logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 3

A writer's journey will always be a curve line, there are ups and downs, mayroong inspirasiyon pero minsan mayroon din namang discouragement. Sometimes writers can write in just one sitting but there are also this moment that we suffer from writer's block.
kagaya nalang ngayon, hindi ko alam pero imbes na mawala ako sa mood ay mas nakakasulat pa ako ngayon, kahit naaalala ko 'yong sinabi ni Astrid kanina. Sometimes destructive words can make us inspired too, proven by me of course. Umabot ako sa target word count ko in one chapter, that is 5k words, I guess mas lalo akong naging masigla sa pagsusulat this time, because I want to prove people that even underrated writers is good too.
I heard a knock on my door kaya tumigil muna ako sa pag-type at binuksan ang pinto. It's my mom.
“bakit po ma?” tanong ko nang makita siya. Pumasok ito sa kwarto ko at umupo sa kama. Tumabi naman ako sa kaniya, alam kong may gusto siyang sabihin.
“ano po 'yon?” I asked again.
“anak, alam mo namang may sakit ako 'diba?” sambit niya, napayuko naman ako dahil sa sinabi nito.
“alam ko po 'yon, 'wag nalang nating pag-usapan 'yan okay?” sagot ko nang hindi nakatingin sa kaniya. Hinawakan ni mama ang kamay ko kaya tumingin ako sa kaniya.
“sabi ng personal doctor ko, na chief ng hospital, kailangan ko na daw na maoperahan dahil habang mas tumatagal ay mas lalo akong nanghihina, at sa Canada gaganapin ang operasyon dahil gusto ng papa mo na ang mag o-opera sa akin ay isang expert surgeon.” napakunot ang noo ko dahil hindi kaagad nag sink-in sa akin ang sinabi ni mama.
“alam kong magiging successful ang operasyon.” saad niya ulit nang mapansing naguguluhan ako.
“ibig po ba sabihin, aalis kayo? pero mama—” sasagot pa sana ako ngunit nauna na ito.
“gusto ko lang ingatan mo ang sarili mo, sumunod sa payo ng iyong ate habang wala kami.” this time ay napaiyak nalang ako sa sinabi niya, niyakap niya naman agad ako para pakalmahin.
“ayoko po, hindi ko alam kung paano haharapin ang araw na hindi ko kayo nakikita mama.” mas lalo akong humagulhol. Hindi ko kaya.
“madali lang naman anak, konting pagkakataon lang naman, at pagkatapos magkikita ulit tayo.” ika niya para tumahan ako.
“pero, gusto ko pong makita na magaling na kayo, kaya kakayin ko muna kahit hindi madali, kayo naman po magpalakas kayo ng katawan ha?” tumango-tango naman si mama at agad na kumalas sa pagkakayakap.
nang lumabas siya sa kwarto ko ay do'n ulit ako napaiyak. ayoko siyang umalis, but I need to let her kasi alam kong para ito sa kaniya. Mahirap lalo na't maiiwan kami pero ayos lang basta't makita ko muli siya na magaling na.
I wrote another chapter again, maybe writing is really a way for me to escape the feeling I felt right now. Oftentimes I can't write due to the lack of idea and sometimes because I just don't feel being a writer.
pasado alas diyes na ng gabi ako natapos sa pagsusulat. I decided to eat my dinner kaya lumabas muna ako ng kwarto at pumunta sa kusina. Tulog na sina mama, hindi ko rin namalayan na nakauwi na si papa at ate.
I was scrolling down my phone while eating, pero may bigla nalang humablot sa phone ko, which is ate.
“huwag ka ngang mag cellphone habang kumakain.” sambit niya. “or, other way around.” dugtong nito saka nilagyan ng gulay ang bowl at binigay sa' kin.
“ate, sinabi na ba ni mama sa' yo?” tanong ko pertaining about moms treatment on Canada.
“yep, kailangan nating pumayag para sa kaniya.” seryosong sabi nito habang nakatingin sa phone ko.
“how to treat heart disease without having an opera?” napakunot ang noo nito nang binasa ang sinearch ko sa google. As much as possible kasi ayoko nang umalis siya.
“you know, that kind of disease can't easily be treated. Mama needs it badly, at saka nandito naman ako, e' ” ate said. I just smiled a bit at pinagpatuloy ang pagkakain. There are times that we need to choose between things talaga e 'no? We can't avoid to be stucked between things, well that's precisely a part of life.
limang araw na rin simula noong umalis sina mama. Hindi parin ako nakakapag adjust, hindi ako sanay. Parang kina-career ko na yata ang pagiging alone. Si ate, gabi na kung umuwi dahil sa trabaho niya na napaka hectic, tapos maaga naman siyang umalis. Though, hindi niya nakakalimutan na magsulat sa sticky note to remind me of things. This past few days, minsan nalang talaga kami nagkakatagpo, minsan pinipilit kong labanan ang antok para lang hintayin siya sa gabi. Just to be able to see her for a moment.
I closed my laptop and called Nephtalie. Busy rin ang isang 'to dahil palagi siyang sinasama ng mga magulang niya in ther business meeting. I hope she's available now.
“let's go out, busy ka parin ba?” I asked.
“bes, pasensya na talaga ah? wala kasi ako sa bahay dahil sinama ako ni mama sa office niya to meet someone. Mukha ngang sinasanay niya na ako sa pag handle ng business. ” saad niya naman sa kabilang linya. They're rich at isa pa only child siya, walang ibang magmamana ng company nila kundi siya lang.
“it's okay bes. Just don't stress yourself talaga, mahirap na.” I said. Hindi narin kami nakapag-usap nang matagal dahil tinawag siya ng mommy niya.
lumabas nalang muna ako ng bahay at naglakad-lakad. ngayon ko lang naramdaman na parang walang kakilala. Ang boring naman yata ng buhay ko?
habang naglalakad ay nakita ko ang isang pamilyar na lalake 'di kalayuan.
“ heyy, ikaw pala.” he spoke when he turned his gaze on me.
“yes, hi again, Zenrick.” sagot ko naman, but he chuckled.
“simply, Zen. You're too formal,” napataas ako ng magkabilang balikat. “okay, Zen.” saad ko.
“What were you doing here, bakit mag-isa ka.” tanong nito.
“Nothing, just boredom busy kasi si Neph.” napatango ito sa sinagot ko.
“street foods tayo?” anyaya niya sa' kin. Hindi narin ako umayaw pa kasi pagkain naman talaga ang pakay ko.
“ano ba ang orange na 'yan?” bahagya akong natawa sa tanong niya. Halatang rich kid din ang isang 'to.
“kwek-kwek 'yan. Pero hindi ako kumakain niyan e', gusto mo?” akmang kukuha ako ng isa pero pinigilan niya ako. Hmm? hindi talaga siya sanay, kunwari pa ang isang 'to.
“fishball nalang ako.” sambit niya at bumili ng 20 pesos na fishbal tapos nilalagay sa cup dahil hindi kasya pag mini paper plate lang .
“fries at saka fishball narin po, 20 din.” ani ko at nagbayad. Na curious ako sa tingin ni Zenrick kaya napataas ako ng kilay.
“malakas ka palang kumain, pero hindi ka naman tumataba.” ika niya. Napahampas tuloy ako sa balikat niya nang wala sa oras.
“advantage narin 'to, loko.” sambit ko, sabay naman kaming napatawa.
Probably, hindi ako naging masaya kung wala siya ngayon dito. Salamat sa kaniya, sandali kong nakalimutan ang mga problema ko. Oo mabait pala talaga siya. I didn't bother to ask him kung bakit nandito siya malapit sa lugar namin, pero sa tingin ko bumisita na naman ulit sita kay Astrid kaya siya nandito.
I don't know if we're friends. I guess, yes? but I'm slowly getting interested about him.

Komentar Buku (4)

  • avatar
    Joshua Quierre

    Good story

    06/08/2023

      0
  • avatar
    Ariaaaaan

    Support! Keep on writing. More stories to come 🥺❤️

    04/05/2022

      0
  • avatar
    JungcoJohn

    good story

    03/05/2022

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru