hindi ba kayo magsasalita?" muling sabi ng lalaking nakaitim.
Wala sa kanila ang umimik at nanatili lamang na nakatayo at pinagmamsdan lamang ang kalaban dahilan para mainip ito.
"Ano! Sasabihin niyo o hindi?" Kitang-kita sa mukha nito ang pagagalaiting makuha ang babaing tagapagmana ni Mr. Yuzon. "Sige, madali lang ako kausapin." Sinenyasan niya ang mga kasamahan na ikasa ang baril at itutok kila Katherine, Denzel at Arianne.
"Huwag po! Maawa kayo sa amin," takot na takot na wika ni Arianne sa kanila subalit tinawanan lamang siya ng mga ito.
"Boss, mukhang itong isa ang hinahanap mo," turo ng isa pang lalaki kay Katherine. Lumingon iyon sa kanya at tinititigan.
Naluluha na ang mga mata ng dalaga sa kanilang sitwasyon, randam niya mabilis ng pagtibok ng kanyang puso nangmuling bumalik ang pinakamasakit na alaala niya. Pangyayaring nagdulot sa kanya ng matinding trauma kaya ayaw na niya itong balikan pa pero dahil sa nangyayari ngayon, itong pilit na pinaalala sa kanya.
Maya-maya narinig niyang nagsalita ang kaibigan na si Denzel.
"Kath, huwag kang susuko sa kanila anuman ang mangyari," bulong ni Denzel sa kaibigan habang mahigpit niyang hinahawakan ang palad nito na kanina pang nanginginig. "Matatakasan din natin sila. Tiwala lang."
"Mukhang tama ka nga, Rico," muling saad ng lalaking pinaka-boss sa kanila at pinaniningkitan niya ng mga mata ang dalaga.
Mga ilang sandali ay mabilis na kumilos ang mga armadong kalalakihan at kinuha si Katherine. Sa halip na magpatalo ang dalaga sa kanyang nararamdaman mas nagpakita siya ng katapangan para sa mga taong mahalaga sa kanya. Ayaw na niya maulit ang nakaraan na wala siyang ginawa upang lumaban.
Napahiwalay siya kila Denzel at Arianne, "Kath!" sigaw pa ng dalaga.
"Katherine!" sambit ni Denzel nang makitang hawak ng dalawang lalaki ang babaing gusto niya.
Hindi nagtagal nanlaban si Katherine, pinagsusuntok at pinagsisipa ang mga kalalakihan kaya nabitawan nito mga hawak na baril ng ganoon kabilis. Nilabanan din ito ni Denzel subalit natigilan siya nang tutukan muli sila ng lider ng baril si Katherine kaya mabilis niya itong pinoprotektahan at natamaaan siya sa balikat.
"Ahh!" sambit ni Denzel habang ang dalagang sinubukan niyang illigtas ay natutula at di mapakali sa kanyang sarili.
Masyadong mabilis ang pangyayari hanggang nakarating ang mga kapulisan. Pinagputukan ng baril ni Gabriel sa kaliwang braso ang lalaking nagtatakang pumatay kay Katherine.
"Kath!" sigaw ulit ni Arianne nang nahimatay ang dalaga habang nakakapit kay Denzel na may tama rin ng baril sa balikat. Nilapitan niya kaagad mga ito at inalalayan.
Binuhat na ni Gabriel si Katherine pabalik nang mansion habang inalalayan naman ni Arianne si Denzel papuntang hospital.
Kasalukuyang nagpapahingang mag-isa si Denzel sa isang silid ng hospital nang dumating ang lolo ni Katherine pati mga personal bodyguards nito. Hindi niya kilala ang matanda kaya ganoon na lamang pagtataka niya matapos makita ito.
"Sino kayo?" Tinititigan ng binata ang mga ito at natigilan ang mata niya sa isang matanda na naglalakad palapit sa kanya.
"Ikaw ba si Haze?" bigla nitong tanong sa kanya na kanyang ipinagtaka. Paano siya nakilala ng matanda?
Tumango lamang siya bilang sagot, "Kayo, sino po kayo?"
Nginitian siya nang matanda at hinawakan sa balikat, "Ako ang lolo ni Katherine." Nanlaki ang mata ni Denzel sa kanyang narinig. "Nandito ako para pasalamatan ka sa ginawa mong pagligtas sa aking apo."
"Kaibigan ko po si Katherine. Ililigtas ko po talaga siya anumang mangyari." Kinakabahan ang binata habang nakikipag-usap siya sa lolo ng kanyang babaing minamahal.
"Doon ako natuwa, sa'yo iho. Sa tapang at paninidigan mong ipagtatanggol si Katherine." Napangiti ang binata. Ganoon naman talaga kapag mahal ang isang tao handang ibuwis kanyang buhay para rito. Handang bigyan ng proteksyon hangga't maaari na nais manakit. "Sana gumaling ka kaagad para makapag-usap tayo nang masinsinan."
Sa tingin ni Denzel baka ito na ang panahon para makapag-confess na siya ng nararamdaman para kay Katherine lalo na magkakaroon na rin siyang basbas mula sa lolo nito.
Pagkatapos niyon, nagpaalam na sa kanya si Mr. Yuzon subalit kaagad siyang nagsalita, "Si Kath po, kamusta?"
Sandali siyang nilingon ng matanda, "Maayos naman ang lagay niya. Kailangan lang niya ng pahinga sa ngayon." Pagsisinungaling na lang ng lolo dahil ayaw na niyang ipaalam pa ang tungkol sa tunay na kundisyon ng kanyang apo.
Muli itong nakaranas ng trigger sa mga putok ng baril at dugo dahilan para muling makaranas ng depression.
"Ah, ganoon po ba? Sana maging OK na siya kaagad," wika ni Gabriel.
"Mauna na kami, Mr. Villarosa. Marami pa akong dapat tapusin. Kita na lang tayo sa susunod na mga araw."
"May balita na ba tungkol sa kung sino nag-utos para patayin si Katherine?" Kasalukuyang pauwi na si Mr. Yuzon sa kanilang mansion gamit ang SUV unit na binili niya nakaraang buwan.
"Wala pa po Sir. Ayaw din umamin ng mga lalaking nahuli sa pamamaril sa mall," seryosong pahayag ni Warren na nagsisilbing personal bodyguard ni Rodelio.
"Balitan mo kaagad ako kapag nahanap na ng mga pulis ang lead sa nangyaring krimen. Kailangan, mabantayan mo maigi ang kaso tungkol doon. Magtalaga ka ng tao na maaaring magmanman baka maunahan pa tayo ng kalaban. Pati mga galaw at plano ng pulis kailangan din niyang bantayan at kaagad ipaalam sa'kin," maotoridad na utos ng matandang lalaki sa kanyang sekretarya.
"Masusunod po, Sir Rodelio. Maghahanap po ako kaagad ng tao na maaaring magbantay sa kaso at maging sa kapulisan," mabilis na tugon ni Mr. Hidalgo at kaagad niyang hinablot ang phone at nagtipa ng mga mensahe.
Pagkalipas ng limang araw, unting naka-recover si Katherine buhat sa nangyari pero hanggang ngayon nanakit pa rin ang ulo niya at natulala. Bumabalik ang eksenang nangyaring encounter sa isang mall. Nakatitig siya sa bintana ng kwarto habang tumatama sa kanya ang liwanag nito.
Mga ilang sandali ay napag-isipan niyang maglakad-lakad sa mansion hanggang sa makatungo siya sa mini library. Kumuha siya ng libro at naupo roon. Tahimik siyang nagbabasa subalit naantala iyon ng nakaagaw ang atensyon niya ang rebulto ng isang lalaki sa kanyang harapan.
"Denzel?" gulat niyang saad. Pinipikit-pikit kanyang mga mata kung totoo nga kanyang nakikita dahil impossibleng makapasok sa loob ng mansion ang kaibigan dahil wala pa naman binanggit ang kanyang lolo ukol sa pagsisiyasat sa personal background ng binata. "Ikaw ba talaga 'yan?"
Narinig niyang tumawa ang binata at natiyak niyang si Denzel iyon. Pero nagtataka pa rin siya kung paano nakapasok sa mansion ang kaibigan.
"Kamusta ka na, Kath?" Naupo ito sa tabi niya.
"Paano ka...." Hindi natuloy ang sasabihin ng dalaga dahil inunahan na siya nito.
"Kinausap ako ng lolo mo nakaraan sa hospital," malumanay na sagot ng binata sa kanya.
"Pinuntahan ka niya?" Hanggang ngayon di pa rin makapaniwala si Katherine.
"Oo, pinasalamatan pa nga niya ako eh!" Ayon na naman pala kung bakit siya napayagan nang makatunton sa mansion pero sa pagkakakilala niya sa kanyang lolo hindi gano'n kadali para magtiwala siya. Kahit sa kanya na apo rin at matagal ng kilala, hindi nagtitiwala.
Sa halip na magtanong pa si Katherine at napangiti na lamang siya binata. "Mabuti na lang nakuha mo kaagad ang loob ng lolo ko. Kilala ko 'yon eh tzk!"
"Dahil nakita naman na pure ang intensyon ko para sa'yo di ba? Siya nga pala, kamusta na ang lagay mo?" Muling binalik sa kanya ang usapan.
"Ayos naman na pero mas kailangan ko pa magpagggaling."
Pagkatapos magkamustahan ay nagkwentuhan muna sila hanggang sa di namalaysn ang oras na sasapit na pala ang ala-singko ng hapon. Pinadalhan sila ng merienda sa library.
Hinatid na rin ni Katherine sa labas si Denzel sa labas ng mansion. Natigilan sila nang hilahin siya ng binata patungo sa hardin.
"Can I stay here for a few moment?" tanong nito saka kanya at mabilis na tumango. "Sarap ng simoy ng hangin."
Nag-aalinlangan pa rin si Denzel sa kanyang binabalak na pag-amin sa dalaga. Tila nauubosan siya ng lakas ng loob para sabihin ang tunay niyang nararamdaman para kay Katherine. Matagal na niya ito tinatago at pinipigilan. Ewan ba sa kanya, pagdating sa aminan ng feelings nawawalan siya ng confidence pero sa mga projects or taska na ginagawa niya everyday ay normal lamang sa kanya.
"Kath..." sabi niya. "Kath." Huminga siya nang napakamalalim. "Kath, please take care of yourself ah?"
Iyon na lamang ang tanging lumabas sa kanyang bibig. Wala, hindi niya kinaya talaga.
"Sure, thanks my dear friend," nakangiting tugon sa kanya ni Katherine.
Maya-maya ay niyakap na lang ni Denzel nang napakahigpit si Katherine upang mabawasan kahit papaano ang pagtibok ng kanyang puso. Pero, naappreciate niya ang sweetest response nito sa kanya.
Samatalang, si Gabriel ay naglalakad at di inaasahan na makikita niyang magkayakap sina Denzel at Katherine. Napangiti siya nang mapait dahil naalala niya sa dalawa ang panahong magkasama pa sila ng kanyang girlfriend na si Hannah. Pinigil niya ang luha at naglakad na rin ng palayo subalit napansin pa rin iyon ng dalaga.
Katatapos lang din ni Katherine kumain ng dinner kasama ang kanyang lolo at si Arianne. Di siya mapakali ngayon sa kanyang silid. Naagaw ng atensyon niya ang isang handbook na kulay pula sa dulo ng shelf. Kinuha niya ito hanggang sa umikot ito at nabuksan ang daan patungo sa isa pang silid. Sa kanyang kuryosidad, pumasok nga siya roon at tinignan ang buong paligid ng kwarto. Napansin niya ang mga gamit na sa kama at mukhang pamilyar sa kanya.
"Ano ginagawa mo rito?" Laking gulat ni Gabriel nang makita niya si Katherine sa silid nito matapos niyang maligo sa bathroom.
Nanlaki rin ang mata ng dalaga, "Ahhh..." Hindi siya makapagsalita at tinuro na lamang niya ang bagay na kung saan siya dumaan.
"Paano mo nagawang buksan 'to?" Tinignan ni Gabriel ang shelf at kabilang parte ng kwarto.
"Hindi ko alam. Nagulat na lang ako na biglang umikot 'yan at bumukas," Bakas pa rin kay Katherine ang kanyang pagkagulat. "Anyway, I should go now. I'm sorry kung napadpad man ako dito ng hindi ko sinasadya."
Aalis na sana ang dalaga nang makita niya ang mga bote ng alak sa isang mesa. "Teka, bawal 'to dito ah!"
"Alam ko, di ba pwede kahit ngayon lang?" Kaagad na hinarangan ng binata ang mga bote ng alak na nakalatag doon. "Nahihirapan kasi ako makatulog." Pagsisinungaling niya subalit gusto lamang niya magpakalasing para maibsan ang sakit nararamdaman.
Akala ng binata makakatakas siya kay Katherine. Kitang-kita ng dalaga na may problema ito.
"Are you sure na nahihirapan kang matulog?"
"Ano ibig mo bang sabihin?" Hindi mapakaling pahayag ni Gabriel kaya mas nahalata siya sa kanyang kinikilos.
Naupo ang dalaga sa kanyang kama at hindi na muna siya bumalik sa kanyang kwarto.
"Alam mo ba maaari kang matanggal sa trabaho sa ginagawa mong 'yan?" Tinititigan ni Katherine ang binata upang mabasa ang nasa isip nito. Napahinto siya saglit dahil napapansin niya na parang pamilyaradong-pamilyardo na sa kanya si Gabriel. Gusto na sana niya ito tanungin pa tungkol doon pero ipinagliban niya muna.
"Alam ko kasama 'yon sa mga rules and policy dito pero gusto ko lang uminom kahit ngayon lang. Pwede ba?"
"OK, papayag ako pero pwedeng tumambay muna rin dito kahit sandali lang? Naiinip kasi ako sa kwarto eh. Wala si Arianne ngayon dahil umuwi muna siya sa kanila kaya wala akong makakausap. Naiinip ako. Tapos masyadong maaga pa sa'kin para matulog." paliwanag ni Katherine.
"OK, fine. Dumito ka kaysa tumakas ka nanaman. Matik na ako sa lolo mo." Tinawanan siya ng dalaga.
"Syempre, ikaw ang personal bodyguard ko eh. Kargo mo lahat kapag nawala nanaman ako sa kwarto ko." sabay muling tawa ni Katherine. "Gusto mo bang samahan kitang uminom?"
Muntik nang matabig ni Gabriel ang bote sa gano'ng tanong ng dalaga sa kanya, "Bawal!"
"I'm just kidding. Hindi talaga ako umiinom. Kahit kailan di ba ako nakakatikim kahit beer man lang." Biglang bawi ng dalaga sa kanya.
"Mabuti naman kung gano'n. Hindi bagay sa'yo!" muling tinawanan ng dalaga ang binata.
Medyo nakahinga nang maluwag si Gabriel sa ganitong set up. Dahil kahit papaano, mayroon man lang siya makakausap. Masyadong nakakabaliw na magmumukmok siyang mag-isa.
"Bakit mo pala naisipan uminom?" Biglang tanong ni Katherine sa kanya.
"May iniisip lang."
Naging comfortable naman ang pakiramdam niya sa presensya ng dalaga kahit makulit ito.
"Ok. Kung mayroon ka man pinagdaraanan ngayon, just tell me and I will listen."
Napalingon si Gabriel kay Katherine. Tumagal iyon ng isang segundo saka siya nagsalin ulit ng alak sa kanyang baso.
"Lahat naman tayo ay may problema pero huwag lang kimkimin dahil kapag sumabog mas lalong maging problema 'yon sayo."
Tama si Katherine para kay Gabriel. Mas magiging problema iyon sa kanya at baka di na siya makaahon mula roon.
"Alam mo first time ata natin mag-usap ng ganitong seryosohan noh?" Napatango ang binata.
"Yeah." tugon niya na at di napigilan ang pagtulo ng kanyang luha.
"Hey, what's happening? May nasabi ba ako na hindi maganda?"
"Wala naman. Thankful lang ako sa'yo. Di ko lang mapigilan lang din ang luha ko sa pait na nararamdaman ko ngayon."
"Bakit anong nangyari?" wika ni Katherine. Gusto lang niya makatulong kahit hindi umaayon sa gusto at trip niya si Gabriel.
Umiinom muna ng dalawang basong ng beer ang binata at muli itong nagsalita, "Nakipag-break na sa akin si Hannah."
Nabigla si Katherine sa kanyang narinig dahil di niya alam na may girlfriend din pala ang taong tulad ni Gabriel.
"Parati raw akong busy pero naipaliwanag ko naman sa kanya kung bakit," kwento pa niya. "Ginagawa ko 'yon para makapag-ipon para sa future namin."
"Teka lang ah, nakipaghiwalay siya sa'yo dahil nawalan ka lang ng time sa kanya? Baka naman may iba pa siyang reasons why she broke up with you." Paninigurado ni Katherine dahil sa tingin niya ay napakababaw ng rason ng babae para hiwalayan si Gabriel.
"Iyon ang totoo, Miss Yuzon. Pinilit kong sabihin sa kanya lahat ng bagay na gusto niyang marinig pero wala pa rin." Lumagok muli ng alak ang binata.
"Medyo mababaw lang kasi ang rason niya. Kung para naman sa future niyo ang ginagawa po sana na lang mas inunawa na lang niya sitwasyon mo kung talagang mahal ka ng girlfriend at kung ayaw masira ang relationship niyo," seryosong pahayag ni Katherine di rin siya makapaniwala sa gano'ng simpleng dahilan. Para sa kanya mas may nakikita pa siyang ibang dahilan pero hindi niya magawang sabihin ng harapan sa binata. Ayaw na niyang dagdagan pa iniisip at dinaramdam nito.
"Mabuti ka pa, nauunawaan mo'ko kahit ngayon ko lang nasabi." Halos mangiyak-ngiyak si Gabriel habang nakikipag-usap kay Katherine. "Mabuti pa ang ibang tao, mas naiintindihan ang punto ko."
Tinabihan ng dalaga ang binata at tinahan ito. "Magiging OK din ang lahat. Baka nabigla lang si Hannah at magkabalikan ulit kayo."
"Sana nga, Miss Yuzon."
Sa kanilang kwentuhan di namalayan ng dalaga na alas-diyes na pala ng gabi kaya naman naisipan na rin niya tumayo sa kinuupuan.
"Aalis ka na?" Biglang tanong sa kanya ni Gabriel.
"Oo, late na ng gabi oh!" Turo niya sa orasan na nakasabit sa dingding. "Kung gusto mo bukas na lang ulit saka lasing ka na rin!"
"Last na nating pag-uusap 'to kaya sulitin mo na," wika ni Gabriel na pumikit-pikit na rin ang mga mata at pilit na iminumulat ito.
"Bakit, magre-resign ka na?" Nalilitong tanong ni Katherine.
"Hindi!" sagot ng binata at muling uminom ng beer. "Di ko nagawa ang pinangako ko sa lolo mo kaya aalisin na niya ako bilang iyong personal bodyguard at bukas darating na rin ang ipapalit sa'kin."
"Anong pangako? May papalit, sino?" Maglalakad na sana pabalik ng silid ang dalaga nang masambit ang kanyang lolo sa dahilan ng pag-alis ni Gabriel.
"Nangako ako sa kanya na magiging magaling akong bodyguard at ililigtas kita sa anumang panganib pero sa pangalawang pagkakataon, hindi ko siya nagawa. Hindi ko alam kung bakit dahil never pa akong pumalpak sa naging trabaho ko dati. Syempre kailangan kong pagbutihin para sa future ko at ng pamilya ko subalit hindi ko nagawa sa pangalawang pagkakataon."
May bahagi sa puso ni Katherine ang pagkaawa sa binata. Gano'n pala kapag pamilya na pinag-uusapan handang gawin lahat ng mga bagay para matugunan ang mga pangangailangan nito.
"Hindi mo kailangan maging perpekto para masabing magaling ka," Paunawa ni Katherine sa binata. "Huwag mong i-pressure ang sarili para maging perpekto ang lahat. Tao ka lang. Di mo kasalanan na hindi mo ako naligtas. Nagkataon lang ang pangyayari."
"Hindi mo makukuha ang mga bagay na gusto mo kapag di mo siya kayang patunayan sa gawa. Di mo masasabi na magaling ka, kung hindi mo ipapakita na karapat-dapat sabihan kang mahusay na tao. Iyon ang pananaw ko, Miss Yuzon. Hindi 'yon mababago. Nakatatak na siya sa'kin."
Hindi kumbinsido si Katherine sa kakaibang paniniwala ni Gabriel na magbibigay naman sa kanya ng kawalan na ng tiwala sa sarili.
"Hindi 'yon ang basehan para maging magaling ka sa harap ng ibang tao at hindi mo kailangan maging perpekto para mapansin at mahalin ka, Mr. Bustoz?"
Dahil sa sinabi iyon ni Katherine, natigilan si Gabriel. Hindi siya makapaniwala sa sasabihin ng dalaga sa kanya. Nagkatinginan silang dalawa subalit mabilis na umiwas ng tingin ang dalaga.
"Ako, apo ni lolo. Bata pa lang isinilang na akong mayaman. Lahat ng gusto ko nabibili ko pero hindi ko inisip maging perpektong anak ng aking ina at perpektong apo ni Lolo Delio. Dahil, kahit anong gawin ko hindi 'yon maaabot. Kahit gaano man ako kayaman, hindi pa rin magiging perpekto lahat. Ginawa ko lang mga bagay naisin kong gawin para sa sarili ko. Alam ko sa aking sarili na mayroong hangganan ang lahat. Kaya, Mr. Bustoz kung ang perfectionism ang pagpapakita sa'yo ng kahusayan, maaari na kahit sa pag-ibig mapupunta pa rin lahat sa imperfection. Tao lang tayo nagkakamali at may pagkukulang. Di mahalaga ang sasabihin ng iba at di rin mahalaga kung di ka malakas, ang mahalaga na alam mo sa sarili na tao ka lang rin may hangganan din at napapagod."
"Halos alam ko ang lahat sa'yo dahil sinabi sa'kin na ng lolo mo pero ang masasabi ko lang magkaiba tayo ng pinanggalingan kaya magkaiba rin ng paniniwala," wika ni Gabriel na alam niya kanyang mga sinasabi ay tama.
Sa huli binalak na lang ni Katherine na ihinto ang kanilang diskusyon dahil mangyari walang magbabago sa magiging pahayag ni Gabriel. "Ok, fine if it is your principle. Anyway, hindi na ako makikipagtalo pa. I'm just explaining the truth behind of that maintaining perfections." Hinakbang na ni Katherine kanyang mga binti papasok sa silid subalit natigilan siya. "Good night."
"Wait!" Pigil sa kanya ni Gabriel. "Thank you nga pala sa iyong pakikinig. Kahit sa ganitong paraan, gumaan ang pakiramdam ko."
Nginitian ito ng dalaga, "You're welcome. Akala ko nga ga-graduate na'ko sa ganito. Sige, matulog ka na."
"Good night din." sagot ni Gabriel saka tinigil ang pag-inom ng alak at pinilit ang sarili na makatulog.
KINABUKASAN. Kasalukuyang nagliligpit ng mga gamit si Gabriel dahil ngayon na alis niya sa mansion nang biglang may kumatok sa kanyang pintuan. Bumungad sa kanya si Mr. Yuzon at hinawakan siya nito sa balikat.
"Sir Rodelio?" Gulat niyang wika dahil di inaasahan na ito pa mismo ang lumapit sa kanya.

Komentar Buku (13)

  • avatar
    Carin Sarino

    nice

    06/06

      0
  • avatar
    Marvin Villanueva Banal

    nice book

    28/05

      0
  • avatar
    Ryan Jalova Cruz

    nice

    09/05

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru