logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

chapter 7

"So, sino ang crush mo?" Usisa ko kay Lizzie na nasa harapan na upuan nakaupo. "Baka matulungan kita..."
I looked inquirely at Lizzie, who shrugged her shoulder. Abala siya sa pagkagat ng kanyang burger habang ako'y naghihintay sa sagot niya. Inagaw ko ang burger niya nang muli sana siyang kakagat dito at inilayo sa kanya. Kailangan ko itong gawin para sabihin niya kung sino ang crush niya. Malay niya baka matulungan ko siya. At para na rin masigurado ko na wala talaga siyang gusto kay Soo-joon.
Lizzie try to snatch her burger from me. Mas lalong inilayo ko ito nang hindi sinadyang nahampas ko ito sa estudyanteng dumadaan sa aking likuran. Dali-dali akong tumayo at kumuha ng tissue sa bag saka pinunasan ang uniform niyang nadumihan dahil sa burger. Napatigil ako sa aking ginagawa nang hawakan niya ang aking pulsunan at binalibag ang aking kamay. Iritable kong tiningnan ang mukha ng kaharap, umawang ang aking bibig nang makita ang tanglay nitong kagwapuhan. God, bakit mo ba ako pinaparusahan?
I can't look away, parang ang aking paningin ay nakapako sa kanya. I was surprised by his handsomeness. His brown eyes, sharp nose, soft lips, perfect face and body—he is totally as one package. Lumapit si Lizzie sa akin habang nasa lalaki ang kanyang paningin. And the way she look at the guy, nahulaan ko na agad. Ito ang crush na tinutukoy niya.
"Dollane please, forgive her..." Lizzie begged. "She will be careful next time."
Hinarap niya si Lizzie. "Little sister, pagsabihan mo yang kaibigan mo... Next time wag siyang tatanga-tanga."
Little sister... Magkapatid sila? Pero sa nakikita ko ngayon, para silang lover na nag-aaway. Subrang bagay nila.
Ang lahat ng nasa canteen ay nakatingin sa amin. They're looking at us as if they're watching opera. Napasinghap ako nang maalala ang huling salitang binigkas ni Dollane. Punukulan ko siya ng masamang tingin, ibinalik rin niya sa akin ang kanyang paningin. Ngumisi siya saka simpleng tinitigan ako. Kahit gwapo ka, hindi ako papayag na pagsasabihan mo akong tanga!
"Sinong tanga?" Tinuro ko ang aking sarili. "Ako? Hindi mo ba ako kilala!?"
"Of course I know you, ms. Transferee," bumuntong-hininga na parang isa akong malaking pagkakamali na tinanggap ako sa paaralang ito. "Nadagdagan naman ang mga bubo sa paaralan na'to at naging magkaibigan pa."
Ang tinutukoy pa niya ay ako at si Lizzie? Wait... Bakit ba niya ginaganito ang kapatid niya? Dapat pinuprotektahan niya ito.
Humawak sa braso ko si Lizzie, naagaw niya ang aking pansin. Umiling-iling siya, nagpapahiwatig na hindi ko dapat patulan ang Dollane na ito. Hindi ako nakinig kay Lizzie, kinuha ko ang french fries na nakalapag sa mesa at isinaboy ko ito kay Dollane.
"Dont you ever saying it to me," I shouted it to his face. "I'm not brainless or even your sister!"
Inaksyunan niya akong sampalin nang biglang mayroong bumato sa kaniya ng bola at tumama ito sa kanyang likod. Napasinghap ang lahat ng mga estudyanteng nasa canteen. Tiningnan ko agad ang kung sinong gumawa nito kay Dollane. Namilog ang mga mata ko nang matantong si Soo-joon ito.
Humarap si Dollane sa papalapit na si Soo-joon sa kinaruruonan namin. He is walking aggressively. Hindi ko mapigilan na mapahanga sa taglay niyang kagwapuhan habang agresibong naglalakad papalapit sa amin. Mukhang galit siya habang ako ay ngiti nang ngiti dahil sa kilig. Hanggang magkaharap na silang dalawa, parehong galit.
"Subukan mong itapat ang kamay mo sa kanya, igigisa talaga kita ng walang halong mantika." Pagbabanta ni Soo-joon.
Dinampot ni Soo-joon ang pulsunan ko. Hinila niya ako upang lumisan roon ngunit natigilan siya pati ako nang magsalita si Dollane kaya muling hinarap namin itong dalawa.
"Soo-joon... kung ayaw mong masaktan 'yang girlfriend mo, isinturon mo!"
"Ito lang masasabi ko," pabulong na intro ni Soo-joon kay Dollane. "Stay away from her!"
Muli naman akong hinila ni Soo-joon. At sa pagkakataong ito nakaalis kami sa canteen. Nang medyo malayo-layo na kami, binitiwan niya ang kamay ko at walang anu-anong iniwanan ako. Ngunit dahil gusto kong magtanong kung bakit niya iyon ginawa, sinundan ko siya hanggang locker room.
Hindi maipinta ang mukha ni Soo-joon at alam ko na ako ang dahilan nito. Binuksan niya ang kanyang locker, kinuha niya roon ang kanyang varsity uniform saka pumasok sa isang maliit na silid sa loob ng locker room. Sinundan ko siya, ganoon nalang ang sigaw ko nang makitang may mga lalaking nagbibihis roon. Dali akong lumabas habang kinakastigo ang sarili.
Gosh, boys locker room pala ang pinasukan ko!
Naghintay ako sa labas ng locker room. Ilang saglit lumabas rin siya, suot na niya ang kanyang uniform ganoon din ang kanyang mga kasama. Napahinto si Soo-joon sa'king harapan nang makita niya akong nakatayo roon sa labas. Nginitian ko ang mga kasama niyang nasa kanyang likuran, umalis rin mga ito isa-isa.
"Mauna na kami, bro..." Paalam ng huling umalis.
Tumango si Soo-joon habang nasa akin ang kanyang paningin. Sinalubong ko ang kanyang mga mata habang nagtatanong ito. "Bakit?" Malumanay na tanong niya.
"Bakit mo iyon ginawa?" Balik tanong ko. "Bakit mo ako niligtas?"
May panunuri niya akong tinitigan habang ako naman hinihintay ang sagot niya. I was so excited to hear his answer. Gusto-gusto ko talagang malaman ang sagot niya para matuldukan nang hinala ko.
"Please, answer me..." Sabi ko.
Bakit ba ayaw niya akong sagutin... Simply lang naman ang tanong ko. I just want to hear his answer. Ang damot naman nitong taong ito... Sagot lang naman ang hinihingi ko.
Iiwan niya sana ako nang hawakan ko ang kamay niya. Tiningnan niya ang kamay kong nakahawak sa kanya kasunod tumitig ulit siya sa mukha ko.
"Gusto mo ba ako? Do you love me?" Padalos-dalos kong tanong sa kanya.
Halatang nabigla si Soo-joon sa tanong ko dahil bahagyang namilog ang mga singkit niyang mga mata ngunit dali rin siyang nakabawi. Muli kong hinintay ang sagot niya, napangiwi ako nang tumawa siya. Subrang aliw na aliw siya dahil sa tanong ko.
"Don't laugh," I said, ashamed.
Buong buhay ko, sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng hiya. Hindi ako makapaniwala na natatablan rin pala ako ng hiya...
"What are you talking about?" Soo-joon grinned. "Look... I saved you because you're dad wants me to protect you." Tumingin siya sa malayo. "And he paid me."
Parang sinaksak ang puso ko ng kutsilyo dahil sa sagot niya. Lalo nang marinig ko ang kanyang huling pangungusap. Iniwan niya ako roon na lutang at kahit isang sulyap sa kanya habang papalayo siya'y hindi ko magawa. Nakayuko ako habang may isang butil na luha ang pumatak sa aking pisngi.
Napansin kong may papalapit sa akin. Sa inaakalang si Soo-joon ito na binalikan ako para bawiin ang sinabi niya... Dali ko itong tiningan na may masiglang mukha. Ngunit nang mapagsino ko kung sino talaga ito, nalukot ang aking noo.
"Bakit ka nandito?" Iritable kong tanong kay Lizzie. "Bakit ba para kang buntot na sunod nang sunod!?"
"Of course, we're best friend," she answered.
Ang kapal rin itong si Lizzie. Hindi porket sumasama ako sa kanya best friend na niya ako. Hindi ba pwedeng pinakikisamahan ko lang siya?
Hinawakan niya ako sa braso habang sinusuri ang mukha ko. Ang weird niyang tingnan. Kinuha ko ang kamay niya sa braso ko at humakhang palayo sa kanya. Sumunod rin siya sa akin.
"You're crying?" Tanong niya habang sinasabayan niya akong maglakad papunta sa comfort room. "Okay lang yan... Ganyan talaga ang lover. Minsan nag-aaway."
Nainis ako sa salitang LOVER na binigkas ni Lizzie. Marahas akong humarap sa kanya. Nabigla si Lizzie at napahinto siya sa paglalakad, ganoon din ako.
"Hindi kami lover! Hinding-hindi mangyayari yun kasi hindi ako ang mahal niya! Ikaw ang mahal ni Soo-joon! Ikaw! " Walang preno-preno kong bulyaw.
Umingay ang paligid. Tumingin ako dito, lalong naging iritable ako nang masilayan ang mga estudyanteng nagbulong-bulungan. Iyong iba hindi makapaniwala sa kanilang narinig mula sa bibig ko. Ibinalik ko ang paningin kay Lizzie, bilog na bilog ang kaniyang mga mata. Subrang gulat ang nakikita ko sa kanya.
Iniwan ko si Lizzie habang nanubig ang aking mga mata. Alam ko na hindi ko pa kompirmado na si Lizzie ang gusto ni Soo-joon pero malakas ang kutob ko na siya iyon. Hindi ako, hindi rin si Beautyfil dahil si Lizzie iyon! Nakuha ko na. Ang tanga ko! Bakit ba ako umasa na magustuhan ako ni Soo-joon?
Madadaan ang basketball court papunta sa comfort room. Nang nasa gilid na ako nang court nakita ko si Soo-joon na nasa gitna nito, naglalaro. Rehearsal pala nila para sa palaro. Tumingin siya sa akin, dali rin akong yumuko at tumakbo kung saan ako paruruon.
Pagkarating ko sa banyo, walang tao. Buti nalang dahil hindi ko na kayang pigilan ang aking mga luha. Nilock ko ang cr at doon inilabas ko ang sama ng loob. Humagulhol ako nang malakas, walang paki-alam kung meron mang makakarinig sa akin. I just really wanna cry until the pain inside my heart will disappear.
Pagkatapos ng malakas na hagulhol ko humanap ako ng tissue sa bag ngunit wala akong nakita. Humihingos-hingos ako at napagpasyahan na ang aking mga palad nalang ang gamitin kong pamunas sa mukha kong basang-basa sa luha.
Sa kalagitnaan ng pagpupunas ko ng aking mukha ay biglang may kumatok ng subrang lakas. Dali-dali kong unayos ang sarili saka pinagbuksan kung sino man ang kumakatok na ito. Kumunot ang noo ko nang makitang subrang dami ng mga estudyanteng naruruon sa labas. May lalaki pa. Iwan bakit sila naririto... Hindi naman gagamit ng banyo ang mga lalaki dito kasi may sarili silang banyo.
Tinitigan ko ang kumakatok na si Soo-joon. Alalang-alala siya, iwan kung bakit. Ang weird ng mga estudyante dito.
"Anong nangyari?" Tanong ko kay Soo-joon. "Bakit ang daming estudyante dito?"
Nagpasalin-salin ang aking paningin sa mga estudyanteng naroon. Muli kong tiningnan si Soo-joon nang bumuntong-hininga siya. Nawala na ang pag-alala na features niya ngunit napalitan ito ng madilim na mukha.
"H-hindi kamagsu-suicide?" Balik tanong ni Soo-joon sa akin.
Nalito ako sa tanong ni Soo-joon. Bakit naman ako magsu-suicide? Tika... Iniisip ba ng mga estudyanteng ito na magpapakamatay ako dahil hindi ako gusto ni Soo-joon? Ang laki ng tama ng mga ito ah!
"Of course not!" I shouted.
Pagkarinig nila sa sagot ko, dismiyado na nagsi-alisan ang mga estudyanteng nakapalibot sa pintuan ng banyo. At nang kami na lamang dalawa ni Soo-joon ang naroon humarap ako sa kanya na may malakas na loob. At siya naman, madilim parin ang mukha.
"Next time wag kang humagulhol na parang namatayan ka. Abot ang boses mo sa court." Habilin niyang sabi bago umalis.
Nagmura lamang ako. Sinira ko ang pinto at muling humagulhol. Wala akong paki-alam kung makaabot sa court ang hagulhol ko o kahit buong eskwelahan ang makarinig. Wala silang alam sa sakit na nararamdaman ko!
May muling kumatok sa pintuan. Hindi ko na pinahiran ang mga luha kong nagkalat sa aking pisngi, binuksan ko ang pinto. I was shocked when I saw Soo-joon outside. Nakatiim bagang ito na titig na titig sa akin.
"Hindi ako magpapa-"
I clipped my own words when he paused me inward. Bumilog ang aking bibig nang pumasok siya roon at nilock ang pintuan. Humakbang ako patalikod habang siyay humahakbang palapit sa akin. Walang maaaninag na ekspresyon sa kanyang mukha. At nang mapasandal ako sa pader, subrang kabog sa puso ang aking nararamdaman nang marahas niya akong kinorner roon. Inilapit niya ang kanyang labi sa akin na kinahinto ko sa paghinga sabay pikit ng mga mata.

Komentar Buku (14)

  • avatar
    Ghean De Jesus

    so great these bokk is good

    2d

      0
  • avatar
    Eiramesor Kom

    good 👍👍😊😊

    06/06

      0
  • avatar
    Rod Rod

    good writer and topic

    01/03

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru