logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

05

Lyrica's POV:
Sakto alas otso nang magising ako. Kaagad akong bumangon at nagtungo sa banyo para gawin ang morning routine ko.
Matapos kong maghilamos at magbihis ng pambahay na damit ay lumabas narin ako ng kwarto ko. Dahil wala si Red kaya sa guest room ko naisipang matulog.
Malaki ang bahay niyang ito, ngunit ang lungkot naman dahil ako lang mag isa ang narito.
"Good morning!" Halos mapatalon ako sa sobrang gulat dahil sa nadatnan ko sa kusina.
"K-kuya William?"
"Bakit parang gulat na gulat ka? Hindi ba sinabi sa'yo ni Red na pupunta ako ngayon? By the way, where is he?" Sunod-sunod niyang tanong.
Wala namang sinabi si Red na parating pala ang kuya niya. Paano nga naman niya sasabihin kung wala siya rito diba? Isa pa, wala akong contact number sa kanya.
Natawa pa nga ako kahapon sa sinabi niyang tawagan ko siya kung may kailangan ako, paano naman ako tatawag kung hindi niya ibinigay ang cellphone number niya diba?
"Ah, si Red po kasi maagang pumasok sa opisina niya." Pagdadahilan ko. Naalala ko na kabilin-bilinan niya rin na huwag kong sasabihin sa kahit kanino na hindi kami magkasama rito sa bahay.
"Talaga? Galing ako sa opisina niya e, wala naman siya dun."
"K-kaalis niya lang kasi. Oo, tama kakaalis niya lang."
Kita ko sa mga tingin ni kuya William na hindi siya sa akin naniniwala kaya mabilis akong nag iwas ng tingin.
"Nevermind. Halika na at mag agahan. Ipinagluto kita ng soup." Napangiti ako sa sinabi ni kuya William.
"Salamat."
"Wala 'yon." Sagot niya.
"Kamusta naman kayo ng kapatid ko?"
"Mabuti naman po. Mabait naman si Red." Pagsisinungaling ko.
"Inaalagaan ka ba niya at ang pamangkin ko?"
"O-oo. Inaalagaan naman." Pagsisinungaling ko parin.
"Good."
"K-kuya William?" Tawag ko sa atensiyon niya.
"Yes?"
"Salamat nga pala."
"Saan?" Naguguluhan niyang tanong.
"Sa pagdala sa akin sa bahay niyo nung gabing pinalayas ako sa amin. Naalala ko kasi, ang tagal na nating nagkikita ni hindi pa manlang ako nakakapagpasalamat sa inyo."
"Hahaha ano ka ba naman, wala 'yon. Sadyang nakatakda ata talagang mangyari ang gabing iyon. Akalain mo, sinong mag aakala na ang babaeng nakita kong natutulog sa tabi ng daan ay ina pala ng anak ng bunsong kapatid ko diba?"
"Hehehe oo nga."
"Sige lang, kumain kalang dyan. Ubusin mo lahat 'yan para lumakas ka at si baby."
"Salamat." Naaalala ko si kuya Lucas kay kuya William. Kagaya ni kuya William, maalagaa at sweet din si kuya Lucas. Nakakalungkot nga lang na kinalimutan niya narin ako.
"Hindi ka ba nababagot dito?" Kapag kuway biglang tanong ni kuya William. Kakatapos ko lang kumain at maghugas ng pinagkainan ko.
"Hindi naman po masyado. Ayos lang naman po ako rito."
"Talaga?" Paninigurado niya.
"O-opo-- Oo."
"Mabuti naman. Sige, aalis na ako. Mag iingat ka rito ha? Kung kailangan mo nang makakausap tawagan mo lang ako."
May ibinigay siya sa aking maliit na papel. Nang tingnan ko iyon ay naglalaman iyon ng contact number niya.
"Salamat." Medyo nahihiya kong sabi. Nakakahiya na kasi na palagi nalang akong umaasa sa kanila. Hindi bale, kapag naisilang ko na ang batang nasa sinapupunan ko ay kikilos din ako nang sa akin.
Dahil sa pagkabagot ay hindi ko namalayan ang oras. Gabi na pala at madilim na rin sa loob ng bahay. Tumayo ako at binuksan ang switch ng ilaw.
"Good evening." Walang buhay na bati sa akin ni Red. Naguguluhan ko siyang tiningnan. Bitbit niya ulit ang dalawang maleta na dala niya kagabi nung umalis siya.
"B-bakit ka nandito?" Nauutal kong tanong sa kanya. Magkaibang-magkaiba talaga si Red at ang dalawa niya pang kapatid. Sweet at palangiti si kuya William at ate Estella pero itong si Red animo'y pinagbagsakan lagi ng langit at lupa. Palaging seryoso ang mukha niya at lukot na lukot din ang itsura niya.
"Nag away kami ni Klai, because of you." Malamig niyang sabi bago diretsong naglakad papasok ng bahay.
"May pagkain ba?" Tanong niya. Napayakap ako sa sariling katawan ko dahil sa lamig ng boses ni Red. Narito na naman ang pakiramdam ko na kinakabahan na hindi ko maipaliwanag.
"W-wala e, hindi kasi ako marunong magluto." Nakayoko kong sagot.
"What the hell? Kababae mong tao tapos wala kang alam?" Bulyaw niya sa akin. Napapikit narin ako dahil pakiramdam ko anumang oras ay tatama sa akin ang kamay niya.
"Argh! Stupid! Stupid!" Paulit ulit niyang sigaw sa mukha ko bago nagmamadaling umakyat paitaas ng hagdan.
Wala na naman akong nagawa kundi ang umiyak. Kung bakit ba kasi ang hina hina ko kaya heto, palagi nalang akong umiiyak.
---
RED'S POV:
"I hate you! I hate you!" Paulit-ulit na sigaw sa akin ni Klai habang pinagpapalo niya ako sa dibdib.
Kakauwi ko lang galing opisina at nagulat ako dahil nadatnan ko siyang umiinom mag isa ang mas nakakagulat pa ay lasing na lasing na siya. Kanina pa siguro siya uminom.
"B-bakit mo ginawa sa'kin 'to Red? Alam mo bang ang sakit sakit para sa'kin?" Humihikbi niyang sabi. Tumigil narin siya sa pagpalo sa dibdib ko. Nakatayo nalang siya ngayon sa harapan ko habang patuloy ang pag agos ng mga luha niya.
I hate seeing her like this. Parang tinutusok ng libu-libong karayom ang puso ko ngayon. Seeing the woman I love like this.
"I-I'm sorry Klai, I'm sorry." Bulong ko sa kanya.
"No! Kahit ilang sorry pa ang sabihin mo Red, wala nang magbabago. Hindi na mababago nang sorry mong 'yan ang katotohanang sinaktan mo na ako."
Bakas sa boses at mga luha niya na sobra ko siyang nasaktan. Pero tao lang din naman ako na nagkakamali. It was just a mistake. Pinagsisisihan ko naman ang nagawa kong 'yon.
"Ano bang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako Klai? Please?"
"LEAVE." Malamig niyang sabi sa kabila ng kalasingan niya.
"No. Pinag usapan na natin 'to diba?"
"Oo. Pero hindi ko pala kaya Red. Masakit, sobrang sakit."
"I love you. Klai please, I love you." Hindi ko namamalayan na umiiyak narin pala ako. Bakit ba kasi kailangan kong pagdaanan ang ganitong pagsubok? Ano bang nagawa ko para pahirapan ng ganito?
"If you really do? Then, leave. LEAVE! LEAVE ME ALONE RED! LEAVE!" Halos magwala na siya habang panay ang tulak sa akin palabas ng condo niya.
"Hindi, lasing kalang hon." Pagpupumilit ko dahil ayoko siyang iwanan.
"No! Hindi ako lasing! Sige na umalis kana."
Nang maitulak niya ako sa labas ay mabilis niyang isinara ang pintuan kaya wala na akong nagawa kundi ang magmakaawa sa kanya na papasukin ako. Pero sadyang pinatigas na ata ng sakit ang puso niya kaya kahit inabot ako ng ilang oras kakapakiusap sa kanya ay hindi niya ako pinakinggan.
"Good evening." Walang buhay kong bati kay Lyrica. Mukhang gulat na gulat siya nang makita ako. Nagpalipat lipat din ang tingin niya sa akin at sa maleta na dala ko.
"Bakit ka nandito?" Naguguluhan niyang tanong.
"Nag away kami ni Klai, because of you." Prangka kong tugon sa tanong niya. Napayoko siya dahil sa sinabi ko. Mukhang naguilty siya.
Nilagpasan ko siya at diretsong pumasok sa loob ng bahay.
"May pagkain ba?" Malamig kong tanong sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi parin maalis sa isip ko ang pagtatabuyan sa akin ni Klai.
"W-wala e, hindi kasi ako marunong magluto." Nakayoko niyang sabi. Talagang ipinangalandakan niya pa talaga na wala siyang alam. How stupid of her!
"What the hell? Kababae mong tao tapos wala kang alam?" Bulyaw ko sa kanya. Dahil sa magkahalong galit at inis na nararamdaman ko ngayon muntik ko na siyang masampal. Mabuti nalang at nakita ko ang tiyan niya kaya kaagad kong naibaba ang nakaamba kong kamay.
"Argh! Stupid! Stupid!" Dahil sa inis kaya isinigaw ko iyon sa mukha niya. Kita ko ang panunubig ng mga mata ni Lyrica pero wala akong pakialam. She's just nothing. Nagmadali akong umakyat sa taas para duon ibuhos ang galit na nararamdaman ko ngayon.

Komentar Buku (160)

  • avatar
    Merlita Roque

    nice story

    21/04

      0
  • avatar
    Jhe Sacare

    kaylan mabasa Ang karogtong

    21/10

      0
  • avatar
    Amben Riza

    ang ganda 🥰🥰🥰

    13/09

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru