logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

FORGIVENESS

FORGIVENESS

joan_16


CHAPTER 01:

Shamara's POV;
NAPANGITI ako ng mapait ng maabutan ko sila dad na masayang kumakain kasama ang asawa at anak nya.
Derederetso lang ako sa paglalakad at hindi sila pinansin.
"Shamara hija, hindi kaba kakain bago pumasok?", Napahinto ako ng marinig ko ang boses ni manang.
Humarap ako kay manang at tipid na ngumiti.
"Hindi napo manang", Tipid kong sagot.
Nakita ko na napatingin sakin sila dad ngunit hindi kona pinagtuunan ng pansin ang mga tingin nila sakin, bagkus ay muli akong tumalikod.
"Ate shamara, sumabay kana po samin", Napairap ako ng marinig ko ang boses ni bella.
Imbis na humarap ako ay nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang makalabas ako ng bahay.
Dumeretso ako sa garahe para kunin ang sasakyan ko.
Napangiti ako ng makita ko ang paboritong sasakyan ni Mommy.
Ito' na ang sinasakyan ko simula ng mawala s'ya.
I miss my mom.
Bago ako dumeretso sa school ay pumunta muna ako sa isang restaurant para kumain.
"Good morning ma'am Shamara",. magalang na saad ng guard sakin ng makapasok ako sa restaurant
Tanging pagngiti lang ang tinugon ko sa kanya.
Kilala nako dito dahil lagi akong kumakain dito tuwing umaga bago pumasok.
Madalang nalang akong kumain sa bahay, sa tuwing andon sila dad ay hindi ako kumakain sa bahay.
Pero kapag umalis na sila dun lang ako kumakain.
Pagtapos kong kumain ay umalis nako para pumasok.
Napahinto ako sa paglalakad ng may biglang bumunggo sakin.
'A-Ah s-sorry nagmamadali kasi ako", Hinging paumanhin ng babae.
"It's okay, be careful nextime", Malamig kong saad at nilagpasan s'ya.
"Ah sandali", Huminto ako at humarap sa kanya na may inis sa muka.
"A-Ah Daisy nga pala", Nahihiya nyang saad.
Tumango lang ako sa kanya at muling tumalikod.
Narinig kopa ang pagtawag 'nya sakin ngunit sa pagkakataong ito ay hindi nako huminto.
Hindi ko inaaksaya ang oras ko sa walang kwentang bagay.
Nang makarating ako sa room at sa dulo agad ako dumeretso.
Wala akong kaibigan dito at hindi naman big deal sakin 'yon.
At ayoko din ng may kaibigan, ayoko ng maingay.
Mabilis lumipas ang oras ay natapos na ang unang klase.
Inayos ko muna ang gamit ko bago ako lumabas ng classroom.
Imbis na sa cafeteria ako dumeretso ay sa isang garden ako pumunta.
Dito ako lagi pumunta kapag breaktime, ito' na ang tambayan ko.
Isinalpak ko ang Headset ko sa tainga ko at humiga.
Minsan hindi na ako nakakapasok dahil nakakatulog ako dito.
Kung pwede nga lang na dito nalang ako tumira at hindi nako umuwi sa bahay, ay ginawa kona.
Masarap ang simoy ng hangin dto at isa pa ay tahimik dito.
Madalang lang itong puntahan ng mga studyante.
Kaya lagi akong magisa dito, at yun ang gusto ko.
Iminulat ko ang mga mata ko ng may maramdaman akong presenya sa likod ko.
"Sino ka?", Wika ko habang nakahiga padin.
"Ate", Napabangon ako ng marinig ko ang boses ni bella.
"Anong ginagawa mo dito?", Walang gana kong tanong.
Napayuko 'sya sa tanong ko.
" I said what are you doing here? Wag mo kong artehan", Inis kong saad.
"Gusto lang kitang kausapin ate", Mahinang saad nya.
"Pwede ba kung tungkol lang 'yan kay daddy sinasayang mo lang ang oras ko, at saka pwede ba wag mokong tawaging ate, hindi moko ate, at mas lalong hindi kita kapatid", Galit ko turan at umalis sa lugar na 'yon.
Narinig kopa ang pagtawag nya ngunit hindi ko nalang s'ya pinansin.
Hindi totoo ang sinabi ko na hindi nya ako kapatid, dahil totoong magkapatid kami sa ama.
Simula ng mawala si mommy, lagi nalang akong mag isa.
Mabait sakin si bella lalo na si tita Isabelle ang bagong asawa ni daddy.
Kahit kelan hindi nila ako pinakitaan ng masama, pero alam ko mabait lang sila sakin pag nasa harapan namin si daddy.
I hate them.
Andito ako ngayon sa isang park.
Hindi nako pumasok sa lahat ng subject dahil nabadtrip ako kanina.
Sa tuwing nakakausap ko si bella at tita Isabelle puro inis at galit lang ang nararamdaman ko lalo na kay dad.
Mabait sakin si dad sobra, he always treat me like a princess before.
Masaya kaming buong pamilya noon nung nabubuhay pa si mommy. My dad is my superhero. Sa tuwing binubully ako ng mga kaklase ko dati, lagi nya akong pinagtatanggol.
Sa tuwing nagkakasugat ako, lagi nya'ng ginagamot.
Ngunit lahat yon ng bago ng mamatay si mom.
Sinisi ko kay daddy ang pagkamatay ni mommy.
Alam kong hindi ko dapat sisihin si dad, pero kasalanan 'nya kung bakit namatay si mommy.
Mabilis kong pinunasan ang luha kong nag uunahang bumagsak.
Tumingin ako sa langit at ngumiti.
I miss you so much mom.
Tatayo na sana ako ngunit nagulat ako ng may matandang nakaupo sa tabi ko.
Shit hindi ko 'sya napansin.
"Ramdam ko ang galit na nag mumula sayo hija, kita ko sa mga mata mo ang pangungulila", Wika ng matanda sabay tingin sa mga mata ko.
Ngunit hindi ko s'ya pinansin, sa pagkat ay tumayo ako at naglakad.
Napahinto ako ng may huli 'syang sinabi.
" H'wag mong pairalin ang galit hija, baka pagsisihan mo ito sa huli", Makahulugang saad nya.
Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko hanggang makarating ako sa sasakyan ko.
'h'wag mong pairalin ang galit hija, baka pagsisihan mo ito sa huli'
Inis kong pinalo ang manubela ng kotse ko ng muling sumagi sakin ang sinabi ng matanda.
F*ck
Masyado mong ginulo ang isip mo lola.
....
HAPON na ng makarating ako sa bahay.
Nagulat ako ng bumungad sakin si daddy ng makapasok ako sa loob.
Ngunit mabilis bumalik sa dati ang walang emosyon kong muka.
"Dad", Walang gana kong bati at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kwarto ko.
"Shamara", Napahinto ako ng tawagin ako ni daddy.
"Why?", Wika ko habang nakatalikod sa kanya.
"Bakit hindi ka pumasok sa mga subject mo? Tinawagan ako ng mga teacher mo, shamara", Saad ni dad
"Goodnight dad", Tanging saad ko at nagpatuloy sa paglalakad.
Narinig kopa ang pagtawag sakin ni daddy bago ko isara ang pinto.
Pabagsak kong hiniga ang katawan ko sa kama.
Wala akong ginawa pero pagod na pagod ang katawan ko.
Ramdam ko ang antok at bigat ng talukap ng mata ko.
Unti unti kong pinikit ang mata ko at hinayaan kong lamunin ako ng antok.
ZzzzzzZZzz
...
"Shamara hija, gumising kana", Nagising ako dahil sa boses ni manang.
"Hmmm", Mahinang ungol ko dahil sa antok.
"Haynako bata ka, gumising kana, hindi kapa naghahapunan", Sermon sakin ni manang.
"What time is it manang?", Antok kong tanong.
"9:00p.m na sige na, bumangon kana", Saad ni manang.
Minulat ko ang mata kong marinig ko ang pag sara ng pinto.
Lumabas nako ng kwarto ng kumalam ang tyan ko.
Napahinto ako ng madatnat ko sila daddy na kumakain sa kusina.
Napatingin ako kay manang na may pagtatanong.
Nagkibit balikat lang si manang.
Kaya wala akong nagawa kundi ang umupo sa mesa.
Tahimik lang akong kumakain habang sila masayang nagkwekwentuhan.
"Shamara, anak", Tawag sakin ni daddy.
Palihim akong napangisi ng marinig ko mula sa kanya ang salitang 'anak'.
"Why?", I said without looking at him.
"Nasabi naba sayo ng kapatid mo?", Tanong nya.
"Alin?", Saad ko at tumingin na sa kanya.
"Tungkol sa party gaganapin sa mansyon ng mga Ferrer", Paliwanag ni daddy.
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nya.
Binaling nya kay bella ang tingin nya.
"Hindi moba sinabi sa ate mo?", Takang tanong ni dad kay bella.
"Sasabihin ko na sana daddy kaso biglang nagalit sakin si ate kaya hindi kona nasabi", Mahinang sagot ni bella.
"Shamara", Madiing sambit ni dad sa pangalan ko.
"What?", Walang gana kong sambit.
Huminga ng malalim si dad bago sumagot.
Alam kong nagtitimpi lang si daddy sakin.
Tsk
" Sa makalawa may party sa mansyon ng mga Ferrer, imbitado tayo doon, at kailangang sumama ka", Turan ni daddy.
"Whatever", Inis kong saad sabay tayo.
"Shamara wag kang bastos, kinakausap pa kita", Galit na sigaw ni dad.
"Hon, hayaan mona muna si shamara", Awat ni tita Isabelle.
Malakas kong sinarado ang pinto dahil sa inis.

Komentar Buku (48)

  • avatar
    Camilia Damian

    hhhb

    30/06

      0
  • avatar
    Khate Ann Madlangbayan

    jjjj

    24/06

      0
  • avatar
    Mohammad Baquir M Ali

    good

    18/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru