logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 4

Schzna’s POV
Sa ilang oras kong pagmamatyag sa kanilang apat, inasahan ko na ang pagiging maawtoridad ni Rad pero hindi ko inakalang may katangian siya na wala sa ibang taong mga nakasalamuha ko.
Maraming tanong ang pumapasok sa utak ko. Masyado akong naguguluhan dahil sa mga kakayahang ipinapakita nila.
Sino ba talaga sila? Ano bang kaya nilang gawin?
"Kung ang division ni Chen-seonsaeng kaya ang inatasan para sa rank-s mission, paniguradong matatambangan din ang mga iyon,"
Naglalakad na kami papunta sa Valeria. Tahimik akong naglalakad kasabay nila. Nasa kaliwa ko si Reina, habang nasa kanan ko naman si Sibal.
Tumango ang seonsaeng. "Mabuti nalang at tayo ang inatasan, hindi pa maayos ang lagay ni Avon matapos n'ong isang misyon."
Rinig ko ang pagbuntong-hininga ni Sibal matapos sabihin iyon ng seonsaeng.
Pero hindi naman kakikitaan ng ekspresyon si Rad, tila sanay na siya sa mga gan'ong eksena at takbo ng misyon.
Mayroong masusugatan, masasaktan at mababawas sa grupo lalo na kung mataas ang misyong inaatas.
Napaisip tuloy ako kung gaano kalupit ang batas at patakaran ng headmaster sa mga hwarang at wonhwa.
Narinig ko ang pagtawa ni Sibal habang nasa kalagitnaan kami ng paglalakad. "Grabe! Muntik na tayong madali kanina,"
Natawa naman si Via. "Sayang, 'di ka napuruhan." nakangiwing sabi niya saka nagpatuloy.
Natawa silang apat habang kami ni Reina ay walang imik. Maraming katanungan ang mga naglalaro sa isipan ko dahil sa mga nalaman.
"Hindi ko inakalang iaatas sa atin ito ng headmaster," seryosong anang ni Rad. "Hindi sa kinukuwestyon ko ang mga abilidad n'yo pero sa tingin ko ay masyadong mataas ang rank-s mission para sa katulad naming mga lowest rank of hwarang,"
Umawang ang labi ko sa sinabi niya. Lowest rank of hwarang?
"Hayaan mo't pagkarating natin sa akademya ay ibabalita ko ito sa headmaster. Naniniwala akong dapat na kayong maging isang nop-eun hwarang."
Matunog ang pagkangisi ni Sibal, mukhang nasiyahan sa sinabi ng seonsaeng sa kanila.
"Hindi naman siguro maaari iyon, hindi sapat na dahilan ang pagsuong natin sa misyon para gawin iyon ng headmaster."
Napasimangot si Sibal at sinamaan ng tingin ang babae dahil sa ginawang pag-alma ni Via sa sinabi ng seonsaeng.
Tumango ang seonjang. "Tama iyon, seonsaeng." sang-ayon ni Rad. "Baka isipin ng ibang dibisyon ay masyadong pili ang headmaster sa mga tao."
Ngumiti lang ang seonsaeng dahil sa sinabi ni Rad sa kan'ya na ikinataka naman n'ong tatlo.
"At saka, ipinagbabawal ding atasan ang dibisyong kulang sa miyembro, seonsaeng. Baka kagalitan ng ibang dibisyon ang headmaster kapag nangyari iyon."
Nababahiran na ng galit at inis ang tono at pananalita ni Rad, mukhang naiinis dahil sa nasabi ng seonsaeng, makapagsalita siya ay parang mas mataas siya sa lalaking katabi nito.
"Kalmahan mo, Rad." sabi ni Sibal. "Masyado mo 'atang ipinagkakalandakan ang batas, may iba pa tayong kasama."
Seryoso at walang bahid ng kalokohan na sinabi iyon ni Sibal. Tila may isang napakadilim na nakaraan ang mga batas na iyon at parang bawal pang ipagsabi sa mga tulad namin.
Napatingin sa akin si Radleigh. Kahit ilang oras na kaming magkakasama ay hindi nawawala ang takot ko kapag naririnig ko siyang magsalita o 'di kaya'y mabaling sa akin ang paningin niya.
Bahagya akong napaatras at bumilis ang pagtibok ng puso. Masyado akong naiintimidate sa mga tingin, at presensya ng isang tulad niya.
Tumalikod siya sa amin at nagpatuloy sa paglalakad. Gaya ko rin ay medyo natigilan sina Reina at Via sa eskpresyong ipinakita ng seonjang.
Habang papunta kami sa Valeria ay mas nababagalan kami dahil sa mga putik na dumirikit sa mamahalin nilang sapatos.
Mayroon pa kaming nakakasalubong na mababangis na mga hayop tulad ng mga tigre, ahas, at ano pang mababangis na hayop na naninirahan sa kagubatan.
Nagsimula ring magreklamo sina Sibal at Via dahil sa mga insektong dumarapo sa kanilang balat habang kami ni Reina ay walang imik kahit kinakagat na ng mga lamok.
Nakarating kami sa harap ng border ng Valeria na humaharang sa kabilang nasyon. Imbes na dumaan kami sa daanan doon sa bayan ay ipinadaan nila kami sa secret tunnel.
Kasabay naming naglalakad ang tinatawag nilang syaedou keullon o shadow clone sa wikang ingles, shadow clone iyon ng seonsaeng at ng seonjang.
Nakarinig ako ng ilang hiyawan ng mga taga-bayan, marahil naroon na sila ng entrada ng Mastery Academy at kasalukuyang tinitingala ng mga komonero.
"Gan'on pala kasikat ang grupo ng seonsaeng," anang Reina.
Nasa kalagitnaan na kami ng secret tunnel na ito na nagdudugtong papasok sa Mastery Academy.
"Bakit kaya nila naisipang idaan tayo rito gayong gusto ko nang bumalik sa bayan?" sunod niya namang tanong.
Nagkibit-balikat ako. "Kahit ako ay walang mahitang dahilan para papasukin tayo sa akademya."
Nakakapit sa akin si Reina dahil talagang takot ito sa mga maimahinasyong mga bagay tulad ng shadow clone ng seonsaeng at seonjang.
Tahimik lang ang dalawang shadow clone na iyon, talagang gayang-gaya ang emosyon ng totoo nilang katauhan.
Matapos ang ilang oras ng paglalakad sa napakatahimik at napakadilim na tunnel ay nakarating kami sa harap ng isang higanteng gate.
Gawa ang gate na iyon sa matibay na kahoy at pakiramdam ko ay nababalot iyon ng matinding kapangyarihan.
Nagpatiuna ang dalawang clones na kasama namin nang harangin kami ng dalawang hindi basta-bastang bantay!
Mayroong iba pang mga bantay na nagkalat at hindi iyon tulad ng mga ito. Sa tingin ko ay ilan sila sa mga hwarang sa loob ng akademya.
Ang dalawa namang bantay na ito ay parang mga bantay sa emperyo, mukhang ipinadala ang mga ito sa akademya.
Malalaki ang katawan at kung tatanyahin ay tiyak na wala talaga kaming laban ni Reina.
Sabihin na nating may kakaiba akong abilidad pero nasisiguro kong lalabag ako sa batas kapag nagsimula ako ng away sa pagitan namin.
"Can you calm down, Maximus?" sabi ng shadow clone ni Rad.
Tumiim ang bagang ng Maximus na tinawag ni Rad saka ipinagkrus ang mga braso.
"Bakit may komonerong tulad nila na kasama ninyo?" nakakatakot ang tono ng pananalita niya.
Pakiramdam ko ibang klaseng eskwelahan ang papasukan ko, pakiramdam ko hindi na ito eskwelahan kun' 'di kulungan.
"Ang headmaster lamang ang dapat makaalam." anang seonsaeng sa kakaibang leng'wahe.
Napatango ang Maximus na iyon saka kami binigyan ng daan. Nagpatiuna ang seonjang habang lumikod naman ang seonsaeng sa amin.
Nang tignan ko ang isa pang lalaki at masama na ang tingin niya sa akin kaya agad akong nangilabot sa takot at kaba.
Habang ang shadow clone ni Rad ay maawtoridad na naglalakad papasok. Nang makapasok ay tila nawala ang kaisipang kulungan ang aking papasukan.
Isa iyong mala-paraisong akademya! Mayroong sementadong tulay at may magkabilang ilog sa pagitan ng tulay. Mas malinis at malinaw iyon, kitang kita ang mga kakaibang isda na lumalangoy.
May mga puno na kulay rosas, mayroong mga kahoy na upuan sa ilalim ng punong iyon.
At dahil medyo mahangin, ang banayad na hangin ay dumampi sa pisngi ko kasabay ng paghulog ng isa sa mga dahong kulay rosas.
Napangiti ako sa kaginhawaang idinulot n'on sa akin.
Ilang minuto pa ay nakita ko na ang kastilyo ng Mastery Academy sa harap ko. Tila may bumara sa lalamunan ko habang nakatitig dito.
Nang tuluyan kaming makapasok sa kastilo ng akademya ay parang gustong mahiya ng putikan at marungis kong sapin sa paa sa karpetang aapakan namin.
Mabilis na naglaho ang dalawang shadow clones nang dumating ang grupo ng seonsaeng, lumabas sila sa isang silid.
Headmaster's Office
"What took you so long?" Radleigh muttered.
Hindi ko mapigilang mahiya para sa sarili. Paaralan ba ito o kaharian para sa mga maharlika?
***
Seonjang - Captain
Nop-eun Hwarang - High Ninja
Syaedou Keullon - Shadow Clone

Komentar Buku (187)

  • avatar
    Loriza Cardino

    love it

    24/04

      0
  • avatar
    Mylene Noble

    cuteees

    11/04

      1
  • avatar
    Clarkson Arcayna

    it's great

    04/04

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru