Chapter 5 Dahan-dahan s’yang naglakad patungo sa pinto at bahagyang binuksan ito, tama lang para makita kong sino ang na ro’n. Nagtataka naman s’ya sa lalaking nasal abas ng apartment n’ya at seryosong nakatitig sa kanya. Mapupungay ang mga mata at nakataas ang mga buhok nito na bahagyang gulo-gulo. “Ikaw ba si Ms. Levesque?” Tanong ng binata sa kanya. Nagtaka si Kriss kong bakit ang daming nakakilala sa kanya. “Ikaw ba si Kriss Levesque ng BSHS, isang archaeologist.” Dagdag pa ng binata. “A---ako nga po,” pinagmasdan n’ya ang kabuuan ng binata samantalang wala naman kakaiba, “sino po ba kayo?” Tanong naman n’ya sa binate, pinagmamasdan n’ya ang mata nito na kulay asul pakiramdam niya amerikano ang kaharap. “Ako si Autumn Pablo.” Pakilala ng binata kay Kriss. Napataas naman ang isang kilay ni Kriss. “Hulaan ko ang papa mo ay si Winter at ang mama muna naman si Spring.” Pabirong saad ng dalaga. Bahagyang ngumiti ang binate na animoy mapang-asar, “paano mo nalaman?” Pero biglang nag-seryoso muli ang mukha ng binata, “wala akong oras makipagbiruan sayo, kailangan mong umalis dito.” Tuluyan nang nabuksan dahil sa lakas ni Autumn ang pinto ng silid kaya bahagyang napaatras si Kriss, “kailangan munang umalis dito. Hindi ka na ligtas dito at kailangan mong sumama sa’kin.” “Anong---” hindi na ito na gawa pang ituloy ang sasabihin ni Kriss nang may malakas na pagsabog sa mismong loob ng bahay n’ya. Agad s’yang natumba sa labas ng silid kasama si Autumn, ubong-ubo s’ya dahil sa makapal na usok, nahihirapan din siyang tumayo dahil sa lakas ng impact sa pagkakasabog, nagsilabasan din ang mga tao sa kanilang bahay. Sumabog ang kanyang desktop dahil sa virus na pinasok sa system, na ginawa ng mga taong nasa BSHS. Parang wala lang kay Autumn ang nangyari hinatak na lamang n’ya ang dalaga patayo, wala s’yang pakialam kong nahihirapan si Kriss. Bigla na lamang n’yang kinumpas ang kamay lumabas na lamang sa harapan nila ang portal at pumasok do’n na mag-kasama. *** Mula sa baba ang tatlong bumisita kay Kriss ay gulat na gulat nang makita ang pagkakasabog agad na kiniwelyuhan ni Mr. Imperial ang matangkad na lalaki, takot na takot ito sa kanya, “bakit ninyo inactivate ‘yong virus do’n sa desktop n’ya?” “Hi---hindi ko po alam Mr. Imperial,” kabadong sagot ng binate sa kanyang amo. Marahas na tinulak ni Mr. Imperial ang lalaking ‘yon saka kinuha ang telepono at tinapat n’ya sa tenga n’ya para sagutin ang tawag, “hello secretary ano pong nangyari sa plano? Bakit sumabog ‘yong desktop ni Kriss, akala ko hindi ninyo gagawin?” Narinig n’ya ang tumatawang babae sa kabilang linya, “aksidente lang ang lahat director, hindi na s’ya kailangan pa sa plano natin, kaya na natin ang lahat ng wala s’ya.” Pinatay n’ya ang tawag saka n’ya pinasunod sa kanya ang dalawang kasama. Habang ang iba ay nagkaka-gulo sa pababa sa mismong nasusunog na gusali, sila naman ay papaakyat nang makita nilang wala na ang dalagang si Kriss sa silid, ay agad ding silang bumaba pabalik. Nagtataka si Mr. Imperial dahil biglang nag-bago ang plano. *** Nilabas ng portal sila Kriss at Autumn sa loob ng umandar na train patungong Bambang, Tondo. Takang-taka naman ang nag-iisang pasahero ng train na lasing pa at may hawak na alak, hindi n’ya alam kong dahil sa alak o totoo ba ‘yong nakikita n’ya biglang paglitaw ng dalawa. Agad na tumayo ang binatang naglalasing at lumipat sa pinakadulo ng train, hindi na pinansin pa ang dalawang biglang lumitaw, tanging ang dalawa na lamang ang natitira do’n. Hindi pa rin tumigil sa pag-ubo ang dalaga hanggang sa mapansin n’yang nasa ibang lugar na sila. “Na saan tayo? Anng ginawa mo?” Sunod-sunod na tanong n’ya kay Autumn agad naman s’yang hinatak pa upo ng binata sa malapit na upuan, hindi mapaniwalang nasa train s’ya samantalang nasa na susunog na bahay s’ya kanina. Pinagmasdan n’ya ang binatang nasa harapan n’ya, ngayon napatitig s’ya sa nakakalulang mata ng binata agad n’ya itong naitulak. “Wag kang mag-alaala nasa maayos ka nang kalagayan.” Sambit ng binate. “Nasa maayos akong kalagayan, sa tingin mo nasa maayos akong lugar? Ni hindi kita kilala tapos dinala mo ko dito, para kang nag-time travel!” Nagguguluhang sambit ni Kriss. Bahagyang na gulat si Autumn, “paanu mo nalaman?” Lalo s’yang na gulat nang tumawa ang dalaga. “Hello sa panahon na ito hindi na imposibleng makaalam kami ng ganyan, dahil sa palabas na mga mutant at may telekinesis or super powers.” “Meron dito? Akala ko sa taon lang namin sila na bubuhay? Ngayon wala sila, dahil nagtatago sa takot makita at baka patayin sila?” Si Kriss naman ngayon ang nag-seryoso ng mukha, “ano bang sinasabi mo? Napapanood lang namin ‘yon at hindi ‘yon totoo, palabas lamang ang lahat kaya kami nagkaroon ng ga’nung kaalaman, wag muna man seryosohin.” Sarkastikong wika ng dalaga. “Totoo sila, marami kami, hindi lang ninyo alam,” sa bawat salitang ni lalabas ng binata ay siya naming pagkabog ng dibdib ng dalaga dahil sa kaba. “Anong marami kami?” Pagtataka ni Kriss sa mga sinasabi ng binate. “Marami kami, nagtatago lang sila pero sa panahon namin marami kami, pero nagkakaro’n pa rin ng problema dahil sa pagbubukas ng pyramid, maraming nakatago sa mundo na hindi pa natutuklasan ng kahit na sino at kahit ikaw.” “Anong connect ng mga sinasabi mo, hindi ko maintindihan pwede bang isa-isa lang?” Lumapit si Autumn kay Kriss saka hinawakan ang magkabilang balikat nito, “hindi ka sa taon na ‘to ako nabubuhay at hindi ako taga-rito, nabubuhay ako sa taong 3000. Kailangan lang kitang puntahan para iligtas ka, dahil ikaw ang makakatulong sa’kin para iligtas ang future. Ikaw ang magpapabago ng lahat, kong naalala mo ‘yong nag-message sayo, si Henry Castillo siya ‘yon nag-sabi sa’kin na ikaw daw ang makakapagligtas sa susunod na henerasyon, ginamit ko ‘yong pangalan n’ya. Pero ang totoo ako ‘yon, kailangan kitang mahanap ng hindi nila mapapansin marami din silang naghahanap sayo, nasundan nila ako. Alam na nila ang lahat at ang gusto nila ay patayin ka, para hindi mo mabago pa ang lahat na nakatakda para sayo.” Parang ayaw tanggapin ni Kriss sa kanyang isipan ang mga narinig n’ya pati ang salitang pagligtas. “Hindi ako tao ginawa lang ni Dr. Castillo sa isang likido at iba’t ibang DNA RNA ng mga tao para mabuo ako.” Pagpapatuloy nito, dahan-dahan na lumayo si Kriss sa binate. “Maniwala ka sa’kin lahat ng sinasabi ko ay hindi panaginip o napapanod sa palabas, Kriss nasa totoong buhay tayo,” punong-puno ng pagtataka ang dalaga kaya agad s’yang lumapit dito. Nilagay ng binata ang kamay n’ya sa noo ng dalaga at bigla na lamang nagputi ang buong mata ng binate. Bigla na lamang lumitaw ang mga taon mula 2016 paatras sa taong 621 B.C pati ang mga na imbento sa mga bawat taon, mga nangyari, mga taong na kilala, kaguluhan at hanggang sa huminto ang imahe sa isang madilim na lugar, walang makitang iba si Kriss sa kanyang isipan hanggang sa magliwanag, gulat na gulat na lamang s’ya sa mga nakikita niya sa kalangitan, gusto n’yang tumakbo pero hindi n’ya magawa.
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
Such an interesting story
03/09/2024
0sarap basahin goods story
02/08/2024
0Ganda sobra ng kwento 😇❣️
02/07/2024
0Lihat Semua