Chapter 3 Isang oras na ang nakalipas nang wala pa ring nagri-reply sa mensahe ni Kriss sa taong nagsasabi sa kanya tungkol sa kakaibang bagay na pwede n’yang malaman. Sa buong maghapon nakatitig lang s’ya sa screen ng desktop n’ya. Napapaisip tuloy s’ya kong niloloko ba s’ya ng taong ‘yon at wala naman talagang ipapagawa ang isang ‘yon. Tatayo na sana s’ya nang tumunog ang desktop n’ya, na ibig sabihin may bagong mensahe para sa kanya at napabalik muli s’ya sa pagkakaupo. Nakita n’ya ang pangalang Henry Castillo sa screen agad n’ya itong click binasa n’ya ng tahimik ang mensahe para sa kanya. ‘Kong ako sayo hindi ko sasabihin ang mga nalaman ko, mas maganda kong ikaw lang at wala nang iba pa. May mga bagay na tinatago ang gobyerno lalo na ang mga bagay na kakaiba na pwede ninyong tuklasan at pag-aralan. Kong gusto mo pumunta ka sa lugar naka-attached sa mensaheng ito. Tuklasin mo ng ikaw lang ang mag-isa, sigurado akong mababago mo ang lahat, maniwala ka sa’kin at wag sa iba. Alam kong magagawa mo ang ipapagagawa ko sayo, pumunta ka sa lugar na ‘to at alamin ang lahat.’ Napakunot-noo ang dalaga sa mensaheng nabasa, para sa kanya para s’yang nagbasa ng isang mahabang bugtong may babala sa dulo, na kong sakaling mali ang maisagot n’ya sa bugtong na ‘yo maaaring buhay n’ya ang maging kapalit. Agad n’yang binuksan ang sinasabi sa sulat na isang attachment at lumitaw ang isang simpleng mapa nakuha pa sa isang gps. Nag-print s’ya isang long bond paper, nang hawak na n’ya ito pinag-aralan n’ya ang tungkol sa mapa, pamilyar sa kanya ang mga pangalan ng lugar lalo na ang lugar na kailangan n’yang bisitahin ayon sa mensahe, “Cebu?” Bulalas n’ya na may halong pagtataka. Nagtataka na sa dinami-rami ng lugar sa Pilipinas, bakit sa Cebu pa? Isang napakaganda at napakalayong lugar. Nilapag na muna n’ya ang papel sa gilid at nag-reply sa bagong mensaheng na tanggap. ‘Hindi ako nagtatrabaho ng walang bayad, magkano naman ang matatanggap ko dito sa trabahong ‘to?’ Mga ilang minutong paghihintay nang muling ang desktop dahil sa bagong dating na mensahe. ‘Higit pa sa natanggap mong pera nong nagtatrabaho ka sa BSHS, nang pinag-aralan mo ang libro ni Nostradamus. Dito ikaw ang manginginabang sa lahat at lahat ng paghihirap mo at makilala ka nilang lahat,’ napasandal na lamang si Kriss sa kanyang upuan. Parang isang mabigat at napaka-importante ang ibibigay sa kanya, pero bakit s’ya pa? Noong na tapos n’ya ang trabaho noon, hindi man lang s’ya nakakuha ng kahit na anong credit kong di pera dapat pang ipasalamat sa gobyerno ang lahat imbes na sa kanya. Kinuha n’yang muli ang mapang nakaguhit sa papel pero isa lang ang pinagtaka n’ya bakit s’ya? Kilala ba s’ya ng kausap n’ya ngayon para pagkatiwalaan ng ga’nun? Nag-reply muling s’ya, ‘sino ka? Bakit hindi mo binigay sa BSHS ang trabaho? Mas madali kong sila at hindi ako at saka bakit sa’kin pa, magkakilala ba tayo?’ Dumating na naman ang bagong mensahe para sa kanya. ‘Malaki ang tiwala ko sayo at ito lang ang masasabi ko, wala akong tiwala sa kahit na anong galamay ng gobyerno.’ Tumayo na lamang si Kriss saka nilagay ang mga importanteng bagay sa backpack n’ya. Agad din s’yang naligo at nag-ayus ng sarili kahit na pagabi na’y gusto pa rin niyang bumayahe papunta sa lugar na sinasabi ng mapa. Pinagmasdan muna niya ang paligid nang makalabas s’ya ng silid n’ya at saka pumasok sa elevator. Dahil pakiramdam n’ya kong hindi s’ya mag-iingat pwede s’yang higitin kong saan para patayin ng tao ng gobyerno wala na ding imposible na hindi na s’ya mahanap pa. Bumili na muna s’ya ng pang tatlong araw na baon sa biyahe n’ya sa isang convenience store na malapit lang sa kanilang apartment. Sumakay muli s’ya sa sasakyan n’ya at nagmaneho. Kahit na pagod na pagod gising s’ya sa buong biyahe makarating lang ng maaga sa port, 6:46 pm s’ya nakarating ng Matnog, Sorsogon kong saan may port nakadaong ang mga barkong patungong Cebu ng 7:10 am. Pumili siya sa bilihan ng mga ticket at nang makabili naman s’ya agad s’yang sumakay sakay ng kotse n’ya papasok sa barko. Medyo nakaramdam din s’ya ng pagkahilo sa pagewang-gewang ng barko. Pati s’ya pagewang-gewang sa paglalakad sa unang palapag ng barko. “Ate,” napasulyap s’ya sa batang lalaki na may edad sampung taon tila sanay na sa biyahe kaya napa-ngiti s’ya rito dahil talo pa s’ya ng bata. “Ano ‘yon bata?” Pinilit na lamang n’yang magsalita kahit ayaw n’yang ibuka ang bibig n’ya dahil parang lalabas ang mga kinain n’ya dahil sa hilo at pagkakaikot ng sikmura n’ya sa biyahe. “Dapat ate pagmasdan mo ‘yong kawalan para hindi ka mahilo,” maamo nitong giit kay Kriss, “halika ate,” bahagyang nagulat si Kriss dahil sa pagkakahawak sa kanya ng bata dinala siya sa dulo ng barko kong saan pwedeng tumungtung para pagmasdan ang kabuuan ng dagat. Pinagmasdan n’ya ang hampas ng malakas na alon sa barko, ang mga nagsisiliparan na ibon at pinakiramdaman ang simoy ng hangin. Unti-unting nawawala ang pagkahilo n’ya pero hindi dahil sa sinabi ng bata kong di dahil pagkakahawak nito sa kanya, “mag ingat ka ate,” napasulyap si Kriss sa bata na hindi na n’ya katabi. Hinanap n’ya ito sa paligid pero para itong bulang biglang naglaho. “Ano bang nangyayari?” Tanong n’ya sa kanyang sarili. *** Tanghali nang huminto ang barko sa port ng Cebu kaya agad s’yang bumaba sakay ng kotse n’ya. Pinark na muna n’ya ang kotse gilid saka naghanap ng makakainan, ang dami din n’yang pwedeng pagpilian sa dami ng tindahan pero puro sea food ang ulam sa kainan. Papasok na sana s’ya sa tindahang na pili, nang makita n’ya ang batang tumulong sa kanya n’ya, alam n’yang s’ya ‘yon nag-tama pa ang kanilang mga mata, habulin sana n’ya para magpasalamat nang mawala ito sa dami ng tao. Na weirduhan s’ya sa buhay n’ya ngayung simula nang makatanggap s’ya ng mensahe mula sa hindi kilalang tao. Agad na lamang s’yang bumalik sa kainan para mag-order ng inihaw na pusit at kanin nang makapili na s’ya ng lamesa. Dumating naman agad ang order n’ya pero bago umalis ang matandang babaeng naghatid ng order n’ya at muling nilabas ang mapang nasa kanya, saka nagtanung tungkol sa matandang babae. “Ali pwede po bang mag tanong?” Magalang n’yang tanong kaya bumalik ang matandang babae bigla naman n’yang naalala ang paalala sa kanya ni Mr. Castillo sa kanya, ‘Kong ako sayo hindi ko sasabihin ang nalaman ko mas maganda kong ikaw lang at wala nang iba pa.’ Pero mukhang wala naman alam sa mga bagay na kakaiba ang ale. “Anu yun neng?” Pinakita naman n’ya ang hawak na mapa at saka tinuro ang pulang tuldok kong saan s’ya pupunta. “Alam ninyo po ba kong saan ‘yan?” Sandaling pinagmasdan ng ale ang mapang binigay n’ya at ngumiti sa kanya sabay balik ng papel sa dalaga, “oo kaso dulo pa ng Cebu baka gabihin ka kong pupunta ka do’n.” Hindi na nagdagdag pa ng mga katanungan si Kriss at agad na nag pasalamat, inumpisahan na n’yang kainin ang pagkain n’ya dahil alam n’yang mahabang biyahe naman ang gagawin, sanay naman s’ya sa mga ga’nung bagay. Alam n’yang sa kanyang sarili na pinanganak na s’yang manlalakbay para matuklasan ang mga kakaibang bagay sa mundo.
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
Such an interesting story
03/09/2024
0sarap basahin goods story
02/08/2024
0Ganda sobra ng kwento 😇❣️
02/07/2024
0Lihat Semua