Lyrica's POV: KRINNNGGGGGGGG! Napabalikwas ako ng bangon dahil sa ingay ng cellphone ko. Inaantok pa ako kaya hindi ko iminulat ang mga mata ko. Kinapa ko ang cellphone ko kung saan ko ito naririnig na tumutunog. Nang makapa ko ito ay kaagad kong pinindot ang answer button at sinagot ang kung sino man itong nambubulabog ng ganito kaaga. Kung nagtataka kayo kung paano ko napindot ang answer button kahit nakapikit pa ang mga mata ko, well ganito kasi 'yan kabisado ko na ang cellphone ko kaya ganun. So, wag na kayo magtaka. "Hello, sino 'to?" Tanong ko sa inaantok pang boses. "Bunso? Thanks God!" Napamulagat ako ng mga mata matapos marinig ang boses ni kuya Lucas. "K-kuyaaa! Huhuhuhu" Boses palang ni kuya naiyak na kaagad ako. Miss na miss ko na siya. Sa loob ng halos apat na buwan, ngayon ko nalang ulit narinig ang boses niya. I missed him so bad. "Ssshhh, stop crying okay? Wala si kuya para pahirin 'yang mga luha mo. Napaka iyakin mo parin talaga." Batid ko ang lungkot sa boses ni kuya. "K-kuyaaa. Miss na miss na po kita, kamusta kana?" Hindi ko mapigilan ang emosyong nararamdaman ko ngayon. Labis na pagkatuwa at pagkasabik, iyon ang nararamdaman ko ngayon. "Miss na miss narin kita bunso. Ayos lang si kuya. Ikaw ang kamusta na? S-sorry bunso ha? Sorry..." Lalong lumakas ang pag iyak ko dahil sa pagsosorry ni kuya Lucas. "It's okay kuya." Sagot ko sa umiiyak na boses. "Bunso, I'm asking you. Kamusta ka?" Pag uulit ni kuya sa unang tanong niya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kaya dinaan ko nalang siya sa paghikbi. "Fvck! I know you're not okay. Where exactly you are? Pupuntahan kita, susunduin kita d'yan." Nag aalala niyang sabi. Sana ganun lang kadali yung sinabi niya na susunduin niya ako. "Galit parin ba sa'kin sila Mommy?" Pag iiba ko. Hindi umimik si Kuya Lucas, alam ko na kung ano ang ibig sabihin nun, they're still mad at me. "Bunso, I need to see you. May kailangan kang malaman. May sasabihin si kuya sa'yo." Sa tono ng boses ni kuya mukhang importante ang sasabihin niya. Kinakabahan ako. "K-kailan kuya?" "Tatawagan nalang kita okay? For now, I need to hang up the call tinatawag na ako ni Mommy. See you soonest bunso. I love you." Mahina ang pagkakasabi ni kuya sa huling mga salita pero sumapat parin iyon para marinig ko. "I love you too kuya Lu---" bago ko pa masagot si kuya Lucas ay naputol na ang linya. --- LUCA'S POV: "Sino ang kausap mo?" Galit na tanong ni Mommy pagbukas ko ng pintuan ng kwarto ko. Kanina pa kasi siya katok ng katok. "Wala po mom, inaantok pa talaga ako kaya natagalan kitang pagbuksan." Pagsisinungaling ko. Kunwari din akong nagkukusot ng mata ko ngayon para halatang bagong gising talaga ako. "Kapag nalaman ko na kinakausap mo si Lyrica malilintikan ka talaga sa akin!" Galit na pagbabanta ni Mommy. Hindi ako umimik, hinayaan ko lang siyang magsalita. "Aalis na kami ng Dad mo, baka sa isang linggo pa ang balik namin. I'm warning you Lucas, huwag na huwag kang makikipagkita kay Lyrica. Naiintindihan mo ba?" "Yes mom." Sagot ko. "Good. I'm watching you Lucas. I'm watching you!" Napabuga nalang ako ng hangin pagkalabas ni Mommy ng kwarto ko. May dahilan si Mommy at Daddy kung bakit nila pinalayas si Lyrica. Kung ano ang dahilang 'yon? Isipin niyo nalang muna sa ngayon. Wala pa akong time para magkwento. I am Lucas Alexander Yang, ang gwapong anak ng istrikto't - istriktang mag asawang Yang. I am 24 years old at may sarili nang business na pinamamahalaan. Gwapo, mabait at mapagmahal 'yon nga lang wala pang mamahalin. During my high school and college days, ang daming nagkakandarapang babae sa akin pero ni isa ay wala akong pinatulan sa kanila. Dahil may nakatakda na akong mahalin 'yon nga lang nawala pa. Pinakatitigan ko ang cellphone ko. Nag iisip pa ako kung tatawagan ko pa ba si Lyrica. Tutal wala naman sila Mommy kaya may mahabang panahon ako para makita at maka usap si Lyrica. May kailangan siyang malaman at may ipagtatapat ako sa kanya. Nagmadali akong pumasok ng banyo para maligo. Hindi na muna ako papasok ngayon sa Opisina, kailangan kong makita si Lyrica. Apat na buwan narin mula nung huli ko siyang makita. Sana nasa maayos lang talaga siyang kalagayan dahil kung hindi malilintikan sa akin ang asawa niyang 'yon. Siguraduhin niya lang na inaalagaan niya ang prinsesa ko dahil kung hindi ako ang makakalaban niya. Matapos kong maligo at magbihis ay tinawagan kong muli si Lyrica, sinabi ko kung saang cafè kami magkikita. "S-sir Lucas saan po kayo pupunta?" Napabuga ako ng hangin matapos makitang ibinalik pala talaga nila Mom and Dad itong si kuya Randy. He's my personal bodyguard since high school, sa pagkakaalam ko nung grumaduate ako ng college ay tinanggal na nila ang bodyguard kong 'to dahil nga malaya na ako at kaya ko na ang sarili ko. Talagang malaki ang galit nila kay Lyrica dahil hinigpitan ako nilang lalo. Mabilis kong kinuha ang wallet ko at naglabas ng sampung libo. "Kuya Randy, dating gawi. Ikaw na ang bahalang maglinis sa footage ng cctv sa loob, huwag mo rin akong isusumbong kila Mom and Dad, maliwanag?" Mabilis namang tumango itong si Kuya Randy kaya napangiti ako. This is the reason why I like him being my personal bodyguard. Madali siyang kausap at mapakiusapan. "Basta mag iingat kayo sir ha, huwag niyong ipapahamak ang sarili niyo dahil baka mabisto tayo mawawalan ako ng trabaho." Mahigpit niyang bilin sa akin. Tinawanan ko lang siya. Napaka segurista din ng isang 'to. "Sige ho, makakaasa kayo. Pabukas nalang po ang gate." "Sige po sir," Nagtungo ako sa garahe para kuhanin ang kulay itim kong kotse. Napangiti ako nang sa wakas ay nagamit ko narin ulit ang kotse kong ito. Habang pangiti-ngiti akong nagmamaneho ay biglang nag ring ang cellphone ko. Napamura ako nang makita ko kung sino ang caller, it's mom. Kung hindi ko sasagutin ang tawag niya tiyak na dadakdakan na naman ako nun, kaya kaagad ko itong sinagot. "Where are you going?" Sa tono ng boses ni Mommy ay na-iimagine ko na kaagad ang mataray niyang mukha. Kitang kita ko ngayon na nakataas ang kilay niya habang nagtatanong kung saan ako pupunta. "Sa opisina po." Sagot ko nang walang pagka utal. Mahirap na baka mahuli pa ako. "I thought you're not going to work today?" "Nagbago na po isip ko mom, boring pala sa bahay kaya papasok nalang ako." "Really?" "Yes, mom really." "Okay. Take care." Nakahinga ako ng malalim matapos niyang ibaba na ang tawag. Ang hirap talagang magkaroon ng istriktang parents. Kahit nasa legal age kana, bantay sarado ka parin. Try niyo guys.
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
nice story
21/04
0kaylan mabasa Ang karogtong
21/10
0ang ganda 🥰🥰🥰
13/09
0Lihat Semua