logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 3

Schzna’s POV
Nang makaalis ang mga iyon ay napuno ng katanungan ang mga isip ng mga kasama ko, nababasa ko iyon sa kanilang mga isipan.
Ngunit hindi nila magawang magtanong dahil nagsimula akong gamutin sila kahit hindi sila nagsabi.
Nagkusa ako dahil maging ako ay hindi ko maipaliwanag ang nangyari kanina lang. Hindi ko magawang sumagot o magsalita matapos n'on.
Nagtatanong ang mga tingin nila sa akin, nagugulat at hindi makapaniwala sa nagawa ko. Nabigla rin ako, hindi ko alam kung anong signs ang nagawa ko.
Mabilis at tila hangin ang ginawa kong iyon kaya kahit ang Gia na iyon ay nagulo ang isip. Nagawa kong mabasa ang isip niya, maraming tanong ang isipan.
Sa tingin ko ay hindi sila basta-basta dahil siya lang ang nabasa ko. Ang captain na tinawag niya ay sarado ang isip, at hindi magawang pasukin ng kakayahan ko ang isip niya.
Nasisiguro kong kapantay niya ng abilidad ang seonsaeng na kasama ko.
Ngunit ang isang kinagugulat ko ay ang hindi ko rin magawang pasukin ang isip ng lalaki na nalaman ko ang pangalan ay Radleigh.
"Pang-unang lunas pa lamang ang nagagawa ko dahil hindi ko pa nahahasa ang abilidad ko, pero sana ay makatulong."
Pilit akong ngumiti ako matapos nang paggagamot sa kanila at sa pinakahuling si Yvianna.
"Gamsahabnida," she said in a voice that was so precise that it was as smooth as silk-angelic even.
Kung ikokompara ko sa boses ko ay mas malumanay at mas babae ang boses niya kaysa naman sa boses kong parang isang amazona ang nagsasalita.
Sinubukan kong h'wag mailang sa mga tingin nila, kasama na si Reina na kanina ay takot na takot ay ngayong nagdududa at nagugulat na ang mukha.
Ngunit hindi ako nagtagumpay dahil sa nagtatakang tingin ni Radleigh, mukhang anumang oras ay magtatanong na siya.
"Ano ang pangalan mo?" seryosong tanong ni Radleigh.
Napaturo ako sa sarili. Napalunok ako bago sumagot. "Schzna Ara Shevria," inosente bagamat kinakabahan kong sagot.
Umawang ang labi ng seonsaeng saka agad na napatingin sa akin. "Dangsin-ui ileum-eun... neomu manh-eun himgwa gwon-wileul oechigo,"
(Translation: Your name... screams so much power and authority,)
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Kahit si Reina ay nagulat pero si Sibal ay napuno ng kagalakan at kagulatan ang mukha.
"Nais kong malaman, binibini, ano ang ginawa mo at hindi nila nagawang maramdaman ang ating presensya?"
Mahinahon siyang nagtanong, pero batid kong nasasabik na siyang malaman ang ginawa ko, kahit ako ay gusto kong malaman kung ano ang nagawa ko.
I swallowed hard at tumungo. "Itinago ko ang presensya n'yo kasama na ang kapangyarihan niyo." wala sa sariling sambit ko.
Bumilis ang paghinga ko. Bigla na naman akong kinabahan. Wala sa sarili! Walang wala ako sa sarili!
Radleigh and the whole squad raised their eyebrows as if I said something that interested them.
Napalunok ako at hindi ko nagawang salubungin ang mga tingin nila.
"It's a forbidden neunglyeog." anang Radleigh.
Nagtaka ako, nangunot ang noo at umawang-awang ang labi dahil sa nalaman.
"A forbidden what?" taka kong tanong.
Radleigh sighed heavily. "A forbidden ability."
Humarap sa kan'ya ang kaibigan kong si Reina. "Bakit pinagbabawal?"
Tumikhim ang seonsaeng saka ipinagkrus ang mga braso at sumandal sa katawan ng puno.
"Ang sabi nang nakatatanda, ang abilidad na iyan ay matagal nang ipinagbawal ng apat na nasyon, noong mayroon pang kapayapaan sa pagitan ng lahat." anang niya.
Nangunot na naman ang noo namin ni Reina. "Mahusay ang abilidad na iyon, seonsaeng. Bakit nila ipagbabawal? Kasayangan iyon sa kasaysayan." anang Reina.
Umiling ang seonsaeng. "Mahusay nga ngunit iyon ang sumisira sa kapayapaan, Reina."
Umawang ang labi ko. "Matagal nang walang kapayapaan sa apat na nasyon, seonsaeng." nakangusong anang ko.
"Ang Liveria ay minsan nang gumamit ng abilidad na iyan para pabagsakin ang isang nasyon, ang Hemera."
Agad kaming napatingin kay seonsaeng, napupuno na ng interes ang mga mukha at napupuno ng tanong ang isipan.
"Doon nagsimula ang walang hanggang digmaan sa pagitan ng apat na nasyon,"
Namilog ang mga mata ni Sibal at nagugulat na tumingin sa seonsaeng, gan'on din ang reaksyon namin maliban na lang kay Radleigh.
"Bilang bayan ng mga marangal na jeoggi, nagpasya ang Hemera na ubusin ang lahi ng mga Medical Wonhwa."
Natigilan ako saka nagugulat na tumimgin sa seonsaeng at awtomatiko namang napatingin sa akin si Sibal.
"Seonsaeng..." sabay-sabay na sambit nina Sibal, Yanna at Radleigh.
Tila pinipigilan ang seonsaeng sa pagsasalita tungkol roon. Nagkatinginan naman kami ni Reina dahil sa inasta nila.
"Ang mga Medical Wonhwa lang ang may natatanging nagtataglay ng abilidad na iyon."
Sumeryoso ang seonsaeng, mararamdaman mo talaga ang tindi ng pait ng nakaraan sa lahi ng mga Medical Wonhwa.
"Ngunit, ang maalamat na si Hiraya, ang natatanging Medical Wonhwa ng Valeria ay bigla nalang naglaho. Inakala ng lahat na isa rin siya sa mga napatay."
Natigilan ako at biglang kinilabutan nang dumampi ang banayad na hangin sa aking mukha na naging dahilan nang paghangin ng aking buhok.
"Hiraya..."
Napailing ako nang napailing. Unti-unting naglaro sa isip ko ang isang babae, nakangiti habang tumutulo ang dugo sa kan'yang kakaibang mga mata, hawak ang isang sanggol.
Bigla nalang umatungal ang sanggol na hawak ng babae at kasabay n'on ay ang pagdilat ko dahil sa pitik ng isang lalaki sa noo ko.
Hindi na ito ang unang pagkakataong may naglalaro ng ganito sa isipan ko. May hiwaga ba sa likod ng pangalan ni Hiraya para maglaro itong muli?
"Ayos ka lang?" agad na tanong ni Reina.
Huminga ako nang malalim saka tumango. Nakita ko ang pagpapalit ng emosyon ng seonsaeng, mula sa pagkagulat hanggang sa pagkahabag.
"Ibinalewala iyon ng mga Hemera at inakalang patay na si Hiraya, ikinagalak iyon ng mga hukom dahil naniniwala ang hukom na hangga't walang bangkay na nakikita, 'di pa patay ang maalamat na si Hiraya."
Narinig ko ang ilang malalalim na pagbuntong-hininga ni Radleigh, tila gusto nang patigilan ang seonsaeng.
"Ang ikinatataka ko, binibini..." ani seonsaeng nasa akin ang paningin. "Paano kang nagkaroon nang gan'yang katinding kapangyarihan?"
Napailing ako at tumungo, iniiwasan ang nagtatanong nilang mga tingin.
Hindi ko alam. Hindi ko alam. Ayokong alamin. Ayoko.
Parang sirang plakang nagpaulit-ulit ang ngiti, atungal at duguang mata ng babae sa aking isipan.
Para akong binabaliw sa bawat pagpikit ko ng aking mga mata. Sino ka?
Tumikhim si Rad. "Don't asks again, seonsaeng." aniya saka tumayo mula sa pagkakaupo sa ugat. "She's clueless."
Tumango ang seonsaeng saka bumuntong hininga. "Umuwi na tayo, at mag-uulat pa ako sa nakakataas."
***
Neunglyeog - Ability
Gamsahabnida - Thank You

Komentar Buku (187)

  • avatar
    Loriza Cardino

    love it

    24/04

      0
  • avatar
    Mylene Noble

    cuteees

    11/04

      1
  • avatar
    Clarkson Arcayna

    it's great

    04/04

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru