CHAPTER 3 Architecture ang kinuha kong course sa college. I am currently in 2nd year college. Bata pa lang ako ay pinangarap ko nang maging Architecture. Mahilig akong magdrawing laya naman hindi ako gaanong nahirapan sa mga gagawin kong plate. May talent din ako sa pagiging creative. Walang madaling course pero kung mag-aaral at makikinig ng mabuti at intindihin ay magiging madali nalang ito. Kakatapos lang ng klase namin. Niligpit ko na ang kalat ko kanina. May pinagawa kasing plate ang Prof. namin. Hindi ako nakapagfocus kanina dahil umaandar na naman ang pagiging overthinker ko. Nang matapos ay kinuha ko ang mga gamit at nagsimulang maglakad palabas. Mangilan-ilan na lang ang mga estudyante ngayon dahil hapon na. May ibang bumabati sa akin. Ngingitian ko lang sila ng tipid. Hindi ako sanay at mas lalong hindi ako kumportable. Kilala lang naman ako dahil sa kapatid. Dahil nga sikat si ate. Hindi na nag-aaral si ate pero kilala siya ng lahat. Hindi ako katulad ni ate na kilala ang lahat. Habang nagalalakad ay narinig ko ang bulungan ng ilan sa kanila. Kung bakit hindi raw ako katulad ng ate ko. Bakit hindi ako kasing-ganda ng ate ko at marami pang iba na hindi ko na pinagtuonan ng pansin. Kahit sanay na akong makarinig mg mga husga nila ay ramdam ko pa rin yung sakit. Binilisan ko nalang ang paglalakad para hindi sila marinig. If I hadn't been a disappointment and a disgrace all my life to my family, friends, to everyone.. maybe...just maybe I wouldn't be this miserable. I probably wouldn't be a loner. People might actually talk to me every once in a while without giving me disgusted stares. If I could turn back time, I would. But I guess, some people says 'you can't escape from fate'–was right. The Italia right now was better off dead with my social life dropping to a flat line. Not that I had a social life to begin with. Saktong nasa parking lot na ako ng makita ko si Britney. Si Britney ang kaibigan ko simula pa lang senior high. Transferee siya noon wala soyang kilala maski isa. Pinaupo siya noon sa katabi ng upuan ko kaya simula noon ay naging magkaibigan na kami. Kasama niya ang ibang niyang kaibigan. Kahit na may mga ibang kaibigan siya ay hindi niya pa rin ako kinalimutan. Kaibigan pa rin ang turing niya sa akin at ganoon din ako sa kanya. Thankful ako dahil dumating siya sa buhay at naging kaibigan ko. Siya lang ang nag-iisa kong kaibigan bukod kay Ate. Nang mapatingin sa gawi ko ang isa sa mga kaibigan niya ay sinundan niya ng tingin hanggang sa makita ako. She automatically smiled when she saw me. Nagpaalam siya sa mga kaibigan niya na pupunta sa gawi ko. Nakita ko pang umirap lang sila sa kanya. Sinalubong ko si Britney ng yakap na ginatihan naman niya. Sabay kaming napahagikhik nang muntik kaming matumba. Buti nalang talaga at nahawakan ko siya ng mahigpit kung hindi naku. “I missed you, Talia!” sambit niya nang kumalas kami sa yakap. She then kissed my cheeks. Natawa naman ako sa kanya ng bahagya. “I missed you, too, Brit.” Sabi ko sa kanya. Nagkatingin lang kami sa isa’t-isa mg mga ilang minuto. Ilang araw rin kaming hindi nagkita dahil umalis sila last weekend papuntang Tagaytay. Napahalakhak kami at natatawang nagyakapan ulit. Pinulupot niya ang braso niya sa braso ko at nagpatuloy sa paglalakad. Umupo kami sa isang bench. Naghihintay sa mga sundo namin. Nang makaupo na kami ay nagtanong agad ako at nagpakwento kung anong ginawa niya last weekend. “So, how’s your weekend?” Tanong ko sa kaniya. “Well, it was fun! I enjoyed our stay there. We ate lots of foods!” Masayang sambit niya. Nagsimula na siyang nagkwento sa mga naganap sa Tagaytay. Nakangiti lang ako habang nakikinig saa kwento niya. Na-eenjoy kong panuorin ang mga expression niya habang nagkikwento. Nang matapos siya ay ako naman ang tinanong niya. “What about you? How was your weekend?” Tanong niya. Sumandal ako sa bench at pinagkrus ang mga binti at nakapanghalumbaba. “Hmm. Nothing special. Just the usual.” Walang gana kong sagot. Totoo naman kasi. Walang tao do’n sa bahay kundi ako lang. Si Daddy at Mommy ay may business trip noon. Si Ate naman ay may shoot. At ang lagi ko lang ginagawa ‘pag wala sila ay nagdadrawing lang ako ng kahit ano. She groaned. “That’s boring. You’re boring.” She rested her head on my shoulder. “I’m sleepy.” She yawned. Hindi ako nagpahalang nasaktan sa sinabi niya. Ilang beses ko na ring narinig na sinabihan niya ako ng ganyan. Kapag wala akong makwento o hindi siya interesado sa mga sinsabi ko ay iyan palagi ang sinsagot niya. Pilit na tawa lang ang naisagot ko sakanya. Hindi na ako kumibo at hinayaan siyang makapagpahinga kahit saglit sa balikat ko. Ilang sandali ang lumipas ng dumating ang sundo namin. Tinapik ko ng mahina si Britney sa balikat para gisingin siya. Dahan-dahang nagmulat ang kanyang mga mata hanggang sa mga magtama ang mga mata namin. “Nandyan na ang sundo natin.” Ani ko. Nag-unat siya sa kanyang leeg, nangalay siguro. “Nakatulog pala ako.” Sambit niya. Nagpaalam kami sa isa’t isa at sumakay na sa sasakyan. Nakatanaw ako sa papalayong sasakyan nila Britney. I sighed. Nawalan ako ng gana. Nagtungo ako sa sasakyan na naghihintay sa harap ko. Pinagbuksan ako ni Manong ng pinto at walang imik na sumakay. Tahimik lang ako sa biyahe. Mukhang napansin din ni Manong na wala akong gana kaya hindi na siya nagsalita. Nasa kalagitnaan na kami pauwi ng magtanong ako may Manong. “Nakauwi na po ba si Daddy, Manong?” Sana nakauwi na si Daddy at siya ang sumalubong sa akin para kahit papaano ay bumalik ang gana ko. “Hindi daw makakauwi si Sir ngayon, hija. Marami kasing kailangan tapusing mga dokyumento para sa bagong project ng kompanya.” Sagot ni Manong sa akin. Nang dahil sa narinig ay mas lalo lang akong nawalan mg gana. “Makakauwi po ba siya bukas?” Tanong ko ulit. Kapag hindi nakauwi si Daddy ay sa opisina siya natutulog. Minsan nga ay hindi siya natutulog dahil sa daming ginagawa para sa companya. May pinagawa siyang kwarto sa loob ng opisina kaya in case na mag-oovertime siya sa trabaho ay doon na siya makapagpahinga. Nakita ko sa peripheral vision si Manong na sumulyap sa akin at bumuntunghininga bago ulit bumalik sa daan ang tingin. “Wala siyang sinabi kung kailan. Pero makakauwi naman daw siya pero hindi rin magtatagal.” Sambit niya. I nodded. Ilang araw ang lumipas. Umuuwi si Daddy kapag may bakante siyang oras pero babalik din agad sa opisina. Umuuwi lang siya para tignan kami at kumustahin. Mas lalong naging busy si Daddy pati na rin si Mommy na tumutulong sa kanya. Si Ate naman ay busy din sa mga upcoming photo shoots niya. Minsan umuuwi lang siya para tingnan ako at babalik din agad. Nasa isaang hotel sila naglalagi para hindi hassle. Malapit rin kasi ang hotel naa tinutuluyan nila kung saan sila magpho-photo shoot. Nandito ako sa park malapit sa bahay. Nakaupo sa isang swing. Lumbas ako para magpahangin at magisip-isip. Magisip-isip kung paaano reresulbahin ang mga problema. Naghahanap mg solusyon sa mga ito. Nagababasakaling may makausap. Walang tao sa bahay kaya napagdesisyonan kong pumunta dito. Hindi ko feel na magshare ng mga problema ko kay Britney. Hindi ko alam bakit. Dahil siguro hindi niya ako maintindihan dahil wala siyang kapatid. Dahil alam ko na kailanman ay hindi pa niya naranasan ang mga naranasan ko. Dahil kailanman ay hindi pa nag-open up sakin si Britney sa mga problema niya, kung meron man siya. Hindi ko alam. Basta alam ko lang sa sarili ko na hindi ko kayang mag-open up sa kanya. Kung kay Daddy din naman ako mag-oopen up. Wala rin. Hindi rin. Busy siya palagi. Pagod siya. Ayaw kong makaabala sa kanya. May mga kaunting problema rin sa kompanya. Kaya wag nalang. At isa pa nahihiya ako sa kanya. Kahit pa Daddy’s girl ako ay nahihiya pa rin ako sa kanya. Minsan ko nang sinubukan pero hindi ko talaga kaya. Oo, nahihiya ako. Pero siguro amg rason kaya hindi ako nag-oopen up sa kanya ay dahil takot akong marinig o makita ang reaksyon niya sa mga problemang sasabihin ko. Takot akong mahusgahan niya. Hindi naman ganyang tao si Daddy pero natatakot pa rin ako. Si Mommy. Mas lalong hindi ko kayamg sabihin sa kanya kung anong mga problema ko. Takot na takot akong mahusgahan niya. Takot na takot marinig ang mga masasakit na salitang lumalabas sa bibig niya. Pagod na akong marinig ang mga sigaw niya. Naririndi ako. Nagsasawa din akong marinig na disappointed na naman siya sa akin. Nagsasawa na makita ko sa mga mata niya na dismayado siya sakin. Nagsasawang makita sa mga mata niya yung disgusto sa akin. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya yung sakit kapag nangyari yon. At kay Ate Isabella. Mas lalong hindi ko kayang mag-open up sa kanya. Ano na lang ang sasabihin niya sa akin? Na baliw ako? Nahihibang? Sino ba kasing matinong tao ang maiinsecure at maiinggit sa sariling kapatid. ‘Di ba wala. Maliban sakin siyempre. Hindj naman kasi ako matino. Baliw ako e. Hindi ko kayang sabihin na insecure at naiinggit ako sa kanya. Ayaw kong kaawaan niya ako. Ayaw kong makita yung awa sa mga mata niya. That’s the least thing that I want. Mas ayaw kong malaman niya ang mga bagay na iyan. Natatakot ako. Takot na takot. Mas maigi nang sasarilihin ko nalang tong mga problema ko sa sarili ko. Nang sa ganoon ay hindi nila ako husgahan at kaawaan. Hindi nila ako mas lalong masaktan. Ayaw ko. Ayaw kong masaktan. Napapagod na akong masaktan. Pagod na ako sa lahat. I can’t handle any more disappointment and heartbreak. Naawa na ako sa sarili ko. Pero kakayanin. Kaya ko ‘to! Problema ko ‘to. Kaya ako rin ang makaaresulba nito. Hindi ko kailangan ng ibang tao. Pero aaminin kong nafufrustrate ako dahil wala akong mapagsabihan ng mga problema ko at ang mga nararamdaman ko. Sapat na ang sarili ko. Kaya ko ‘to! Ako pa ba. Si Italia kaya ako. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa swing. Nilagay ang buhok na nalipad sa mukha dahil sa malamig na hangin sa likod ng tenga. Nagsimula akong naglakad patungo sa bike sa gilid ng puno. Pinahid ko ang mga natuyong luha sa pisngi. I heaved a deep breath and smiled to myself. Huminto ako sa pagpedal ng bike sa harap ng café. Then, suddenly a flashback of last Friday night flooded my head. Kaya ba namumula ang pisngi, tainga, at leeg hanggang dibdib niya dahil do’n? Ang halay naman pala nitong lalaking to. Namimilog ang mga matang nakatingin ako sa kanya. Napatakip pa kunwari ako sa bibig. Sinabayan ko pa ng turo ng isang daliri ko sa kanya pars mas lalo siyang asarin. Namumula pa rin siya naang tingnan niya ako ng masama. Kung nakakamatay lang ang tingin niya, panigurado pinaglalamayan na ako nila Daddy. “Naturn-on ka?!” Sigaw ko sa kanya. “What?! N-No! What a-are you t-talking about?” Pagmamaangan niya. Nautal pa siya habang sinasabi iyon. Tumikhim pa siya ng ilang beses. Iniwas niya ang tingin at napapalunok. “What? W-What?!” Naiilang na tanong na naman sa akin. Hindi pa rin siya makatingin sa akin. Binababa ko na ang kamay ko. Sumandal sa likod ng upuan at pinagkrus ang mga braso. Nakapangulambaba akong nakatingin sa kaniya. I smirked. “Asus nahiya pa. Aminin mo na kase. Hindi naman ako magagalit. Matutuwa pa nga ako e.” Sambit ko sa kanya. Kinumpas pa ang kamay para ipakitang wala lang yun sa akin at hindi ako galit. “Shut up!” Halos pasigaw na sabi niya. Napatingin ang ibang tao sa gawi namin dahilan para magbaba siya ng tingin. Mas lalo siyang namula. Doon na ako natawa sa kanya. Ang cute niya. Nakakrus ang mga brasong nakasandal sa upuan habang nakakunot ang noo. Hindi mapinta ang sama ng kanyang mukha. Gumagalaw pa ang panga halatang kinakalma ang sarili na hindi magalit. Mas lalong sumama ang tingin niya sa akin. Mas tinawanan ko lang siya dahil sa nakita kong reaksiyon niya. Asar na asar sa akin. Mukha siyang bata na hindi nabigyan ng pamasko ng ninang. “Cute mo.” Wala sa sariling sabi ko sa kanya. Hindi ko na nakita ang reaksyon niya sa sinabi ko dahil tumayo na ako at nagmamadaling umalis. Napapangiti na lang ako kapag naalala ko yon. Nang dahil sa naalala ay medyo gumaan ang pakiramdam ko. Ramdam ko pa rin ang sakit pero kahit papaano ay nabawasan. Pumasok ako sa café at nag-order. Um-order lang ako chocolate cake at juice. Ilang sandali lang rin ay nakuha ko ang in’order at naghanap ng mauupuan. Nilibot ko ang paningin sa buong café. Maaliwas at malinis. Mabibilang lang sa daliri ang taong nandito. Maraming bakante. Hinanap na mga mata ko ang pwesto malapit sa window glass. Nagbabasakaling nandoon yung lalaking nakausap ko noong nakaraang biyernes. Hindi ako nabigo. Nakita ko siya. Napangiti ako. May sarili atang utak ang paa ko dahil kusa itong naglakad papunta sa pwesto niya. Nakita ko nalang ang sarili na nakatayo sa harap niya. Naramdaman niya siguro ang presensya ko kaya nag-angat siya ng tingin. My heart beats faster when our eyes meet. I unconsciously tightened the grip on the plate. I smiled a little at him. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. “Hi. Nandito ka ulit.” Bati ko sa kanya na may pag-aalangan. Nakita kong akma niyang pagbuka ng bibig, magsasalita na sana. Naitikom na lang niya ang bibig ng makitang nakaupo na ako. Napailing-iling siya at binalik ang tingin sa binabasa. Hinanda at inayos ko ang pagkain. Umayos ako ng upo at kinuha ang tinidor. Akmang susubo na ako ng marinig ko siyang magsalita. “Why are you sitting here? Marami namang bakanteng lamesa.” Tanong niya na hindi inalis ang tingin sa binabasa. Binaba ko ang tinidor at tinignan siya. Nakasuot ng white plain t-shirt at black pants. Suot-suot din niya ang eye glasses. Seryoso siya masyado sa pagbabasa. I sighed. Kinuha ko ang tinidor at sumubo ng cake. Inubos ko muna iyon bago sumagot sa kanya. I licked my lips. “I don’t know. Siguro gusto ko lang ng may kasama.” Sagot ko. Totoo yon. Hindi ko alam ba’t ako nakiupo sa mesa niya. Totoo din yung hindi ko gustong mapag-isa. Kahit ngayon man lang ay maranasan kong hindi ako nag-iisa. Lagi nalang ako nag-iisa. Sobrang lungkot kapag nag-iisa. Araw-araw ko naranasang mag-isa kaya sana man lang ngayong gabi, makaranas din ako na may taong nandito para sa akin. Na ipaparamdam na hindi ako nag-iisa. Narinig at naramdaman niya siguro yung lungkot sa boses ko kaya napaangat ang kanyang tingin. Niligpit niya ang mga binabasa kanina. Umayos siya ng upo. Sumandal sa upuan at pinagkrus ang mga braso at tinitigan ako. He looked intently at me. Yung tingin na may hinahanap kung anong mali. Yung tingin na tumatagos hanggang kaluluwa. I stared back at him. Ilang segundo ang tumagal sa pagtitigan namin hanggang sa nag-iwas ako ng tingin. Para akong napapaso sa paraan ng pagtingin niya. Hindi ko kayang matagalan. Para akong hinihigop. “Are you okay?” He softly asked. Naang dahil sa tanong niyang iyon ay bumuhos ang luha ko. No one has ever asked me that. Ever. I didn’t know that that question can make me breakdown. Parang gripo na umagos ang mga luha sa mata ko. Nagsimulang yumogyug ang mga balikat ko. Humagulhol ako. Walang pakialam sa mga taong makakita. I saw how his eyes widened when he saw me breakdown. He tried to touch me but he stopped. Hindi ko siya pinansin at patuloy pa rin sa paghikbi. Yung frustration, disappointment, galit, awa, at sakit na naramdaman ay bumalik. Hindi ko kayang maitago ang mga iyon ngayon. Hindi ko napigilan. Mas lalo lang bumuhos ang luha ko. Tinakpan ko aang mukha at doon humikbi. “Shh…Tahan na."
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
fene ieoo3a
21/12/2024
0thst good
04/11/2024
0good
13/10/2024
0Lihat Semua